Prologue
"Welcome home JK!" Salubong sa akin ng pinsan ko nang tuluyan akong makapasok sa bahay nila. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa kwarto ko hila hila ang isa kong maleta.
Kakarating ko lang dito sa America dahil dito ako nagbabakasyon sa pinsan ko tuwing Summer. I really hate it when she calls me that two letter name. Umaakyat agad ang dugo ko pag naririnig ko ang pangalan na yan.
Binuksan ko ang kwarto ko at agad humilata sa kama. Stupid jetlag.
Narinig ko ang yapak ng paa niya at ilang sandali lang ay tuluyan na siyang nakapasok sa kwarto ko.
"Napakasuplada mo talaga." mungkahi niya.
Pasimple ko siyang nilingon na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakapulupot ang magkabila niyang braso sa isa't isa at nakabusangot ang mukha.
"Hi there Sky. Ngayon lang kita napansin ah? San ka galing? Ba't hindi mo ako sinundo sa airport?" painosente kong sabi at nginitian siya ng matamis.
Naikot niya ang mga mata niya at naglakad patungo sakin. Alam niya ang dahilan pag dinededma ko siya kaya inaartehan ko agad yan.
"Bitter ka parin ba sa mga Delafuente?" aniya at umupo sa kama ko habang nakaharap sakin.
Here we go again. Bumangon ako sa kama at isinandal ang likod ko sa dulo ng kama.
"Of course not. Stop digging the past Sky. Kakarating ko nga lang sinisira mo na agad ang araw ko." nakasimangot kong sabi. Bumaba ako sa kama ko at hinila ang maleta ko papalapit sa kama.
"See? Bitter ka nga." usal niya habang tinutulungan akong buhatin ang maleta ko para ilagay sa taas ng kama.
Parati niya nalang talagang bukambibig sakin ang mga kababata niya. I dont hate them nor like them. Umupo ulit ako sa kama at binuksan ang maleta ko.
"I said I'm not." Pinasadahan ko ng tingin ang ang mga nakatupi kong damit. Maliit lang ang dala kong gamit dahil may nakatambak na akong gamit dito sa bahay nila. May sarili nga akong kwarto eh.
"Yes you are. Ayaw mo ngang tinatawag kitang JK."
Natigil ako sa paghahalungkat sa mga gamit ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Kalma Julie, hindi ka mananalo sa babaeng yan. Get a grip.
"Dahil mas gusto kong tinatawag akong Juie. It sounds pretty like me." nakangiti kong sabi.
"What's the matter if I call you JK. It's your name anyway. Julie Kasie Varquez. 'Tsaka mas maikli pa ang JK kaysa sa Julie."
See? She's unreasonable. Gusto niya talaga akong asarin kaya niya ginigiit ang pangalan na yan. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko sa babaeng 'to matagal ko nang pinutol ang dila niya.
"Magkatulad lang yun. Two syllables." giit ko.
Sinimulan kong ituon ulit ang atensyon ko sa bagahe ko.
"They're different. two letters lang yung JK unlike Julie na five letters. Alam mo kung ano pang pinagkaiba nilang dalawa?"
Saglit ko siyang nilingon na may namumuong makahulugang ngiti sa kanyang labi. I really hate it when she smiles like that.
"What?" I hissed.
"Yung Julie ang bukambibig ng bibig mo habang yung JK naman ang bukambibig ng puso mo."
Mabilis kong dinampot ang isa kong damit sa bagahe ko at itinapon sa mukha niya.
"Goddamn it Sky! Lumabas ka nga!" naiirita kong sabi. Nakakainis talaga ang babae na 'to. I'll never win a conversation over her. Napakarami niyang tambak sa utak niya na kaya niyang ibato sakin nang magkasunod sunod.
Inalis niya ang damit na nakatakip sa mukha niya at nginitian ako. Curse that smile.
Bumaba siya sa kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko.
"See you later JK. Magpahinga kana JK. Nasa kwarto lang ako JK." sigaw niya nang tuluyang makalabas.
Iniinis talaga ako ng bruha. Four years na ang nakalipas simula nung naiirita ako sa two letter na yan at hindi ko na binanggit ang dalawang letrang yan. Its not the name I guess. It's the person who owned that name. He's an asshole. He's a jerk. He's stupid. Wala siyang pinagkaiba sa mga pinsan niya. Heartbreakers.