1. Give Me Your Number

2682 Words
Selena's POV "Sese!" Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin. Mula sa pagtakbo ay unti-unti na itong lumalalakad papunta sa aking direksyon bago ako inakbayan. Napangiwi ako dahil pawis na pawis ito galing pa sa practice. "Ano ba, Lucca! Magpunas ka nga ng katawan." Nandidiri kong saad bago ito tinaggal mula sa aking balikat. Hindi naman siya maamoy kung pagpapawisan, sadyang ang lagkit-lagkit lang talaga sa pakiramdam. "To naman, parang di na nasanay." Rinig kong wika niya bago kinuha ang towel mula sa kanyang sports bag atsaka nagpunas. "Pauwi ka na ba? Hatid na kita. Saktong maaga rin kaming pinauwi ni coach," wika niya. "Hindi na, kaya ko naman eh. Tsaka may pupuntahan pa ako." Nilingon ako ni Lucca na salubong ang dalawang kilay. "Saan naman?" "Dami mong tanong." "Sagutin mo na lang ako." "May date ako." Kaagad na hinawakan ni Lucca ang aking braso atsaka ako pinatingin sa kanya na ikinainis ko bigla. "Ano? Sino naman?" "Basta." "Sese naman--" "Masyado kang chismoso alam mo ba yun? Tabi nga, malelate na ako." Nilagpasan ko siya matapos kong bawiin ang braso ko mula sa kaibigan ko. Wala ngayon sina Wyette at Nami dahil nauna na silang umuwi, may tinapos kasi ako kanina sa loob ng library. "Selena!" Rinig kong sigaw ni Lucca ngunit kinaway ko lang ang aking kamay sa ere nang nasa labas na ako ng gate. Dali-dali akong nagpunta sa sakayan ng bus atsaka pumara ng masasakyan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang may bakante pang upuan sa loob, akala ko kasi ay tatayo na naman ako buong biyahe. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone atsaka tinext ang pinsan kong si Ashley, nasa Maynila na kasi siya ngayon at nagtatrabaho na. Same age lang kaming dalawa pero dahil nga sa nangyari sa akin noon, nahuli ako ng panahon. Bumaba na kaagad ako ng bus nang marating ko na ang aking destinasyon. Dali-dali akong naglakad habang nakatingin sa aking telepono dahil paniguradong salubong na naman ang kilay ni Ashley. Late na late na kasi ako. "Aray! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo." Mataray kong saad nang mabunggo ako ng isang matangkad na lalake. Nang lingunin niya ako, muntikan akong mawalan ng balanse. Ba't may ganitong klaseng nilalang ang nagpakalat-kalat sa daan? Hindi nababagay ang gwapo niyang mukha at matipuno niyang tindig sa kalye. "I'm sorry miss, nagmamadali na kasi ako." He said and gave me his apologetic smile. Kaagad akong umiling atsaka ngumiti sa kanya. Ngayon lang ulit ako napopogian sa isang lalak--teka lang, ba't pamilyar ang hitsura niya sa'kin? Sobrang pamilyar talaga, parang nakita ko na siya noon. "Hindi naman, okay lang. Pasensya ka na rin, nagmamadali rin kasi ako." Tumango ito sa akin atsaka ngumiti bago ako tinalikuran atsaka naglakad na ulit. Napabusangot ako dahil hindi man lang hiningi ang number ko, nubayan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marinig kong tumunog ang aking telepono. Napamura ako bago dali-daling naglakad papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Ashley. "SORRY na nga diba?" wika ko nang hindi ako lingunin ni Ashley. Meron ata 'to ngayon eh, sobrang hirap pa naman niyang makausap kapag ganito. "Uy, Ashley..." Sinundot ko ang tagiliran ne'to dahilan upang mapalingon siya kaagad sa akin. Ngumisi ako sa kanya kaya hindi niya maiwasang mapangisi na rin. "Ilibre mo talaga ako ng fishball." Napatawa ako sa sinabi niya. Sus, yun lang? Nagpunta kami ni Ashley sa isang malapit na parke rito at don kumain ng gusto niyang fishball. Bumili naman ako ng sorbetes atsaka ibinigay sa kanya yung Isa bago umupo sa kanyang tabi. "Ba't ba kasi natagalan ka? Hindi ka na naman siguro pumasok noh? Nagbubulakbol ka na naman ba? O baka may ginulpi ka na naman?" Napangiwi ako sa lahat ng sinabi ni Ashley sa akin. Hindi ko rin siya masisisi kung 'yan ang masabi niya kaagad. Inaamin kong hindi talaga ako isang magandang ehemplo sa iba noon pa man. Elementarya pa lang ako, ilang ulit na akong napatawag sa principal's office dahil sa mga ginawa ko. Nong highschool naman, sumali pa ako ng gang non na hindi alam ni nanay, pero hindi ko naman pinabayaan yung pag-aaral ko--slight lang, ganon. Pero dahil iba na ang buhay ko ngayon, siyempre hindi ko na ginagawa ang mga ganong klaseng bagay. Nakakahiya sa mga tunay kong magulang kung hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang asal kalye ko. Isa akong Dela Peña, ayokong mapahiya ang mga magulang ko dahil sa'kin. Nagsimula ang pagiging seryoso ko sa buhay nong nag-ibang bansa ako para magtrabaho. Ibang-iba na talaga ako simula nong nakilala ko si Xyler--na asawa na ng kakambal ko ngayon. Siya ang unang lalakeng minahal ko, ang unang lalakeng nagpaniwala sa akin sa salitang 'pagmamahal'. Masasabi kong dahil sa kanya, naging matino ako kahit papano. Yung tipong basagulera noon, ay naging mahinhin na lang bigla. "Hindi ah, galing nga akong library dahil kailangan kong mag-aral," sabi ko sa kanya atsaka kinain ang binili kong kwek-kwek. "Wow! Nag-aral daw oh." "Gaga, totoo nga kasi." Napatawa si Ashley sa tabi ko ngunit napahinto rin ito atsaka ako hinarap bigla. "Nga pala, ano na nangyari kanina? Nagkita ba kayo ni Dominique?" Nasamid ako bigla sa sauce ng kwek-kwek nang inumin ko ito. Salubong ang dalawa kong kilay nang tignan ko si Ashley. "Ba't mo natanong? Chismosa ka rin eh." Kinurot niya ako sa tagiliran atsaka mas lumapit sa akin. "Sagutin mo na lang kasi, ano? Nagkita ba kayo?" Napabusangot ako atsaka tumango sa kanya. Simula nong naging instructor na namin siya, mas napapadalas ang pagkikita naming dalawa lalo na sa loob ng classroom. Pero kung nakikita ko siya sa campus, hindi ko siya lilingunin ulit na parang estranghero lang sa aking paningin. So far, hindi na ulit kami nagkausap kahit sa loob pa yan ng classroom. Mabuti na rin kung ganon. "Talaga?! Gwapo parin ba? O baka mas pumogi siya ngayon?" Napairap ako sa pinsan ko. Tangina, nakalimutan kong katulad lang din pala to ni Nami at nang ibang babaeng nahuhumaling sa Dominique na 'yon. Unang nakita ni Ashley si Dominique nong nagpunta ito ng Cebu kasama ang kakambal ko, kung tutuosin, mas una niyang nakilala at nakita si Dominique. Akala nga niya na boyfriend ni Celestine si Dom noon, pero nang makumpirma niyang wala silang relasyon, sobrang natuwa ang gaga. "Ba't ba ako ang tinatanong mo?" Eh alam naman niya palagi ang sagot ko sa tanong na 'yan. As usual, isang malaking HINDI ang tugon ko diyan. Gwapo? Yung lalakeng 'yon? San banda? Eh mukhang mas gwapo pa nga yung lalakeng nakabangga sa'kin kanina eh. Bumagsak ang balikat ko nang maalala kong hindi niya talaga kinuha ang number ko kanina. Maganda naman ako ah, baka naging bruha na ako kaya ganon. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin mula pa kaninang umaga. "Selena, baka naman pwedeng mahingi ko number ni Dom," aniya atsaka ngumiti sa akin. "Oy dai, wala akong number ng aroganteng lalakeng 'yon. Kung gusto mo, ikaw na mismo ang humingi sa kanya," suplada kong sambit atsaka siya inirapan. "Kahit pang birthday gift mo man lang? Malapit na kaya kaarawan ko," aniya atsaka ngumuso sa akin. Napakamot ako sa aking ulo bago nag-isip. Mahal ko si Ashley kahit tatanga-tanga 'to kung minsan. Hindi siya palagi himihingi ng pabor mula sa akin kaya minsan, ang hirap niyang tanggihan. "Pag-iisipan ko muna--" "The best ka talaga, insan!" Bigla niya akong niyakap. Umirap ako bago siya niyakap pabalik. Lulunokin ko na lang siguro ang pride ko para kay Ashley. Isang beses lang naman eh. Isang beses lang akong magiging mabait sa Dominique Gutierrez na 'yon. KINABUKASAN, maagad akong pumasok sa Wilksven dahil mas mabuting gagawin ko ang plano ko na ako lang ang nakakaalam at wala ang mga kaibigan ko sa paligid. Mahirap na, baka kung ano na naman ang sasabihin nila pag nagkataon. "Excuse me, nandito na po ba sa loob ng faculty si Domin--este Professor Gutierrez po?" Tanong ko sa isang working student nang pumasok ako sa loob. Inayos niya ang kanyang salamin at ang dala niyang ilang mga papeles bago ako sinagot. "Nasa ibang silid si Professor Gutierrez, may sariling opisina siya rito sa Wilksven." Muntikan nang tumaas ang isa kong kilay pagkatapos marinig ang sinabi niya. NakapaESPESYAL naman ata nang lalakeng 'yon? Talagang may SARILING opisina pa talaga rito sa Wilksven. "Ah, ganon ba? Pwede ko bang malaman kung nasan ang opisina niya?" Matapos niyang sabihin sa akin ang saktong direksyon ng opisina ni Dominique, kaagad na akong lumabas sa faculty room at nagtungo roon. Huminga ako ng malalim nang makita ko ang pangalan niya sa isang glass na nakadikit sa gilid ng pinto. Engr. Dominique Lake Gutierrez Taray ha? Halatang mahal na mahal siya ng Wilksven dahil binigyan talaga siya ng sariling opisina rito. Oo nga naman, he's one the Wilksven University pride. Inangat niya ang pangalan ng unibersidad nong estudyante palang siya rito. Lumapit ako sa pinto atsaka kumatok doon. Umabot ng ilang segundo ngunit wala man lang akong narinig na boses mula sa loob. Andito ba talaga siya sa loob? Nang pihitin ko ang doorknob ng pinto, kaagad na kumunot ang noo ko dahil hindi 'yon nakalock. Kung wala siya rito sa loob, bakit hinayaan niya lang na pwedeng mabuksan ng kung sino-sino ang pinto niya? Tsk! Sobrang tanga naman! Pumasok na ako sa loob atsaka nilibot ang aking pangingin. Biglang tumunog ang isang bell chime dahilan upang mapatingala ako. Nasagi ng pinto 'yon nang buksan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako ng deretso sa harapan. Ang kaninang isang swivel chair na nakatalikod sa akin ay tuluyan ng humarap. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ang isang babaeng dali-daling inayos ang kanyang suot na blazer atsaka binutones ang kanyang blouse. "Omygod... omygod!" Natatarantang wika nong babae. Hindi siya basta-bastang babae dahil minsan ko na rin siyang nakitang pakalat-kalat dito sa Wilksven. She's also an instructor. She's one of my professor in my engineering course. Napatingin ako sa lalakeng prenteng nakaupo sa kanyang upuan at hindi inalintana ang nagkalat na lisptick sa kanyang bibig. He normally took some tissue inside his tissue box above his desk before wiping the stains on his mouth. He cleared his throat before intertwining his fingers altogether as he placed his hand above his desk. "Miss Dela Peña." Panimula niya. "Did you know it's rude to come inside your professor's office without knocking?" Dagdag pa niya habang nakatingin ng deretso sa akin. Hindi ako makagalaw, nanatili lang akong nakatayo at nakaestawa sa harap nilang dalawa na halatang may ginagawang milagro. Kalaunan, napangisi ako habang nakatingin sa kanya na ikinataas ng kanyang kilay. "Kumatok po ako sir, pero halatang hindi niyo narinig dahil busy po kayo," sabi ko atsaka ngumisi ulit. "Tsaka, hindi ko po kasalanan na iniwan mong hindi nakalock ang opisina mo, Professor Gutierrez." He leaned at his office chair before resting his cheek above his knuckles. Ngumisi ito sa akin na mas ikinairita ko. Hiyang-hiya na ang propesorang nasa tabi niya pero itong lalakeng 'to, ni wala man lang nararamdaman na kahihiyan sa katawan niya. "Will you please excuse yourself, Professor Armantin? I think I should talk to my student first." Napalingon sa kanya ang propesora bago tumango atsaka dali-daling lumabas sa opisina ne'to. Hindi ko inaalis ang tingin sa lalakeng nasa harapan ko. Tuluyan ko na siyang pinaningkitan ng mata sa oras na sumara ulit yung pinto sa aking likuran. "Tss! Hindi na nahiya." "And why would I?" aniya atsaka iniangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Should I feel ashame to the thing I never did in the first place?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay yung propesora mismo ang unang-- "What you're currently thinking is right. I won't initiate such a thing, Miss Dela Peña, you knew me better than that," aniya atsaka ngumiti sa akin. Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Girls always do the first move when it comes to me, I hope you knew that." Ang hangin talaga! Sarap itapon sa labas ng bintana niya rito. Sobrang arogante! Masyadong mataas ang tingin sa sarili! Akala mo naman kung sinong gwapo! Inayos niya ang kanyang upo bago ulit ako tinignan ng deretso, sa pagkakataong ito, mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. "But of course, as your professor, I should apologize for what you've seen. How unprofessional of me for letting my door be unlocked, I'm sorry." Napalunok ako nang sabihin niya yun ng deretso. Kasing edad lang naman kami pero dahil nga propesor ko siya, parang feeling ko sobrang laki ng agwat naming dalawa. Now, he feels superior all of a sudden. "Mapapatawad mo ba ako, Miss Dela Peña?" Napalunok ulit ako sa sinabi niya bago nag-iwas ng tingin habang salubong parin ang kilay. "Anyway, what made you come to my office? Makikiusap ka bang taasan ko ang marka mo?" Inis ko siyang nilingon na ngayon ay nakangisi na sa akin. Bwiset to ah! "Hindi yan ang pakay ko!" Suplada kong sambit sa kanya. Wala na akong pakialam kung napagtaasan ko na siya ng boses ngayon. "If that's so, then what's your purpose?" Itinukod ni Dominique ang kanyang siko sa ibabaw ng mesa bago nakapalumbabang nakatingin sa akin. "Wag kang mahiya, Miss Dela Peña, bilang guro mo, trabaho kong makinig at alamin ang pakay mo sa pagpunta rito sa opisina ko. You won't just come and see me for nothing, am I right?" Ba't ba ang dami niyang nalalaman? Parang lahat na lang ng bagay alam na alam niya. Psh! Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya, huminto ako ng ilang hakbang na lang ang layo mula sa kanyang mesa. This is the closest distance I made since the very last time I met him in a simple family gathering together with other Gutierrez's. Nakatingin lang sa akin si Dominique kaya tinignan ko rin siya pabalik sa mata. Palihim akong napalunok nang makita kong paulit-ulit na niyang tinatapik ang kanyang mesa gamit ang kanyang mga daliri habang nanatiling nakapalumbabang nakatingin sa akin. "Domini--" "Sir Dominique." He corrected me. Napairap ako sa sinabi niya pero ngumisi lang ito. "Remember my rule?" Napabuga ako ng hangin bago magsalita ulit. "Sir Dominique." Matamis itong ngumiti sa akin na mas ikinainis ko. Sarap tusokin ng dimples niya sa pisngi gamit ang isang chopstick para magkaron kagad ng butas don. "Sir Dominique, gusto ko pong makuha ang cellphone number ninyo." Deretsahan kong sabi sa kanya. Sumandal siya sa kanyang upuan atsaka tumahimik hanggang sa tuluyan itong mapatawa. Natigilan ako sa kanyang reaksyon dahilan upang maikuyom ko ang aking kamao. "Wag mo nga akong tawanan?! Seryoso ako." Mas lalo lang itong tumawa. "Dominique, ano ba?!" Tinikom na niya ang kanyang bibig bago 'yon kinagat para hindi ulit mapatawa. Umiling-iling siya sa akin habang nakahawak sa kanyang baba at nakangisi. "You want my number?" He asked and I nodded. "Why would a professor give his number to his student? May balak ka bang maging textmate ko?" Nakangisi niyang tanong, halatang nang-aasar. Paano ko ba sasabihin na hindi para sa'kin 'to kundi para sa pinsan kong patay na patay ata sa kanya. "Ibigay mo na sa'kin ang number mo para matapos na 'to." I demanded. Dominique raised his eyebrow at me. Hindi siya ulit nagsalita atsaka napatingala na tila may iniisip. "Do you really want to get my number?" Tumango ako. "So bad?" Tumango ulit ako. Ngumisi siya sa akin atsaka inayos ang kanyang upo. "Okay, ibibigay ko sa'yo pero sa isang kondisyon." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. "I really don't know what's your purpose in getting my personal number so bad but okay, I'll give it to you in exchange of getting the highest scores in my class." Napanganga ako sa sinabi niya pero ngumiti lang ito sa akin. "It's a win-win situation for you actually, you got my number and you also got good grades. Ang bait ko hindi ba?" He said and then winked at me. A Gutierrez will always be a Gutierrez. Makukuha at makukuha talaga nila ang gusto nila. Napabuga ako ng hangin bago dahan-dahan na tumango kay Dominique. I concede defeat, for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD