CHAPTER 5 (2)

1529 Words
Nakatapos nang maglinis at maglipit ng ilang gamit si Maro kaya naman nagpapahinga muna siya sa sala. Nakapatong sa mesang nasa gitna ang kanyang mga paa. Nilipat niya ang pahina ng photo album na tinitingnan niya at nakapatong sa kanyang hita. Napapangiti siya ng tipid sa mga nakikitang litrato doon. Mga litrato ito ng kasal nila Mika at Neo. Simple lamang ang naging okasyon na iyon na hindi niya nadaluhan dahil nilihim ni Mika sa kanya at sa mga magulang nila kaya naman hanggang sa litrato na lamang niya nasaksihan ang pag-iisang dibdib ng mga ito sa munisipyo. Napakaganda ni Mika sa suot na white dress at hindi naman papahuli si Neo sa kagwapuhan suot ang puting longsleeve polo. Napangiti nang tipid si Maro. Bumuntong-hininga rin. Bagay na bagay ang kapatid niya kay Neo, bagay na ikinalungkot rin niya. Hindi na naman niya maiwasang mainggit sa kapatid. Sa tingin niya ay na kay Mika na ang lahat. Ganda, talino, trabahong pwedeng ipagmalaki at higit sa lahat ay asawang gwapo at mapagmahal. Masama mang mainggit ngunit iyon ang nararamdaman niya. Alam naman niyang may kasalanan din naman siya kung bakit ganito siya ngayon ngunit hindi nabubura nun ang nararamdamang inggit. Kung hindi lang nagloko sa pag-aaral si Maro, edi sana tapos siya ng pag-aaral at may maganda siyang trabaho. Napangiti na lamang ng tipid si Maro. Inisip niya na kung nagpatuloy din naman siya sa pag-aaral, edi sana hindi niya nasunod ang tunay niyang gusto, iyon ay ang pagsusulat. Masaya naman siya sa tinahak niyang landas. Iyon ang dapat isipin niya. Sinara ni Maro ang photo album. Tumingin siya sa labas ng bintana. Makulimlim na ang kalangitan senyales na palubog na ang araw. Napabuntong-hininga si Maro dahil matatapos na naman ang araw. ----------------------------------- Nag-stretch ng kanyang katawan si Maro habang siya’y nakaupo sa kanyang upuan. Nasa loob siya ng kanyang kwarto at nakaharap sa laptop. Napangiti nang tipid si Maro. Nakatapos na naman kasi siya ng isang kabanata sa sinusulat niyang nobela. Mahaba-haba rin ang kanyang nagawa kaya inabot rin siya ng ilang oras bago siya natapos. Sinave ni Maro ang kabanatang nagawa niya pagkatapos ay naisipan naman niyang buksan ang social media accounts niya. Napangiti si Maro. Maraming notifications siyang nakita. Inisa-isa niya iyong tiningnan at binasa. Karamihan ay mga comments sa kanyang latest post ang nabasa. Mga komento nang paghanga dahil sa mga sinusulat niyang nobela. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala si Maro sa larangan ng pagsusulat. Marami rin siyang followers ngunit hindi kagaya ang dami sa mga sikat talaga na author na nauna sa kanya sa pagsusulat. Matapos na mabasa ni Maro ang mga comments para sa kanya ay nag log-out na rin siya. Muli siyang nag inat-inat ng katawan saka pinatay ang kanyang laptop at tumayo mula sa inuupuan. Huminga nang malalim si Maro pagkatapos ay naglakad papunta sa kinaroroonan ng kanyang twalya. Maliligo na kasi siya. Kinuha niya iyon saka pinatong sa kanya balikat. Lumabas si Maro ng kanyang kwarto. Sinara niya ang pintuan nito saka nagtungo na sa hagdanan at bumaba. Nasa huling baitang na ng hagdan si Maro nang bumukas naman ang pintuan ng bahay at pumasok si Neo na galing sa trabaho. Kaagad niyang napansin ang seryosong mukha nito. Napatingin si Neo kay Maro. Napansin ni Maro ang kalungkutan sa mga mata nito. ‘Ano na naman kayang nangyari sa kanya?’ sa isip-isip ni Maro. Umiwas nang tingin si Neo at sinara ang pintuan. Huminga ito ng malalim saka muling humarap at naglakad palapit sa hagdan. “Okay ka lang?” tanong ni Maro kay Neo. Hindi niya mapigilang mag-alala. Napatingin si Neo kay Maro. Tumango-tango ito. “Okay lang ako,” sabi na lang nito kahit na kabaligtaran sa sinabi niya ang tunay na nararamdaman. Napangiti na lamang ng tipid si Maro. “Nakahanda na ‘yung hapunan, bumaba ka para kumain pagkatapos mong magbihis ng pambahay mong damit,” sabi ni Maro. Napatango-tango si Neo. “Salamat Kuya,” kahit ang pananalita ay walang kagana-gana. Napatango-tango na lamang si Maro. Umiwas nang tingin si Neo kay Maro at nilagpasan ito saka tuluyang umakyat ng hagdan. Sumunod naman ang tingin ni Maro kay Neo. Napabuntong-hininga na lamang ito. -------------------------------------- Sumapit ang alas-otso kinse ng gabi. Parehas na nasa sala sina Neo at Maro at magkatabing nakaupo sa sofa. Kapwa may hawak na lata ng beer pero hindi kagaya ni Neo na iniinom iyon, si Maro ay hindi dahil nakatingin lamang siya kay Neo na nakatingin sa telebisyong nakabukas at kasalukuyang nagpapalabas ng balita. Gusto sanang magtanong ni Maro kung okay lang ba talaga si Neo ngunit hindi niya magawa. Kung titingnan kasi, mukha talagang hindi okay si Neo. Gusto man niyang magsalita para maputol ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ngunit hinayaan na lamang muna niya na ganito sa pagitan nila. Baka gusto din kasi ni Neo na tahimik lang kaya pagbibigyan na muna niya ito. Sa tingin naman niya ay magsasalita din ito kung gugustuhin at aantayin na lamang niya iyon. “Mukhang nakalimutan ni Mika ang 2nd year anniversary namin,” sa wakas ay nagsalita na si Neo matapos ang hindi mabilang na minutong katahimikan. Nagulat si Maro sa narinig. Dalawang taon na palang kasal ang kapatid niya at si Neo. Kahit siya ay hindi iyon naalala. Napatingin si Maro sa kalendaryong nakasabit sa pader. ‘Oo nga,’ hindi makapaniwalang sabi ni Maro sa isipan. Ang bilis lumipas ng panahon. “Kinokontak ko siya ngunit cannot be reached ang linya niya. Sinubukan ko rin siyang abutin via video chat ngunit wala din akong napala,” nagtatampo na sabi ni Neo. “Ito ang unang beses na magce-celebrate kami ng wedding anniversary namin ng magkahiwalay ngunit ganito pa ang nangyayari,” sabi pa nito. Nakaramdam naman nang pagkahabag si Maro. “Baka naman sobra siyang abala sa trabaho kaya ganun.” Tumingin si Neo kay Maro. Nakikita pa rin ang lungkot sa mga mata nito. “Siguro nga, nagawa niya akong kalimutan kaagad at ang anniversary namin.” “Intindihin mo na lang. Siguro bukas paggising mo ay may mensahe na galing sa kanya at binabati ka ng happy anniversary,” positibong sabi ni Maro. Napatango-tango si Neo. Umiwas ito nang tingin kay Maro. “Ano pa bang magagawa ko?” tanong ni Neo. Uminom ito ng alak. “Sa halip na siya ang kasama ko sa mahalagang araw na ito, ikaw ang nasa tabi ko,” sabi pa nito. Napatango-tango na lamang si Maro. “Alam mo Kuya, minsan nakakainggit ka rin,” sabi ni Neo. Kumunot ang noo ni Maro. “Nakakainggit? Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Maro. Tumingin si Neo kay Maro. “Hindi ka kasi kagaya ni Mika na sobrang taas ng pangarap sa buhay. Okay na sayo na simple lang basta nakakakain ka at nabibili ang mga gusto mo kung minsan. Kuntento ka na sa kung anong meron ka ngayon,” sabi ni Neo. “Minsan maganda rin sa tao iyong ganun, iyong hindi ganun kataas ang pangarap kasi kahit papaano ay nasasabayan ka ng iba at hindi sila nalalayo sayo,” sabi pa nito. Napangiti si Maro. “Papuri ba ‘yan o insulto?” birong tanong nito. Umiling-iling si Neo. “At dahil ganyan ka, nasa tabi kita ngayon at kasama ko. Nagpapasalamat ako dahil dun,” sabi ni Neo. Ngumiti ito. “Kung siguro wala ka, malamang baka nabaliw na ako sa kakaisip.” ‘Dahil ikaw ang pangarap ko na gusto kong maabot kaya naman hinding-hindi ako aalis sa tabi mo,’ sa isip ni Maro. Pangarap na gustuhin man niyang maabot ngunit para itong bituin na hanggang tingin lamang siya ngunit kailanman ay hindi mahahawakan, hindi pwedeng hawakan. “Hayaan mo at susubukan ko rin siyang kontakin at sasabihan ko siya,” sabi na lamang ni Maro. Umiling-iling si Neo. “Huwag na Kuya at baka makaabala ka pa sa kanya,” pagtanggi nito. “Alam mo, dapat magpasalamat ka dahil mataas ang pangarap ni Mika, hindi lang naman iyon para sa sarili niya kundi para na rin sayo,” sabi ni Maro. Napailing-iling si Neo. “Ang gusto ko lang naman ay makasama siya at bumuo ng pamilya ngunit pakiramdam ko ay hindi iyon ang gusto niya. Mas mataas pa dun ang gusto niyang maabot na sa totoo lang, hindi ko na mahabol.” “May mga pangarap din naman ako sa buhay ngunit hindi kasing-taas ng kanya. Ang makatapos ako sa pag-aaral at maging asawa siya, iyon ang pangarap na tuwang-tuwa ako na natupad ko sa buhay ko at sa totoo lang, wala na akong hinihiling pang iba at kung meron mang ibigay pa, siguro bonus na iyon para sa akin.” “Gustuhin ko man siyang pigilan ngunit may nagsasabi rin sa akin na huwag akong maging hadlang sa mga gusto niyang gawin. Hay! Minsan nalilito na rin ako sa sarili ko.” Napatango-tango si Maro sa sinabi ni Neo. Uminom ng beer si Neo. Umiwas nang tingin kay Maro. “Uminom ka din kaya Kuya. Sabayan mo naman ako,” sabi ni Neo na muling tumingin kay Maro. Napangiti nang tipid si Maro saka napatango-tango. Gaya ng gusto ni Neo, uminom si Maro ng beer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD