Warning: Alam nyo na ang mangyayari. "Ano ba kanina ka pa nangangalabit!" Impit kong bulong sa katabi ko. "Tara na kasi." Mahina niyang sagot. Pabulong ang pag-uusap namin para di makahalata yung isang kasama namin. "Magtigil ka nga. Mamaya, makahalata yang katabi mo." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi makakahalata yan. Masiyado na siyang nakaconcentrate sa mga boobs at legs na nagtatalunan. Tara na kasi. Namimiss na kita." Pinalamlam pa niya ang kanyang mga mata. At ako'y napabuntong-hininga. Bakit ba kapag pinalalamlam niya ng yung magaganda niyang mga mata nawawala na yung matinong parte ng utak ko? Nanlalabo na yung mga rason ko? Anlakas ng epekto niya sa akin. Nakakainis. "Sige. Mauna ka na. Susunod ako." Hindi na naman ako nakatiis. Hindi ko na naman siya matiis. "Thank