A guy is a boy by birth, a man by age, but a gentleman by choice4
Ilang sandali lang ay nagpasya narin silang umahon para kumain. Tahimik lang ako sa upuan ko habang pinagigitnaan naman ako ni Sky at CheyenneJade.
"Julie. Nagpupunta ka rin ba sa 3DBar? Kung hindi ako nagkakamali nakita na kita doon."
Nakuha ni Harel ang atensyon ko. Namukhaan niya pala ako ng araw na iyon? Tinanguan ko lang siya bilang sagot ko sa kanya. Mas mabuti nang hindi ako magsalita para maiwasan ko ang pagsisimulan ng topic na pwedeng magpahaba sa usapan namin.
Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pagkain.
"Ba't ang tahimik mo ata JK? May lagnat ka ba?" tanong ng kapatid niya at hinipo ang noo nito.1
"Tahimik rin naman ako ah." sabat ni Sylver.
"Sanay na kami sayo." sabi ni Harel.
"Hindi ka naman mainit." mungkahi ni Jiro.
"Hoy JK. Nagtatampo ka parin ba dahil kinain ko yung cookies mo? Ibibili kita ng marami wag kang mag-alala."
Sandali akong natigilan sa sinabi ni Jame Brancen. Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni Sky. Binitiwan ko ang kubyertos na hawak ko at tumayo na nagkuha ng atensyon nilang lahat.
"Tapos na ako. Excuse me." sabi ko na ipinirmi ang atensyon sa baba.
Umalis ako sa harapan nila at naglakad patungong kwarto. Padabog kong isinara ang pinto at itinapon ang sarili pahiga sa kama.
4 years na ang nakakalipas pero hindi parin pala ako nakakamove on. Ba't ba naaapektuhan parin ako? Hindi ko na siya gusto. Oo, hindi ko na siya gusto at ayoko nang mangyari ulit ang bagay na iyon.
Nagsimula akong mag-impake ng gamit ko. Hindi ko matatagalan ang ganitong sitwasyon. Pag kasama ko sila pinapaalala lang nila sakin kung gaano ko silang kinakamuhian. Napakababaw ko pero hindi nila maiaalis ang katotohanang sinaktan ako ng Delafuenteng iyon. I hate that Delafuente.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito.
"Julie? Okay ka lang?" tanong ng pinsan ko.
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa pag-iimpake. Naglakad siya patungo sakin at umupo sa kama kung saan nakalagay ang bag ko.
"Uuwi na ako. I told you I can't be with them! Especially that Delafuente! Alam mo yun Sky!"
Nanatili ang atensyon ko sa paglalagay ng gamit ko sa loob ng bag ko.
"Iiwas kana naman? Paano mo haharapin ang isang bagay kung parati kang iiwas? Nasa isang mundo kayo Julie. Hindi mo siya pwedeng iwasan habang buhay."
Huminto ako sa pagpapasok ng mga gamit ko at tiningnan siya ng mariin.
"Hindi ko pag-aaksayan ang oras ko dito kasama sila Sky."
Hinablot niya ang bag ko at ibinalik iyon sa dating kinalalagyan kasama ng iba pang mga gamit nila.
"Uuwi na ako! Akin na nga yan!"
Aagawin ko na sana ang bag ko sa kanya nang bigla niya akong sinampal na nagpatigil sakin. Napahawak ako sa pisngi ko at natigilan sa kinatatayuan ko.3
"Ano gising kana?"
Nanatili akong nakatitig sa kanya at gulat sa bigla niyang pagsampal sakin. Gusto kong magsalita pero wala akong mahagilap na salita sa bibig ko.
Ipinulupot niya ang magkabila niyang braso sa isa't isa.
"Hindi ka ba napapagod umiwas? Kaya kita sinama dito para harapin mo ang bagay na 'to. Gusto kong tulungan kang makita ang iba nilang katauhan. Hindi sila katulad ng iniisip mo Julie. Alam mo ang bagay na yan diba? Minsan mo na silang nakasama. Oo, aaminin ko mga lokoloko ang kababata ko, mga siraulo, mga may sayad sa utak pero sa kabila nun mababait sila. Alam kong nasaktan ka ng isa sa kanila. Alam kong kaya ka umiiwas dahil ayaw mo nang masaktan ulit. Pero hindi solusyon ang pag-iwas Julie. Pwede mong iwasan ang reyalidad pero hindi mo maiiwasan ang kahihinatnan ng reyalidad na iniiwasan mo. You cannot find peace by avoiding life. You cannot find peace by avoiding that Delafuente either. Apat na taon ka nang tumatakbo para lang iwasan ang isang bagay na ayaw mo pero hanggang ngayon ay hindi ka parin nakakalayo. Masyadong maikli ang buhay para takbuhan mo lang."5
Sky has a point. Hindi ako pwedeng tumakbo nalang habang buhay. Apat na taon na akong tumatakbo palayo. Apat na taon na akong umiiwas. Pero hanggang nagyon, hindi parin ako nakakalayo.
Nang matauhan ako sa kinatatayuan ko ay niyakap ko agad si Sky.
"Ang sakit mong manampal." daing ko.
Parehas kaming natawa nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Buti naman at gising kana. Pag nawala ka ulit sa sarili mo handa akong sampalin ka hanggang tuluyan yang pumula ang dalawa mong pisngi." nakangiti niyang sabi.
Mukhang nananadya na ata ang babae na 'to. Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok sina Ellie at CheyenneJade kasama yung bakla.
"Ba't pumula yang pisngi mo Julie? May problema ba?" tanong ni Ellie sakin.
Umiling ako at nginitian siya ng tipid.
"Wag kang mag-alala. Nasolusyunan ko na ang problema niya." mungkahi ni Sky.
Nagtaas ng kilay si Ellie sa kanya na bakas sa mukha ang pagtataka.
"Sinampal mo ba ang pinsan mo Sky?" tanong nung bakla
Nagkibit lang ng balikat ang pinsan ko.
"Pati yung pinsan mo hindi pala nakakaligtas sa pagiging bruha mo." sabi ni Cheyenne.
Umupo sila sa couch habang nananatili parin sa amin ang atensyon nila.
"Looks can be deceiving. Anghel tingnan yan pero may sungay rin yan." sabi ni Sky.
Sinamaan ko siya ng tingin na umupo na sa gilid ng kama at inilabas ang phone niya.
"Are you describing yourself?" sabi ni Ellie sa isang blangkong ekspresyon.
"I'm describing you." sagot ng pinsan ko.
Ganito ba parati ang dalawang 'to?
Lumapit ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader at tiningnan ang sarili ko. Leche, ang pula nga ng isa kong pisngi.
Nang sumapit ang gabi ay pumunta kami sa dalampasigan na may nagaganap na isang foamparty. Nakisiksik kami sa mga kaedad lang rin namin na nagsasayawan at nabababad na ang mga katawan sa bula.
"Ang raming gwapo doon sa kabila! Doon tayo makisiksik Julie!" Hinila ako ni Tyra sa tinuturo niya. Ang sabi niya sakin kanina Tyra na daw yung itawag ko sa kanya para mas babae raw pakinggan kaysa sa tunay niyang pangalan na Tyrone.
Kainis. Ba't ba kasi kasama ni Ellie si V Tayden ayan tuloy ako ang dinadamay ng baklang to sa kaharutan niya. Hindi ko na alam kung nasaan yung pinsan ko at yung iba dahil sa dami ng tao sa paligid.
Pumaibabaw ang malakas na tugtog at ang hiwayan ng iba lalo na nang nasa peak na yung kanta. Nagiging wild na yung iba kaya napapasayaw narin kami ni Tyra dahil sa tugtog.
"Hey baby."
Sandali akong natigilan nang mapagtanto ko na pinapaligiran na pala ako ng maraming lalaki. Iginala ko ang paningin ko sa paligid kaso bigo akong makita si Tyra. Saan ba nagsuot ang baklang yun. Argh!
Pasimple kong inilayo ang sarili ko sa gitna nila pero hirap akong humakbang paatras lalo na sa maraming tao.
"Where are you going?" sabi nung lalaki sa isang nakakaakit na boses. Matangkad ito at may matangos na ilong. Tagarito ata ang lalaking 'to lalo na sa accent niya. Americans.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Agad kong naamoy ang pabango niya. Itinulak ko siya palayo sakin pero napakalakas niya. Ipinulupot niya ang braso niya sa beywang ko na mas lalong nagpadikit sa akin sa kanya.
"Go away asshole!" Halos hindi ko marinig ang sarili kong sigaw dahil sa mas lalong paglakas ng kanta.
"Okay then. You're going with me."
Namilog ang mga mata ko nang hinila niya ang kamay ko paalis doon sa mga kumpol ng tao na sumasayaw parin at walang ediya sa nangyayari sakin.
"Let go of me you little perv!" sigaw ko. Pinilit kong magpabigat para hindi madala sa panghihila niya pero doble ang lakas niya sakin. Iginala ko ang paningin ko pero bigo akong makita yung iba.
May namuong luha sa gilid ng mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Nasan ba sila?! Nasan ba sila?! Ayokong magahasa sa lugar na 'to!
"Let go of me! Please!"
Tumigil ang lalaki sa kakahila sakin at hinarap ako. Akala ko papakawalan niya na ako pero hindi pala. Inilapit niya ulit ang sarili sakin na may namumuong makahulugang ngiti sa kanyang labi.
"Go away!" Itinulak ko ulit siya pero napakalakas niya parin.
Walang nakakapansin sa amin dahil nakatutok ang atensyon nilang lahat sa mga bula at sa pagsasayaw. Kahit gusto ko mang magsisigaw para humingi ng tulong ay hindi naman ako maririnig nila dahil matatakpan lang ng malakas na kanta ang boses ko.
Nagsimula na akong maiyak at ipinikit nalang ang mga mata ko nang bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. Napamulat ako ng mata at nakita yung lalaki na nakahandusay sa sahig at dumugo yung gilid ng labi.
"Okay ka lang? Anong ginawa niya sayo?"
Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko at bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. Gusto kong iwasan ang tingin niya sakin pero hirap akong ituon ang atensyon ko sa ibang direksyon.
Naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
"What's your problem dude?" sabi nung lalaki na nakatayo na at pinapahiran ang gilid ng labi niya.
Nawala ang pag-aalalang ekpsresyon sa kanyang mukha at napalitan iyon ng matinding galit. Humarap siya sa lalaki at sinuntok ulit ito.
"You dared to touch her?!"
Sumalampak ulit sa sahig yung lalaki. Pinatayo niya ito at kinwelyuhan. Nanatili akong nakatitig sa kanila hanggang sa nagsilapitan ang mga pinsan niya sa kanya at inawat sila. Lumapit sa akin sina Ellie at CheyenneJade na parehong nag-aalala ang mga mukha.
"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Ellie na natataranta.
Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako makapagsalita. Hirap akong bumligkas.
"JK tama na! Kontrolin mo ang sarili mo!" sigaw ni Jiro nang tuluyan nilang napaghiwalay ang dalawa.
"f**k you dude! Is she your girl huh!" sigaw nung lalaki.
Napasinghap kaming mga babae na nanonood sa kanila nang si RM naman ang sumuntok doon sa lalaki. Sa ikatlong pagkakataon ay napahiga ulit ito sa sahig.
"Tama na RM!" Nilapitan siya ni Harel at ipinalayo doon sa lalaki.
"Tarantadong lalaking yan! Bitiwan mo ako Harel! Papatayin ko ang hayop na yan! Hindi marunong gumalang ng babae eh!" nanggagalaiting sigaw ni RM.
Napatingin ako sa direksyon nina Tayden at Jiro na pinapakalma parin ang kapatid niya na nagpupuyos sa galit.
"Tayo na. Umalis na tayo dito." sabi ni Brancen nang makalapit siya sa amin.
Naglakad kami paalis kasama si Brancen. Nakahawak si Ellie at CheyenneJade sakin para gabayan ako sa paglalakad ko lalo na't gulat parin ako sa nangyari. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha niya kanina na puno ng pag-aalala.
"Jame, please, balikan mo sila. Baka mapatay ng mga pinsan mo yung lalaki." mungkahi ni CheyenneJade nang tuluyan kaming makapasok sa kwarto.
Umupo ako sa kama habang tinabihan naman ako ni Ellie.
"Nandoon naman si Harel tsaka si Jiro eh. Makakalma nila si JK at si RM. Kung hindi siguro namin inawat si JK kanina napatay niya na yung hayop na yun." sabi ni Jame Brancen na nakasandal sa pader at nakapamulsa.
"Ngayon ko lang nakitang magalit si JK nang ganoon katindi." bulalas ni Ellie.
Bumalik ako sa sarili nang marinig ko ang pangalan niya.
"Ako nga eh. Julie, okay ka lang ba?" tanong ni Brancen sakin.
Napakurap ako at tiningnan siya. Bahagya akong tumango at yumuko ulit.
"Julie! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ng lalaking yun?!"
Nag-angat ako ng tingin sa pinsan ko na nagmamadaling lumapit sakin at pinasadahan ako ng tingin nang makalapit siya sakin.
"I'm fine." bulong ko.
"Saan ba kasi kayo nagsuot ni Tyra?! Nagcr lang ako tapos may nangyari na pala sayo. Pinag-alala mo ako!" Nagsimula itong maghysterical sa harapan ko. Isa rin ang babaeng 'to. Kaya ayaw kong nasasangkot sa ganito dahil hirap siyang pakalmahin.
"Kumalma ka nga Sky! Okay na ang pinsan mo. Ang inaalala ko ngayon ay yung lalaki. Baka mapatay yun ng magpipinsan." mungkahi ni Ellie.
"Mas mabuti nga yun sa kanya! Ang kapal ng mukha niya! Nasan ba ang lalaking yun! Argh! Lagot ako kay dad pag nalaman niya ang bagay na 'to! Baka isang buwan pa kaming hindi makalabas ng bahay!" Nagpabalik balik siyang lumakad sa harapan namin.
Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya. Hindi na naman ako makakatulog nito dahil sa walang humpay niyang pagbubunganga.
"Hoy Sky. Nakakahilo kang tingnan. Umupo ka nga!" saway ni Ellie sa kanya.
"Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon?! Kamuntik nang malagay sa kapahamakan ang pinsan ko! Paano kung nagahasa siya?! Anong sasabihin ko kay dad? Paano nalang ang dignidad ng pinsan ko?! Paano ang bata?! Lalaki siyang walang ama!" 7
Yan na nga ba ang sinasabi ko. Napakakalma niyan pero sa ganitong sitwasyon hirap yang pakalmahin. Kusa yang titigil sa pagbubunganga kung nakatulog na yan. Yun nga lang mapupuyat muna ako bago iyon tuluyang mangyari.