CHAPTER 7 (1)

1283 Words
“Hindi ako pwedeng magkamali, si Neo ‘yun!” sabi ni Maro sa sarili. “Sino ‘yung babaeng kasama niya?” nagtatakang tanong pa nito sa sarili. Nakasunod lamang ang tingin ni Maro kay Neo at sa babaeng kasama nito. Mabagal na naglalakad ang mga ito at nag-uusap. Minsan ay nagtatawanan pa. Katulad ni Neo, pormal din ang kasuotan ng babae. Hindi maikakaila ni Maro na maganda ito. Babaeng-babae dahil sa haba ng buhok nito na hanggang likod at sumusunod sa galaw dahil sa taglay na kalambutan. Hindi maiwasan ni Maro na mag-isip ng kakaiba. “Hindi kaya, may ibang babae na si Neo?” tanong ni Maro sa sarili. “Pero hindi maaari, kilala ko si Neo at hindi niya magagawang lokohin ang kapatid ko,” sabi pa nito sa sarili. Bumigat ang pakiramdam ni Maro. Ang makitang may kasamang iba si Neo, hindi niya iyon gusto. Dapat sanay na siya dahil asawa ni Neo ang kapatid niya at higit pa sa ginagawa ng kasama ngayong babae ni Neo ang ginagawa nila ni Mika ngunit hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Kaagad na kumumbli si Maro sa poste nang magawi ang tingin ni Neo sa pwesto niya. Pilit niyang itinago ang sarili sa poste. Hindi siya pwedeng makita nito. Hindi pwedeng malaman ni Neo na nakita niya ang ginagawa nito. ‘Pero babae nga ba talaga siya ni Neo? Baka naman katrabaho lang at sabay sila ng breaktime kaya sila magkasama ngayon,’ sabi ni Maro sa isipan. ‘Yun ang gusto niyang isipin para hindi na rin siya mag-isip pa ng kung ano-ano. Iba talaga ang nagagawa ng selos, nag o-over think na si Maro. Muling sinilip ni Maro sila Neo at ang kasama nito ngunit hindi na niya nakita ang mga ito. Umalis si Maro sa pinagtataguan at nilibot nang tingin ang kabuuan ng mall ngunit hindi na niya nakita ang mga ito. Marahil ay nakaalis na. Napabuntong-hininga si Maro. Pumikit ang mga mata. Muling idinilat ni Maro ang kanyang mga mata. Inihakbang ang kanyang mga paa at naglakad na papunta sa labasan ng mall. Nawalan na siya ng gana maglibot. ------------------------------------------- Nakauwi na sa bahay at nakapagbihis na ng pambahay na damit si Maro. Natapos na rin niyang maghanda ng pagkain para sa hapunan pero hindi pa siya kumain. Nakaupo si Maro sa sofa. Nakatingin sa telebisyong balitaan ang palabas pero wala doon ang pokus dahil lumilipad ang isipan niya. Hanggang ngayon ay nasa utak pa rin ni Maro ang nakita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at kung ano-ano ang iniisip niya sa kung sino ang babaeng kasama ni Neo. Hindi dapat magkaganito si Maro ngunit hindi niya mapigilan lalo na at may nararamdaman siya sa tao. Hindi naman namalayan ni Maro na bumukas ang pinto ng bahay nila at pumasok si Neo. Sinara nito ang pintuan at tumingin sa sala. Napansin niya ang nakabukas na tv at ang ulo ni Maro na nakalitaw mula sa sandalan ng sofa. Napangiti si Neo dahil nanunuod pala ng balita ang kanyang bayaw. Naglakad si Neo papunta sa sala. Nang nandoon na siya at tiningnan niya si Maro. Nangunot ang kanyang noo dahil napansin niyang tulala ito at nakatingin lamang sa telebisyon pero wala doon ang pokus nito. “Kuya,” pagtawag ni Neo kay Maro para makuha ang atensyon nito. “Nandito na ako,” sabi pa nito para malaman nito na nasa bahay na siya. Pero nanatiling tulala si Maro. “Kuya!” may kalakasan ang boses na pagtawag muli ni Neo kay Maro. Pero wala pa rin. Hindi siya nito tiningnan. Kumamot sa ulo si Neo. Napangiti ito ng tipid saka nilapitan ang kinaroroonan ni Maro. “Kuya!” pagtawag muli ni Neo at winagayway na niya sa harapan ng mukha ni Maro ang kanang kamay niya. Bumalik sa sarili si Maro. Dahan-dahan siyang napatingin kay Neo. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Okay ka lang ba Kuya?” nagtatakang tanong ni Neo. “Ha?” wala sa sariling tanong ni Maro. Napangiti si Neo. “Mukhang hindi ka okay Kuya. May problema ka ba?” tanong ni Neo. “Ah… wala-wala,” pagtanggi ni Maro at umiling-iling pa. “Pasensya ka na at hindi ko namalayang dumating ka na pala,” paghingi niya ng dispensa. “Okay lang, Kuya,” sabi ni Neo saka ngumiti. Naupo ito sa single sofa na katabi lamang ng inuupuan ni Maro na mahabang sofa. “Oo nga pala, nakapagluto na ako ng hapunan kaya pwede ka ng kumain,” sabi ni Maro. Napangiti nang tipid si Neo. Niluwagan nito ang suot na neck tie. Gusto pa sana niyang magtanong kay Maro kung okay lang ba talaga ito pero nagdadalawang-isip na siya. Baka kasi mamaya ay magalit ito dahil doon. Napangiti nang tipid si Maro. May bahagi sa isip niya na gustong tanungin si Neo tungkol sa babaeng kasama nito sa mall ngunit hindi niya magawa dahil kapag ginawa niya iyon, malalaman ni Neo na nasa mall siya at nakita niya ito kasama ang babaeng iyon. “Tara na at kumain na tayo,” pag-aaya na lamang ni Maro. “Mauna ka na Kuya, pahinga lang ako ng kaunti,” sabi ni Neo. Sinandal ng mabuti ang likuran sa sandalan ng sofa na kanyang inuupuan. “Ang dami kong ginawang trabaho kanina kaya napagod ako,” sabi pa nito saka ipinikit ang mga mata. Nakatingin lamang si Maro kay Neo. ‘Maraming trabaho pero nagawa pang pumunta sa mall kasama ang isang babae?’ naiinis na tanong ni Maro sa isipan. “Mabuti na lang at tinulungan ako ni Mrs. Garcia at nanlibre pa ng pagkain,” sabi ni Neo habang nakapikit. ‘Mrs. Garcia? Iyon ba iyong babaeng kasama niya sa mall kanina?’ tanong pa ni Maro sa isipan. “Alam mo Kuya, ang bait-bait ni Mrs. Garcia, bukod sa tinutulungan niya ako palagi sa trabaho ay nanlilibre pa siya kung minsan. Kanina nga pumunta pa kami sa mall para kumain sa isang mamahaling resto at libre niya. Ganun rin siya sa iba kaya gustong-gusto siya ng lahat ng katrabaho ko kasi bihira na lang ang kagaya niyang mabait na superior lalo na sa panahon ngayon,” nangingiting sabi ni Neo habang nakapikit pa rin. “Ang swerte ng asawa at anak niya sa kanya, hindi lang siya maganda kundi mabuting ilaw rin siya ng tahanan at mabuting katrabaho,” natutuwa pang sabi nito. Nakatingin pa rin si Maro kay Neo. Bigla siyang natawa sa mga narinig mula kay Neo at sa sarili na rin. Kung ano-anong iniisip niyang kakaiba. Wala naman pala siyang dapat ikabahala. Dumilat ang mga mata ni Neo at tiningnan si Maro. Narinig niya kasing tumawa ito. “Okay ka lang Kuya? Bakit ka tumatawa?” nagtatakang tanong ni Neo. “Ah… oo, bigla kasi akong natawa dun sa balita,” pagdadahilan ni Maro Napatingin si Neo sa telebisyon. Nagtaka siya kasi p*****n ang balita. ‘May nakakatawa ba dun?’ sa isip-isip ni Neo. Kumamot pa ito sa batok. “Tara na at kumain na tayo bago pa tuluyang lumamig ang pagkain,” pag-aaya na ni Maro saka tumayo mula sa inuupuan nito. Nag-iba bigla ang mood niya. “Okay Kuya. Magbibihis muna ako at susunod na lang,” sabi ni Neo. “Okay,” sabi na lamang ni Maro at tinalikuran na si Neo saka pumunta sa kusina. Napangiti at napailing-iling si Maro. ‘Kung ano-ano kasing iniisip mo Maro. Hindi ganung lalaki si Neo, kaya nga nagkagusto ka sa kanya,’ sabi ni Maro sa kanyang isipan. Hindi maitatanggi sa mukha ni Maro na nabunutan siya ng tinik dahil sa mga nalaman niya na hindi babae ni Neo ang kasama nito sa mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD