Selena's POV
Napatakip ako sa aking tainga atsaka lumayo mula kay Ashley nang bigla itong tumili.
"Salamat Selena!" Masayang wika niya atsaka tumalon-talon habang hawak-hawak ang maliit na post-it note kung saan nakasulat ang numero ni Dominique.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag atsaka sinave ang number nang lalakeng 'yon. Sabado ngayon at bukas na ang kaarawan ni Ashley kaya andito siya sa bahay namin ngayon magpapalipas ng gabi kesa sa apartment niya.
Mas gusto ko ngang dito na lang siya tumuloy sa amin kesa magapartment pa siya, ayos lang naman yon sa mga magulang ko. Pero dahil hindi makapal ang mukha ng pinsan ko, hindi niya ito tinanggap.
The moment Celestine married Xyler and has their own family, she lives with him leaving her own room for me.
May binago lang ako ng kaunti sa kwarto niya na ngayon ay kwarto ko na.
"Nagtext na ako, sana magreply kaagad." Rinig kong sabi ni Ashley sa tabi ko habang may pinapanood akong palabas sa aking laptop.
"Magsi-cr muna ako ha?" Tumango ako sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa loob ng banyo ko atsaka iniwan ang kanyang cellphone sa aking tabi.
Pagkasara ng pinto, saktong tumunog ang notification message ng cellphone ni Ashley dahilan upang mapatingin kaagad ako roon.
Binasa ko ang nag pop-up na message.
Selena?
Kumunot ang noo ko atsaka binasa ang messenger name.
"Crushy?" Napangiwi ako sa sinet na pangalan ni Ashley kay Dom. Ang baduy ng potangina.
May panibagong message na naman mula sa kanya pero hindi ko na 'yon inabala pang basahin.
"Nagreply na," payak kong sabi ni Ashley nang lumabas na ito.
"Talaga?!?" Awtomatiko itong tumakbo papunta sa aking direksyon atsaka kinuha ang cellphone. Kinilig ang gaga nang makitang nagreply si Dominique.
"Hala! Anong irereply ko pabalik?!" Natarantang saad ne'to.
"Oh ba't sa akin ka nakatingin? Wala na akong maitutulong sa'yo." Inismiran ko si Ashley atsaka pinagpatuloy ang panonood ko ng palabas.
"Sama mo." Hindi nagtagal ay tumahimik na si Ashley sa tabi ko kaya palihim ko siyang nilingon.
I found her smiling from ear to ear as she continuously touches the screen of her phone.
"Hoy, paalala ko lang sa'yo ha? Makamandag ang lalakeng 'yan." Ang dami niyang babae, idagdag mo pa ang nakita kong hindi kanais-nais sa opisina niya nong mga nakaraang araw. Hay ewan, kahit saang lugar siguro siya ilagay ay may hahabol-hahabol sa kanya.
"Anong makamandag? Ang bait-bait nga non eh." Umirap ako sa sinabi ni Ashley. Walang saysay ang sasabihin ko tungkol kay Dominique kahit gaano pa ito kasama. Parang santo ang tingin nila sa Gutierrez na 'yon. Ano bang meron sa lalakeng 'yon?
Salubong ang kilay kong nakatingin sa harap ng aking laptop atsaka isinuot ang aking earphones. Mabuti pang ituon ko ang atensyon ko sa ibang bagay.
"Pag umiyak ka, wag na wag kang pupunta sa'kin ah. Tsitsinelasin talaga kita." Tumawa lang si Ashley atsaka hinayaang maging abala ang sarili habang katext ang kumag na 'yon.
Napatingin ako sa petsa ng laptop ko rito. Himala dahil may oras na makipagtext ang Dominique na 'yon. Akala ko kasi sobrang busy ng lalakeng 'yon. Oh well, basta tungkol sa babae, gagawa at gagawa talaga 'yon ng paraan tss.
Wala siyang pinagkaiba sa ibang babaero na nagkalat sa buong ka-Maynilaan, este sa buong Pilipinas talaga! Ginagamit niya ang kanyang mukha at tindig para mang-akit ng mga babaeng uto-uto. Kesyo gwapo, bibigay agad tss.
Salubong ang kilay kong tinignan ulit si Ashley na ngayon ay panay ang ngiti habang nakatingin sa cellphone niya. Mapupunit na ang mukha ng gaga. Napairap ako bago napailing atsaka pinalakas ng kaunti ang volume ng palabas na tinitignan ko.
"SESE!" Isang mabigat na braso ang biglang pumatong sa aking balikat dahilan upang tanggalin ko ito kaagad.
"Ano ba Lucca, pawis na pawis ka na naman." Reklamo ko bago pinunasan ang aking balikat gamit ang aking panyo.
"Arte mo, di naman ako mabaho."
"Ang lagkit mo sa katawan." Ngumuso ito bago inayos ang pagkakasakbit ng sports bag niya. Galing practice na naman ito si Lucca. Kanina pa natapos ang huling klase ko kung saan hindi ko kaklase si Lucca, Nami at Wyette. Yung dalawang aso't-pusa naman ay nasa outdoor cafeteria tumatambay sa ngayon, don ang punta namin ni Lucca.
Dinaanan ko lang si Lucca dito dahil on the way lang ang covered court mula sa engineering building. Sakto at kakatapos lang din pala nilang magpractice pagkadaan ko rito, buti na lang din para hindi ako masyadong maghintay ng matagal.
"Maliligo pa nga sana ako eh, kaso bigla kitang nakita sa pinto ng court kaya nilapitan kita kaagad. Nga pala, nasan sina Wyette?"
"Nauna na sila." Tipid kong salita habang deretso lang ang tingin sa daan. Napangiwi ako nang biglang pisilin ni Lucca ang aking pisngi dahilan upang inis ko siyang tignan.
"Why do you look extra grumpy today? Meron ka ba ngayon?" Inismiran ko siya atsaka napahalukipkip.
"Wala. Nainis lang ako sa huling subject namin, tagal kasi dumating nong instructor."
"Diba si Prof Armantin ang instructor mo?" Tumango ako sa tanong ni Lucca. Siya nga mismo, yung babaeng propesora na nahuli kong kahalikan ni Dom sa mismong opisina niya.
May tinatagong pagkamalandi naman din pala si ma'am, sobrang hinhin pa naman niyang kumilos sa tuwing magkaklase kami. Kaya hindi ko talaga inexpect ang pangyayaring 'yon. Totoo talaga yung kasabihan na, don't judge the book by its cover.
"Bakit naman siya natagalan? Alam mo ba ang rason?" Napatingin ako kay Lucca nang may itanong na naman ito.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Lucca na nakita kong nakipaglandian pa si Armantin sa Gutierrez na 'yon nang lumabas ako ng silid para magbanyo sana. Nang makita ko silang dalawa sa dulo ng hallway at mukhang papasok na si Armantin sa klase namin ay dali-dali na lang akong bumalik sa loob.
Buong klase ko tuloy pinipigilan ang sarili kong maihi sa pantalon ko. Magkakakidney stone ata ako dahil sa Armantin at Gutierrez na 'yon.
"Hindi." Tipid kong sagot sa kanya. Dumiretso na kami sa mesa ng outdoor cafeteria kung saan nakaupo sina Nami at Wyette. Nagkwentuhan lang kaming apat tulad ng ginagawa namin araw-araw.
As usual, hindi talaga kumpleto ang araw kapag hindi nagbabangayan ang dalawa sa harap namin ni Lucca. Sobran kulit kasi ni Wyette at mapang-asar, si Nami naman ay madaling mapikon at lumalaban din pabalik.
Napahilot na lang ako sa aking sentido sa tuwing mag-uumpisa na namang magbangayan ang dalawa. Pero kahit na ganon, hindi naman pumapalya si Wyette na ihatid sundo si Nami sa kanila. Ewan ko ba, magulo talaga ang dalawa.
"Oy Selena, himala at hindi ka naglibrary ngayon." Napalingon ako kay Wyette nang sabihin niya 'yon sabay inom sa isang orange juice.
"Walangya ka! Ba't mo ininom ang orange juice ko!" Si Nami 'yan.
"Sa'yo ba 'to?"
"Oo!"
"Eh wala namang pangalan mo ah, sinungaling."
"Bwiset ka talaga kahit kailan." At nagsimula na naman silang mag-away. Bigla kong napagtanto ang sinabi ni Wyette sa akin ngayon lang atsaka dali-daling hinalungkat ang aking bag.
Napahinto ang dalawa sa pag-aaway nang makita akong natataranta. Napabuga naman ako nang hangin nang makita ko ang hinahanap kong libro at isang card na may petsa kung kailan ko ito hiniram mula sa library, may pirma rin ito ng librarian.
"Sese, san ka pupunta?" Nakatingalang tanong sa akin ni Lucca nang tumayo ako atsaka isinakbit ang bag sa aking balikat.
"Sa library, may nakalimutan akong isauling libro. Ayokong magkaron ng penalty, baka hindi na ako papayagang humiram ng libro. Maiwan ko muna kayo ha?" Napahinto ako nang biglang hawakan ni Lucca ang palapulsohan ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
"Samahan na kita."
"Hindi na, mabilis lang 'to."
"Are you sure?" Tumango ako atsaka binigyan ng isang tipid na ngiti bago kumaway sa kanilang tatlo atsaka nag-umpisa nang naglakad papalayo.
Nang mapatingin ako sa orasan ng aking relong pambisig, bumilog ang aking mga mata atsaka kaagad na tumakbo papaunta sa main building. 10 minutes na lang at magsasara na ang library, baka hindi ako makaabot.
Tinakbo ko ang malawak na daanan ng Wilksven, halos mabunggo ko na ang ilang estudyanteng nakakasalubong ko rito. Tanging paghihingi ng paumanhin at panay sabi ng 'excuse me' lang ang ginagawa ko habang tinatahak ko ang daan papuntang libray.
I almost sprint towards the long hallway in this university. Taking the last turn to the left, I cursed myself for bumping into a hard thing. Ang sakit, parang isang pader ang binangga ko.
Napangiwi naman ako nang tumama ang aking balakang sa sahig dahil sa malakas na impact. I winced in pain as I rubbed my lower back.
"Miss, are you okay?" Napatingala ako kung saan ko narinig ang boses. Isang matangkad na lalake ang nakita ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Running in the hallway is not a good thing to do. Here, take my hand." Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito sa akin. Kinuha ko 'yon atsaka niya ako maingat na pinatayo, pero napapangiwi talaga parin ako. Andon parin yung sakit eh.
"Pasensya ka na, masaydo kasing mabilis ang pangyayari kaya hindi kita nasalo kaagad." Dagdag pa niya. He automatically check on me like he was some kind of a doctor and I am his patient.
"May masakit ba sa'yo?" He asked while looking at my body.
"A-Ayos lang ako." Don pa lang niya ako ulit tinignan ng deretso sa mata. At sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay na bumilog ang mga mata naming dalawa atsaka napaturo sa isa't-isa.
"You?"
"Ikaw?" Sabay naming sabi habang nakatingin ng deretso sa mukha ng isa't-isa.
"Ikaw yung bumangga sa'kin," sabi ko atsaka salubong ang kilay na tinignan siya nang maalala ko ang araw kung saan nagmamadali rin ako dahil magkikita pa kami ni Ashley. Napaawang naman ang kanyang bibig sa sinabi ko.
"Excuse me? No, YOU bumped on me, missy. Ikaw ang bumangga sa akin, hindi ako ang bumangga sa'yo," sabi niya atsaka tinignan ako ng deretso sa mata. He managed to remain his composure after a few seconds of staring game.
Bigla akong nahiya kaya umiwas kaagad ako ng tingin. Bakit ba ako naiilang sa mga titig niya? Siguro dahil minsan ko na rin siyang nasabihang gwapo sa isipan ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga dahilan upang mapatingin ako ulit sa kanyang direksyon.
"I'm sorry, I should just have said 'sorry', right?"
"A-Ako rin, pasensya ka na." Napakamot ako sa aking ulo. Bigla kong naalala ang pakay ko kaya kaagad akong naglakad ulit pero hindi pa lang ako nakaka-ilang hakbang nang mapangiwi ako sa sakit ng aking balakang.
"Hey, are you really, okay? You looked hurt--"
"Hindi, okay lang ako. May pupuntahin pa kasi ako kaya mauna na ako sa'yo." Napahawak ulit ako sa aking balakang nang sumakit 'yon atsaka ko isinandal ang aking gilid sa pader.
"Mukhang masyadong napalakas ang pagbagsak mo kanina." Deretso akong napalingon sa kanya nang sabihin niya 'yon. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong kinarga na parang sa kasal dahilan upang mapahawak kaagad ako sa kanyang leeg dahil sa gulat.
"H-Hoy! Anong ginagawa mo? S-San mo ko dadalhin?" Hindi ko na maiwasang mataranta. Hindi ko pa siya kilala, ni pangalan niya ay hindi ko alam pero heto at buhat-buhat niya ako. Baka serial killer 'to!
"Ibaba mo 'ko!"
"Stay still, okay? I'm sending you to the clinic." Kalmado ngunit seryoso niyang saad. Nagulat ako dahil alam niya ang daan papuntang clinic pero pilit parin akong nagmamatigas dahil sa librong dapat kong isauli.
This man is surprisingly strong. He remained his composure with a straight back while lifting me in his arms in this hallway. Panay ang tingin ng ilang estudyante sa nakakasalubong namin. Kung sa bagay, agaw pansin naman talaga ang pagbuhat niya sa'kin dito, idagdag mo pa ang gwapo niyang mukha.
Nang makapasok na kami sa clinic, kaagad niya akong inilapag sa isang kama atsaka sinabihan ang isang nars dito sa loob. Sinundan ko lang siya ng tingin habang may ginagawa. Kunot noo ko siyang tinignan nang lumapit ito sa akin na may dala-dalang warm and cold compressor.
"Please lay on your front, I need to treat your pain," aniya. Salubong parin ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"Miss..." He stopped and looked down to my ID before saying something. "Dela Peña, gusto mo bang mawala ang sakit sa likod mo o hindi?" Napalunok ako atsaka napakurap bago magsalita.
"G-Gusto."
"Edi humiga ka na ng nakadapa." Kaagad kong sinunod ang sinabi niya. He lifts up my shirt which made me flinched a little.
"H-Hoy! Anong gagawin mo! Manyak ka ba?!"
"I'm treating your pain. Relax, you're exaggerating things." Bigla akong nahiya sa sinabi niya kaya tumahimik na lang ako. He pressed the cold thing first before pressing the warm one. He did it alternately for straight 5 minutes.
"Matagal pa ba 'yan? Kailangan ko na kasing pumunta ng lib." Bigla niyang tinawag ang isang nars atsaka inutusan ito na gawin ang ginagawa niya sa akin.
"Give me the book. Ako na mismo ang magsasauli niyan." Nagulat ako sa sinabi niya at gusto sanang tumanggi pero wala na talaga akong oras para magpumilit pang pumunta ng library. Hindi na ako makakaabot, not with my current situation. Tinuro ko ang bag ko na kaagad naman niyang kinuha atsaka hinanap ang libro sa loob.
"Teka, sandi lang." Pagpapahinto ko sa kanya nang tumalikod na ito atsaka aalis na sana. Nang magtama ang tingin naming dalawa itinaas niya ang kanyang dalawang kilay na para bang hinihintay ang sasabihin ko.
"A-Ano, hindi ko pa alam ang pangalan mo." Tuluyan niya akong hinarap ulit. He tilted his head to the other side while looking straight to my eyes before flashing his smile. Medyo natigilan ako nang gawin niya 'yon.
"Inigo... I'm Inigo Chavez, nice meeting you Selena Dela Peña."
"Dr. Chavez, I thought you're about to leave the university." Sabay kaming napalingon sa isang matandang lalake na biglang pumasok sa loob ng clinic.
"Dr. Francisco, it's you again. Yes, I am but unfortunately, I hurt one of the students of my alma matter on my way back home, so I rushed her here in the clinic first." Bumilog ang mga mata ko sa aking narinig.
D-Doctor?! Isa siyang doctor?! Bakit hindi halata? Masyado pa siyang bata para maging doctor. Posible ba 'to? O baka bata lang siyang tignan pero malaki talaga ang agwat namin sa isa't-isa.
Mas lalong bumilog ang aking mga mata nang tuluyan ko nang maalala ang una naming pagkikita ng lalakeng 'to.
Siya yung binatang doktor na hinila ko sa ER nang isugod ko si Celestine sa ospital dahil manganganak na ito. Siya yun! Si Inigo Chavez 'yon!
Napatingin ulit ako sa kanya at sa pagkakataong ito ay saktong napatingin din siya sa akin sabay ngiti bago tuluyang itinaas ang librong hawak-hawak niya at umalis sa clinic.
Pero bago 'yon nilingon niya ang nars na nag-aasikaso sa akin atsaka may sinabi bago tuluyang umalis.
"Treat my patient well, okay? I'll be right back," he said. And with that, he stormed out the room and left me dumbfounded.