4

1986 Words
"Are you okay with that Julie?" tanong sakin ni CheyenneJade.   "I dont mind." Ngumiti ako ng pilit. Sinungaling! Im not okay with this! s**t. Julie nakalimutan mo na ba? Iniligtas ka niya kagabi! You should thank him! That Delafuente saved you again for pete's sake! Argh.   Bumalik ako sa sarili ko nang naglakad siya papalapit sakin at ibinandera ang likod niya.   "Sumampa kana. Hahawakan kita ng mahigpit. Pangako." paninigurado niya. Para akong kinuryente dahil sa mga salitang binitiwan niya. Hanggang ngayon may epekto parin pala siya sakin. Apat na taon ko naring hindi naririnig ang mga pangako niya.   Napalingon ako sa pinsan ko na nakasampa na sa taas ni Jiro. Huminga ako ng malalim at ipinatong ang dalawa kong hita sa magkabila niyang balikat. Naging suporta ko ang nakakapit niyang mga kamay sa magkabila kong tuhod para hindi ako mahulog. Ramdam ko ang pang-iinit ng mukha ko dahil nasa ibabaw niya ako.   Nagsimula siyang maglakad papalapit sa iba habang nakahawak naman ako ng bahagya sa ulo niya. Bumuo sila ng bilog bago simulan ang laro. Pilit kong ipinokus ang atensyon sa laro kahit nakukuha niya ang atensyon ko.   "Hoy Jame Brancen! Bawal manambunot kundi kakalbuhin talaga kita!" saad ni Sky.   "Ang bigat mong hayop ka! Wag mong diinan ang pagkakahawak sa buhok ko kundi ilalaglag kita!" reklamo ni RM at tumingala kay Jame Brancen na nakasampa sa kanya.   "Cheyenne. Magdiet ka nga. Ang bigat mo." reklamo ni Sylver.   "Tyra. Wag kang malikot." daing ni Harel.   "Bibilang ako ng tatlo. Manahimik na kayo. Isa, dalawa, tatlo!" sigaw ni Jiro   Napakurap kaming mga babae nang naglakad sila patungo kay RM. Si Jame Brancen ata ang gusto nilang punteryahin.   "Ang daya niyo! Pagtutulungan niyo pa kami ha!" sigaw ni Jame Brancen na bakas sa mukha ang pagkairita.   Sabay naming pinaghihila si Jame Brancen nang tuluyan kaming makalapit sa direksyon niya. Hinila ko ang isa niyang braso habang si Ellie naman sa kabila. Pilit inaalis ni CheyenneJade ang kamay ni RM na nakakapit sa hita ni Jame Brancen pero hirap kaming alisin iyon.   "Subukan mong hilain ang girlfriend ko kundi sasakalin kita mamayang gabi pagtulog mo!" pagbabanta ni V   Namutla agad ang mukha ni Jame Brancen. Pilit naming itinulak si Jame Brancen paalis sa taas ni RM pero nahihirapan parin kaming ilaglag si Jame Brancen.   "Aray ko Sky! Ba't ka nananambunot?! Akala ko ba bawal!" daing ni Jame Brancen.   "Oo nga bawal. Maliban sa amin!" Hinila ulit ni Sky ang buhok ni Jame Brancen. May makakalbo pa ata ang babaeng to.   "RM tumakbo ka! Bugbog sarado na ako!"    "Paano ako tatakbo eh pinapaligiran nila tayo! Ang likot mo pa! Lulunurin talaga kita bwesit ka! Ang sakit na ng balikat ko!" sigaw ni RM   Buong pwersa naming itinulak si Jame Brancen hanggang matumba silang dalawa ni RM. Nag-apir kaming mga babae at sabay na natawa.   Napatingin naman kaming apat kay Tyra. Nagsimulang maglakad palayo si Harel sa amin kahit hirap siyang humakbang dahil sa katamtamang tubig at ang bigat ni Tyra na nakasampa sa balikat niya.   Hinabol siya nina V at Jiro. Naunang makalapit si Jiro sa kanila kaya hinila agad ni Sky si Tyra kaya napahinto si Harel. Nagsimulang magtulakan ang dalawa. Nang makalapit narin kami ni Elli ay hinila namin si Tyra hanggang malaglag ito.   "Mga bruha kayo! Ang dadaya niyo!" reklamo ni Tyra nang maiangat ang sarili sa pagkakalugmok sa ilalim.   Nagkatinginan kaming mga babae nang kami nalang palang apat ang naiwan. Sinenyasan ako ni Sky kaya tumango ako. Sabay na lumapit ang magkapatid na sinampahan namin ni Sky kay Ellie at sabay itong hinila kaso biglang pumagitna si CheyenneJade kaya hirap kaming hilain ang isa't isa.   "Walangya ka Sky! Ba't ako ang pinupunterya mo?!" sigaw ni Sylver na hindi nakaligtas sa pananambunot ng pinsan ko.   Hinila ako ni CheyenneJade pero ang higpit ng pagkakahawak ng Delafuente sa akin kaya hindi agad ako nahuhulog. That Delafuente keep his promise like he used to do back then.   Buong pwersa kong hinila si CheyenneJade kaya siya ang nalaglag na pati si Sylver ay naub-ob sa malalim. Napalingon ako sa direksyon nina Ellie at Sky na kapwa naghihilaan hanggang sa nahulog ang pinsan ko sa pool.   Nagtaas siya ng kilay nang mapagtanto niyang kaming dalawa nalang ang naiwan.   "Paano ba yan. Kailangan pa ba kitang hilain kahit alam mo sa sarii mong kahit anong higpit ng pagkakahawak sayo ni JK mahuhulog ka parin sa kanya?" May namuong nanunuyang ngiti sa labi ni Ellie.   Bat ganon? Ba't natatamaan ako sa sinasabi ni Ellie? Ba't parang may ibang kahulugan ang sinasabi niya? Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sakin.   "Nangako ako sayo diba? Nangako akong hahawakan kita ng mahigpit hindi ka lang mahulog."   Napayuko ako para tingnan ang ulo niya. Napagmasdan ko ang mukha nitong nakangiti. Nakaramdam ulit ako ng kakaiba sa tiyan ko. Hanggang ngayon nandito parin pala ang pakiramdam na 'to sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.   Nagsimulang lumapit si V papunta sa amin kaya hinugot ko ang buong lakas ko para mapaghandaan si Ellie.   Agad  niya akong hinila nang tuluyan silang makalapit sa amin. Tinulak ko siya pero ang higpit rin ng pagkakahawak sa kanya ni V. Naghiyawan naman ang iba na nanonood sa paghihilaan namin ni Ellie.   "Hoy JK ang sakit na ng balikat ko. Mukhang walang balak magpatalo ang dalawang 'to." nayayamot na sabi ni V.   "Nangako ako eh. Tapat ako sa binibitiwan kong salita."   Sandali akong natigilan nang marinig ko ang sinabi niya. Huli na para mapagtanto ko na nasa kalagitnaan pala kami ng paghihilaan ni Ellie dahil naitulak niya na ako. Natumba ako pero mahigpit ang pagkakakapit niya sakin katulad ng ipinangako niya kaso siya naman ang tinulak ni Ellie kaya sabay kaming nahulog.   Naramdaman ko ang unti unti kong pagkabasa hanggang may humila sakin ng buong pwersa para iangat ako agad. Akyat baba ang balikat ko dahil sa paghahabol ng hininga ko para humagilap ng hangin. Nauubo kong pinupasan ang mukha ko para maging malinaw ang paningin ko hanggang tumambad sa akin ang basa niyang mukha ngunit nakangiti parin.   "Pasensya na. Hindi ko nagawang hawakan ka ng mahigpit. Nahulog rin kasi ako eh."    Napakurap ako at iniwas ang tingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Damn! Wag mong lagyan ng kahulugan ang sinabi niya Julie. That Delafuente broke your heart. Dont let him broke it again.   "Salamat pala kagabi." bulong ko. Naglakad agad ako paalis sa harap niya at pumunta sa direksyon ng pinsan ko. Nanatili sa aking isipan ang sinabi niya kanina na kumuha ng atensyon ko kaya nahulog ako.   "Binalaan na kita Julie. Atleast hindi lang ikaw yung nahulog pati rin siya. Nahulog kayo sa isa't isa." Salubong sakin ni Ellie nang makalapit ako sa direksyon nila ng pinsan ko.   "Eh kasi tinulak mo yung dalawa. Mahuhulog talaga yan sa isa't isa." dagdag ng pinsan ko.   Nagkasundo pa ata ang dalawang 'to sa pang iinis sakin. Hindi sana ako mahuhulog kung hindi pinaalala ng Delafuente na yun ang bagay na naging dahilan kung ba't nahulog ako sa kanya noon. Nakakatawang isipin, yun parin pala ang magiging dahilan para mahulog ulit ako sa kanya ng literal.   Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. Birthday ko nun at nangako siya sakin na bibigyan niya ako ng cookies kaya hinintay ko siya sa playground.   "Hoy bata! Pwesto ko yan! Umalis ka diyan!"   Napatingin ako sa kasing edad kong matabang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa swing at itinigil ang pagtutulak sa sarili ko.   "Hindi pwede. Ako ang nauna dito. 'Tsaka hindi ako pwedeng umalis sa swing na 'to dahil may hinihintay ako." paliwanag ko.   Nakaramdam ako ng takot dahil na galit niyang ekspresyon.   "Alis nga sabi!" Hinila niya ako kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa swing.   "Hindi nga pwede! Bitiwan mo ako nasasaktan ako." daing ko. Nagsimula akong maiyak dahil tinutulak niya na ako.   "Bitiwan mo siya!"   Napakurap ako at nakita ang imahe ng batang lalake na hinihintay ko. Inilapag niya ang dala niyang box sa isang bakanteng swing at nilapitan yung matabang lalake. Itinulak niya iyon palayo sa harap ko pero hindi niya man lang ito natinag.   "Akala mo ba may kaya sa sakin?! Mas malakas parin ako sayo!"   Napasigaw ako nang sinuntok siya nung matabang bata. Nang matumba ito sa sahig ay nagmadaling tumakbo paalis yung matabang bata. Nilapitan ko siya at agad tinulungan itong makatayo.   "Ba't mo siya pinatulan? Wala kang kaya sa batang yun dahil mataba siya." naiiyak kong sabi.   "Diba sabi ko sayo ako na ang tagapagligtas mo. Nangako ako eh. Tapat ako sa binibitiwan kong salita." nakangiti niyang sabi. Kinuha niya ang inilapag niyang box kanina at ibinigay sa akin. "Oh ayan. Ipinabake ko ang cookies na yan kay Mommy kagabi. Masarap yan."   Hindi ko alam kung ba't bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko. Kumain naman ako kaninang umaga pero ba't ganon? Para akong nagugutom na natatae na ewan.   "JK, wag kang ngumiti." nakasimangot kong sabi.    Nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng kyuryusidad.    "Ha? Bakit?"   "Sumasakit ang tiyan ko dahil sa mukha mong nakangiti." Napahawak ako sa tiyan ko na unti unti nang nawawala ang kakaiba kong nararamdaman.    "Eh anong koneksyon ng ngiti ko sa tiyan mo?" Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.   "Ewan ko nga eh. Basta wag ka nalang ngingiti para hindi na sumakit yung tiyan ko. Pakiramdmam ko kasi may kitikiti sa loob ng tiyan ko."   "Paano yan? Hindi ko mapigilang hindi ngumiti pag kasama kita." nakanguso niyang sabi.   Napakurap ako at sandaling napaisip hanggang may namuong ediya sa isipan ko.   "Ganito nalang, pag gusto mong ngumiti takpan mo nalang yung bibig mo." mungkahi ko.   Lumiwanag ang mukha niya at tumango.   "Oo nga no?"   Ngumiti ako at binuksan yung takip ng lunchbox na dala niya. Sabay  naming kinain ang cookies hanggang maubos namin ito.   "Julie, tulala kana naman. Umahon na tayo. may nirentahan ang magpipinsan na isang videoke house. Magbihis  muna tayo tapos dumeritso tayo doon."   Pinilig ko ang ulo ko at ipinokus ang atensyon sa pinsan kong umaahon narin sa pool kasama ng iba pang babae. Tumayo ako at naglakad narin paalis sa pool.   Pagkatapos naming magbihis ni Sky ay dumeritso na kami sa nirentahan nilang videoke house. Malamig sa loob at medyo dim yung ilaw ng loob na minsan ay nagiging kulay asul ang paligid pati narin ang mga mukha namin.   May nakalapag na makakain sa mesa na nasa gitna namin habang nakaupo naman kaming lahat sa couch. Namimili ng kanta si Ellie habang pinupunasan naman ng tuwalya ni V ang basang buhok ng girlfriend niya.   "Nakakainis ang dalawang 'to." Umismid ang pinsan ko at humalukipkip sa upuan niya.   "Inggit ka Sky?" nanunuksong tanong ni Ellie na nakataas ang isang kilay.   "Hindi. Ang sakit niyo sa mata." nakanguso nitong sabi.   Tahimik lang ako sa upuan ko habang pinapakinggan ang boses ni Jame Brancen na kinakanta ang Titanium ni David Guetta. Napapalakpak si Tyra nang walang kahirap hirap na bumirit si Jame Brancen. Nagtatayuan ang balahibo ko dahil sa galing at ganda ng boses niya.   Pumalakpak kaming mga babae nang tuluyang matapos ni Jame Brancen yung kanta na may score na 98.   "O, Chandelier yung sunod. Kanino to?" Iginala ni Jame Brancen ang paningin sa aming lahat habang inilalahad ang mikropono sa gitna.   "Akin yan." sabi ni Sylver. Inagaw niya ang mikropono sa kapatid niya.   Natigilan ang mga pinsan niya sa mga pinaggagawa nito at napatingin kay Sylver na may mga gulat na mukha. Anong meron?   "Bibirit ka?!" Hagalpak ni RM sa kinauupuan niya.   "Ano sa tingin mo? Chandelier nga diba. Malamang bibirit ako." sabi ni Sylver sa isang blangkong ekspresyon.   "Hayop ka! Balak mo bang pasabugin ang lugar na 'to?!" sigaw ni Harel.   "Bibirit lang naman ako." mungkahi ni Sylver   "Yun na nga!" Sabay na sigaw lahat ng pinsan niya.   Napangiwi kaming mga babae dahil sa boses nilang napakatinis. Ano bang problema ng magpipinsan na 'to?    "Ba't mo binigyan ng mikropono ang kapatid mo ungas?! Agawin mo yan!" sabi ni Jiro na tinatakpan na ang dalawa niyang tenga dahil nagsisimula nang kumanta si Sylver.   "Ayoko nga. Alam niyo naman ang lalaking yan pag nakakahawak ng mikropono. Nagiging mandirigma bigla. Sasapakin ako niyan pag inisturbo ko ang pagkanta niya." nakangusong sabi ni Jame Brancen.   Bakas sa mga mukha naming mga babae ang pagtataka. Maganda naman ang boses ni Sylver ah?   "1, 2, 3 1, 2, 3 drink 1, 2, 3 1, 2, 3 drink 1, 2, 3 1, 2, 3 drink" Tumayo si Sylver na feel na feel ang pagkanta niya. "Throw 'em back, till I lose count"   Nang malapit na siya sa chorus ay isa isa nang nagtakip ng mga tenga nila ang pinsan niya habang si V naman ang tumakip sa dalawang tenga ni Ellie. Err? Napipiyok ba si Sylver pag bumibirit siya? Panget ba ang boses niya pag bumibirit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD