"Bakit ka nga ba talaga bumili ng mga iyan?" patuloy pangungulit sa'kin ni Lecia. "Iyong totoo ha!" Nakarating na kami sa BoatHouse Restaurant pero ayaw niya pa rin akong tantanan tungkol sa tarts at buko pie kong binili kanina. "Para sa'yo nga iyan, bigyan mo rin si Devine," pag-uulit ko sa naging sagot ko sa kanya kanina. "Hindi nga ako naniniwala," paingos niyang sabi. "Eh, 'di huwag," pahinamad kong sagot. Isang floating restaurant ang BoatHouse at kinakailangan naming sumakay sa service nilang bangka palapit sa mismong restaurant. Nasa kabilang bahagi ito ng isla malayo sa kung saan itatayo ang underwater mall. Karaniwang establishment na nakapaligid dito ay mga bar at mga kainan. Malayo rin ito sa resident area ng isla pero mas malapit sa The Guest House hotel at syempre sa