CHAPTER 8 (1)

1324 Words
Naisipan ni Maro na maglaba. Medyo marami na rin kasi ang marurumi niyang damit. Inilagay niya ang mga ito sa isang laundry basket pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang kwarto dala ang mga lalabhan niya. Sa pagsara niya ng pintuan ng kanyang kwarto ay napatingin naman siya sa kwarto nila Neo. Wala si Neo sa bahay dahil pumasok ito sa trabaho. Nangunot ang noo ni Maro. “Nakapaglaba na kaya siya?” tanong nito sa sarili. Noong nandito pa kasi sa bahay si Mika, ito ang madalas na naglalaba ng mga damit nila ng asawa pero ngayong wala na ito ay si Neo na ang naglalaba ng sarili nitong damit. Umalis si Maro sa tapat ng kanyang kwarto at naglakad papunta sa kwarto nila Neo. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon pabukas. Pumasok si Maro sa loob ng kwarto. Naamoy niya kaagad ang pabangong laging gamit ni Neo. Gustong-gusto niya ang amoy nito dahil hindi ganun katapang pero masasabi pa ring panlalaki ito. Malamig sa pang-amoy ang halimuyak na naiiwan nito. Napangiti na lamang ng tipid si Maro. Nilibot nang tingin ang kabuuan ng kwarto. Malinis at maayos ang loob. Masinop din kasi si Neo pagdating sa bahay at ayaw rin nito ng makalat. Hinanap na lamang niya ang lagayan ng labahan ni Neo. Natagpuan niya ang basket sa tabi ng cabinet. “Konti lang pala,” sabi ni Maro. Sa tingin niya ay naglalaba rin si Neo ng hindi niya napapansin. Kinuha ni Maro ang ilang pirasong damit ni Neo at nilagay sa laundry basket na dala niya. May mangilan-ngilan ding underwear na nakalagay doon na kinuha rin niya at lalabhan na rin niya. Matapos kunin ang mga maruruming damit ni Neo ay lumabas siya ng kwarto nito. Sinara ang pinto saka bumaba. Sa likod ng bahay ang diretso ni Maro dahil nandoon ang washing machine. Nilapag na niya muna ang basket sa sementadong lupa saka inihanda ang washing machine para magamit niya. Nilagyan ni Maro ng tubig ang washing machine. Kalahati ang dami pagkatapos ay sinununod naman nito ang sabon saka chlorine. Sinaksak ni Maro sa kuryente ang washing machine pagkatapos ay pinaandar na iyon para bumula ang sabon sa tubig. Habang pinapaikot ni Maro ang tubig sa washing machine ay umupo na muna siya na parang natatae saka sinimulang ihiwalay ang mga puti sa dekolor. Nahawakan ni Maro ang puting sando ni Neo. Ganito ang madalas na suot ni Neo kapag nandito sa bahay kaya iyon ang karamihan sa mga damit nito na lalabhan niya. Binulatlat niya iyon sa ere at tiningnan. Napangiti siya. Hanggang sa bigla niyang maisipan na ilapit iyon sa kanyang ilong. Napapikit ng mga mata si Maro habang sinisinghot niya ito. Gusto ni Maro ang naaamoy niya. Amoy pawis pero hindi masangsang sa pang-amoy. Lalaking-lalaki ang natural na amoy ni Neo. Nakakaramdam nang pag-iinit si Maro. Sa totoo lang, amoy pa lang ni Neo ay tinatayuan na siya. Ganun ang epekto nito sa kanya. Bago pa kung saan mapunta ang ginagawa ni Maro ay nilayo na niya ang sando ni Neo sa kanyang ilong. Muling dumilat ang mga mata nito. Napangiti siya ng tipid. Napailing-iling si Maro saka nilagay niya ang sando sa mga puting damit na naihiwalay na niya. Nagpatuloy sa ginagawa si Maro. Hanggang sa mahawakan naman niya ay ang puting brief ni Neo. Binulatlat niya rin iyon sa ere. Mahina rin siyang natawa. “Ang laki ng pansalo,” mahinang sabi niya sa hangin. Hindi pa man niya totally nakikita ang p*********i ni Neo sa ilang taon na nilang pagsasama sa bahay ay alam niya na may ipagmamalaki ito. Sa bukol pa lang kapag nakatwalya iyon o di kaya ay nakasuot ng boxer short, tiyak niyang maipagmamalaki ni Neo ang meron ito sa pagitan ng mga hita. Tila nawala na naman sa sarili si Maro. Binaba niya ang brief ni Neo saka tiningnan iyon ng mabuti lalo na ang pundya. Napansin ni Maro na may mga naiwang buhok dito. Hindi rin nakaligtas sa kanyang tingin ang bakas ng dagta na meron din doon. Napalunok si Maro. Nakaramdam na naman siya ng init pero mas matindi ngayon. Hanggang sa ipikit ni Maro ang kanyang mga mata at nilapit sa kanyang ilong ang brief ni Neo. Halo-halo ang naamoy ni Maro pero hindi iyon masangsang. Gustong-gusto niya ang lalaking-lalaki na aroma nito. Pakiramdam niya, inaamoy na rin niya ang p*********i ni Neo. “KUYA!!!” Kaagad na napabalikwas si Maro dahil sa gulat. Napaupo pa nga siya sa lupa. Nailayo niya ang brief ni Neo sa kanyang ilong at mabilis na itinago iyon sa iba pang damit saka nanlalaki na ang mga mata nitong tumingin sa daanan papunta dito sa likod bahay. “Kuya!” pagtawag muli ni Neo na hinahanap kung nasaan si Maro. Kaagad na tumayo si Maro. Isinama na niya sa mga puting damit ang brief ni Neo. Kabadong-kabado si Maro. Hanggang sa lumitaw na si Neo sa daanan papunta dito sa likod ng bahay. Napangiti ito nang makita si Maro. “Nandyan ka lang pala Kuya,” sabi ni Neo. Nag-aalangang napangiti na lamang si Maro. Kinakalma niya ang sarili. “Naglalaba ka pala Kuya,” sabi ni Neo. Napatango-tango si Maro. Bumuntong-hininga ito bago magsalita. “I-Isinama ko na dito ‘yung mga damit mo,” sabi ni Maro na ikinagulat ni Neo. “Naku Kuya, huwag na,” nahihiyang sabi ni Neo na tuluyang lumapit kay Maro. “Okay lang, sayang rin kasi ‘yung sabon,” sabi ni Maro. Tiningnan nito ang suot ni Neo. “Hubarin mo na ‘yang polo mo at ng maisabay ko na rin dito sa paglalaba.” Napakamot naman sa ulo si Neo. Nahihiya siya dahil si Maro pa ang maglalaba ng mga damit niya. Napangiti nang tipid si Maro. “Sige na at huwag kang mahiya. Sino pa bang magtutulungan dito kundi tayo lang.” Napangiti si Neo. Bumuntong-hininga. “Sige na nga,” sabi nito. “Pero sa susunod, ako naman ang maglalaba kasama ang mga damit mo.” Napatango-tango na lamang si Maro bilang pagsang-ayon. “Sige na at hubarin mo na ‘yang polo mo nang maisama ko na dito sa lalabhan ko,” sabi ni Maro. Napatango-tango na lamang si Neo. Nakatingin lamang si Maro kay Neo habang dahan-dahang tinatanggal ni Neo sa pagkakabutones ang suot nitong polo. Napapalunok rin siya dahil sa totoo lang, naaakit siya sa ginagawa nito. Hanggang sa lumitaw na ang puting sando na suot ni Neo. Umiwas nang tingin si Maro. Napalunok siya at bumuntong-hininga. Isa-isa na lamang niyang inilagay ang mga damit na puti sa washing machine saka inikot ang pihitan nito para magsimulang umandar. Hinubad na ni Neo ang polo niya saka inabot kay Maro. “Ito na Kuya,” sabi ni Neo na ikinatingin ulit sa kanya ni Maro. Ngayon ay nakasando at pants na lamang si Neo. Naka-tuck in pa sa pants nito ang sandong panloob. Napangiti na lamang si Maro saka kinuha mula kay Neo ang polo at inilagay naman iyon sa mga dekolor. “Ang bait mo talaga Kuya,” natutuwang sabi ni Neo. Mahinang natawa si Maro. “Bolero ka.” “Hindi kaya. Totoo ang sinasabi ko, Kuya,” sabi ni Neo. “Oo nga pala, ang aga mo yatang umuwi ngayon?” nagtatakang tanong ni Maro. Bumuntong-hininga si Neo bago nagsalita. “Maaga ko kasing natapos ang trabaho ko. Ayoko rin namang mag-overtime at maggala kaya sinakto ko na lang sa out ko ang pag-uwi,” sabi ni Neo. Napatango-tango si Maro. “Sige na at magpahinga ka na muna. Ako ng bahala dito.” Ngumiti si Neo. “Sige Kuya, salamat.” Ngumiti na lamang si Maro. Napabuntong-hininga si Maro nang iwanan na siya ni Neo dito sa likod ng bahay. “Hay Maro! Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mo, ‘no?” tanong nito sa sarili. Tiningnan nito ang mga puting damit na umiikot sa loob ng washing machine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD