Selena's POV
Ilang beses na akong napabuga ng hangin habang nakatitig sa makapal na libro sa aking harapan. May quiz kami kinabukasan sa subject ni Dominique kaya kailangan kong mag-aral.
You will get my number in exchange for getting the highest score in my class.
Isang malalim na buntong hininga na naman ang nagawa ko.
"Hoy, ang lalim naman non. May problema ka ba?" Tanong ni Nami sa akin dito sa tabi ko.
"Ayos lang naman," sabi ko sabay sarado ng librong nakabuklat sa aking harapan atsaka kinuha ang notebook ko.
Bwiset talaga! Kung hindi lang para sa pinsan ko, hindi ako magpapakapagod at magpapakalunod sa makapal na librong 'to. Dinaig ko pa mga scholars sa sobrang tagal kong tumambay sa library.
"Kain muna tayo, Selena, nagugutom ako eh. Punta tayo sa canteen." Kinuha na ni Nami ang mga libro niya atsaka isa-isa itong pinasok sa loob ng kanyang bag.
Umiling ako atsaka nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook ko ng isang equation.
"Sineseryoso mo na talaga pag-aaral mo eh noh? Kung ganyan ka na kasipag mula pa nong mga 1st year college tayo, hindi ka sana maghahabol ngayon para makakuha ng mataas na marka." Naiiling na sambit ni Nami. Napabuga na lang ulit ako ng hangin.
Hindi naman kasi 'yon ang totoong rason. Kailangan kong makakuha ng mataas na marka para lang makuha ang personal number ni Dominique. Kainis talaga eh!
"Oh s'ya, nagugutom na talaga ako. Magtext ka sa'kin pag tapos ka na ha? Sabay na tayong umuwi, hindi ako susunduin ni Dad eh." Tumango ako sa kanya kaya tuluyan na itong umalis.
Inabot pa ako ng ilang minuto hanggang sa makaramdam ako ng pagvibrate sa aking bulsa. Kinuha ko 'yon at binasa ang isang text message galing kay Lucas.
Bleachers @ 4:30pm
Kumunot ang noo ko sa aking nabasa atsaka tinignan ang orasan sa aking phone. 4:25 na ng hapon.
Tinext ko siya ulit at sinabihan na hindi ako pwede dahil pupuntahan ko pa si Nami sa canteen.
Niligpit ko na ang aking mga gamit atsaka isinakbit ang aking bag sa aking balikat bago tuluyang lumabas sa library. Nagvibrate ulit ang phone ko kaya tinignan ko 'yon.
Hinatid na siya ni Wyette. Bilis! Pumunta ka na rito.
Napairap ako bago binulsan ang aking phone atsaka dumiretso sa bleachers dito sa soccer field ng Wilksven. Kaagad kong tinungo ang direksyon ni Lucas nang makita ko ito.
"Sese!" Sigaw niya sabay kaway sa akin sa ere. Una kong napansin ang dalawang kape na hawak niya. Biglang kuminang ang mga mata ko nang mapagtantong iced coffee ang dala-dala niya.
Sobrang gusto ko ang kape, ang amoy ne'to, ang lasa, kahit na ang mismong lalagyan. Lahat tungkol sa kape ay gusto ko. Masarap din akong magtimpla ng kape kaya nong nag-ibang bansa ako ay nasa isang cafè ako nagtatrabaho.
"Para sa'kin ba yan Lucca?" Nakangisi kong tanong atsaka kinuha kaagad ang isang iced coffee sa kanyang kamay.
"Oo naman," wika niya atsaka inilahad ang kanyang kamay sa akin. Nagtataka ko itong tinignan.
"175 pesos lang yan." Napabusangot ako sa sinabi iya. Nang makita niya ang reaksyon ko, kaagad itong napangisi atsaka umupo sa bleachers.
"Biro lang, inumin mo na yan." Umupo na rin ako sa kanyang tabi atsaka ininom ang kape. Sarap! Parang sumigla bigla ang katawan ko mula sa isang oras na pag-aaral sa library.
"Nga pala may sasabihin ako." Nilingon ko si Lucca nang magsalita ito ulit.
"Ano yun?"
"May tournament kami sa susunod na sabado. Gusto mong sumama?"
"Saan naman?"
"Sa kabilang university." Napaisip ako kung may lakad ba ako o kaming dalawa ni mama sa susunod na sabado o wala.
Lucca is patiently waiting for my response while looking at the vast land of this soccer field.
"Sige, sasama ako." Hindi rin ako nakapunta sa kahit anong klaseng tournament pa yan, kaya first time kong makakadalo sa susunod na sabado.
"Talaga?!" Nakangiting saad ni Lucca sa akin dahilan upang mapatango ako sa kanya.
"At dahil diyan, hindi ko na sisingilin ang bayad mo sa kape."
"So, hindi to libre?"
"Hindi noh, ano ka? Sinuswerte?"
"Walangya ka." Tumawa si Lucca na ikinairap ko. Alam na alam niya talaga kung paano ako mapa-oo.
Isang kape lang, ayos na ang mood ko.
Hinatid kaagad ako ni Lucca sa amin kaya nakatipid ako ng pamasahe. Inaya naman siya nina Papa at Mama na rito kumain ng hapunan sa amin pero tumanggi ito dahil may family dinner din daw siyang pupuntahan.
Dumiretso na ako sa aking silid atsaka binuksan ang aking laptop. Nagcheck kaagad ako ng emails dahil minsan, may natatanggap akong email galing sa instructors ko lalo na pag via online ang pasahan ng activities namin.
Kumunot ang noo ko nang may mabasa akong bagong email.
From: domlakegutierrez@****.com
Send me your notes ASAP.
Luh? Paano niya nakuha ang email ko? Tsaka anong notes ang pinagsasabi ne'to? Notes ko ba sa subject niya?
Dali-dali kong kinuha ang ilang notebooks ko atsaka yun binuklat bago kinuha ang aking cellphone.
Kukunan ko na sana 'yon ng litrato nang mapatigil ako.
Teka lang, hindi dahil guro ko siya ay mapapasunod na niya kaagad ako ng ganon-ganon lang, ano siya sinuswerte?
Tsaka bakit hinihingi niya notes ko? Ngayon lang ata ako nakarinig ng isang gurong nagpapasend ng notes mula sa studyante niya. Hindi ko nireplyan ang email ni Dominique atsaka ito nilagay sa trash.
Taas kilay kong sinara ang aking laptop atsaka ngumisi bago tuluyang natulog.
"T-TWENTY-five over s-sixty?!" Hindi makapaniwala kong saad sa sarili habang hawak-hawak ang test paper sa aking kamay.
"Twenty-five ka? Twenty-six ako." Napatingala ako sa itaas at don ko nakita si Nami na sumisilip sa akin mula sa kabilang cubicle. Nasa loob kami ng restroom ngayon.
Ni hindi man lang nakaabot ng kalahati sa overall score.
Diyos ko, kaya po pa bang magtapos sa kusong 'to?
You will get my number in exchange for getting the highest score in my class.
Napapikit ako ng madiin atsaka isinandal ang aking ulo sa cubicle. Lestugas! Pinapahirapan talaga ako ng Dominique na 'yon.
Inis kong ipinasok sa aking bag ang test paper atsaka tuluyan ng lumabas sa restroom. Salubong ang dalawa kong kilay habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng engineering building. Nakasunod naman si Nami sa likuran ko.
"Akala ko mataas na marka ang makukuha mo ngayon, Selena. Eh puspusan kaya yung paghahanda mo sa test natin ngayon."
"Akala ko rin. Akala lang nating dalawa, Nami," wika ko sa kanya. Liliko na sana kami sa kanan nang mapahinto ako bigla.
Nakita ko ang isang matangkad at mestizong lalake sa dulo ng hallway habang may kausap na babaeng estudyante mula rin sa engineering department.
Halata sa mukha ng babae na nahuhumaling siya sa mukha ng propesor na kanyang kaharap.
Napalingon sa direksyon ko si Dominique habang may hawak na papel sa kanyang kamay. Nang magtama ang tingin naming dalawa, awtomatikong naningkit ang mga mata ko nang ngumisi ito sa akin.
Tingin pa lang, alam kong nang-aasar na ang kutong lupang 'to.
He's giving me the try-again-harder-if-you-want-my-number look. Potangina niya talaga! Sarap sigawan sa mukha eh.
Inismiran ko siya bago tuluyang naglakad ulit. Hindi naman nakatakas sa aking ang pagbungisngis ne'to na mas ikinairita ko.
Bwiset na Gutierrez, isang malaking peste sa buhay ko.
HINDI naging maganda ang mood ko matapos ang klase ni Dominique. Mas lalo akong namomoblema kung paano ko makuha kaagad ang numero niya bago sumapit ang kaarawan ni Ashley.
Kung hindi lang para sa pinsan ko, hindi ko gagawin ang lahat ng 'to.
Pero kahit na ganon, alam kong kailangan ko rin talagang makakuha ng matataas na marka sa klase ni Dominique dahil kung hindi, hindi ako makakasama sa makakagraduate ngayong taon.
Napabuga ako ng hangin habang nakatitig na naman sa makapal na libro sa aking harapan. Nasa loob na naman ako ng library ngayon at pilit na nag-rereview sa mga tanong kung saan ako nagkamali.
Nasa pinakadulo ako ng library kaya walang ibang estudyante rito banda kundi ako lang. Umuwi na rin kasi ang iba, ganon din sina Wyette at Nami, habang nasa pratice naman si Lucca ngayon.
"I told you to send me your notes." Napaderetso ako ng upo at ang kaninang inaantok kong diwa ay bigla na lang nabuhayan nang marinig ko ang napakapamilyar na boses niya
"Anong ginagawa mo rito?" Salubong ang kilay kong wika sa kanya.
Nakasandal si Dominique sa isang shelf sa gilid habang nakahalukipkip bago siya umayos ng tayo. Napatingin siya kaagad sa makapal na libro, ilang notebook, at ang mismong test paper sa klase niya kanina sa harapan ko bago siya napatingin sa akin.
"Just checking one of my students." Napairap ako sa sinabi niya.
"Hindi ko kailangan ang simpatya mo," suplada kong sagot bago hinarap ang libro ko. "Makakaalis ka na SIR Gutierrez, tapos na po ang trabaho niyo hindi ba?" Dagdag ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"The library is about to close in less than 30 minutes, nasa dulo ka pa. If I were you, I will transfer in the table near the librarian. You don't want to get stuck overnight here, don't you?" Yan na siguro ang pinakamahabang nasabi niya sa akin matapos ang ilang taon.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya atsaka nilingon ito.
"Pwede bang umalis ka na? SIR?" Nakatayo lang ito habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.
Nagtitigan kami ng ilang segundo bago siya napabuntong hininga atsaka naglakad papalapit sa akin.
Awtomatiko kong naiatras ang aking pang-itaas na katawan nang yumuko at i
inilapit ni Dominique ang kanyang mukha sa akin bigla.
"Do you really hate me this much, Selena?" Mahinang wika niya na halos ibulong na ne'to.
"I'm not the bad guy here, you know? I'm just trying to help you." Napakurap ako bago niya inilayo bigla ang kanyang mukha sa akin.
May kinuha siya sa kanyang bulsa atsaka 'yon inilapag sa mesa habang nakatingin sa akin. Nakatingala naman ako sa kanya habang nakahawak ng mahigpit sa silya.
Tinalikuran niya kaagad ako atsaka naglakad papalayo sa aking pwesto nang bigla itong huminto bago ako nilingon ulit.
"Seryoso ako, umuwi ka na ngayon din. I'm telling you this not as someone you loathe but as your professor." Deretso naman ako napatingin sa mga mata niya bago siya muling magsalita.
"Have some rest, you need it." And just like that he stormed out of the library and left me.
Hindi ako gumalaw at nanatili lang na nakatingin sa pwesto kung saan ko siya huling nakita bago napatingin sa papel na nilagay niya sa ibabaw ng mesa.
Nang buklatin ko ang papel ay kaagad kong napagtanto na ito ang answer key ng test paper namin kanina na hanggang ngayon ay pilit ko paring sinosolve ulit para makuha ang tamang sagot.
May note sa dulo kaya binasa ko 'yon.
I always saw you in the library studying, keep it up but don't burn out yourself.
-Mabait na nilalang, Dom
May maliit na post it note sa likod ng papel kaya tinignan ko 'yon. And to my surprise, I saw his personal phone number.
Muli kong tinignan ang note sa dulo ng answer key na ibinigay niya sa akin at hindi maiwasang mapangisi hanggang sa tuluyan akong napangiti.
Mabait na nilalang ampota...