Chapter 1

1247 Words
Twyla Ivelle Rusco’s Point of View Huminga ako nang malalim at inis na inayos ang buhok ko. Maaga pa naman ang klase ko pero hindi ko alam kung bakit may isang Smirnov ang naghihintay sa akin sa labas ng condo ko. Kahit hindi pa ako tapos mag-ayos, mabilis ko ’tong ipinagbuksan ng pinto. Sakto namang bumungad sa aking mga mata ang lalaking nakapamulsa. Nakasuot ito nang itim na long-sleeves at itim na slacks. May suot din itong gold na kuwintas na bahagyang kumikinang habang ang kaniyang buhok naman ay medyo magulo. “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. “Why don’t you just let me in so we can talk?” he uttered in his cold voice. Napairap na lamang ako sa kaniyang sinabi at mabilis na binuksan ang pinto nang makapasok na kaagad siya. Tinalikuran ko naman ang lalaking ’yon at hindi na siya pinansin. Sure naman kasi akong isasara niya ang pinto. Kaya hindi na kailangan pang utusan ang lalaking ’to. Bukod pa roon, magkakilala naman na kami pero hindi kami close. Madalas siyang magpunta rito sa condo ko para manggulo kahit na may trabaho naman siya pero hindi naman ibig sabihin no’n ay close kami. Magkaibigan lang talaga ang mga magulang namin. Ang tanging nararamdaman ko lang sa kaniya ay inis at pagkapikon. “I’m here to fetch you,” aniya gamit ang bagot niyang boses. Napairap naman ako at dali-daling nagpunta sa aking kuwarto para tuluyan ko nang maayos ang buhok ko. Buhok talaga ang problema ko dahil kailangan naka-bun ako. Hindi rin dapat nahuhulog ang iilan kong buhok sa mukha dahil hindi gano’n kapag student. Kahit din medical student ako, kailan kong maging presentable at hindi mukhang pagod. Kaya nga madalas akong maglagay ng makeup sa mukha ko nang sa gayon ay may kulay naman kahit papaano. Naramdaman ko naman siyang sumunod pero hindi ko na pinansin. Mukhang isusunod lamang niya ang presensya niya nang sa gayon ay mabilis akong makagalaw. Pagkaupo ko, tumingin na ako sa vanity mirror para ayusin na ang buhok ko. Sakto namang kuhang-kuha siya sa reflection ng aking salamin at bahagya pang nakasandal sa may pinto habang nakahalukipkip. He’s Leander Castiel Smirnov. Siya ang bunsong kapatid nina Gideon Rayne Smirnov, Valerian Cain Smirnov at Deimos Napoleon Smirnov. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magpunta rito kung gayon na kaya ko namang mag-drive. May sarili akong sasakyan at wala akong balak sumakay sa ibang sasakyan. Ngunit mukhang ayaw akong payagan ng tadhana at ipinadala pa ang isang Smirnov dito sa aking condo para ako ay guluhin. Hindi ba niya maintindihan na ayaw ko talagang may nagpupunta sa condo ko? “Your parents assigned me to be your—” “I don’t need your explanation,” matabang na putol ko sa kaniya. Kinuha ko naman ang hairspray at kaagad na naglagay sa aking buhok nang masiguro kong kuntento na ako sa pagkakatali ko. Nakita ko namang itinikom niya ang kaniyang bibig at hindi nagsalita. Mukhang pagod na yatang makipagtalo pa sa akin. Ang mukha niya ay nanatiling walang expression. Ganiyan naman kasi sila madalas. Lahat talaga ng Smirnov ay malamig makitungo sa iba. Para ngang walang emosyon na nararamdaman ang lalaking ’to. Kaya kung tutuusin, kung wala naman siyang balak ihatid ako, bakit pa kailangan niyang pumayag kung puwede naman siyang tumanggi? “Kaya ko naman kasing mag-drive,” naiinis na sambit ko. Pabagsak kong ibinaba ang hairspray sa mesa bago isunod na kunin ang moisturizer nang mailagay ko na sa aking mukha. Hindi ko naman siya narinig na nagsalita pero kitang-kita ko kung paano magbago ang timpla ng kaniyang mukha. “They’re just trying to be cautious. You like getting into trouble,” he stated. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa gulo. Sadyang nilalapitan lang ako ng gulo. Porket sports car ang sasakyan ko, aayain na akong makipagkarera? Professional racer ako. Madalas akong sumama sa mga racing bilang libangan. Ultimo nga kapag nagpupunta ako sa Puerto Galera, inaaya ko ang pinsan kong si Viatrix gamit ang motor. Mabuti nga at hindi big bike ang gamit namin. Mas lalo lang akong gaganahan makipagkarera kung ganoon. “What do you mean? Lumalapit sa akin ang gulo,” napipikon na sagot ko sa kaniya. Pagak naman siyang natawa sa aking sinabi. Hindi man lang niya nagawang itago ang pagiging sarcastic ng tawa niya na mas lalong nagpainis sa akin. Nang matapos kong mailagay ang moisturizer, isinunod ko naman ang foundation. Hindi naman makapal ang pagkakalagay ko dahil hindi naman kailangan na heavy makeup ito. Sakto lang para magmukhang fresh at hindi mukhang stress. Imbis na mag-alaga kami ng pasyente sa OJT namin, baka kami pa ang alagaan kung nangyari iyon. Kaya marami rin talaga akong iniinom na vitamins dahil madalas akong magpuyat at ma-stress. Ultimo ang pagkain ko, puro healthy. Madalang lang akong kumain ng mga frozen or unhealthy foods. “You can’t fool me. The last time I checked, you almost got hit by the damn truck,” he expressed. Hindi naman! Malayo iyon dahil na-calculate ko naman kahit papaano. Hindi naman ako basta-basta mag-o-overtake kung alam ko namang alaganin. Kaya ano ba ang ipinuputok ng butchi niya? Napairap na lang ulit ako hanggang sa ipinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng aking makeup. Hindi na rin naman siya nagsalita pero ramdam ko ang mabigat niyang aura. Halatang napipikon pa rin sa nangyari noon. Last week kasi nangyari iyon. Madalas din kasi siyang nakasunod sa akin dahil sinasabi raw nina Mommy na bantayan niya ako. f**k! Hindi ba nila inisip na kahit papaano ay kaya ko naman makapunta sa isang lugar nang walang kasama? Nang masiguro kong okay na ako, kinuha ko na ang gamit ko at maging ang aking susi. Nagmadali akong lumabas ng condo at alam kong nakasunod din sa akin si Castiel. Ngunit hanggang sa makapasok ako sa elevator, hindi niya ako tinantanan. Napairap na lamang ulit ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko na tuloy alam kung ilang beses akong umirap ngayong araw. Basta kasi kapag kasama ko siya, nakakailang irap ako dahil sa pag-aakto niya bilang bodyguard ko. Imagine kukuha pa sila ng bodyguard pero mas mayaman pa sa amin? Ang layo pa ng gap ng estado ng buhay namin kaysa sa kanila. Porket ba mafia kailangan na ganito? Hah! Ewan ko talaga sa mga magulang ko kung ano ang nakita nila kay Castiel. Kung tutuusin, hindi ko naman na kailangan ng bodyguard. Nakakapagod lang din naman na may nakasunod sa akin kahit na papasok lang naman ako sa school. Tungkol naman sa pagiging mafia nila, aware naman kaming magpipinsan tungkol sa kanila. Kaya wala ng problema. Hindi nga rin ako takot sa kanila. Sadyang ayaw ko lang talagang makipag-usap sa kanila o kahit magkaroon man lang ng atensyon. Magmula pa naman noon, binibigyan na ako ni Castiel ng atensyon pero wala akong balak. Sa sobrang dami kasing nagkakagusto sa kaniya, ako ang madalas pag-initan lalo na noong ako ay nasa highschool pa lamang. Kulang na lang ay saktan nila ako dahil palagi nilang nakikita na kasama ko si Castiel. Pinagbintangan pa nga ako noon na inakit ko raw siya para lang sumunod sa akin pero ang totoo niyan, hindi. Sadyang close lang ang pamilya namin pero hindi kami close. Wala rin silang alam na close talaga ang mga pamilya namin dahil iniingatan din ng mga Smirnov ang Rusco. “Get in,” utos niya sa akin nang buksan niya ang pinto ng passenger seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD