Warning: Siguradong alam nyo na naman ang mangyayari dito. Haha. "Timber? Timber?" I frantically called my baby. Asan na ba yun? It's time for his meal pero wala pa rin siya. Kanina ko pa nalibot ang buong suite pero hindi ko siya makita-kita. Mula pa noong dumating ako kanina, wala na siya. Di siya sumalubong gaya ng nakagawian niya na mula nung dumating siya dito a week ago. Hindi kaya nakalabas siya nung lumabas si kuya? Imposible namang nakatalon siya mula sa mga bintana di ba? "Timber? Timber?" Muli ko na namang pinasok ang bawat kwarto sa suite. Dumapa pa ako sa lapag para lang makita ang ilalim ng mga higaan, lamesa at sofa pero wala pa rin yung aso ko. Asan na kaya siya?! I went towards Kuya's room. Binuksan ko ang pinto at akmang tatawagin ko siya nang marinig ko ang boses ni k