"Takpan mo ang tenga mo kung ayaw mong lumabas ng bangag sa lugar n a 'to." bulong sakin ng pinsan ko na may earphone nang nakalagay sa magkabila niyang tenga.
Huli na para mapagtanto ko ang ibig nilang sabihin dahil pumaibabaw na sa kabuuan ng lugar ang makabasag pinggan na birit ni Sylver.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyymmm gonnaaaa swiiiiiiiiiiing... from the chandeliiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeer! From the chandeliiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeer!"
Napapitlag kaming lahat maliban kay Sylver na nakapikit pa ang mga mata at ninanamnam ang kinakanta niya habang tinatakpan ang isang tenga na kadalasang ginagawa ng mga singer pag bumibirit para maabot ang matataas na nota.
"Maawa ka sa kanta Sylver! Wag mong patayin!" sigaw ni CheyenneJade na tinatakpan rin ang magkabilang tenga.
"Maghunos-dili ka Sylver! Pag-usapan natin yang problema mo!" daing ni Tyra.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyymmm gonnaaaa fly like a bird through the night, feel my tears as they dryyyyy.... Aaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyymmm gonnaaaa swiiiiiiiiiiing... from the chandeliiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeer! From the chandeliiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeer!"
Kung kanina pinatintig ni Jame Brancen ang mga balahibo ko, nang dahil naman sa pagbirit ni Sylver naglayas na ata ang kaluluwa ko.
Tulala kaming lahat nang tuluyan siyang matapos sa pagkanta. Kung alam ko lang na ganoon siya bumirit ako na mismo ang umagaw ng mikropono sa kanya.
"Ganda ng boses ko diba? Pati kayo nadala." nakangiti niyang sabi. Bumalik siya sa pagkakaupo habang nakadekwatro.
"Subukan mo pang bumirit ulit kundi ipapalunok ko sayo yang mikroponong hawak mo." may diin na sabi ni RM.
Nagkibit lang ito ng balikat at ibinigay sa katabi niya ang mikropono.
"Hoy JK. Sayo yang Nothing like us diba?"
Tumango siya at kinuha ang mikropono. Pasimple kong itinuon ang atensyon ko sa screen ng tv habang yung iba naman ay kumakain ng pizza.
"Ohh...Ohhh....uh..."
Biglang nagtindigan lahat ng buhok ko sa katawan. Damn. Ang ganda parin ng boses niya.
"Lately I've been thinkin',
Thinkin' bout what we had,
I know it was hard,
It was all that we knew, yeah"
"Have you been drinkin'
To take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve..."
Hindi ko alam kung ba't ako nakakaramdam ng panghihina sa buo kong katawan. Parang unti unting hinihigop ang lakas ko habang pinapakinggan ang bawat lyrics ng kinakanta niya. Nilingon ko siya at napasinghap nang mapagtanto kong nakatingin pala siya sakin.
"'Cause nothing can ever,
Ever replace you.
Nothing can make me feel like you do, yeah.
You know there's no one
I can relate to.
And know we won't find a love that's so true..."
Nagsimula akong makaramdam ng panghahapdi ng mata. Hindi ko alam kung ba't ako naiiyak. Hindi ko alam kung ba't tumatagos sakin ang bawat salitang binibitiwan niya. Baka dahil madamdamin niya itong kinakanta o baka dahil sa mensahe ng kanta.
"There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together through the storm.
There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together, oh"
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa luhang unti unti nang namumuo sa mata ko. Bakit ganito? Ba't ako naiiyak?
"I gave you everything, baby,
Everything I had to give.
Girl, why would you push me away, yeah?
Lost in confusion,
Like an illusion,
You know I'm used to making your day...
But that is the past now,
We didn't last now,
I guess that this is meant to be, yeah...
Tell me, was it worth it?
We were so perfect.
But, baby, I just want you to see..."
Sinikap kong iyuko ang mukha ko kahit na hirap akong gawin yun maiwasan lang ang tingin niya. Ba't ganito ang nararamdaman ko? Ba't naninikip ang dibdib ko?
"There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together through the storm.
There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together, oh"
Napatayo ako at agad na nakakuha ng atensyon nila. Ikinuyom ko ang dalawa kong kamay para pigilan ang sariling maiyak.
"Magc-cr lang ako." Inihakbang ko ang mga paa ko palabas ng videoke house at hindi na hinintay ang sasabihin nila. Nagsimula akong humikbi at lalong binilisan ang paglalakad. Unti unting bumabalik sakin lahat ng nakaraan. Lahat ng sakit na naramdaman ko ng mga araw na yun.
Nang makapasok ako sa cr ay napatitig ako sa mukha kong umiiyak. Hanggang ngayon nasasaktan parin pala ako. Kinamumuhian ko ang Delafuenteng yun. That Delafuente is the reason why I'm crying now. That Delafuente was no good for me.
Naghilamos ako ng mukha at pilit pinakalma ang sarili. Nang masigurado kong maayos na akong tingnan ay bumalik na ulit ako sa videokehouse. Napatingin ang iba sakin pagpasok ko. Tahimik akong umupo sa tabi ng pinsan ko at itinuon kina Ellie at V ang atensyon na nagduduet sa kanta na Counting Stars.
"May cr naman dito ah. Ba't ka pa lumabas Julie." tanong sakin ni Tyra.
Kumuha ako ng isang slice ng pizza at nilantakan ito.
"May kinuha lang ako sa kwarto." pagsisinungaling ko. Tumango tango si Tyra at ipinagpatuloy ang pamimili ng kakantahin sa songbook ganoon rin ang iba. Kami lang ata nina RM at Jiro ang kumakain.
Napatingin sakin si Jiro kaya pasimple kong iniwasan ang tingin niya.
Itinuon ko ulit ang tingin ko sa dalawang kumakanta na ngayon ay nakaharap na sa isa't isa. Isinabit ni V ang tumakads na hibla ng buhok sa likod ng tenga ni Ellie habang patuloy na kumakanta at hindi inaalis ang malagkit nilang tinginan sa isa't isa.
"Kadiri kayong dalawa." Nakabusangot na sabi ni CheyenneJade na nasa tabi ni Ellie.
"Kahit isilid sa sako ang dalawang yan maglalambingan parin ata sila sa loob." sabi ni Tyra
"Mas mabuting ganyan ang dalawang yan. Mas sakit sila sa ulo pag nag-aaway sila." mungkahi ni Jiro na nakakatatlong plato na ata.
Pagkatapos kumanta nilang dalawa ay inilahad sa akin ni Ellie ang mikropono. Sandali akong napatitig doon.
"Ikaw naman Julie." Niyugyog niya yung hawak niyang mikropono nang hindi ko parin ito kinukuha sa kamay niya.
Nagdadalawang isip akong tanggapin iyon hanggang sa hinawakan ni Sky ang kamay ko at iginiya palapit sa mikropono. Wala akong nagawa kundi tanggapin yun.
Napatingin ako sa screen ng flatscreen tv nang nagsimulang tumugtog ang kakantahin ko na Oh Darling ng Plug in Stereo.
"Teka? Duet yan ah. O heto ang isang mikropono JK. Ikaw sa stanza ng lalaki."
Napakurap ako at sinundan ang kamay ni V na inilalahad ang isang mikropono na tinanggap naman niya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa mikropono at itinuon ulit ang atensyon sa harap. What the heck.
Sinimulan niyang kantahin yung parte ng lalaki habang ginagapangan naman ako ng kaba. Nagsimulang manginig ang labi ko nang ako naman ang kumanta. Sinikap kong ikalma ang sarili ko kahit na hirap akong gawin yun. Damn!
Oh darling, I love you so
If you'd ask me for my heart, there's no way that I'll say no
Oh darling, just take a chance please
So we can stay together till hell starts to freeze
Nang matapos ang kanta ay agad kong inilapag ang mikropono. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko lalo na't pinaulanan nila kami ng palakpakan. Tss
"Bagay ang boses niyo sa isa't isa." komento ni CheyenneJade.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Pinagkakaisahan ba nila akong lahat? Argh.
Ilang oras rin kami nanatili sa videokehouse. Gabi na nang maisipan naming lumabas doon. Nanatili kami sa kwarto nina Sky, CheyenneJade at Tyra na nakatutok lahat ng atensyon sa phone namin habang nakahilata sa kama. Si Ellie lang ang wala dito dahil kasama nito ang boyfriend niya. Sa pagkakaalam ko maglalakad daw ang dalawang yun sa dalampasigan.
"Julie, iconfirm mo ako sa facebook."
Tumango ako sa pahayag ni Tyra na nasa tabi ko.
"Ang dalawang 'to. Pati sa f*******: nagpost ng landian nila."
Napatingin kaming lahat sa screen ng phone ni CheyenneJade at nakita ang picture ni Ellie na hinahalikan ang pisngi ni V.
"Mablock nga ang dalawang yan." komento ni Sky na ibinalik ulit ang tingin sa screen ng phone niya.
Napangiwi si Tyra at umupo sa kama habang pinapasadahan ng tingin ang dalawa.
"Ang bitter niyong dalawa. Ikaw Sky, close ka naman sa magpipinsang Delafuente. Hindi ba sumagi sa isip mo na may magustuhan sa kanila? Wala ka bang type sa kanila?" tanong ni Tyra na nakapulupot ang kamay sa isa't isa.
Umayos si Sky sa pagkakahiga at pasimpleng umiling.
"Wala eh." tipid niyang sagot.
Nagtaas ng kilay si CheyenneJade habang napangiwi ulit si Tyra.
"Taas ng standards mo ha." Humiga ulit si Tyra sa tabi ko. Ang likot pa namang matulog ng baklang to.
"Kung hindi ko kilala ang pitong yun hindi ko papangarapin ang magkaboyfriend ng isa sa kanila pero nang makilala ko sila nagbago ang pananaw ko." paliwanag ng pinsan ko.
"Talaga? Ibig sabihin gusto mo nang magkaboyfriend ng isa sa ka--Nagbago ang pananaw ko na tama ang desisyon kong hindi pangarapin ang bagay na iyon. Ayokong maging boyfriend ang isa sa mga siraulong Delafuente na yun. Sakit sila sa ulo at may sakit sila sa utak. Ang laking pressure nun." putol ni Sky kay Tyra.
Ewan ko ba sa babaeng to. Parati niayng ipinagtatanggol sakin ang mga kababata niya pero siya naman mismo ang naninira sa kanila. May saltik rin sa utak ang babaeng to eh. Nahawa na ata sa mga pinsan niya.
"Eh ikaw Julie? Nakakailang boyfriend kana?"
Sumeryoso ang mukha ko at nanatiling itinikom ang bibig sa tanong ni Tyra. Gusto ba nitong maging reporter? Tss
"No boyfriend since birth siya." sagot ng pinsan ko.
"Ay ganon? Pihikan?"
"Balak niyang tumandang dalaga."
Nagpumiglas ako sa gitna nilang dalawa para maiwala nila ang topic nila sakin.
"Tumahimik nga kayong dalawa. Nasa gitna ako. Isturbo kayo sa pagtulog ko."
Sinimulan kong ipikit ang mga mata ko hangang unti unti akong dinalaw ng antok.
"Ba't nakabusangot yang mukha mo Ellie? Umagang umaga ang panget na ng hitsura mo." Sumubo si Sky ng pagkain na hindi inaalis ang tingin kay Ellie.
Padabog na tinusok ni Ellie ang hotdog at kinagat ito na hindi parin nagbabago ang ekspresyon.
"Hoy V? Anong nangyari diyan sa girlfriend mo?" tanong ni Jame Brancen at sumubo ng pagkain.
"Ewan ko nga eh. Hoy babaeng pusa, may dalaw ka ba?"
Napahipo si CheyenneJade sa ulo niya habang napailinh naman yung magpipinsan. Bad mood yung girlfriend niya tapos hindi niya alam? Ang sweet pa nila kagabi ah.
"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Kainis." Tumayo si Ellie at nagmarcha pabalik sa taas. Ano kayang pinag-awayan ng dalawang 'to?
Tiningnan ko si Sky na kumakain sa tabi ko.
"Wag mo nang alamin kung anong pinag-awayan ng dalawang yun. Wag kang mag-expect ng malalaki pagdating sa dalawang yun." sabi niya sakin.
Alam niya ata kung ano ang tinatakbo ng isip ko. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain at sumubo narin.
"Cheyenne, may napkin ka ba? Bigyan mo naman ang kapatid mo." Uminom ng tubig si V na bakas sa mukha ang pag-aalala sa girlfriend niya.
Teka? Tama ba yung narinig ko? Magkapatid si Ellie at si Cheyenne? Paano nangyari ang bagay na 'to?
"Alam mo V. Kulang ka ng sapak eh." Naiinis na sabi ni RM.
"Tinanong mo pang may dalaw. Saan ka ba pinaglihi? Nagdududa na ako eh. Nakakakilabot kana." dagdag ni Jiro
Naibaba ni Tyra ang hawak niyang kubyertos at napasandal sa kinauupuan niya.
"Hay pambihira! Walang dalaw ang girlfriend mo V. Ayoko sanang makialam sa inyong dalawa pero halatang hindi mo naman alam ang dahilan. Nagalit si Ellie dahil nilike mo yung comment ni Anne Enriquez sa picture niyong dalawa na ipinost niya kagabi. Napakababaw talaga ng pinag-aawayan niyo." paliwanag ni Tyra.
Napakurap si V at nagmadaling tumayo para sundan ang girlfriend niya. Dahil lang sa like? Ito ata yung tinutukoy ni Sky sa kanilang dalawa. Teka? Magkakilala pala si Ellie at si Anne. Ang liit talaga ng mundo.
"Paano kaya magkakabati ang dalawang yun? Nacucurious tuloy ako." naiiling na sabi ni Harel at sumubo ng pagkain.
"Isipin mo ang hindi natin naiisip. Alam niyo naman mag-isip si V." mungkahi ni Sylver.
Natigilan si Jame Brancen sa pagsubo at ibinaba ang kubyertos na hawak saka nagtaas ng tingin na bakas sa mukha ang kyuryusidad.
"Ang alin? Yung ano? Yung alam niyo na. Yung--"Oo. Alam mo na. Yung pagiging utak m******s mo hayop ka." putol ni RM sa kanya.
Marahas na naibaba ni Sky ang hawak niyang kubyertos at humalukipkip sa upuan niya habang nakabusangot ang mukha.
"Kadiri kayo. Nakakawala kayo ng gana."
Pagkatapos naming kumain ay sa gazebo ulit kami nanatili dahil sa hagalpak ng hangin sa mga mukha namin na mas lalong nagbibigay sa amin ng preskong pakiramdam.
Pagsapit ng gabi ay nanatili kaming lahat sa kwarto nina RM dahil sa naisip nilang laro na truth or dare. Ewan ko ba, nakakapagtaka kung ba't silang magpipinsan ang may pasimuno lahat ng laro.
Hindi ko alam kung masyado ba kaming mature na mga babae o silang magpipinsan ang kinulang ng maturity.
"Bat may alak? Umamin nga kayo! May balak ba kayo?!" Hagalpak ni Cheyenne sa sahig kung saan kami nakahilata lahat.
Bumuo kami ng bilog sa gitna at doon nakalagay ang dalawang bote ng wine 'tsaka isang bote na walang laman na gagamitin namin sa laro namin. Pinagigitnaan ako ni Sky at Ellie habang katabi niya naman ang boyfriend niya na mukhang nagkabati na ata ang dalawa.
"Hindi ah. Nakasalalay sa boteng iiikot ko ang pag-inom natin. Kung sino ang maturo doon lang siya pwedeng uminom kaya tatawagin natin itong truth or dare and drink. Bilang rules ng laro, isang tanong lang ang pwedeng ibato sa naturo ng boteng inikot." paliwanag ni Harel
Tumango tango kaming mga babae na sang-ayon sa rules ng laro. Ba't parang kinakabahan ako sa laro na 'to lalo na't may sangkot na wine. Geez.
"Ako ang iikot total ako ang pinakamatangkad dito."
Sinimulang paikutin ni RM ang bote at dahang dahan itong huminto hanggang huminto ito at itinuro si Sylver na nakatunganga.
"Truth or dare?" tanong ni RM
"Truth." Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Sylver at nagsalin ng wine sa maliit na baso saka nilagok ito.
Napakurap kaming pinapanood si Sylver nang inikot niya na ang bote.
"Hoy ungas. Magtatanong pa ako." Kinuha ni RM ang umiikot na bote kaso inagaw rin ito ni Sylver sa kanya.
Mukhang magbabangayan na naman ata ang dalawang 'to.