Chapter 5

1243 Words
Nilingon ko si Castiel habang nag-o-order ng kape naming dalawa. Kahit sa simpleng paggalaw niya, lumilitaw ang mga muscle sa kaniyang katawan. Ito ang kinaiinisan ko talaga sa tuwing nakikita ko si Castiel pero dahil wala sa isip ko ang kaniyang katawan, napaangat na lamang ang aking kilay nang sumagi muli sa aking isipan ang kaniyang sinabi. Wala kasi akong naintindihan kanina. Ang alam ko lamang ay Russian ang ginamit niyang salita pero hindi ko masiyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang sinabi niya. Fuck! Kung nag-focus lang sana ako, baka narinig ko pa. Ginugulo tuloy no’n ang isip ko ngayon. Hindi ko kasi naintindihan dahil sobrang baba ng boses niya. Wala akong naiintindihan na kahit ano. Pagbalik ni Castiel, may dala na siyang dalawang iced coffee at cake? Teka, chocolate cake ba iyon saka ube cake? Napaangat naman ang aking kilay nang ilapag niya ang mga in-order niya. Nagtataka kasi talaga ako kung bakit bumili siya ng cake saka chocolate chip cookies na hindi ko man lang napansin sa sobrang tangkad niya. Saktong yumuko naman siya nang kaunti at inilagay sa harap ko ang lahat, natigilan ako. Dumaan kasi sa ilong ko ang kaniyang pabango at hindi ko alam kung sinasadya ba ni Castiel iyon o ano. “Choose,” maikling utos niya sa akin bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Sinundan ko naman siya ng tingin para ipakita sa kaniya ang pagtataka sa aking mukha. Wala kasi siyang kinuha sa mga order niya dahil lahat ng iyon ay nasa akin. Saka ano ba ang ibig niyang sabihin? Pipili ako kung ano ang gusto ko sa mga in-order niya? Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. Oo nga at siya ang namili ang lahat pero kung ano naman ang natipuhan niya, iyon na lang ang kaniya. Hindi naman kasi ako reklamador. “What do you mean? Titikman ko lahat?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. He nodded. Doon pa lang ay halatang naghihintay na ng sagot ko. Kaya kahit naguguluhan ako ay kaagad kong tinikman ang iced caramel macchiato ngunit biglang nalukot ang aking mukha dahil sa pait. Akala ko ay matamis ang caramel pero hindi. May guhit iyon ng pait at tamis na hindi gusto ng taste buds ko. Matapang iyon para sa akin. Madalas na gusto ko sa kape ay iyong hindi matapang. Mukha kasing aabutin ako nang ilang araw na gising kung itinuloy ko iyon. Hindi pa man din ako sanay. “Ayaw ko nito,” saad ko at ibinigay sa kaniya ang iced caramel macchiato. Tumango naman siya sa aking sinabi. “What about the cakes?” Nilingon ko naman ang dalawang cake na nasa harapan ko at pinili ang chocolate cake. Sanay na kasi ako rito sa pinuntahan naming coffee shop. Hindi na rin naman bago sa akin ang lasa nito at talagang gusto ko rin naman. Sadyang hindi lang talaga ako tumitikim ng mga bagong flavor dahil takot ako na baka hindi ko magustuhan. “You don’t want to taste the ube cake?” Umiling ako. Masarap siya. Alam ko pero hindi naman kasi ako sanay sa ube cake. Nakakasawa kasi ang atake niya. Kaya ngumiti na lang ako at inilapit sa kaniya iyon. “Thank you,” pasasalamat ko sa kaniya gamit ang mahinahon at mahina kong boses. Akala ko naman ay hindi ako sumigaw sa kaniya kanina kung makaasta ako ngayon. Tahimik naman naming pinagsaluhan ang kaniyang in-order. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita pero ramdam ko ang mga matang nakatuon sa akin. Never akong nilubayan ng mga mata Castiel. Kaya medyo naiilang talaga ako sa kaniya. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay sa aura niya kahit pa madalas kaming nagkikita noong kami ay bata pa. Hindi naman siya nagsasalita o hindi nangungulit sa akin pero nakukulitan na talaga ako noon kapag buntot siya nang buntot sa akin. Wala pa nga akong nababalitaang naging girlfriend ’tong lalaking ’to. Ewan ko kung wala lang ba siyang matipuhan o busy lang talaga sa trabaho niya. Kaso paano magiging busy kung madalas na nakabuntot sa akin? Napairap na lamang ako sa aking isipan at hindi maiwasang tapunan nang masamang tingin si Castiel na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Nakahilig ang kaniyang katawan sa upuan at nakatingin nang seryoso sa akin. Halos hindi na nga siya magkasya sa upuan dahil sa sobrang lapad ng kaniyang katawan. Mabuti na lang talaga at bakal ang inuupuan namin dahil kung hindi? Bibigay ang kahoy o plastic. May kabigatan kasi talaga si Castiel. Actually, halos lahat naman ng Smirnov ay malalapad at malalaki talaga ang katwan nila. Sa work out kasi nila iyon. May mga work out kasi sila noong bata pa sila para palakasin ang stamina nila. Mukhang naging intense lang ang work out nila nang tumatanda na sila. Mas ayos din naman iyon para ma-maintain nila ang kakisigan nila saka siyempre, ang stamina na rin nila. Hindi naman kasi nila iyon puwedeng pabayaan lalo pa kung mafia sila. “Bakit wala ka pang girlfriend? Matanda ka na,” komento ko na siya namang ikinaangat ng kaniyang kilay. Mukhang hindi niya inaasahan na magtatanong ako nang ganoong bagay. Masisisi ba niya ako? Nakabuntot kasi siya madalas sa akin. So, hindi ko talaga alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya. “Old?” nagtatakang tanong niya sa akin. “We almost have a three years gap, Twyla Ivelle.” Umirap naman ako sa kaniyang sinabi at hindi na nagsalita pa. Bakit ko pa kasi tinanong kung kabisado ko naman na ang style niya sa tuwing kinakausap ko siya? Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Humugot naman ako nang malalim na hininga at ipinagpatuloy na lang ang aking kinakain. Matapos namin kumain ay namalagi muna kami roon. Nagbabasa rin kasi ako ng lesson para kahit papaano ay may magawa naman ako. Sakto rin na nakainom ako ng kape, hindi ako makakatulog nang basta-basta kapag ganito. Kaya susulitin ko na lamang lalo pa at gumagana ang utak ko ngayon. Ayaw ko rin namang sayangin ang oras dahil mahalaga sa akin ang bagay na ’to. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo nang medyo wala akong maintindihan ang binabasa ko. Paano? Nakatitig kasi sa akin si Castiel. I clicked my tongue and decided to take a glimpse of him. “Can you stop staring at me?” Hindi naman siya gumalaw sa kaniyang kinauupuan at nakatingin lamang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang iniisip pero sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin, halos saksakin na niya ako sa sobrang talim. Mukhang hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko dahil kita ko sa kaniyang mga mata ang inis. Lumamig din ang paligid dahil sa pagtitig niya sa akin. Wala tuloy akong nagawa kung hindi mapaawang na lamang ng aking labi dahil sa nerbyos. Nanuyo rin ang aking lalamunan at hindi ko alam kung tama pa bang titigan ko ang kaniyang mga mata. Tumayo naman siya kaagad at mabilis akong hinila palabas ng coffee shop. Nanatili rin akong nakasunod sa kaniya habang tinititigan ko ang kaniyang likuran. Kumakabog din nang malakas ang aking puso at ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ko. Mabuti at hindi ako natalisod sa sobrang bilis ng paglalakad niya. Namalayan ko na lang din na nasa loob na pala kami ng kaniyang sasakyan. “Where are we going?” paos at nanghihinang tanong ko sa kaniya habang binubuhay niya ang makina. “In my place.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD