“Let me carry your bag—”
“No.”
“Twyla Ivelle Rusco,” mariing bigkas niya sa aking pangalan.
Halos mapapikit naman ako ng aking mga mata habang nakatingin ang iilang mga student sa aming gawi. Siguro ay nagtataka sila kung bakit magkasama kami ni Castiel. Paanong hindi ko siya makakasama kung bigla na lang niya akong kinausap pagkalabas ko ng classroom namin?
Damn it! Hindi ba malinaw sa kaniya na gusto ko nang tahimik na buhay? Paano ko mararanasan iyon kung patuloy naman sa panggugulo si Castiel?
Nakakainis kasi talaga ang lalaking ’to. Kung kailan na gusto ko ang tahimik na buhay, hindi naman niya ibinibigay. Mahirap bang ibigay sa akin ang kahilingan ko?
Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla na lamang akong makarinig nang bulungan. Sakto rin namang may mga lumitaw na alagad si Castiel at kaagad kaming pinalibutan nang sa gayon ay hindi nila kami sugurin.
“Give me your damn bag, and let me carry that f*****g thing,” masungit na utos niya sa akin.
“For what?” sigaw na tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko. “Kaya kong buhatin ito!”
Nakita ko namang dumilim ang kaniyang mga mata habang umiigting ang kaniyang panga. Ubos na yata ang pasensya niya sa akin pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Sa katunayan nga ay mas lalo lang akong nagalit dahil bakit siya makakaramdam nang inis kung ako naman ang ginugulo niya?
Guwapo naman siya. Matalino. Kaso hindi ba niya maintindihan na gusto ko ng tahimik na buhay? Hindi naman mahirap intindihin iyon. Never naging mahirap intindihin pero hindi man lang niya ako mapagbigyan.
“Your parents inform me to take care of you—”
“I can take care of myself, Castiel,” putol ko sa kaniyang sasabihin.
Puro na lang siya parents-parents! Uto-uto ba siya at kailangan puro magulang ko ang susundin niya? Paano naman ako? Ayaw niyang sundin ang gusto ko?
Madali lang naman kasi kung gagamitin niya ang utak niya pero kung hindi? Bahala siya sa buhay niya. Guwapo nga, uto-uto naman.
“Twyla Ivelle,” nagtitimping tawag muli niya sa aking pangalan.
Umirap na lamang ako at nagsimulang maglakad. Kapag tumagal pa kami roon, baka mas lalo lang nilang makita kung paano kami mag-away ng lalaking ’to.
Sobrang kulit ba naman! Para akong nagkaroon ng anak sa katigasan ng ulo dahil hindi sumusunod sa kagustuhan ko. Nakakapikon talaga siya kahit kailan. Hind ko alam kung ganiyan lang ba talaga ang ugali niya o nirarason niya lang na mga magulang ko ang nagsasabi sa bagay na ’yon?
Binuksan naman kaagad ni Castiel ang pinto ng kaniyang sasakyan. Kaya naman pumuwesto ako sa pagpasok hanggang sa naramdaman ko ang palad niyang ipinatong sa aking ulo. Madalas niyang gawin iyan kapag lalabas ako ng kotse o hindi kaya ay papasok ako.
Simple lang naman ang gesture pero malakas ang epekto nito sa akin. Parang ayaw niya kasing mauntog ako o sinisiguro talag niyang hindi ako masasaktan.
Nang makaupo ako nang maayos, isinara naman niya ang pinto sa aking gilid at mabilis na nagpunta sa driver’s seat.
Aminado naman akong guwapo talaga si Castiel at kinikilig talaga ako kung minsan pero mas lamang nga lang ang galit ko sa kaniya. Aatakehin ba naman nang pagiging makulit niya.
“So, paano ako papasok bukas nang hindi ako ginugulo ng mga babae mo?” bungad ko sa kaniya nang siya ay makapasok sa kaniyang kotse.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang mga mata sa aking gawi. Mukhang nagtataka siya kung bakit binuksan ko ulit ang topic na iyon kung gayon na aware naman siya kung gaano kagulo talaga ang mga babae niya.
Napairap na lamang ako at kaagad na sinulyapan ang lalaking ’to habang pinapainit niya ang makina ng kaniyang sasakyan. Ramdam ko ang malalalim na mga mata niyang nakatitig sa aking gawi. Kaya tinaasan ko na lamang siya ng kilay.
Pangalawang araw na niya akong hinahatid at sinusundo. Literal na walang palya. Nagmukha na nga rin siyang bodyguard kung tutuusin dahil hindi na talaga siya nagtatrabaho at madalas na nakasunod sa akin.
“Leave it to me,” pagpapakalma niya sa akin.
Sarcastic lang akong ngumiti sa kaniya bago lingunin ang bag ko para kumuha na lamang ng libro. Magbabasa na lang ako kaysa pikunin pa ako ng lalaking ’to. Uubusin lang kasi niya ang pasensya ko ngayon. Ayaw na ayaw ko pa man din ang ganoon.
“Velle.”
Tumaas naman ang kilay ko sa kaniyang itinawag sa akin. Tama ba ang narinig ko? Belle o Velle? Baka kasi may tutuli lang ang tainga ko kaya hindi ko marinig nang maayos.
“Velle, look at me,” utos niyang muli habang nakatuon ang mga mata ko sa pagbabasa ng libro.
Damn it! Sinong Velle ba iyan?
Nang maramdaman kong hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa aking gawi, gigil na napalingon ako sa kaniya. Tinaasan ko pa nga ng kilay at sinamaan ng tingin dahil kahit alam niyang nagbabasa ako, ginugulo pa rin ako.
Wala talaga sa vocabulary niya ang tumigil. Kung ano ang gusto, iyon na lang. Hindi ba siya tumitigil? Palagi na lang gan’to at halos maubusan pa ako ng pasensya sa pagkapikon.
“Who the f**k is Velle?”
Nakasalubong ko naman ang mga asul na mata niya na walang kahit anong emosyon pero sa paraan ng boses niya, nagmamakaawang pansinin ko siya.
Kung ibang babae ang binabanggit niya, paano ko siya bibigyan ng atensyon? Nakakabastos sa part ko. Bukod pa roon ay naiinis ako sa pagmumukha niya dahil ang guwapo.
“Babae mo?” nag-aakusa kong tanong sa kaniya. “Kung magkakaroon ka pa ng babae, huwag mo na akong tingnan pa—”
“There you go,” he uttered using his raspy voice.
I gulped when the corner of his lips rose as if he was already expecting me to react like that. Ang problema lang ay pinipigilan niya ang kaniyang pangisi. Para bang ayaw niyang makita ko ang multong ngisi sa kaniyang labi.
Tumikhim siya habang ako naman ay natulala sa kaniyang reaction. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang ngumisi pero pinipilit niyang tanggalin sa kaniyang labi. Hindi ko tuloy alam kung namamalik-mata ako o hindi.
“Coffee?”
Bumagsak naman ang aking mga mata sa kaniyang mapupulang labi. Hindi ko alam kung bakit nanuyo ang aking lalamunan at wala sa sarili kong binasa ang aking labi gamit ang aking dila.
Kita ko naman ang pag-igting ng kaniyang panga at kung paango umalon ang kaniyang adam’s apple. Halata rin ang pagtitimpi niya na mas lalong nagpanginig ng aking kalamnan.
What’s happening with me?
Alam kong may mali pero bakit hindi ko malaman kung ano iyon?
Pasimple kong kinurot ang aking palad para kahit papaano ay magising naman ako. Saktong bumalik naman ako sa aking sarili kaya inilihis ko ang aking mga mata at piniling tumingin sa harapan.
“Ikaw na ang bahala.”
Hindi naman siya nagsalita at mabilis naming nilisan ang campus. Habang nagmamaneho rin siya ay tahimik kami at walang balak basagin ang namayaning katahimikan. Wala rin naman kasi akong sasabihin na maganda. Baka mapunta na naman sa away kung sakali. Hindi naman iyon maganda.
Kahit papaano rin ay nawala na ang pikon ko. Hindi man lang humingi ng tawad sa akin. Alam naman niyang magugulo na ang tahimik kong buhay magmula bukas. Kaya problema ko kung paano ko iiwasan ang mga ibabato nilang katanungan.
“Ty takaya krasivaya, moya Velle.”
Huh?