Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapasulyap sa gawi ni Castiel. Kapag kasi sumusubo siya gamit ang chopsticks, medyo inaakit ako ng kaniyang biceps. Nadi-distract tuloy akong kumain lalo na ngayon.
Saka may sakit na nga ako tapos ganito pa rin ang nangyayari. My gosh! Kailan ba ako titino kung inaakit ako ng lalaking ’to nang hindi niya alam?
Sumama tuloy ang aking panglasa at inis na sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung naramdaman ni Castiel ang pagdadabog ko pero nang mapasulyap ako sa kaniyang gawi, nakasalubong ko ang kaniyang malamig na mga mata.
Kasalukuyan siyang ngumunguya at base sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin, nagtataka siya kung bakit bigla akong nagdadabog.
“Hindi ba puwedeng magsuot ka ng damit?” tanong ko sa kaniya.
Nadi-distract kasi talaga ako at hindi ko alam kung paano ako makakakain nang maayos kung napapansin ko ang paggalaw ng mga muscle niya. Nakakainis! Kung puwede lang siyang sabunutan, ginawa ko na.
“What’s wrong? You acted as if you didn’t touch me—”
“Shut up, Castiel! Kapag ako napikon sa iyo, isasaksak ko sa ngala-ngala mo ’tong chopsticks,” sita ko sa kaniya.
Hindi ko naman talaga gagawin ang bagay na ’yon. Gusto ko lang takutin pero naalala kong mafia pala ito, walang kinakatakutan. Baka ako pa ang saksakin kung sakali.
Kaya nang maalala kong mafia siya, umirap ako sa kaniya at inis na tumalikod. Kaso naalala ko na namang bawal pa lang talikuran ang isang tao kapag sabay kaming kumakain. Damn it!
Inis na umayos muli ako ng aking puwesto ngunit ramdam ko naman ang titig sa akin ni Castiel. Mukhang nagtataka na naman dahil hindi ako mapakali sa puwesto ko.
Puwede naman kasing magsuot ng damit pero bakit ayaw niyang gawin? Nakakainis talaga ’to kahit kailan. Kung sana ay hindi na lang siya nakikipagtalo at sundin na lamang ang aking gusto, wala sanang problema!
“Magsuot ka na kasi ng damit!” sita kong muli sa kaniya pero umiling lamang siya at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Sa huli, hindi ko rin lang na-enjoy ang kinain ko dahil sa kaniya.
Kagaya rin ng sinabi niya, uminom na rin ako ng gamot. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko dahil pinagpawisan ako sa kinain kong ramen pero hindi iyon sapat para mawala ang aking lagnat.
Si Castiel na rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin habang ako naman ay nanatiling kumakain ng saging dahil iyon ang bilin niya sa akin. Parehas kaming dalawa ay hindi umiimik. Tanging air conditioner lang ang maingay pero hindi naman ganoon ka-awkward.
“So, wala akong pasok bukas?” tanong ko sa kaniya nang maalala kong nag-cancel nga pala siya ng klase sa department namin.
Goodness! Ano na lang ang gagawin ko bukas kung dito na naman ako tatambay? Bukod sa madalas kong kasama si Castiel, kaya ko ba?
Gusto ko siya, yes pero hindi naman ibig sabihin no’n ay comfortable akong kasama siya. Baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari—mapunta pa sa ginawa namin kanina.
Namula ang aking pisngi nang maalala ko na naman kung ano ang pakiramdam kanina. Iyong ganoong klase ng pakiramdam ay sapat na ’yon para baliwin ako nang husto. s**t!
“Yeah,” maiksing sagot niya. “Are you planning to take a pill?”
Right! Muntikan ko na pa lang makalimutan ang bagay na ’yon. Although, puwede namang sa susunod na araw na lang dahil 72 hours naman ang time frame.
Ngunit dahil ipinaalala sa akin ni Castiel, dahan-dahan naman akong tumango at nilunok ang aking kinain.
“Yes. Hindi ka nag-condom, eh,” paninisi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pagngisi niya na ikinairap ko naman. Tuwang-tuwa pa sa ginawa niya. Wala namang nakakatuwa kung tutuusin.
Kaya naman tinapunan ko nang masamang tingin ang lalaking nakangisi. Sakto naman na tapos na siyang maghugas ng mga plato at nakasandal na lamang ang kaniyang hita sa sink habang nakatingin sa aking gawi.
Nakakrus pa ang kaniyang mga bisig habang nakatingin sa akin. Ako naman, hindi ko alam kung iirapan ko ba ulit siya o ano. Para kasing nang-aakit na naman.
“So? What’s wrong? At least you’ve felt my c**k—”
“Bunganga mo!” sigaw ko nang magsimula na naman siyang mag-dirty talk. Napailing na lamang siya at inabot naman ang orange na nasa aking harapan para balatan ito.
Magkadikit kasi ang dining area at sink niya. Ganoon ang style ng mga modern kitchen tapos marble pa ang countertop. Nasa gitna rin ang sink saka dining area.
Luxury rin ang style ng interior ng kaniyang condo. May bahid ng itim, puti o hindi kaya ay gray. Sa chandelier naman, halatang diamonds ang ginamit. Sa paraan kasi ng pagtama ng liwanag, malalaman na kaagad kung tunay ba o simpleng zircon lamang.
“I prefer f*****g you raw than using that stupid protection, Velle,” paliwanag niya na ikinamula naman ng aking pisngi.
Nanatili lang siyang nagbabalat ng orange habang ako naman ay hindi na makakain nang maayos dahil sa lumalabas sa kaniyang bibig.
Kung alam ko lang sana na ganito ang kaniyang sasabihin, sana hindi ko na binanggit pa ang paggamit niya ng condom. Alam na alam kasi niya kung paano ako asarin at iyon ang pinakaayaw ko.
“Sana marunong ka rin mag-withdrawal,” komento ko naman.
Bilib din ako sa sarili ko dahil nagawa kong sabihin ang bagay na iyon kahit na nanginginig na ang boses saka labi ko. Ninenerbyos kasi ako sa topic namin saka presensya niya. Hindi kasi ako comfortable.
Gusto ko ngang palakpakan ang sarili ko dahil kahit ganito ang usapan namin, nagagawa ko pa ring makipagsabayan. Kaso paniguradong maaalala ko ito mamaya lahat.
“I know. I just don’t want to since I wanted to mark you,” he answered.
Napaawang naman ang aking bibig dahil sa naging sagot niya. Bakit naman kinakailangan niyang ilagay roon kung puwede namang pull out method ang gawin?
Hindi pa ba sapat iyong ginawa namin iyon para sabihin na minarkahan niya ako? What about those bite marks and hickeys? Hindi ba iyon mga marka?
Umasim naman ang mukha ko at napailing na lamang sa naging sagot sa akin ni Castiel. Mga lalaki talaga, kung anu-ano ang naiisip para lamang magawa nila ang nasa list nila. Sila-sila lang din naman ang nagkakaintindihan sa bagay na ’yon.
“Then magti-take ako ng emergency pills at morning pills,” anunsyo ko naman nang sa gayon ay kapag naulit na naman ang bagay na iyon, hindi na ako mag-o-overthink pa.
Emergency pills para sa unprotected s*x na ginawa namin kanina. Pine-prevent iyon para hindi ako mabuntis. Kapag kasi morning pills lang ang ininom ko, mabubuntis pa rin ako dahil nga sa loob niya inilagay iyon.
Kaya dapat talaga na emergency pills muna ang i-take ko bago ang morning pills. Hindi puwedeng mag-jump ako sa morning pills kung nakargahan naman ako.
“I’ll talk to our family doctor then if you want to take a pill—”
“Malamang, Castiel! Hindi pa ako puwedeng mabuntis,” putol ko sa sasabihin niya.
“I honestly thought that I could give my older brother a gift since he was taking too long to make her girlfriend pregnant,” he suddenly mumbled pero narinig ko naman. “Well, at least I have finally marked you.”
Namula naman ang aking mga pisngi nang bigla siyang ngumisi sa akin bago ako subuan nang isang piraso ng oras. Nahihiya man ako, mabilis ko iyong kinagat at inilihis ang aking mga mata.
“Good girl.”