CHAPTER 2 (2)

1854 Words
Nagising si Maro dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. “Kuya! Kuya!” pagtawag ni Mika mula sa labas ng pintuan. Idinilat ni Maro ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay tinatamad pa siyang bumangon pero sa huli ay ginawa niya pa rin ito. Naupo si Maro sa kama at nag-stretch ng katawan. Tiningnan ang wall clock, maga-alas-nuebe na ng umaga. Tinanggal ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan na boxer short lamang ang suot at tuluyang umalis sa kama at lumapit sa pinto. “Kuya!” pagtawag muli ni Mika. Pinagbuksan na ni Maro ng pintuan ang kapatid. Nagkusot-kusot siya ng mata. Napangiti naman si Mika nang makita si Maro. “Tara na Kuya at kumain na tayo ng almusal. Nagluto ako,” masayang sabi ni Mika. Humikab muna si Maro bago magsalita. “Wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni Maro. Umiling-iling si Mika. “Day-off ko ngayon, Kuya,” natutuwang sagot nito. Napangisi si Maro. “Mabuti at naisipan mong mag day off,” sabi nito. Masyadong sinusubsob ni Mika ang sarili sa trabaho at kung minsan ay cancel off din ito. Gusto nga sanang pagsabihan ni Maro ang kapatid kaso alam naman niyang hindi rin ito susunod sa kanya. May katigasan din kasi ng ulo si Mika kaya hinahayaan na lamang niya tutal at matanda na ito. Napangiti si Mika. “Tara na at bumaba ka na bago pa lumamig ang pagkain,” pag-aaya na nito. Napatango-tango si Maro. “Sige at susunod na lang ako.” “Okay,” sagot na lamang ni Mika. Umalis na si Mika sa harapan ni Maro at bumaba na papunta sa dining. Napabuntong-hininga na lamang si Maro at muling pumasok sa kanyang kwarto at sinara ang pinto. Magbibihis pa kasi siya at aayusin ang sarili bago bumaba. ------------------------------------- Nasa hapagkainan na sina Maro, Mika at pati na rin si Neo na katabi ni Mika. Nakapwesto ang mga upuan nito sa kaliwang bahagi ng mesa habang sa kanan naman si Maro. Nakahain sa mesa ang mga pagkaing pang-almusal na pinrito ni Mika. Itlog, hotdog, bacon at may sinangag din. Naghanda rin ito ng tasty bread at orange juice. Kanya-kanya na silang kuha ng pagkain. Si Mika, pinaglalagay ng pagkain si Neo sa plato nito na ikinatitingin ni Maro. Sa kanyang palagay ay ayos na ang mag-asawa matapos nang pagtatalo ng mga ito kagabi. Umiwas nang tingin si Maro at nagpatuloy sa ginagawang paglalagay ng pagkain sa kanyang plato. “Oo nga pala Kuya, congrats,” pagbati ni Mika kay Maro na ikinatingin sa kanya nito. Kumunot ang noo ni Maro. “Para saan?” nagtatakang tanong ni Maro. Ngumiti si Mika. “Para doon sa isang nobela mong malapit ng maging libro,” masayang sabi nito. “Nasabi kasi sa akin ni Neo,” dugtong pa nito saka tiningnan ang asawa na si Neo na napangiti naman ng tipid. Napangiti nang tipid si Maro. “Salamat,” sabi ni Maro. “Ilan na bang nobela mo ang naging libro Kuya?” tanong ni Mika. Napaisip si Maro. “Walo,” sagot ni Maro. Walong nobela na niya ang naisalin sa libro ng iba’t-ibang publikasyon. Lahat iyon ay bumenta. Romance ang expertise niya at lahat iyon ay straight. Never pang gumawa si Maro ng M2M or BL novel kahit na may bahagi rin sa kanya na gusto iyong subukang gawin. Bukod sa pagpopost sa isang website, sa pagbebenta ng kwento sa mga publikasyon para maging libro siya kumikita. “Walo na pala Kuya pero hindi ka man lang nagbibigay sa amin ng kopya,” nakangiting biro ni Mika. Mahinang tumawa si Maro. “Edi bumili ka, ikaw ang malaki ang kita diyan,” biro din ni Maro. Natawa lalo si Mika. Ganun din si Neo. “Pero alam mo Kuya natutuwa ako,” sabi ni Mika saka ngumiti. Kumunot ang noo ni Maro. Ngumiti si Mika. “Kasi may writer akong kapatid,” sabi nito. “Ilan lang kaya ang taong magaling gumawa ng kwento,” sabi pa nito. Matagal ng hilig ni Maro ang pagsusulat, nito lamang niya napagtuunan ng pansin. “Papuri ba ‘yan o insulto?” tanong ni Maro sa himig ng biro. “Papuri siyempre. Hindi ka naman tsismosa na no.1 talaga sa paggawa ng kwento,” natatawang sabi ni Mika. Bukod sa mga writers, ang mga tsismosa ang isa pa sa magaling gumawa ng kwento, magdagdag at magbawas ng kung anong nasagap nilang tsismis. Napangiti na lamang si Maro. “Kumain ka na nga lang diyan,” sabi nito saka umiling-iling. Napangiti si Mika. Tumingin ito kay Neo. “Oo nga pala Hon, gusto mo bang mamasyal tayo ngayon?” tanong ni Mika. “Tutal parehas naman nating day-off kaya sulitin na natin,” sabi pa nito. Kumunot ang noo ni Neo. “Saan naman tayo mamasyal?” nagtatakang tanong ni Neo. Napangiti si Mika. “Kahit saan. Kung gusto mo sa langit pa,” may himig ng kalandian ang huling mga salita ni Mika. Mahinang natawa naman si Neo. Umiwas nang tingin si Maro sa dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Sa harapan pa talaga niya naglandian ang dalawa. “Sige,” narinig ni Maro na sagot ni Neo. Patuloy lamang sa pagkain sa Maro. Ayaw man niyang marinig at makita ang paglalambingan ng mag-asawa dahil nasasaktan siya ngunit hindi naman niya iyon maiiwasan lalo na at nasa iisang bahay lang sila. Nakakatawang isipin na nasasaktan si Maro ngunit alam rin niya sa kanyang sarili na wala siyang karapatan para maramdaman iyon. “Ikaw Kuya? Gusto mo bang sumama?” Tumingin si Maro kay Mika at Neo. Nilunok muna nito ang pagkaing nanguya bago magsalita. “Hindi na. May tatapusin rin kasi akong kabanata ngayon sa nobela ko,” pagtanggi ni Maro. “Saka bonding niyong dalawa ‘yan kaya sulitin niyo,” sabi pa nito saka ngumiti. Napangiti si Mika. Tiningnan nito si Neo na nakatingin din kay Mika. Parehas na ngumiti. Huminga nang malalim si Maro saka umiwas nang tingin sa dalawa at nagpatuloy sa pagkain. -------------------------------------- Nag-iisa na lamang sa bahay si Maro. Umalis na ang mag-asawa para mamasyal. Sinandal ni Maro nang mabuti ang kanyang likod sa sandalan ng sofa na inuupuan niya. Tumingin siya sa kisame hanggang sa maging titig na iyon. May biglang tumakbo sa kanyang alaala… at as usual, kasama niya doon si Neo. Naisipang mamasyal ni Maro sa parke kaya ngayon ay naglalakad siya rito ng mag-isa. Gusto niya kasing lumanghap ng sariwang hangin at makapagpahinga na rin matapos ng maghapon niyang trabaho. Napapangiti si Maro habang tinitingnan ang paligid. Napakaganda naman kasi nito. Maraming mga puno at halaman sa paligid. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak. Luntian ang mga damo at masarap sa tenga ang huni ng mga ibon na lumilipad. Ganito ang ginagawa ni Maro kapag nakakaramdam siya ng pagod sa trabaho. Usually ay Thursday ang ginagawa niyang pamamasyal sa parke dahil ito ‘yung araw na pakiramdam niya ay pagod na pagod na ang katawan niya. Patuloy sa paglalakad si Maro. Nilalanghap ang sariwang hangin. Pinamulsa ang kanyang mga kamay. Hanggang sa maisipan ni Maro na maupo muna. Naghanap siya ng bakanteng bench hanggang sa makakita siya. Kaagad niya iyong pinuntahan, pinagpag niya muna iyon ng kanyang kanang kamay saka umupo doon. Nirelax niya ang sarili sa pagkakaupo. Dumekwatro pa siya na parang babae. Mahaba kasi ang legs niya kaya kung panlalaking dekwatro ang gagawin niya ay tiyak na maaabot ng tuhod niya ang bakanteng espasyo ng inuupuan niyang bench na gawa sa bato. Napangiti si Maro ng mula sa pwesto niya ay nakikita niya ang malapit ng lumubog na araw. Mas lalong na-relax ang pakiramdam niya. Sa totoo lang, gusto niya ang sunrise, sunset at ang gabi. Basta kapag titingin siya sa kalangitan, gumagaan ang pakiramdam niya. “Kuya?” Mabilis na naalis ang tingin ni Maro sa araw at lumipat sa taong nagsalita at tumawag yata sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita si Neo. Nakasuot ito ng unipormeng pamasok kaya halatang galing ito sa trabaho at mukhang naisipan rin munang mamasyal bago umuwi. Ngumiti si Neo nang mapatingin sa kanya si Maro. “Sabi ko na nga ba at ikaw ‘yan.” Napangiti na lamang ng tipid si Maro. Lumapit si Neo saka naupo sa tabi ni Maro. Bahagya namang umusog palayo si Maro para mas lumaki ang espasyo na pwedeng upuan ni Neo. “Mukhang parehas tayo Kuya. Namamasyal dito after work,” sabi ni Neo saka ngumiti. “Ganun na nga,” sagot ni Maro. Umiwas nang tingin si Neo kay Maro. Tumingin ito sa sunset. “Wow ang ganda talaga,” humahangang sabi ni Neo. Nanatili namang nakatingin si Maro kay Neo. Nasilayan na naman niya ang kagwapuhan nito. Messy man ang ayos ng buhok pero hindi maitatanggi ni Maro na mas lalong nagpadagdag iyon sa taglay na s*x appeal ni Neo. Huminga nang malalim si Maro at umiwas nang tingin kay Neo. Nirerelax niya ang kanyang sarili dahil sa totoo lang, todo na naman ang kaba sa kanyang dibdib. “Kumain ka na ba Kuya?” tanong ni Neo. Napatingin si Maro kay Neo. Ngumiti si Neo. Mas maganda pa sa sunset ang ngiti nito dahil lumalabas ang puti at pantay-pantay nitong mga ngipin. “May nadaanan kasi akong food stall, gusto mo puntahan natin?” tanong ni Neo. Napatango-tango na lamang si Maro kahit na busog pa siya. Ewan ba niya pero minsan, madalas pala ay hindi siya makatanggi kay Neo. Tumayo ang dalawa at pumunta sila sa sinasabing food stall. May street foods ang karamihan sa tinda. Kumain sina Maro at Neo doon habang nagkwekwentuhan ng kung ano-ano. Mas marami nga lamang kwento si Neo dahil mas maloko ito lalo na nung high school. Panay ang tawa nilang dalawa at hindi napapansin ang paglipas ng oras. Pakiramdam ni Maro, siya na ang pinakamasayang tao ngayon sa mundo. Iniisip niya na nasa date sila ni Neo. Hindi man espesyal ang lugar at pagkaing nilalantakan nila pero sobrang espesyal nito para kay Maro. Basta kasama niya si Neo, ang lahat ng simple ay nagiging espesyal. Hindi iniisip ni Maro na ang mga sandaling kasama niya ito ay hiram lamang niya sa kapatid. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay masaya siyang nakakasama ito. Saka na lamang niya iisipin ang magiging kahahantungan ng lahat. Napabuntong-hininga si Maro. Umayos ito sa pagkakaupo at tumingin sa telebisyong nasa harapan at nakapatay. Natapos na naman niyang sariwain ang isang alaala kasama ni Neo na para sa iba ay simple lamang ngunit para sa kanya, isa sa mga alaalang hindi niya malilimutan. Naisip niya sina Mika at Neo. “Ano na kayang ginagawa nila? Siguro sobrang saya nila ngayon,” sabi ni Maro. Hindi na naman niya maiwasang mainggit sa kapatid. Mabuti pa ito, malayang mahalin at makasama si Neo. Kunsabagay, karapatan naman iyon ni Mika bilang asawa niya si Neo… karapatan na wala sa kanya. Napangiti na lamang ng tipid si Maro saka tumayo. Naglakad siya papunta sa hagdan at umakyat. Gagawin na lamang niyang abala ang sarili sa pagsusulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD