Prologue
Never knew I could feel like this
Like I've never seen the sky before
Naunang naglakad ang mga flower girls nang magsimula na ang pagkanta ng lalaking vocalist.
Sumunod ang mga ring bearer, coin bearer at bible bearer. Nasa likuran nila ang mga secondary sponsors na anak ng mga kaibigan ng dalawang taong muling mag-iisang dibdib sa araw na iyon. Sumunod ang mga pares ng mga principal sponsors pati na rin ang mga magulang ng mga ikakasal.
Nakakapanindig-balahibo ang bawat salitang binibigyang buhay ng lalaking bokalista. Halos lahat ng mga naimbitahang saksi ng kasalang iyon ay nakaramdam ng pangingilabot. Pangingilabot na may kaakibat na kasyahan. Ang iba nga ay hindi makapaniwalang aabot sa labinlimang taon ang pagsasama ng dalawang tao na napakalaki ng pagkakaiba sa isa't isa. Kung ang isa ay anghel, ang isa naman ay maituturing noon na isang demonyo.
Naglakad ang isang magbibinata na 13 taong gulang. Nakasuot ito ng salamin sa mata ngunit hindi maipagkakaila ang angkin nitong kagwapuhan sa bata pa lang na edad. Kahit na may pagkapayat ito at itsurang lampa, hindi naging hadlang iyon upang hindi niya makuha ang atensyon ng mga taong naroon. Nahihiya man ay kinailangan nitong ngumiti sa mga magiging saksi sa pag-iisang muli, na sa pagkakataong ito ay sa harap na ng Diyos, ng mga kinikilalang magulang. Kaya naman marami ang agad na nabighani dito.
Ngunit mas lalong nakakaagaw ng pansin ng madla ang labing-anim na taong gulang na binata na sumunod na naglakad papunta sa altar. Tila ito isang bituin na nahulog mula sa langit na nagpalaglag sa panga ng mga bisita lalo na nga mga kababaihan dahil sa labis na paghanga na dumapo sa puso ng bawat isa sa kanila. Napakaguwapong binata na sa edad na disesais ay may pangmodelo ng tindig at pangangatawan. Tipid man ang ngiti sa mga labi nito ay hindi naman iyon nakabawas sa aura nito na tila kay Adonis. Sino nga ba ang hindi hahanga at maaakit dito kung taglay nito ang mukha ng ama at ang misteryo na namana nito sa isa pang kinikilalang magulang?
Rinig ang pagsinghap ng lahat nang bumungad ang isang lalaking tila hulog ng langit ang pagkaamo ng mukha. Nasa mga ngiti nito ang labis na kasyahan na kahit siguro sabihin nila na end of the world na bukas, hindi pa rin matitinag ang bakas ng kaligayahan sa paglalakad nito at sa bawat paggalaw nito. At ang kanyang mga mata? His very expressive eyes radiate his love for the man waiting for him at the altar. Each heart in the room constricted when they saw the tears falling from his beautiful eyes though everybody knows that those tears are full of joy.
Hindi na nakatiis pa ang groom. Lakad-takbo ang ginawa nito upang agad na salubungin ang kabiyak ng kanyang dibdib, ang taong nagmamay-ari ng kanyang puso, buhay at pagkatao. Ang taong bumago sa kanyang pananaw sa buhay, bumali sa kanyang mga batas, nagpadama sa kanya ng labis na kaligayahan, kalungkutan at pagmamahal sa nakalipas na dalawangpung taon. Ang kanyang Janus. Ang kanyang Francis.
I will love you until my dying day
At nang magdaop ang kanilang mga palad, isang malalim na halik sa labi ng kanyang minamahal ang buong puso niyang ibinigay na sinagot naman nito ng ganun ding kasidhing damdamin. When they ended up the kiss, both of them have streaming tears on their smiling faces.
Nagpalakpakan ang lahat. They can feel every emotion the two men in front of them feel for each other who were both oblivious to the beaming faces surrounding them.
Oh, come what may, come what may
"Dad!"
"Papa!"
Napalingon pareho ang dalawa nang marinig ang mga boses na iyon. They both laughed when they saw their sons' faces. Jarius was pouting while Zeke or Ezekiel was blushing.
"Ahermp!" Nanlaki ang mga mata nilang apat dahil sa harap pa ng mikropono nag-alis ng bara sa lalamunan ang pari.
"Magsusumpaan pa ba kayo o didiretso na sa inyong honeymoon?" Pagbibiro nito sa dalawang groom. Napahalakhak si Marcus samantalang napapahiya namang nagyuko ng ulo si Francis.
"Tara na, love." Pagyaya nito sa kanyang esposo.
"Sure." Agad namang sagot ng namumula pa rin na si Francis.
"Janus..." bulong ni Marcus sa kaagapay na si Francis.
"Hmm?" Lingon nito.
"I will love you until my dying day." Buong pagsuyong ibinulong iyon ng leader ng 7 Demons kaya naman napatigil muli sa paglalakad si Francis.
"And I'll love you until the end of time." This time, si Francis na ang kusang humalik sa naghihintay na mga labi ni Marcus.
...
"Kuya..."
"Ilang beses ko ba na sasabihin sayo na wag mo akong tatawaging kuya?!" Jarius snapped at the younger man. Napahiya itong nagyuko ng ulo.
"A-ano yung s-sasabihin mo at k-kailangang tayo lang d-dalawa ang mag-uusap, k-ku... J-j-jarius?" Hirap man ay nagawa na ring banggitin ni Zeke ang pangalan ng kinikilalang kapatid.
"Well, I just have something to show you, pet." May kinuha si Jarius na nakaipit sa likurang bahagi ng kanyang pantalon. Buong pagyayabang nitong iwinagayway ang isang ipad sa harap ng namumutla at pinagpapawisang si Ezekiel.
"A-akin yan! J-journal ko yan." Nanginginig ang mga labi na pilit nitong inabot ang ipad na itinaas naman agad ni Jarius kaya naman kahit anong talon ang gawin nito ay hindi niya ito maabot-abot dahil matangkad ang binata.
"Gusto mong makuha ito?" Jarius gave that devilish smirk na namana nito sa inang nagluwal sa kanya.
"O-oo." Nanginginig namang sagot ni Ezekiel.
"If you want it back, you have to lick my shoes first." buong pagyayabang pa na iwinagayway ni Jarius ang ipad.
"If... I finish licking your shoes, do you promise to give it back?" Mangiyak-ngiyak na paninigurado ni Zeke.
"You're willing to lick my shoes para lang sa ipad na ito?!" Magkadikit na ang mga kilay ni Jarius sa labis na pagtataka. Agad nitong iniunlock ang ipad na suwerte namang walang password.
"No! Don't read it, please!" Agad na tumalikod si Jarius at binangga ng kanyang bewang ang mahinang si Zeke kaya naman napaupo ito sa damuhan. Wala na itong nagawa kundi takpan ang mukha at tahimik na umiyak.
Unang entry pa lang ng journal ay nangilabot na si Jarius sa nabasa.
I realized today that I'm gay. And I think I like... no... I don't just like him! I think... I think I'm in love with my kuya. I love you, Jarius Vei Martenei.