"Anong ginagawa mo rito?" salubong kong tanong kay Lecia nang makalapit ako sa kanya. Hindi ko na nga binigyang pansin ang pagbati ni Bianca dahil diretso kong nilapitan ang kapatid at pasimple itong inilayo sa karamihan upang kausapin nang sarilinan. "Ako iyong pumalit kay Mr. Octavio," nakanguso niyang sagot. Si Mr. Octavio ay ang executive officer na nakatakda sanang sumama ngayon kay Bianca at may oversee ng gagawin ngayong preparasyon at pamunuan ang final presentation para sa pormal na approval. Saglit kong sinulyapan ang ilang mga empleyadong kasama nila. Hindi gaanong pamilyar ang mukha ng mga ito. Maliban kay Bianca ay mukhang mga baguhan ang kasama nila. "Ano palang nangyari kay Mr. Octavio?" aburido kong tanong. Alam naman ni Daddy na maaaring may panganib kaming kakaharap