Tulad nga nang inaasahan ko ay hindi nalalayo sa mansion na pagmamay-ari ng lola ni Trey ang sariling bahay ng mga magulang niya. Iyong unang event na dinaluhan ko kasi no'ng nakaraan ay sa bahay ng matandang si Bella ginanap. At ngayon naman ay nandito ako sa bahay ng mga magulang ni Trey kung saan siya lumaki kasama ang dalawa niyang kapatid na babae na inaasahan kong makadaupang palad ngayong gabi. "Ibang level din talaga ang bahay ng isang Buencamino," pabulong na sabi sa'kin ni Kylie nang pasimple itong lumapit sa'kin habang papasok kami sa main foyer ng mansion. Pareho kaming tahimik na naglalakad pasunod kay Trey. Sinadya kong humiwalay sa kanya dahil ayokong holding hands kami kapag humarap ako sa pamilya niya. Kaya kong harapin ang mga ito nang mag-isa. Narinig ko ang mahinan