“Saan ako matutulog?” tanong ko bigla.
Alam ko naman na dapat ay hindi ko na tinatanong dahil iisa lang naman ang kaniyang kuwarto rito sa kaniyang condo.
Oo nga at malawak talaga ang condo niya pero iisa lang talaga ang kuwarto niya. Iyong kusina nga niya, halos ka-size na ng kaniyang living room. Sa kuwarto naman niya, triple ang laki.
Puwede naman akong matulog sa living room niya pero ngayon, alanganin. Impossible kasing payagan ako ni Castiel na matulog doon. Maglakad pa nga lang kanina, ready na kaagad siyang bumuga ng apoy tapos itong matulog lang ako rito sa living room niya?
Malawak iyong kama niya. King-sized ba naman? Sobra nga sa kaniya iyong kama na iyon. Matangkad na si Castiel, eh. Around 6'2” siya habang ako ay 5'5” yata pero kahit na ganoon, mas malaki talaga sa kaniya ang kama niya.
“Why are you asking that? Of course, in my room, Velle,” sagot naman niya pero halata ang pagiging iritable.
Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga at ipinilig ang aking ulo. Mukhang wala talaga akong kawala sa lalaking ito. Hindi ko kasi alam kung talaga bang ayaw niya lamang akong patulugin sa living room, nagiging gentleman lang siya o ayaw niyang mawalay ako sa kaniya?
Hindi naman sa assuming ako pero the way kasi na sabihin ni Castiel ang bagay na iyon at kapag sumasagi sa isip ko na sa kaniya na raw ako, automatic na kaagad na alam ko ang kaniyang dahilan.
Lihim kong kinagat ang aking dila. Napapaisip ako kung ano ang magandang rason sa lalaking ito dahil wala talaga akong idea. Gusto kong umalis pero hindi naman ako papayagan. Malayo rin namang makaalis ako lalo pa at alam kong nagkalat ang mga security nina Castiel dito sa hotel nila.
Pagdating namin sa kaniyang kuwarto, inilapag naman niya ako sa kaniyang kama. Sabi ko kasi kanina, huwag na niya akong buhatin dahil kaya ko naman ng maglakad. Kaso mapilit talaga itong lalaking ito na parang walang tiwala sa akin.
Napatikhim naman ako at inalis ang aking mga bisig sa kaniyang leeg. Pakiramdam ko kasi ay nakakapaso ang kaniyang balat sa sobrang init. Kahit naman malakas na ang air conditioner niya sa kaniyang condo, hindi man lang siya makaramdam nang lamig.
Pare-parehas yata silang mga Smirnov. Kung sabagay, mas nasanay naman kasi sila sa weather sa Russia. Kaya normal lang naman na ganito sila kahit na sobrang lamig na.
Hindi ko rin naman kasi sila masisisi. Nandoon din naman kasi ang iilan nilang business pero mas marami talaga ang business nila rito sa Pilipinas. May time na nagpupunta sila roon para bisitahin ang iilang branch ng mga business nila pero rito pa rin sila nalalagi.
Kaya hindi sila matatawag na Russian mafia talaga kung naka-base sila sa Pilipinas at madalas na nandito ang lahat ng business na mayroon sila—underground man o legal business nila.
“Sa living room ka matutulog?” walang-hiya kong tanong sa kaniya.
Alam kong parang ang dating no’n ay ayaw ko siyang kasama pero ano ba ang magagawa ko? Nahihiya ako sa kaniya kahit na matagal na kaming magkakilala. Never naman kasi kaming naging close na ganito. Madalas lang siyang bumuntot sa akin pero hindi ibig sabihin no’n ay close kami.
Ang mga magulang lang namin ang close pero kami mismo na anak? Hindi. Never. Ngayon lang talaga. Kaya may hiya aking nararamdaman. Bukod pa roon, may nangyari sa amin na hindi ko man lang inaasahan.
Buong akala ko kasi ay may pag-uusapan lang kami pero ibang punishment pala. Punishment na tawagin pero ibang klaseng emosyon at pakiramdam pala ang mararamdaman ko.
Punishment, huh?
Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya nagawang bigyan ako ng punishment. Kung tutuusin naman ay hindi dapat. Wala naman akong nilabag na usapan namin. Wala naman kaming pinag-usapan at wala naman akong idea na pagmamay-ari pala niya ako.
Kung sana ay sinabi niya magmula noon, at least ay aware ako. Hindi iyong ganito na halos nangangapa ako sa isang bagay na wala naman akong idea.
“Why would I?”
Napalunok naman ako sa kaniyang naging tanong sa akin. Oo nga, bakit naman niya gagawin iyon kung condo naman niya ito? Kung tutuusin ay parang suite na nga dahil sobrang lawak. Sadyang condo lang ang sanay niyang sabihin kahit na suite naman na talaga.
Napatikhim naman ako at mabilis na inilihis ang aking mga mata. Ramdam ko ang mga matatalim niyang mga mata na sumasaksak sa aking katawan. Siguro kung kutsilyo ang kaniyang mga mata, kanina pa ako nakahandusay at naghihingalo.
“Kasi bisita mo ako?” hindi siguradong sagot ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pagngisi niya. Doon pa lang, alam ko na kaagad kung bakit siya natatawa. Kaya naman napairap na lamang ako at hindi na tuluyang nagsalita. Tahimik akong humiga sa kama at sinubukan pa siyang talikuran pero rinig ko pa rin ang pagngisi niya na para bang sinasadya na naman.
“I won’t. I’ll stay here, woman,” sagot niya.
Imbis na magsalita pa, pinili ko na lamang matulog dahil umeepekto na ang gamot na ininom ko para sa antok ko. Mabilis kasi akong antukin kapag nakainom ako ng gamot.
Dahan-dahan naman akong napamulat ng aking mga mata pero dahil medyo blurred pa, pinili kong ipinikit muli ang aking mga mata. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap nang kung sino sa aking bewang pero hindi ko pa rin magawang magising nang tuluyan.
Pakiramdam ko kasi ay sobrang sakit ng katawan ko at inaantok ako nang sobra. Hindi ko nga alam kung nawala na nga ang lagnat ko pero may kabigatan pa rin kasi.
Nagising ako nang maramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko. Sakto namang may pumasok sa kuwarto kaya bigla akong napalingon doon habang kinukusot-kusot pa ang aking mga mata para tanggalin ang muta.
“Good morning,” bati ni Castiel sa akin nang magtama ang aming mga mata.
May hawak siyang wooden tray. Mukhang balak niyang mag-breakfast in bed dito sa kaniyang kuwarto. Kaya medyo napangiwi ako.
Marami kasing laman ang tray na hawak niya pero parang wala lang iyon sa kaniya. Kalmado nga lang siya kung tutuusin at hindi man lang nanginginig. Sanay na sanay talaga siya sa lahat ng bagay. Grabeng mga mafia ’to, basic lang sa kanila ang lahat.
Ngunit natigilan ako nang mapansing topless na naman ang lalaking ’to. Hindi na siya naka-boxer pero naiilang pa rin ako. Sweat pants kasi iyon at medyo napapawang ang aking labi. Hindi ko kasi alam kung siya ba ang agahan ko o iyong pagkain na dala niya.
Puwede namang both pero hindi naman ako patay-gutom. Kahit ano na sa kanila, puwede na. Pero ang landi ko naman kung sakaling siya ang kakainin ko, hindi ba?
Napatikhim naman ako at dahan-dahang umupo sa kama. Sakto naman na ipinatong niya ang tray sa ibabaw ng kama habang nakatingin sa akin.
“Good morning,” mahinang bati ko. Sapat naman na iyon para umangat ang sulok ng kaniyang labi. Parang nakadepende kasi sa greetings ko ang mood niya. Ang weird talaga.
Pagtingin ko sa kaniyang dalang pagkain, napalunok naman ako. Egg sandwich, bacon at pasta kasi ang nandoon. Iyong drinks naman namin, avocado shake.
“Ikaw ang nag-prepare?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa aming agahan.
“Yes,” sagot naman niya. “Breakfast in bed with my love.”