Pagkababa namin ng lobby ni Lecia ay siya namang pagpasok ni Trey sa entrance ng hotel. Saglit pa akong natigilan at napakurap-kurap dahil sa biglang pagkabog ng puso ko. Ewan ko kung dahil ba 'to sa nararamdaman kong uneasiness para magaganap na dinner o dahil ito sa lakas ng presensya ni Trey. Pormal na pormal ang ayos nito sa suot na long sleeve polo na nakatupi sa bandang siko. Nakabukas ang ilang butones sa bandang dibdib nito kaya ilang sandali ring napako roon ang mga mata ko. Nang mahamig ko naman ang sarili ay ang gwapo niya namang mukha ang napansin ko. Sa sobrang subsob ko sa tinitingnan ay hindi ko na nga namalayaan kung paano siya nakalapit sa'kin. Iglap lang ay nasa harapan ko na siya at simpatikong nakangiti sa'kin. "Hello, Babe," malambing niyang bati sa'kin na para b