Jayson Umaabot sa dalawang tenga ko ang mga ngiti sa aking labi. Sinulyapan ko ang crate na hawak ko. Sana magustuhan ni Jessie ang binili kong regalo. Alam kong naiinggit siya sa alagang aso ni Zeke kaya naman binilhan ko rin siya... ng pusa. Oy, hindi basta-bastang pusa itong binili ko. Persian cat ito. Ayoko ngang bilhan siya ng aso. Baka sabihin pa ni Jarius na gaya-gaya ako. Sana lang magustuhan niya itong balahibuhing pusa. Hindi na ako kumatok at pumasok na ako agad sa dorm namin. Malay ko maabutan ko siyang hubad oh eh di may freeshow ako. Hehehe. Tunog ng gitara ang sumalubong sa akin. Napatalon ang puso ko sa galak. Yes! Kumakanta na naman siya. Nakakainis nga kasi kapag wala ako saka siya kumakanta. Kapag nagrerequest naman ako, parang wala siyang naririnig. Hindi ba niya ala