CHAPTER 9 (1)

1190 Words

Nasa kusina si Maro at inihahanda niya sa mesa ang mga pagkain para sa almusal nang pumasok naman si Neo. Bihis na si Neo dahil papasok na siya sa trabaho. Napatingin si Maro kay Neo. Ganun din ang huli na seryoso ang mukha. Napangiti nang tipid si Maro. “Halika at kumain ka muna bago pumasok,” pag-aaya ni Maro kay Neo. Umiwas nang tingin si Neo saka bumuntong-hininga. Naglakad ito papunta sa refrigerator. “Hindi na Kuya. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga ngayon,” malamig na tugon nito. Binuksan ni Neo ang pintuan ng refrigerator at kinuha ang tumbler niya at uminom ng tubig. “Ganun ba?” tanong ni Maro. Nakaramdam ito ng lungkot. “Magbaon ka na lang. Teka at ihahanda ko-” “Huwag na Kuya,” sabi kaagad ni Neo matapos uminom ng tubig. “May pagkain naman doon kaya huwag ka ng mag-abal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD