Si Devine ang tumawag ng maghahatid ng mga gamit ni Lecia sa Guest House. Meron na rin kasing inilaang silid para sa kanya roon. Hindi pa man lumapag sa isla ang sinasakyang private plane ng bawat guest o kung mas trip nitong sa private yacht sumakay papunta rito ay may naghihintay na itong tutuluyan sa Guest House. Depende rin kung ang nag-imbetang member ang personal na mag-aasikaso ng accomodation o ang mga designated staff na nagtatrabaho mismo sa Isla Buencamino. Pwede rin naman mag-request ang guest na palitan iyong room na inihanda para sa kanya. Iyong iba kasi ay mas gustong tumuloy sa The Cottages dahil mas malapit iyon sa beach na isa sa mga atraksiyon nitong isla. Kapag matapos na ang underwater mall ay mas accessible iyon sa mga tumutuloy sa The Cottages. May kalayuan man s