Lukot-lukot ang mukha ko habang nasa byahe kami. Minsan ay ramdam ko pa ang pagsulyap ni Castiel sa akin pero hindi ko pinapansin. Bakit ko papansinin kung alam ko naman na guguluhin lang niya ako? Marami siyang fan girl sa campus namin. Hindi ko nga gets kung bakit kailangan na siya ang kasama ko kung alam ko naman na mukhang siya pa ang may kailangan ng kasama dahil madalas siyang dinudumog ng mga babae.
“Huwag mo akong ibababa sa mismong tapat ng gate,” utos ko sa kaniya.
Sigurado kasi akong maraming makakakita sa amin. Kaya kailangan ko talagang iwasan iyon. Ayaw kong maidikit na naman sa kaniya ang pangalan ko. Oo nga at magkaibigan ang pamilya namin pero walang masyadong nakakaalam. Kaya dapat doble ingat.
“Why not—”
“Ano pa nga ba?” masungit na tanong ko sa kaniya. “Malamang pagkakaguluhan ka na naman ng mga babae mo.”
“They’re not my girls—”
“Whatever, Smirnov,” sumbat ko kaagad para hindi siya makasagot. Magde-defend pa siya.
Kilala kasi siyang basketball player no’n. Kaya talagang maraming nakakakilala sa kaniya. Kapag kasi varsity player sa campus namin, nakikilala talaga sila dahil bukod sa mga guwapo sila at matatangkad, matagal din silang naging varsity player dito.
Kung hindi nga ako nagkakamali, pati Primanov noon ay rito rin nag-aral magmula nang sila ay elementary hanggang college. Renovich pa nga rin yata. Kaso hindi ko sila matandaan masiyado dahil wala naman akong pakialam noon sa kanila.
Ang gap naman namin nitong lalaking ’to ay halos tatlong taon. 23 years old na kasi siya samantalang ako ay 20 pa lang. Noong first year na ako, 4th year na siya. Pero magmula naman no’ng elementary ako, nag-aaral na ako rito. Kaya nga minsan ay ginugulo niya ako noon pero tago lamang.
Ayaw ko kasing pagtuunan nila ako ng pansin lalo na ang mga babae nila. Ngayon pa nga lang na naaalala ko kung paano maging wild ang mga babae ay halos malukot na ang mukha ko. Bukod sa masakit sa tainga ang kanilang mga boses, napipikon din ako sa kanila.
Dahil sa pananahimik ko, narinig ko ang kaniyang buntong-hininga. Kung makapagbuga naman kasi ng hangin, akala naman niya ay pasan-pasan na niya ang mundo.
“Dito na,” masungit na basag ko sa katahimikan.
Mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ko. Kaya naman inabot ko ang seatbelt bago mapalingon sa kaniya nang mapansin kong nagtatanggal na rin siya ng seatbelt.
Nagtatakang tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang naramdaman din niya ang tingin na ipinukol ko. Kaya kaagad siyang lumingon sa aking gawi ngunit nanatiling seryoso o blangko ang kaniyang mukha.
Wala man lang akong makitang emosyon o kislap sa kaniyang mga mata. Lahat ng Smirnov ganito. Ultimo ang mga Primanov, parehas din sa kaniya. Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit malamig sila pero makulit naman.
May makulit bang yelo?
“Bakit ka nagtatanggal ng seatbelt? Huwag mo na akong pagbuksan ng pinto. Mas lalo mo lang ipinapahalata na ako ang nakasakay rito,” panenermon ko sa kaniya.
Sobrang kulit. Napipikon ako sa ugaling mayroon siya. Kung puwede lang burahin ang lalaking ’to sa mundo, ginawa ko na.
Gusto ko ngang maging tahimik ang buhay ko tapos lilitaw siya para pagbuksan ako ng pinto? My gosh! Puwede namang hayaan na lang niya akong bumaba.
“What’s wrong? I couldn’t just let you open that f*****g damn door—”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at mabilis na bumaba sa kaniyang sasakyan. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa harapan ng campus pero hindi man lang ako nilubayan ng lalaking ’to at talagang sinundan pa ako.
Mabagal lang ang takbo ng sasakyan niya. Sakto lang para masabayan ang paglakad ko pero mas lalo lamang akong napipikon. Hindi ko na nga alam kung ano ang hitsura ko ngayon dahil sa sobrang inis. Kasi bakit kailangan sabayan pa ako? May trabaho siya!
Ang alam ko talaga ay mayroon. May sarili na nga siyang business. Kagaya ng mga kapatid niya, lahat sila ay may kaniya-kaniyang business. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang business nito. Hindi ko kasi tinatanong. Tamad akong mag-search sa internet. Baka malaman pa niyang hinahanap ko information niya. Huwag na!
Pagpasok ko sa campus namin, hindi pa rin ako nilubayan ni Castiel. Talagang sumama pa siya hanggang sa magparada siya sa parking lot. Kaya naman kinuha ko na iyon para makatakas ako sa kaniya.
Maaga pa naman ang first subject namin pero hindi na talaga ako mapakali at naiinis na talaga ako sa lalaking ’to.
“Si Leander ba ’yon?” bulungan ng mga babaeng nakakasalamuha ko.
“Oh my! Si Leander nga!”
Napapikit ako sa gulat nang bigla na lamang silang nagsigawan. Hindi ko lubos maisip na kahit malayo na ako sa kaniya, nagawa pa rin niyang makuha ang atensyon nang ilan.
Sanay naman na ako sa ganitong scenario. Madalas ba namang kalat ang pangalan nila sa campus na ’to, malamang pagkakaguluhan talaga.
Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil bukod sa matangkad siya, guwapo rin at halata ang kaputian. Kaso ang problema ko talaga ngayon ay kung paano ako makakaalis.
Bigla na lang kasing dumami ang mga babae niya nang narinig nila ang balita na nandito si Castiel. My gosh! Sumasakit utak ko sa Smirnov na ’to. Talagang hindi pa nakuntento ang mga babaeng ’to dahil hinarangan na ang daanan.
“Excuse me,” wika ko sa mga babaeng humaharang sa daanan ko. Nagawa pa nila akong sikuhin. Kaya napapikit na lamang ako ng aking mga mata lalo na at sa bandang dibdib ko pa ang siniko. “f**k!”
Gusto kong sumigaw. Kung hindi lang sana niya ako sinundan, hindi magkakagulo ang mga babae rito. Halos gawing inipit na ako at mukhang hindi na ako makakahinga pa nang maayos dahil sa kagagawan niya.
Kung sana ay dumiretso na lamang siya sa company niya at hindi na ako sinundan pa. Baka puwedeng maging masaya pa ang buhay ko.
Imbis na magalit, huminga na lamang ako nang malalim at pilit lumabas sa mga nagkukumpulang tao. Hindi ko nga alam kung ilang minuto na akong nagpupumilit sa paglabas pero mabuti, natapos na. Nakakahinga na ako nang maayos.
Mabilis akong nagtungo sa classroom namin nang lukot ang aking mukha. Sobrang nakakainis! Kung nakinig lamang siya sa akin, sana hindi nangyari iyon. Sana hindi rin ako naging inipit.
“Umagang-umaga, Twyla,” bungad sa akin ni Celeste nang makaupo ako sa kaniyang tabi.
Hindi ko siya pinansin at mabilis na lamang inirapan bago kunin ang aking salamin sa bag ko. Tiningnan ko kung magulo ba ang buhok ko pero thankfully, hindi naman. Sadyang stress lang ang mukha ko dahil sa nangyari.
Umagang-umaga ba naman ay mapapasabak ako sa pakikipagsiksikan para lang makaalis sa lugar na iyon? Napairap na lamang ako saka kinuha ang aking powder nang makapag-retouch naman ako ng makeup ko.
“May assignment ba tayo?” tanong niya sa akin.
Umiling naman ako habang nanatiling nakatingin sa salamin. “Wala. Project, mayroon. Kaso next week pa naman ang deadline.”
“Oo pala,” komento naman niya. “Nasimulan mo na?”
“Of course! Alam mo namang ayaw kong naghahabol ako ng oras,” mabilis kong sagot.
Gusto ko kasi ay natapos ko na lahat ng projects o assignments ko days before the deadline. Hindi kasi ako sanay at gusto kong hindi ako nakukulangan ng oras. Bukod kasi roon, ayaw kong maiyak sa stress lalo na kapag binagsakan kami ng mga project o assignment. Mahirap pa man din maging medical student dahil puyat at oras ang kalaban.