“Neo!” napatigil si Neo sa mabilis na paglalakad. Napatingin siya sa nakahawak na kamay ni Maro sa kanang braso niya. “Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Maro. Inalis ni Neo ang tingin sa nakahawak na kamay ni Maro sa kanya. Hinawakan iyon ng kanan niyang kamay at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya. Nasaktan si Maro sa ginawa ni Neo. “‘Yung nangyari, hindi dapat iyon nangyari,” may pagsisising sabi ni Neo. Oo, nasarapan siya ngunit alam pa rin niya ang tama at mali. Nadala siya ngunit ngayong bumalik siya sa kanyang sarili, hindi niya mapigilang makonsensya. Ginawa nila ni Maro ang bawal. Ginawa nila ang mali na tiyak kapag nalaman ni Mika ay hindi siya mapapatawad nito. “Alam ko,” nanghihinang sabi ni Maro at napayuko ito. Walang pakiealam kung hubo’t-hubad siya sa h