PROLOGUE
Selena's POV
Nakakaumay letsugas! Bakit ba ang tagal-tagal ng lalakeng 'yon?!
"Ang tagal ni Lucca!" Rinig kong reklamo ni Nami sa gilid ko.
"Bakit? Ang tagal mo nga ring lumabas sa inyo kanina, pinaghintay mo pa ako ng matagal," wika naman ni Wyette sa kabila. Pinaggigitnaan ako ng dalawang 'to at nasa labas kami ng Wilksven at papunta na sa una naming klase sa araw na 'to.
Naging routine na talaga ng lalakeng 'yon ang pagiging huli.
"Bakit din? Inutusan ba kitang maghintay? Ewan ko sa'yo! Sakit mo sa mata."
"Hoy Nami, sungit-sungit mo ah! Di mo naman 'yan ikinaganda."
Biglang pumitik ang sentido ko dahil naiingayan na ako sa dalawa. Sabay kong hinawakan ang mukha nila atsaka bahagyang itinulak palayo.
"Ingay-ingay niyo, sasapatosin ko kayo eh!" Tumahimik ang dalawa atsaka sabay na nag-iwas ng tingin.
"Oy! Bakit kayo andito sa labas?" Napalingon kami sa isang lalakeng may dala-dalang backpack na nakasakbit sa kanyang balikat habang nakakaway sa amin ang isa niyang kamay.
Napasimangot ako sa tanong niya, nang tuluyan na siyang napalapit ay kinurot ko ang tainga niya atsaka kami sabay na pumasok sa loob ng engineering building.
"A-Aray Sese! A-Ano ba! Aray ang sakit!" Daing ni Lucca habang yung dalawa naman naming kaibigan ay nakasunod kaagad. Pinagtinginan kaagad kami rito sa hallway lalong-lalo na kay Lucca, paniguradong ibabash na naman ako ne'to ng fans club niya.
"Ilang beses mo na 'tong ginawa sa'min pero hindi ka parin nagtatanda." Kaagad kong binitawan ang tainga niya na kaagad naman niyang hinawakan.
Napanguso ito atsaka umayos ng tayo bago niya kami sinabayan sa paglalakad.
"Yan tuloy Lucca, nasampolan ka na naman ni Selena. Tagal-tagal mo kasi eh." Rinig kong bulong ni Wyette sa kanya. Kaagad namang tumabi sa akin si Nami atsaka inangkla ang kanyang braso sa akin habang papalapit na kami sa aming unang klase.
"Sobrang late ko na kasing nakatulog kagabi, kaya late din yung gising ko," rason ni Lucca sa tabi ko habang nasa kabila naman niya si Wyette.
Napairap ako dahil palagi namang ganon ang rason niya. Ewan ko ba sa lalakeng 'to parang di college eh.
"Mang lilibre ako mamaya--"
"Yown! Sakto, wala akong dalang bao--"
"Hindi ka kasali, si Selena at Nami lang." Napatawa naman si Nami sa tabi ko atsaka tinukso si Wyette na nasa kabilang dulo. Nag-aasaran na naman ang dalawa.
Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob, kaagad kaming naghanap ng mauupuan bago pa pumasok si Mrs. Yap, yung terror na terror naming propesora.
Sumasabay sa init ng araw ngayong tanghali ang mood niya, pano ba naman? Buntis eh, kaya sobrang moody. Hindi naman namin siya iniistress, talagang sobrang moody niya lang. Naiintidihan ko rin naman 'yon dahil ganon din yung kakambal ko nong buntis pa siya.
Hays... Namimiss ko tuloy yung mga pamangkin ko, sarap paiyakin ni Tway at Middy, ang kulit-kulit kasi.
"Lucca, dumating na ba yung former team captain ng basketball team?" Rinig kong tanong ni Nami sa tabi ko. Bigla naman akong naintriga tungkol don, pero hindi ko rin maiwasang kabahan.
"Ah, si Dominique Gutierrez?" Palihim akong napalunok nang marinig ko ang pangalan niya. "Hindi ko pa alam eh, pero siguro?" dagdag pa niya.
"Diba engineering student din 'yon dito noon?" Si Wyette naman yung nagtanong.
"Oo, ganon na nga. Tsaka nakapasa na 'yon sa board exam kasi isa siya sa topnotchers eh, ganap na yung Engineer. Grabe noh? Ang taba ng utak." Si Nami ang sumagot sa tanong niya. Nakakapagtaka dahil alam na alam niya talaga ang tungkol don, ganito ba talaga kasikat ang kutong-lupang 'yon? Kilalang-kilala eh.
"Hays, sana makita ko siya ngayon." Pagdedaydream naman ni Nami sa tabi ko. Gusto kong masuka dahil mukhang pinagpapantasyahan pa ng kaibigan ko ang lalakeng 'yon.
Anong bang meron sa kanya? Wala naman eh. Psh.
Kung totoong andito na sa Wilksven yung lalakeng 'yon, ipagdadasal ko na lang na hindi ko siya makasalubong dito. Aba! Ang mukha niya ang pinakahuli kong gustong makita noh! Kung pwede lang na hindi ko na 'yon makita, mas mabuti.
Pero alam kong imposible 'yon dahil pinsan siya ng bayaw kong si Xyler, kapag may salo-salo ang mga Gutierrez at Dela Peña talagang makikita ko siya.
Kaagad kaming napatayo atsaka binati si Mrs. Yap nang pumasok na ito sa silid. Nagsimula na siyang magsalita sa harap tungkol sa magiging substitute teacher namin habang nasa maternity leave pa siya.
"I hope you will respect him as much as how you respect me, understood?" Kaagad naman kaming tumugon sa sinabi niya.
"Mabuti naman kung ganon. He might be still young but he is still your professor so in short, he's superior to anyone of you here. The Wilksven is honored to have him back in the university and accepted the offer of teaching the engineering students for the meantime." May narinig akong bulong-bulongan sa paligid nang sabihin 'yon ni Mrs. Yap.
A young professor? Baka fresh graduate pa 'to? Nako kapag ganon, baka tratuhin lang nila siya ng parang barkada rito. Mahirap 'yan, dahil baka 'yan talaga ang mangyari. I just hope he's strict, but not too much.
"Engr. Gutierrez, please come inside the classroom." Nahigit ko ang aking hininga at bumilog ang aking mga mata nang marinig ko 'yon.
Bakit--anong?! Anong nangyayari?!
Marami rin ang natigilan nang pumasok ang isang mestizo at matangkad na lalake na may saktong pangangatawan sa loob ng silid. He's holding a while folder and he's wearing a smart formal attire. From his polished black shoes up to his clean and neat haircut, he certainly looks like a professional. Kaagad na namayani ang kanyang pabango sa buong silid nang huminto siya sa harap at gitna. Dahil elevated ang mga upuan rito, kitang-kita ko siya sa harapan.
Kaagad siyang ngumiti sa mga estudyante na ikinatili ng ilang mga babaeng estudyante rito. Pero dahil iilan lang ang mga babaeng engineering students, mapapansin talaga kaagad kung sino-sino yung tumili, at isa na si Nami don.
Awtomatiko kong isiniksik ang aking katawan paibaba sa mesa upang hindi niya ako makita na ikinapagtataka naman ni Lucca sa tabi ko.
"What are you doing, Selena?"
"Shhh! Tumahimik ka," buong diin kong wika sa kanya, kulang na lang pandilatan ko ito ng mata.
"This is Engr. Dominique Lake Gutierrez, and from now on he will be your substitute professor for my class." Rinig kong wika ni Mrs. Yap bago nilingon si Dominique na nasa tabi niya.
"Ikaw na ang bahala rito Engr. Gutierrez." Isang ngiti kaagad ang isinukli ni Dominique sa kanya na ikilaglag ata ng panga ni Nami rito sa tabi ko.
Tuluyan ng lumabas si Mrs. Yap sa silid kaya nagumpisa na ring magsalita ang lalakeng nasa harapan namin. Ipinakita niya ang dala-dala niyang folder sa amin bago itinukod ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.
"Shems, ang gwapo huhu--Selena, anong ginagawa mo? Ba't nakatago ka uy." Minatahan ko si Nami sa tabi ko atsaka sinenyasan na tumahimik.
"Okay class. Once again, I'm Dominique Lake Gutierrez, your professor for this class. You can call me by my name if we're outside the campus premises but of course you have to call me Prof or Professor if we're inside the class. That's the first step to respect," wika niya atsaka ngumiti sa buong klase. Lalo namang napahigpit ng hawak si Nami sa silya niya dahil sa kilig.
Anak ng pucha! Hindi naman 'yan gwapo! Maputi lang, tss.
"What I am holding is the class master's lists. I will call names in order stated in this piece of paper for attendance. Sa ganong paraan, at least makilala ko rin kayo," aniya atsaka ibinuklat ang folder.
Kinakabahan ako at pinagpapawisan ng malamig. Para akong matatae na hindi, ewan ko ba! Wala na akong takas dito dahil isa-isa na niyang tinatawag ang mga estudyante. Sa oras na makikita niya ang apelyido, malilintikan na ako!
Bwiset! Bwiset talaga! Sana lamunin ako ng lupa ngayon!
Biglang napahinto si Dominique sa pagtatawag atsaka tinignan ng maige ang folder na hawak niya. Napalunok ako nang makita siyang naningkit ang mga mata na tila ba kinaklaro kung tama ba ang basa niya sa papel.
Umayos siya ng upo atsaka palihim na napangisi. Sabi ko na nga ba! Nabasa na nga niya! Nabasa na niya ang apelyido ko!
"Ms. Dela Peña."
Gusto kong tumakbo palabas ng silid. Gustong-gusto kong kunin ang bag ko atsaka umuwi na lang sa bahay.
"Where's Ms. Dela Peña? Is she around?" Siniko ako ni Nami sa tabi dahilan upang dahan-dahan akong umayos ng upo. Nakayuko ako ngayon dahil ayokong makita ang maangas na pagmumukha ng isang Dominique Gutierrez! Napipikon ako sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa.
Dahan-dahan kong itinaas ang isa kong kamay sa ere para malaman niyang andito ako sa klase niya.
"P-P-Present..." Siniko ulit ako ni Nami at sinabihang lakasan ko ang aking boses dahil hindi raw ito maririnig.
"P-Present po!"
"Will you please stand up Ms. Dela Peña? I can't see your face clearly." Potangina mo! Alam kong nang-iinis ka lang bwiset ka!
Sana may lakas ako ng loob na sabihin 'yon sa kanya sa harap ng mga kaklase ko pero hindi ko talaga 'yon magawa. Baka tuluyan pa akong maexpel dito sa Wilksven kung ganon.
Huminga ako ng malalim atsaka unti-unting tumayo sa aking kinauupuan. Sa oras na 'to, tuluyan ko na siyang tinignan atsaka hinarap. Nang magtama ang tingin ngaming dalawa, halos irapan ko kaagad siya pero buti na lang at nakontrol ko pa ang sarili ko.
"There you are, you may now take your seat again," wika pa ne'to atsaka ako ningisihan. Doon na naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya na mas ikinalawak ng kanyang ngisi.
Pinagtitripan talaga ako ng kutong-lupang 'to.
Kaagad akong umupo atsaka siya tinitigan na may dalang inis. Kung nakakamatay lang ang sana ang isang tingin, kanina pa siya nakahandusay sa sahig.
Nang matapos na siya sa kanyang pa-attendance kuno, may sinabi pa siya sa amin.
"I hope YOU will enjoy this remaining semester in your college life. Also, I hope that YOU and I will build a good relationship throughout my teaching career. Thank YOU for accepting me wholeheartedly in this class," he said, obviously emphasizing the word 'you'.
Hindi nakatakas sa akin ang pagtingin niya sa akin atsaka ngumisi.
I hate you, Dominique Gutierrez... I really hate you...