CHAPTER 5 (3)

1220 Words
“Hala! Dahan-dahan lang sa paglalakad,” nakaakay sa kanyang balikat habang inaalalayan ni Maro si Neo sa paglalakad. Papunta sila sa kwarto ng huli at muntikan pa itong madapa kundi lang siya nakaalalay dito. Lasing na lasing si Neo hindi kagaya ni Maro na nakainom lang kaya nasa sarili pa ito. Nakakaramdam nga lang siya ng pagod dahil sa ang bigat ni Neo, buong lakas ng katawan nito ay nakapasan sa kanya. Sinipa ni Maro ang pintuan ng kwarto na mabuti na lang ay hindi pala nakasarado. Inalalayan niya papasok si Neo. Kinapa niya ang gilid ng pinto at pinindot ang switch doon. Lumiwanag at buong kwarto dahil sa pagbukas ng ilaw. “Grabe! Lasing na lasing ka,” sabi ni Maro sa inaalalayan pa ring si Neo. “Hindi ako lashing!” sigaw ni Neo. Napatingin si Maro sa mukha ni Neo. Nakapikit ang mga mata nito. May butil ng pawis sa noo at pulang-pula na ang balat. Sa wakas ay nakarating na sila sa kama. Kaagad na inihiga ni Maro si Neo doon. “Hay!” hinga nang malalim ni Maro. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik ng mailagay na si Neo sa kama. Tumingin si Maro kay Neo. Napailing-iling siya. Inayos ni Maro sa pagkakahiga si Neo. Inusog niya pataas ang katawan nito at pinatong ang ulo sa unan. Inayos niya rin ang mga binti at paa nito sa pagkakahiga. Tumayo sa gilid ng kama si Maro. Huminga muli ito ng malalim. “Kakausapin ko nga si Mika bukas,” sabi ni Maro sa sarili. Siguradong hindi na naman magkakaunawaan ang dalawa at dahil malayo sila sa isa’t-isa, tiyak na magiging mahirap ang pagkakaayos para sa mga ito kaya kailangan niyang kausapin ang kapatid. Bumuntong-hininga si Maro. Napansin ni Maro na pawis na pawis ang katawan ni Neo. Napapalatak tuloy siya. “Tsk! Masamang matuyuan ng pawis,” sabi niya. Napagpasyahan ni Maro na bihisan na lamang si Neo ng bagong damit. Naglakad siya papunta sa cabinet pero nasa kalagitnaan pa lamang siya ng kwarto ay huminto siya sa paglalakad. Nagdalawang-isip siya bigla kung gagawin ba niya ang naging pasya. Pumasok sa utak niya iyong huling imahe nito na tanging twalya lamang ang tapis sa katawan. “Hays!” pinukpok ni Maro ang kanyang ulo gamit ang kamay. Kung ano-ano kasing naiisip niya bigla. “Bibihisan ko lang naman siya!” sabi ni Maro sa sarili. Pero sa huli, hindi na niya ginawa ang napagpasyahan niya. Muli siyang lumapit sa kama. “Hindi ka naman siguro magkakasakit kapag natuyuan ka ng pawis,” sabi ni Maro habang nakatingin kay Neo na sa tingin niya ay mahimbing na ang tulog. Naririnig pa nga niya ang mahihina nitong paghilik. Sa pagkakakilala ni Maro kay Neo, malakas ang pangangatawan nito at hindi basta-basta nagkakasakit. “Tama, okay lang na hindi ko na siya bihisan,” pagkumbinsi ni Maro sa sarili. Nakakainis rin kasi minsan ang utak niya, kung ano-anong pumapasok bigla. Kumuha na lamang ng kumot si Maro sa cabinet. Bago siya muling lumapit sa kama ay nilakasan niya ang bentilador dahil tiyak ay init na init si Neo dahil sa epekto ng alak sa katawan nito. Nang lumapit na muli sa kama si Maro ay inayos niya ang latag ng kumot sa katawan ni Neo. Nilagay niya ito hanggang bewang. Hindi sinasadya ay nalapit ang mukha ni Maro sa mukha ni Neo. Natulala siya at bumilis ang t***k ng kanyang puso. Napakagwapo talaga ni Neo sa paningin ni Maro. Para itong isang prinsipe sa totoong mundo. Napakaamo ng mukha na parang isang anghel. Makinis na parang hindi man lang tinubuan ng kung ano mang problema sa balat. Makapal ang mga kilay at mahaba ang mga pilik mata na bumagay sa mga mapupungay nitong mata. Ang tangos pa ng ilong. Bumaba ang tingin ni Maro, labi naman ni Neo ang pinagmasdan niya. Napalunok si Maro, mas lalong kinabahan. Pakiramdam ni Maro, may nagtutulak sa kanya na halikan ang natural na mapula at malambot nitong labi. Ngunit nasa sarili pa si Maro. Gustuhin man niyang ilapit pa ang mukha rito at halikan ang labi nito ngunit sumasagi pa rin sa kanyang konsensya ang kaibahan ng tama at mali. Tinigil ni Maro ang pagtitig sa mukha ni Neo. Ilalayo na sana niya ito ngunit… Nanlaki na lamang ang mga mata ni Maro sa gulat at halos manigas ang katawan niya sa mga sumunod na nangyari. Nakahawak ang kamay ni Neo sa batok ni Maro habang… nakasubsob ang labi ng huli sa kanyang labi. Hindi naman makapaniwala si Maro na… nakadampi ang labi niya sa labi ni Neo. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya at tila lumilipad na naman ang mga paro-paro sa kanyang tiyan. Ramdam ni Maro ang lambot at init ng labi ni Neo. Amoy alak ang hininga nito at nalalasahan rin niya iyon sa labi nito kaya naman parang nalasing na siya at nawala sa sarili. Aminado siya, dampi pa lamang ng labi nito ang nangyayari ngunit nasasarapan na siya. Ilang minutong nakadampi ang labi ni Maro sa labi ni Neo. Walang gumagalaw. Hanggang sa maramdaman ni Maro na bumitaw sa batok niya si Neo at bumaba muli sa kama ang kamay nito. Bumalik sa sarili si Maro. Kaagad niyang inilayo ang sariling labi sa labi ni Neo. Nakita niyang nakapikit pa rin si Neo at naririnig niya ang mahihina nitong mga hilik. ‘Tulog pa rin ba siya?’ tanong ni Maro sa isipan. ‘Nananaginip ba siya kaya niya ako hinalikan habang tulog?’ tanong pa nito. Tuluyang inilayo ni Maro ang sarili kay Neo. Umayos siya sa pagkakatayo at tiningnan si Neo. Nilagay niya sa kanyang labi ang daliri niya sa kanang kamay at hinaplos iyon. Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon. Sa unang pagkakataon, natikman niya ang labi ni Neo. Nakaramdam si Maro ng tuwa dahil sa wakas, natupad na rin ang isa sa mga pangarap niya at ito ay ang mahalikan ang labi ni Neo. Ngunit nakaramdam din ng pag-aalala si Maro, sigurado siya… walang kaalam-alam si Neo sa ginawa nito sa kanya ngunit siya, tiyak na hindi niya ito makakalimutan at nanaisin niyang maulit iyon. Sumasagi man sa kanyang konsensya ang kaibahan ng tama at mali, alam niya sa sarili na kapag damdamin na ang siyang nagdikta ay wala ng magagawa pa ang konsensya niya at mas nanaisin niya pang makagawa ng mali para lamang masunod ang damdamin niya. Pero hindi pa rin maitatago ni Maro ang saya sa kanyang damdamin. Dampi pa lamang ng labi nila ang nangyayari ngunit ibayong ligaya na ang nadarama niya… paano pa kung lumagpas roon? Napahilamos ang magkabilang kamay sa mukha ni Maro. Ito na nga ba ang sinasabi niya, maghahangad na siya ng lagpas pa sa nangyari ngayong gabi. “Okay na ang nangyari Maro. Makuntento ka na lang sa dampi ng labi niya sa labi mo at huwag ka nang maghangad pa ng lagpas pa roon dahil tiyak, malaking gulo ang mangyayari,” mahinang sermon ni Maro sa sarili ngunit hindi iyon ang isinisigaw ng kanyang damdamin. Napabuntong-hininga na lamang si Maro. Nagmadali siyang lumabas sa kwarto ni Neo na tulog na tulog pa rin ng iwan niya at bumaba siya ng hagdan. Napatingin siya sa mga nagkalat na lata ng beer sa sala. Muli siyang napabuntong-hininga saka nilapitan ang mga iyon para ligpitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD