CHAPTER 3 (2)

2547 Words
Naabutan ni Maro si Neo na nasa labas ng bahay at may hawak na lata ng beer habang nakatingin sa kawalan. Gabi-gabi ay ganito ang ginagawa nito, kakain lamang ng kaunti sa hapunan pagkauwi galing sa trabaho pagkatapos ay lalabas para uminom ng isa hanggang sa dalawang lata ng beer. Bumuntong-hininga si Maro. Tuluyan siyang lumabas ng bahay at nilapitan si Neo. Naupo ito sa tabi ng inuupuan nito. Naramdaman naman ni Neo na may tumabi sa kanya kaya siya napatingin. Nakita niya si Maro na nakatingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito gaya nang nakikitang ekspresyon ni Maro sa kanyang mukha. Umiwas nang tingin si Neo, muling uminom. Nanatili namang nakatingin si Maro kay Neo. Sa totoo lang, ang bigat ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa ngayon. Malayo sa palagi niyang nararamdaman kapag nakakasama ito nitong mga nakaraan. Bumuntong-hininga muli si Maro. “Nasasaktan mo na ang kapatid ko. Alam mo ba iyon?” tanong ni Maro na pumutol sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Neo. Narinig ni Neo ang sinabi ni Maro. Napabuntong-hininga ito at tumingin kay Maro. “I’m sorry,” bakas ang lungkot sa boses nito. “Hindi ka dapat sa akin nagso-sorry,” seryosong sabi ni Maro. “Ilang araw na kayong ganyan, magkasama sa iisang bubong ngunit daig niyo pa ang mga estranghero dahil sa pakikisama niyo sa isa’t-isa,” sermon pa nito. Napatango-tango si Neo. Umiwas ito nang tingin kay Maro. Muling tumingin sa kawalan. “Pasensya ka na,” ang sabi ni Neo. Bakas ang kalungkutan sa boses nito. “Sobra lang kasi akong nalulungkot hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin kay Mika,” dugtong pa nito. “Alam mo naman kung gaano namin kagusto na magkaroon ng anak, ‘di ba?” tanong pa nito. “Gusto naming maging isang pamilya,” sabi pa niya. Napatango-tango si Maro. Alam niya iyon. “Di ba dapat damayan niyo ang isa’t-isa lalo na sa panahon na ganito?” mahinahong tanong ni Maro. “Sa inyong dalawa, ang kapatid ko ang mas nahihirapan dahil siya ang dahilan ng problema. Hindi niya matanggap na ‘yung isa sa mga pangarap niyong binuo noon pa ay sa isang iglap ay mawawalan ng pag-asa na matupad. Tapos ganyan ka pa,” sabi pa nito. Hindi nagsalita si Neo. “Alam ko na nalulungkot at nahihirapan ka ring tanggapin ang sitwasyon ngunit hindi dapat ito ang maging dahilan ng tuluyan niyong paglayo sa isa’t-isa. Isa pa, marami namang paraan para magkaanak kayong dalawa. Maaari naman kayong mag-ampon ng bata,” sabi ni Maro. “Hindi natatapos sa kawalan ng anak ang lahat sa inyo ni Mika, Neo. Pwede pa rin naman kayong maging isang pamilya basta aayusin niyo ang pagsasama niyo,” dugtong pa niya. Hindi pa rin nagsalita si Neo pero nakikinig siya sa mga sinasabi ni Maro. “Nahihirapan din akong nakikita kayong ganito kaya sana ayusin niyo ng magkasama ang lahat at huwag hayaang padaig sa pagsubok na ito sa inyo,” sabi ni Maro. Napabuntong-hininga si Neo. Napatango-tango ito saka tinignan si Maro. Napangiti ito ng tipid. “Salamat Kuya,” sambit ni Neo. Malaki ang pasasalamat niya na nasa tabi nila si Maro na laging nagsisilbing tulay sa kanilang dalawa ni Mika. Napangiti nang tipid si Maro. “Mag-usap na kayo. Ayusin ang dapat ayusin.” Sa mga sumunod na araw ay nagkakausap na sina Mika at Neo. Natutuwa naman si Maro dahil nakikita niyang unti-unti ng bumabalik sa dati ang dalawa. Pero hindi magpapa-impokrito si Maro, aaminin niyang nasasaktan rin siya dahil sa mga nakikitang ka-sweetan muli ng dalawa sa isa’t-isa na iniiwasan na lamang niyang makita hangga’t maaari. -------------------------------- Pumasok si Neo sa kwarto nila ni Mika. Galing siya ng banyo at kakatapos lamang niyang maligo. Nakatapis lamang ng twalya si Neo. Litaw ang maganda niyang pangangatawan at bumubukol ang kanyang malambot pang pag-aari na nasa loob ng kanyang twalya. Nangunot ang noo ni Neo. Hindi kasi niya naabutan si Mika dito sa loob ng kwarto. “Baka nasa kusina,” sabi ni Neo sa hangin. Parehas kasi silang day-off ngayon kaya nasa bahay lamang sila. Nagkibit-balikat na lamang si Neo saka sinara ang pinto ng kwarto. Lumapit siya sa cabinet para kumuha ng masusuot. Malaki ang cabinet na kinuhanan niya ng damit dahil magkasama ang mga damit nila ni Mika. Nakakuha si Neo ng itim na sando, brief at cargo short. Umalis siya sa tapat ng cabinet at lumapit sa kama. Pinatong muna niya sa ibabaw ng kama ang mga nakuhang damit at tinanggal ang twalya na nakatapis sa kanya. Pinunasan niya nang mabuti ang kanyang buhok. Habang ginagawa niya iyon ay nagpe-flex ang mga muscles niya sa katawan lalo na sa braso. Kumakalembang din ang malambot pa niyang ari at ang mga bola niya. Malambot man ang pag-aari ni Neo sa ngayon pero may ipagmamalaki na ito, lalo na kung matigas. Binitawan ni Neo ang twalya at pinatong sa kama saka kinuha isa-isa ang mga damit niya para isuot. Matapos makapagbihis ni Neo ay muli niyang kinuha ang twalya saka nilapitan ang sampayan at isinampay iyon doon. Pagkatapos ay lumapit naman ito sa malaking salamin at kumuha ng suklay na nakapatong sa kalapit na mesa at sinuklay ang buhok. Matapos makapagsuklay ni Neo ay muli niyang binalik ang ginamit na suklay sa mesa. Umalis sa tapat ng salamin at lumapit sa kama. Naupo si Neo sa gilid ng kama pero kaagad rin siyang napatayo dahil pakiramdam niya ay may naupuan siyang bagay na parang nalukot. Nangunot ang noo ni Neo. Tinaas niya ang nakabalot na kobre sa kama. Mas lalong nangunot ang noo ni Neo dahil may nakita siyang brown envelope. Nakaramdam siya nang pagtataka. Malamang kay Mika ang bagay na ito dahil hindi naman ito kanya, o pwede ding kay Maro at naiwan lang dito sa kwarto nilang mag-asawa. Dahil sa curiosity ay binuksan ni Neo ang envelope na hawak niya at tiningnan ang laman. Mas lalong nagtaka si Neo at kinabahan rin siya sa hindi pa malamang kadahilanan. Mga papel at booklet na kulay dark brown ang nakita ni Neo. Nilabas niya ang mga iyon mula sa envelope at tiningnan iyon isa-isa ng mabuti. Nanlaki ang mga mata ni Neo. Hindi siya makapaniwala. Paano naayos ni Mika ang lahat ng ito ng wala man lang siyang kaalam-alam? “Hon, kakain na… tayo.” Binuksan ang pinto at pumasok si Mika sa kwarto nila ni Neo. Bumagal ang pananalita dahil nakita niya ang hawak ni Neo. Biglang dinaga sa kaba ang kanyang dibdib. Dahan-dahang napatingin si Neo kay Mika. Seryoso na ang mukha nito. “H-Hon… magpapaliwanag ako-” “Bakit ka may ganito?” seryosong tanong kaagad ni Neo. “Bakit wala man lang akong kaalam-alam na inaayos mo na pala ang pag-alis mo ng bansa?” tanong pa nito. Ang nakita ni Neo ay mga dokumento at passport ni Mika papuntang Los Angeles. Napakagat-labi si Mika. Bumakas ang pagka-guilty sa kanyang mukha. “I’m sorry,” paghingi nang dispensa ni Mika. “Nakatanggap kasi ako ng offer mula sa kaibigan kong nagtatrabaho sa Los Angeles-” “At tinanggap mo kaagad ng hindi man lang ako sinabihan?” tanong kaagad ni Neo. “Ano ba ako sa buhay mo?” tanong pa nito. Nakagat muli ni Mika ang ibabang labi niya. “May balak ka palang iwan ako. Sana sinabi mo kaagad sa akin para hindi ganitong gulat na gulat akong iiwan mo sa ere,” dismayadong sabi ni Neo. Umiling-iling si Mika. “Hindi sa ganun. Naisip ko lang kasi na minsan lang ang ganyang kagandang opportunity kaya kaagad kong tinanggap. Para sa ating dalawa ito, para sa future natin,” paliwanag ni Mika. “Para sa atin?” hindi makapaniwalang tanong ni Neo. Tumango-tango si Mika. Ngumisi si Neo. “Kung para nga sa atin, bakit ka nagdesisyong mag-isa? Bakit ka naghahanda mag-isa? Bakit nilihim mo sa akin?” sundod-sunod na tanong nito. “Kung para nga sa atin ang ginawa mong ito edi sana sinusuportahan kita ngayon kung sinabi mo lang sa akin ang mga balak mo, pero wala… wala kang sinabi!” sarkastikong sabi pa nito habang titig na titig kay Mika. “I’m sorry,” sincere na sabi ni Mika. Nangingilid ang luha sa mga mata. Umiling-iling si Neo. Nakakaramdam siya ng galit. “Nagso-sorry ka kasi alam mong mali ang ginawa mo. Gagawin mong lisensya ang salitang iyan na paulit-ulit mong ibibigay sa akin para mapatawad kita pero sa huli ay uulit ka na naman,” dismayadong sabi ni Neo at umiling-iling ito. Magkahalong pagkadismaya, inis, galit at sakit ang nararamdaman niya. “Hon… ngayon lang ako naglihim sayo-” “Alam kong ngayon lang pero hindi malayong ulitin mo dahil ginawa mo na. Ang maglihim, kasalanan ‘yan at kapag ginawa mo ng isang beses, hindi malayong magawa mo nang paulit-ulit hanggang sa kasanayan mo nang maglihim sa akin,” sabi kaagad ni Neo. “Hon, gusto ko lang naman i-grab ‘yung opportunity kasi maganda, kasi para sa future nating dalawa. Ito na ‘yung chance para mas gumanda pa ang buhay natin at dumating ‘yung panahon na hindi na natin kakailanganing magtrabaho pa dahil wala na tayong aalalahanin sa buhay kundi iyong kasiyahan dahil magkasama tayong dalawa hanggang sa pagtanda,” paliwanag ni Mika. Gusto niyang maintindihan ni Neo ang punto niya. Umiwas nang tingin si Neo. Umiling-iling ito. “Okay naman tayo. May trabaho ako at ganun ka rin. Hindi pa ba sapat iyon?” tanong ni Neo. “Makakapag-ipon pa rin naman tayo kahit walang umaalis kahit isa sa atin. Matagal nga lang pero at least, hindi tayo malayo sa isa’t-isa.” sabi pa nito. “Ayaw mo bang magkasama tayo na bubuo sa mga gusto nating mangyari?” tanong pa nito. Naglakad si Mika palapit kay Neo. “Two years lang naman Hon-” “Two years lang naman?” madiin na tanong kaagad ni Neo. Tumingin siya kay Mika. Magkaharap na sila ngayon. “Nila-lang mo lang ang two years?” tanong pa nito. “Mabilis lang iyon-” “Hindi! Matagal ang two years kasi magkalayo tayong dalawa!” sabi kaagad ni Neo. “Paano kung makakita ka ng iba doon? Paano kung mas gustuhin mong doon ka na lang? Paano naman ako dito?” tanong pa nito. “Maraming pwedeng mangyari sa nila-lang mo lang na two years,” sarcastic na sambit pa niya. Umiling-iling si Mika. “Wala na akong makikitang iba kundi ikaw lang. Mahal na mahal kita kaya hindi ako gagawa ng kasalanan para lamang ipagpalit ka sa iba. Kung sakali mang gustuhin ko na doon na lamang at hindi na rito, kukunin kita para makasama doon. Asawa kita kaya hinding-hindi kita ipagpapalit at hindi ka pababayaan,” pangako ni Mika. Hindi na nakapagsalita si Neo. Kakaayos lang nila ni Mika pero ito na naman. Niyakap ni Mika si Neo. “Hon, I’m sorry. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil iniisip kong ito ang makakabuti. Lahat nang ginagawa ko ay para sa ating dalawa,” mahinahong sabi ni Mika. Napabuntong-hininga na lamang si Neo. Napabuntong-hininga si Maro na nakasandal sa gilid ng pintuan ng kwarto nina Mika at Neo. Narinig niya ang lahat at sa totoo lang, nagulat siya na may balak pala si Mika na umalis ng bansa para magtrabaho sa ibayong dagat. Somehow, naiintindihan niya ang pinupunto ni Neo. Naglihim si Mika sa ginawa nito gayong asawa niya si Neo. May karapatan si Neo na magalit kay Mika at mag-alala na rin dahil sa malalayo sila sa isa’t-isa at sa paglalayong iyon, maraming pwedeng mangyari dahil wala sila sa piling ng isa’t-isa. Pero hindi maiwasan ni Maro na malungkot lalo na nung narinig niyang maaaring kunin ni Mika si Neo at magkasama na sila doon sa ibang bansa. Maaari nga iyong mangyari lalo na kung gugustuhin ni Mika. Ang isipin pa lamang ni Maro na magkakalayo sila ni Neo, parang hindi na niya kakayanin ang sakit na dulot nito. ---------------------------------------------- “Wala ka man lang sinasabi sa akin,” sabi ni Maro kay Mika. Magkatabi sila ngayong nakaupo sa sofa dito sa sala ng bahay. Si Neo, nasa loob ng kwarto. “Narinig mo ba ang usapan namin?” tanong ni Mika. Tumango-tango si Maro. “Ikaw talaga, palagi ka na lang naglilihim sa akin sa mga balak mo sa buhay,” sabi ni Maro. Napailing-iling ito. Napangiti si Mika. “‘Yan ba talaga ang gusto mo?” tanong ni Maro. Tumango-tango si Mika. “Mas malaki ang sweldo sa ibang bansa kumpara dito sa Pilipinas at ayoko namang pakawalan ang malaking opportunity na ito na minsan lang dumating.” Napatango-tango si Maro. May punto si Mika sa sinabi nito. “Okay. Ikaw ang bahala,” sabi nito. “Matanda ka na para gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay makakabuti sayo, sa inyo ni Neo,” dugtong pa nito. Napangiti si Mika. “Salamat Kuya,” sabi nito. “Ang dali mo talagang mapapayag sa mga gusto kong gawin,” dugtong pa nito. “May sinabi ba akong pumayag ako?” sarcastic na tanong ni Maro. Napapangiti ito. “Wala pero alam ko naman na payag ka sa pag-alis ko,” nangingiting sabi ni Mika. Napailing-iling na lamang si Maro. “Wala din naman kasing magagawa kung sakaling hindi ako papayag. Kilala na kita Mika,” sabi ni Maro saka ngumiti nang nakakaloko. Mahinang natawa si Mika. “Kayo ni Neo, mag-ayos kayo bago ka umalis,” sabi ni Maro. Napatango-tango si Mika. “Ikaw na munang bahala kay Neo, Kuya,” sabi ni Mika. “Ikaw na munang bahala kay Neo, Kuya.” Natulala si Maro. Paulit-ulit sa utak niya ang sinabi ni Mika. Nabigyan niya ng ibang kahulugan ang sinabi ng kapatid. “Kuya,” pagtawag ni Mika sa natulalang si Maro. Kaagad namang bumalik si Maro sa sarili. “Okay ka lang?” tanong pa nito. “Ah… o-oo,” sagot na lamang ni Maro. Napangiti si Mika. “Araw-araw akong tatawag sa inyo para kumustahin kayo.” Tipid na napangiti si Maro. “Kahit minsan na lang, mahal ang long distance call,” sabi ni Maro. “Edi video call na lang,” sabi ni Mika. Napangiti na lamang muli ng tipid si Maro. Niyakap ni Mika ang braso ni Maro at sinandal ang kanyang ulo dito. “Mamimiss kita Kuya,” sincere na sabi ni Mika. “Talaga ba?” pabirong tanong ni Maro. “Oo naman, hindi lang halata pero mahal kita Kuya,” sweet na sabi ni Mika. Napangiti si Maro. “Mamimiss din kita, lalo na ‘yung katigasan ng ulo mo,” hinimas ni Maro ang ulo ni Mika. Natawa naman si Mika. “Mag-ingat ka dun. Huwag pairalin ang katigasan ng ulo. Kung kailangan mong magpahinga, gawin mo. Kumain ka rin ng mga masusustansyang pagkain para hindi ka magkasakit. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo,” paalala na sabi ni Maro. “Opo Kuya,” parang bata na sabi ni Mika. Napangiti si Maro pero sa likod ng ngiting iyon ay ang kalungkutan at pag-aalala rin dahil sa napipintong pag-alis ni Mika. This is the first time na lalayo sa kanya ang kapatid kaya tiyak na maninibago siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD