CHAPTER 6 (4)

1126 Words
“Si Spongebob talaga?” tanong ni Maro. Napatingin si Neo kay Maro. Ngumiti ito at binitawan na ang kamay ni Maro. “Cute kasi siya, parang ikaw,” birong sabi ni Neo. Napanguso si Maro. “Mukha ba akong dilaw na sponge?” tanong nito. “Parang,” sabi ni Neo saka ngumiti. Mas lalong napanguso si Maro. Natawa si Neo. “Biro lang,” sabi nito. “Anyway, masakit pa ba?” tanong pa nito. “Hindi na masyado,” sabi ni Maro. “Salamat,” pasasalamat nito saka ngumiti. “Wala iyon, sino pa bang magtutulungan eh dalawa lang tayo dito,” nangingiting sabi ni Neo. Mas lalong ngumiti si Maro. Lumabas ang perfect set ng white teeth. “Sa susunod ay mag-ingat ka. Hindi rin biro ang hiwa ng kutsilyo,” sabi ni Neo. “Ang OA mo naman. Malayo naman sa bituka ko ‘yung sugat,” sabi ni Maro. “Hindi ‘yun OA. Ang maliit na alikabok nga ay nakakapuwing, hiwa pa kaya ng kutsilyong matalim?” tanong ni Neo. Napangiti si Maro sa sinabi ni Neo. “Sige na at ako ng tatapos nitong iluluto natin,” sabi ni Neo na ikinagulat ni Maro. “Ha? Pero-” “Turuan mo na lang ako saka gabayan. I’m sure naman na masusundan kita,” sabi kaagad ni Neo saka ngumiti at kumindat pa. Napangiti si Maro. “Sige na nga.” Napatango-tango si Neo. “Magsisimula na ako ah. Anong una kong gagawin?” tanong nito. “Okay, sige…” saka sinimulan ng turuan ni Maro si Neo ng mga dapat nitong gawin sa pagluluto ng sinigang na tilapia. --------------------------------------- Magkatapat na nakaupo sa mesa sila Maro at Neo. Nakahain na ang nilutong sinigang na tilapia ni Neo sa gabay ni Maro. Nakapagsaing rin ng kanin na nakahain din sa mesa at siyempre ay may orange juice bilang panulak. Nakatingin si Neo kay Maro na tinitikman ang sabaw ng sinigang na tilapia. Para siyang contestant sa isang cooking show at si Maro ang judge na hahatol sa ginawa niyang pagluluto. Napatango-tango si Maro nang matikman niya ang sabaw pagkatapos ay tiningnan nito si Neo. “Ano? Okay ba ang lasa?” tanong ni Neo. Ngumiti si Maro saka tumango-tango. “Masarap,” puri ni Maro. “Hindi nga? Baka nambobola ka lang,” hindi makapaniwalang sabi ni Neo. “Masarap nga,” sabi ni Maro na pinipilit si Neo na maniwala sa kanya. Napangiti si Neo. “Yes!” natutuwang sabi nito. Masaya siya dahil nakapagluto na siya ng masarap na pagkain. “Hindi malayong mas maging magaling ka pa sa aking magluto sa katagalan,” sabi ni Maro. “Hindi naman siguro. Magaling ka kasing magturo kaya naging perfect ang luto ko,” sabi ni Neo. Masayang-masaya talaga siya. Napatango-tango si Maro saka ngumiti. “Sige na at kumain na tayo at hindi na masarap kapag malamig na itong sabaw,” sabi ni Maro. “Okay, pero gusto mo ba subuan kita?” tanong ni Neo na ikinagulat ni Maro. “Ha?” tanong nito. Hindi naman siya nabingi pero parang ganun na rin. Nakakagulat naman kasi ‘yung offer ni Neo. “‘Yung kamay mo kasi, bawal mo pang masyadong igalaw ‘yan,” sabi ni Neo. “Ano ka ba? Hintuturong daliri ko lang ang nahiwa at hindi ang buong kamay,” sabi ni Maro saka mahinang natawa. Napangiti si Neo. “Alam ko kasi na mahapdi pa rin ‘yan kaya hindi ko lang maiwasang mag-alala.” Napangiti si Maro. “Okay lang ako, kumain ka na lang diyan at ako, uubusin ko itong niluto mo.” “Huwag naman! Gusto ko ring mabusog ng todo sa luto ko,” sabi ni Neo. Natawa naman si Maro. Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang nilutong pagkain ni Neo. Panay ang tawanan at kwentuhan. Sa puntong iyon ay mas lalo pang nagkalapit ang dalawa. At hindi maitatanggi ni Maro na masayang-masaya ang pakiramdam niya. Ganun din si Neo na sandaling nakalimutan ang lungkot dulot nang pagkalimot ni Mika sa anniversary nilang dalawa. Nililibot ni Maro ang kanyang paningin sa loob ng mall kung saan naglalakad siyang mag-isa ngayon. Naisipan niyang pumunta rito at mamasyal na muna dahil sa bigla siyang nainip sa bahay. Nasa trabaho si Neo kaya naman nag-iisa lamang si Maro. Magsusulat nga sana siya ng panibagong kabanata sa kanyang nobela ngunit bigla siyang inatake ng writer’s block kaya wala siyang maisip na isusulat. Napapangiti nang tipid si Maro. Maraming pamilya ngayon sa loob ng mall at kagaya niya ay namamasyal rin ang mga ito. Bigla niyang naalala ang mga magulang niya at si Mika. Madalas kasi nung kabataan niya ay namamasyal din sila sa mall o di kaya ay sa parke at masaya ang mga sandaling iyon. Hindi niya tuloy maiwasang ma-miss ang mga magulang niya at siyempre si Mika. Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Maro. Patingin-tingin rin siya sa mga tindahan na nasa loob ng mall. Napansin niyang maraming sale ngayon pero bilang hindi siya madaling makuha ng sale ay hindi siya napapabili ng mga ito. Aminado naman si Maro na medyo kuripot din siya at binibili lang ang isang bagay kung kailangan niya talaga. Sa patuloy na paglalakad ni Maro ay narating naman niya ang arcade na nasa unang palapag lang din ng mall. May dalawang palapag kasi ang mall na ito at malawak ang bawat palapag na meron ito. Huminto sa paglalakad si Maro. Nakatingin lamang siya sa bukas na bukana ng arcade. Maraming kabataan ang nasa loob at naglalaro, ang iba ay may kasamang magulang na nakikipaglaro din sa kanilang mga anak. “Sa edad kong ito, dapat may pamilya na rin ako kagaya nila,” may panghihinayang na sabi ni Maro. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya maiwasang isipin iyon. Siguro kung normal lang siya, malamang ay naisipan na rin niyang magkaroon ng pamilya. Kung hindi lamang siya inlove sa iisang tao lang ay malamang marami na rin siyang nakarelasyon na babae at pwedeng isa roon ay maging asawa at ina ng magiging anak niya. Ngunit hanggang sa pag-iisip na lamang siya ng mga iyon dahil ang puso niya, may nagmamay-ari na at hindi siya babae. Ang puso niya, nakalaan na para sa iisang taong walang kaalam-alam na siya na pala ang may-ari nito. Napabuntong-hininga si Maro. Umiwas nang tingin si Maro sa arcade at muling naglakad. Ito lang ang gagawin niya sa loob ng mall, magpapalamig at mamamasyal. Pinamulsa ni Maro ang magkabila niyang kamay habang patuloy pa ring naglalakad. Pamaya-maya ay napahinto si Maro sa paglalakad. Naningkit ang kanyang mga mata ng may makitang tao na pamilyar sa kanya. Hanggang sa bigla siyang tumakbo papunta sa isang matabang poste at nagtago doon. Muling sinilip ni Maro ang nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD