Chapter 3

1265 Words
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa cellphone ko. Basta ang alam ko lang, bagot na bagot na ako habang nakikinig sa lesson namin. Nabasa ko na kasi iyon sa aking libro. Madalas kasi akong mag-advance reading dahil hindi talaga ako nakukuntento kung hindi ko natatapos ang isang lesson. Hindi dapat maudlot o hindi dapat ako lumagpas doon. Kaya ngayon na nagle-lecture ang professor namin, hindi ko mapigilan mapahikab. Mukhang nakuha pa nga yata ng professor ang kaniyang atensyon dahil doon. Napaangat pa ang kaniyang kilay at inayos ang kaniyang salamin. May katandaan na rin ang professor na ito. Ganoon naman kasi kapag science. Madalas ay matatanda na talaga ang professor. Marami rin naman kasing kakaining bigas ang mga bagong professor para mapag-aralan ang lahat. “Did you sleep well, Miss Rusco?” tanong niya sa akin. Natigil naman ang lahat sa pakikinig sa kaniyang pagle-lecture at napalingon sa aking gawi. Kita ko sa kanila ang pagtataka pero pinili kong ngumiti sa aking professor. “I’m not sure, ma’am. Nawili po kasi ako sa pagbabasa ng Diagnostic Microbiology kagabi,” paliwanag ko sa kaniya. Totoo naman ang sinabi ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi magsunog ng kilay para lamang makapagtapos ng pag-aaral. Aware rin ang mga professor ko kung paano ako mag-advance reading. Kaya kahit matulog o hindi na ako makinig sa klase nila, hindi nila ako sisitahin. Bagkus ay tatanungin pa ako kung maayos ba ang naging tulog ko. Kabisado na kasi nila ang ugali ko. Magmula pa naman kasing highschool ako ay matunog na ang pangalan ko sa mga professor. Alam nila kung paano ako mag-aral. Madalas ay aware rin sila na nagbabasa ako ng libro kahit sa gabi. Kaya nga kahit magkaroon pa ng sudden quiz, nagagawa ko pa ring ilusot ang lahat. “Next time, huwag kang magpupuyat masiyado,” sermon niya sa akin. Ngumiti lamang ako at tumango. Sinamahan ko pa nga iyon nang pasasalamat. Kaya hindi na ako nagsalita pa at itinuon na lamang ang aking mga mata sa may bintana. Matapos ang ilang minuto, nagpaalam na kaagad ang professor. Kaya nagsimula na silang mag-ingay muli. Nilunod ko na lamang ang aking mga mata sa notes ko para ayusin ang ire-review ko mamayang gabi. Ngunit bigla akong natigilan nang magbulungan ang lahat. Hindi ko alam kung bakit iisa lang ang lumalabas sa kanilang bibig. Para nga silang sirang plaka dahil puro sila mga varsity player. “Nandito siya!” sigaw ng isang babae. Paglingon ko sa pintuan, nandoon pala ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. Umirap na naman ako sa kawalan at napailing na lamang. “Si Leander!” Gulong-gulo akong napatingin sa aking kaibigan. Alam ko naman na nagkakagusto rin siya sa mga varsity player. Mas lalo na ang Smirnov at Primanov na naabutan namin dito noon. Tumaas ang aking kilay habang nakatingin sa aking kaibigan na ngayon ay parang kinikilig. Wala naman kasing nakakakilig sa lalaking nasa labas ng classroom namin. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang mga kaklase ko kung bakit sila tumitili. Smirnov lang naman kasi ang nakasandal sa may pintuan. Wala namang nakakakilig kung tutuusin. Parang normal lang na tao ang mga Smirnov sa akin dahil nga family friend sila. Saka bakit naman ako kikiligin sa lalaking ‘to? Nakakasawa ang mukha niya. Kilala rin sila ng mga student dito. Madalas kasi silang magpunta rito kung minsan pero hindi naman kasi ibig sabihin no’n ay student sila rito. Sadyang trip lang yata niyang tumambay rito madalas. Mukhang may tipong babae. “Hindi ka ba kinikilig sa kaniya?” tanong sa akin ng kaibigan ko at bahagya pang hinampas ang aking braso. Napangiwi naman ako dahil sa bigat ng kaniyang kamay. Akala ko naman ay hindi na babae ang humampas sa akin. Pakiramdam ko pa nga ay halos madurog na ang aking buto dahil sa ginawa niya. Ibinaba ko naman ang hawak kong libro at kaagad na nilingon ang lalaking kanina pa na naghihintay sa labas ng classroom namin. Kulang na lang ay halikan siya ng mga babae dahil punong-puno ng pagnanasa ang kanilang mga mata. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Kahit na sabihin pang guwapo ang lalaki, bakit naman kailangang maglaway at ipahalata nilang tinititigan nila ito? Wala naman siyang ginagawa kung hindi sumandal lamang sa pintuan at nakatingin sa gawi ko. Teka—sa gawi ko? Napakunot naman ang aking noo habang nakatitig sa kaniya. Doon lang lumitaw ang ngisi sa labi nito na siya namang ikinagulat ko. Ramdam ko rin ang pagbundol ng puso ko dahil sa simpleng pagngisi niya pero kahit na ganoon ay hindi man lang nakabawas iyon ng kaniyang kaguwapuhan. Mas lalo pa nga siyang naging guwapo na hindi ko maintindihan. Magulo na nga ang buhok niya. Magulo rin ang kaniyang suot na white long-sleeves lalo na sa part ng kaniyang kuwelyo. Nakabukas din ang dalawang botones ng kaniyang suot kaya medyo litaw na litaw ang kaniyang matigas na dibdib. “Ang guwapo talaga niya!” tilian ng mga kaklase ko na siya namang ikinailing ko. Mabilis kong inilihis ang aking mga mata at napalunok na lamang nang pasimple bago nilingon ang kaibigan ko na hindi man lang magawang alisin ang kaniyang mga mata sa lalaking iyon. “Bakit naman ako kikiligin sa kaniya?” tangkang tanong ko sa kaniya pero ramdam ko naman ang panginginig ng aking mga palad. Ramdam ko pa rin kasi ang mga mata niyang nakatingin sa aking gawi at hindi man lang binalak na alisin sa akin. Medyo nagre-react na rin ang puso ko sa nerbyos. Hindi ko alam kung dahil sa mainit at malagkit niyang titig sa aking gawi o ang presensya niyang abot hanggang sa puwesto ko? f**k! Magkaibigan ang mga Smirnov at Rusco. Kaya hindi na normal sa akin ang mga presensya nila dahil magmula nang bata kami ay madalas kaming magkaroon ng interaction. Sa murang edad nga ay halata na ang kaguwapuhang taglay nila pero hindi man lang ako naapektuhan, ngayon lang. Gulat na napatingin sa akin ang kaibigan ko na para bang isang malaking kasinungalingan ang binitawan kong salita. Napahawak pa nga siya sa kaniyang dibdib na parang nasaktan sa aking sinabi. Nanglaki rin ang kaniyang mga mata at maging ang kaniyang labi na napaawang. “What?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Wala naman kasi talaga.” “Nagbibiro ka ba?” gulantang na tanong niya sa akin. Medyo napalakas pa ang sigaw niya pero hindi naman iyon narinig ng mga kaklase namin dahil busy sila sa pagpapantasya sa Smirnov na iyon. “Ang guwapo ni Leander!” Umirap na lamang ako sa kaniya at ipinagpatuloy na basahin ang Diagnostic Microbiology na libro. Mag-a-advance reading na lang ako kaysa titigan ang Smirnov na iyon. “I can’t believe you, Twyla!” wika pa niya. “Whatever.” “Si Leander iyon!” rason niya. Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Pati ba reaction ko, big deal? What the heck? Ayaw ba nilang wala silang kaagaw? At least gumalaw ang pila nila kay Castiel. Tumingin ako sa gawi ng kaibigan ko na ngayon ay parang na-heart broken dahil lamang sa hindi ako kinilig. “And? Ano naman ngayon kung siya iyan? As if namang kikiligin ako sa kagaya niya—” “Smirnov siya!” pasigaw na lintaya niya. Mas lalo naman akong napairap sa kawalan dahil hindi ko talaga inaasahan ang kaniyang sinasabi ngayon. Ano nga kung Smirnov? “Hindi kita maintindihan. Not because you’re head over heels with him; I should feel the same way, too. I get that he’s handsome, but he’s not my type.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD