Natigil sa pagbubunganga ang pinsan ko nang pumasok si Tayden kasama si Jiro sa loob. Lumipad agad ang tingin nila sa akin.
"Hindi ka ba sinaktan ng lalaking yun Julie?" tanong sakin ni Jiro.
Umiling ako bilang sagot ko. Gusto kong magpasalamat sa kanila pero wala akong lakas ng loob na banggitin iyon.
"Napakalma mo na ba si JK?" tanong ni Jame Brancen.
Tumango si Jiro. Naglakad naman papalapit sa amin si V Tayden at tinabihan ang girlfriend niya.
"Si Sky naman ang pakalmahin mo Jiro. Kanina pa yan hindi mapakali." mungkahi ni Jame Brancen.
Humarap ang pinsan ko kay Jiro at niyugyog ito. Hanggang ngayon ganito parin pala silang dalawa.
"Pinatay niyo ba yung lalaki? Kung buhay pa yun magsasampa ako ng kaso sa kanya! Kailangan niyang mabulok sa bilangguan Jiro! Kailangan niyang pagbayaran ang binigay niyang trauma sa pinsan ko!"
Napangiwi si Jiro habang pinagmamasdan si Sky na walang tigil siyang inaalog.
"Mabuti pa samahan mo ako sa baba. Ipagluluto kita." Hinila ni Jiro ang pinsan ko palabas ng kwarto.
Hindi parin pala siya nagbabago. Alam niya kung paano pakalmahin ang pinsan ko. Hindi kasi ako marunong magluto kaya hirap rin akong pakalmahin ang babaeng yun. Sa pagkakaalam ko masarap magluto si Jiro at paborito ni Sky ang mga luto niya.
"Magpahinga ka nalang muna Julie. Wag kang mag-alala hindi mo na makikita ang lalaking yun dito sa Resort na 'to." sabi ni Tayden.
Tama nga ang pinsan ko. Mababait parin sila hanggang ngayon. Alam ko naman ang bagay na iyon dahil minsan ko na silang nakalaro noong mga bata pa kami pero hinayaan kong lamunin ako ng nakaraan ko kaya nahusgahan ko silang lahat. That Delafuente saved me again.
"Hoy Julie! Ba't bigla kang nawala sa tabi ko kanina? Pasensya na talaga ha. Kung hindi sana kita kinaladkad sa grupo ng mga lalaking yun eh sana hindi ka nabastos. Sorry talaga." nag-aalalang sabi ni Tyra na kakapasok lang ng kwarto.
Tipid ko siyang nginitian. Tuluyan na ata akong napipi.
Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Ellie na ikinapitlag niya.
"Dinamay mo pa talaga si Julie sa kalandian mong bruha ka." Bakas sa mukha ni Ellie ang inis na nararamdaman.
Tumabi sa akin si Tyra at itinago ang sarili kay Ellie. Inakbayan naman ni V ang girlfriend niya at pinitik ang noo nito.
"Walang may kasalanan dito. Yung lalaki ang dapat sisihin mo babaeng pusa."
Napapitlag si Ellie at sinimangutan si Tayden.
"Eh naiinis ako eh! Dahil sa lalaking yun--"Dahil sa lalaking yun naputol ang paghahalikan niyo sa sulok. Gumawa pa kayo ng sarili niyong mundo. Tss." putol ni CheyenneJade na nakadekwatro sa couch at nakahalukipkip.
Bakas sa mukha ng dalawa ang pamumula at nag-iiwas ng tingin sa amin. Ang cute naman ng dalawang 'to. Bagay nga sila sa isa't isa.
"Julie okay ka lang?"
Napatingin kaming lahat sa kakapasok lang na si Sylver at may magulo pang buhok. Tumango ulit ako bilang sagot sa kanya.
"Buti naman. Sige, maiwan ko na kayo. Hoy kayong dalawa, lumabas na kayo dito para makapagpahinga sila."
Naunang lumabas ng kwarto si Sylver. Nagpaalam narin sa amin si Jame Brancen at sinundan ang kapatid niya. Tumayo si V at hinalikan sa noo si Ellie saka ito lumabas ng kwarto.
"Ang landi niyong dalawa." komento ni CheyenneJade.
Ngumiti lang ng matamis si Ellie.
Teka? Si Sylver lang ata ang hindi ko napansin kanina sa dalampasigan habang nagkakagulo. Saan kaya yun nanggaling? Base sa imahe niya kanina parang kakagising niya lang.
Pumwesto kaming lahat sa kama at nahiga na. Kapwa hindi pa kami dinadalaw ng antok kaya laman ng topic nila ang nangyari kanina.
"Paano ba yan Julie. Knight in shining armor mo na ang fiance ko." Sinundot ni Tyra ang tagiliran ko kaya napaliyad ako.
"Tigilan mo nga ako bakla ka." natatawa kong sabi.
Natigilan si Tyra at mabilis na napaupo sa kama habang gulat na nakatingin sakin. Anong problema ng baklang to?
"Marunong ka palang tumawa?"
Nakakagulat ba ang bagay na yun? Akala niya ba talaga hindi ako marunong tumawa?
"Dalasan mo ang pagngiti Julie. Mas lalo kang gumaganda." sabi ni Ellie na nakatutok ang atensyon sa phone niya. May katext ata siya.
Napakurap ako at iniwala ang ngiti sa labi ko.
"Maiba ako. Ba't hindi pa bumabalik si Sky? Nagulat ako sa inasta niya kanina. Yung babaeng yun may tinatago palang ganoong ugali." sabi ni CheyenneJade na nasa dulo. Pinagitnaan naman ako nina Ellie at Tyra.
"Nagiging paranoid yun pag napapahamak ako. Noon nga nadadapa lang ako at nagkakasugat sa tuhod nauuna na yun umiyak tapos gusto nang magtawag ng ambulansya. Ganoon na siya simula pagkabata namin." mungkahi ko.
Bumalik sa isipan ko ang mga pinagdaanan namin noon ni Sky nung mga bata pa kami bago sila lumipat dito sa America. Yung mga panahon na pag hindi ko sinusunod ang gusto niya ay yung barbie doll ko ang sinasambunutan o kaya kinakalbo niya. Kaya hindi na ako nagtaka kung ba't sinampal niya ako kanina.
"Nagtataka lang ako. Kung kababata ng pinsan mo ang mga Delafuente eh ba't ikaw hindi mo ka close yung magpipinsan?" tanong sakin ni Tyra na nakahiga na ulit sa tabi ko.
Sandali akong natigilan at naalala ang unang araw na nakilala ko silang magpipinsan. 7years old pa ako nun at 8 years old naman si Sky.
"Ayoko Sky! Mas gusto kong kalaro ang mga barbie doll ko!" Hinila ko ang kamay ko sa lanya ngunit ang higpit ng pagkakahawak niya dito at patuloy parin akong hinihila papunta sa playground ng subdivision namin.
"Ang papanget ng barbie doll mo. Ipapakilala kita sa mga kalaro ko."
"Eh kasi kinakalbo mo kaya pumapanget sila! Bumalik na tayo sa bahay! Hindi ko pa napapakain ang mga barbie doll ko! Hindi ko pa sila napapaliguan! Sky bumalik na tayo!"
Patuloy niya akong hinila na parang hindi niya narinig ang pinagsasbi ko sa kanya hanggang sa makarating kami sa playground. Narinig ko ang mga boses ng ilang bata na naglalaro doon. Sila ata yung parating kalaro ni Sky dito.
Nagtago ako sa likod ng pinsan ko nang huminto kami sa loob.
"Sky! Ba't ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay. Teka, sino yang nagtatago sa likuran mo?"
Sinilip ko sila at nakita ang pitong lalaki na nakatingin sa amin. Nagtago ulit ako sa likod ni Sky. Kaya ayaw kong sumasama kay Sky dahil puro sila lalake. Mas gusto ko pa yung mga barbie doll ko dahil puro babae.
"Siya ang pinsan ko. Siya si Julie. Yung sinasabi ko sa inyong mahiyain." Umalis si Sky sa harapan ko at ibinandera ako sa pitong lalake.
Napayuko ako habang pinaglalaruan ko ang ribbon ng suot kong damit dahil sa hiyang nararamdaman. Napakurap ako nang makita ko ang mukha ng isang lalaki na sinilip ako.
"Maganda ka naman ah. Ba't ka nakayuko? Halika, ipapakilala kita sa iba kong pinsan." nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit sa iba niya pang pinsan.
"Siya si Sylver yung sa kabila namang swing ay ang kapatid niyang si Jame Brancen. Yung nasa slide naman siya si Harel at yung nasa likod niya ay si RM. Tapos yung nasa loob ng bahay ay si V at ang kasama niya ay ang kuya kong si Jiro. Ako naman si JK."
Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti ng malapad sakin. Nilingon ko ang pinsan kong nakaupo sa swing at tinutulak nung kuya niya.
Hinawakan niya ulit yung kamay ko at ipinaupo ako sa isang bakanteng swing katabi nung kay Jame Brancen.
"Itutulak kita ha. Kumapit kang mabuti." Pumunta siya sa likuran ko at sinimulan akong itulak.
Nagsimula akong matawa dahil sa ginagawa niya. Lumilipad rin ang buhok ko pag sinasalubong ko ang hangin sa ere. Bumaba ako sa swing at nakipaghabulan sa kanila.
"Si Sylver ang taya!" sigaw ni Jame Brancen.
Napatili kami ng pinsan ko at tumakbo palayo kay Sylver kaso may naapakan akong bato kaya nadapa ako.
"Aray! Ang tuhod ko!" daing ko.
Mabilis silang napatakbo sa harapan ko. Yumuko si JK at hinawakan ang tuhod ko na may sugat.
"Waaah! Diba may lalabas na pari diyan sa sugat? Paano na yan ngayon! Puputulan ng paa ang pinsan ko ng doktor! Hindi na siya makakalakad! Tumawag ka ng ambulansya V!" natatarantang sigaw ng pinsan ko.
"Ano ka ba Sky. Hindi naman puputulin ng doktor ang paa niya. Yung tuhod ang pypytulin ng doktor dahil doon siya nasugatan hindi sa paa." sabi ni V.
"Jiro ilabas mo yung pari sa sugat ng pinsan ko! Ayokong mamatay siya!" naiiyak na sabi ng pinsan ko.
"Aray naman Sky. Mapupunit ang damit ko niyan dahil sa ginagawa mo." nakasimangot na sabi ni Jiro.
"Ang tanga mo naman. Pati yung bato inapakan mo." sabi ni Sylver. Teka? Ba't ang puti niya? Para siyang si Snow White? Kaso lalaki siya eh. May kapatid pala si Snow White?
"Ba't ang puti mo?" tanong ko.
"Ba't ang tanga mo?" tanong niya rin sakin na may poker face ang mukha. Mahilig ba siya sa marshmallow kaya maputi siya?
"Hoy Sylver! Hindi siya tanga!" Pagtatanggol ng pinsan ko sakin.
"Eh ba't siya nadapa?"
"Ewan ko."
"Edi tanga siya."
"Jiro oh! Si Sylver!"
"Teka kukuha ako ng gamot sa bahay." Tumakbo si RM palabas ng playground. Siya ata yung pinakamatanda dahil siya ang pinakamatangkad sa kanilang pito.
Nanatili akong nakatitig sa sugat na nasa tuhod ko. Mapapagalitan ako nito ni Mommy pag nakita niya 'to.
"Tiisin mo lang ang sakit ha. Gagamutin ka ng pinsan ko." nakangiting sabi sakin ni JK.
Naluluha akong tumango habang iniinda yung hapdi ng tuhod ko.
"Doktor ba ang pinsan mo?" tanong ko.
"Hindi eh. Pero magagamot ka niya dahil doktor ang Daddy niya."
Bumalik ako sa sarili ko nang yugyugin ako ni Tyra.
"Hoy Julie, natulala kana diyan."
Pinilig ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata. Ayoko nang pag-usapan ang bagay na yun.
"Mahiyain kasi ako noon kaya si Sky ang parati nilang kalaro. 'Tsaka tigilan mo na nga ako Tyra. Inaantok na ako." pagsisinungaling ko para makaiwas sa tanong niya.
Kung may hindi man nagbago sa mga Delafuente yun ay nandiyan parin sila para sakin. Nag-aalala parin sila sakin. Minsan ko lang silang nakalaro pag pinipilit akong lumabas ng bahay dahil nahihiya ako sa kanila pero maliban doon may mas nakasundo ako sa kanilang pito. That Delafuente was my former childhood friend.
Kinabukasan nagising ako dahil sa pag-alog ng kama. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Sky na nakaupo sa gilid.
"Bumangon kana diyan. Kumain na tayo. Nasa baba na silang lahat at ikaw nalang ang hinihintay namin." Tumayo siya at naglakad palabas.
Ang kalma niya na ngayon kumpara kagabi.
Bumalikwas ako ng kama at naglakad patungong cr. Naghilamos ako ng mukha at itinali ang buhok ko dahil sa g**o nito.
"Good Morning Julie." Bati sa akin ni Harel nang makababa ako.
Tipid ko siyang nginitian at naupo sa tabi ng pinsan ko. Tahimik lang akong kumain ganoon rin ang iba. Walang nagbalak banggitin ang nangyari kagabi.
Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at tumikhim ako na kumuha ng atensyon nilang lahat. Nanatili ang tingin ko sa pagkain ko. Ayokong salubungin ang tingin nila sakin.
"Thanks anyway." tipid kong sabi. Ipinagpatuloy ko ang pagkain at iniwasang mag-angat ng tinign.
Ramdam ko ang titig nila sakin kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ilang. Hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kanila. Huling nakasama ko sila ay Elementary student pa ako noon pero noong naghighschool ako ay umalis na si Sky papuntang America kaya hindi ko na sila gaanong nakakasalamuha lalo na't nangyari ang isang bagay na naging dahilan para iwasan ko silang lahat. Yun ang naging dahilan kung ba't may namuong galit sakin sa kanila. That Delafuente rejected me. Nasayang ang effort ko nang dahil sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay sa pool naman namin napagdesisyunang maligo. Nanatili kaming mga babae sa gazebo ng pool para magpahid ng sunblock.
"Maglaro tayo! Sasampa ang mga babae sa lalake tapos maglalaban ang mga babae sa taas para ilaglag ang isa't isa sa pool!" mungkahi ni Harel na naliligo na sa pool.
Lumiwanag ang mukha ng iba na halatang excited sa gagawing laro. Ano nga bang tawag sa larong to?
"Game!" sigaw ni Tyra.
Lumabas kaming mga babae sa gazebo at umupo sa gilid ng pool.
"Ganito, dahil kulang tayo ng dalawang babae may dalawang partner na puro lalaki. Jame Brancen si RM ang partner mo, si Jiro naman at si Sky, si Ellie at si V, si Sylver at si CheyenneJade 'tsaka si JK at si Julie. Tapos si Tyra naman ang partner ko." paliwanag ni Harel.
Holy crap! That Delafuente?! No way!
Nagsimula akong makaramdam ng kaba sa tiyan ko. Ba't sa dinami dami siya pa?! Argh. Nananadya ba talaga sila?!