"Akala ko ba isang tanong lag ang pwedeng ibato? Nagtanong kana kanina ah, kaya nga truth ang sagot ko diba?" Napailing ang iba niyang pinsan habang napangiwi naman kaming mga babae. Galing niya talagang pumaraan. "Gusto mong yang hawak mong bote ang ibato ko sayo?" galit na sabi ni RM. "Oh, nakakadalawang tanong kana." Inikot ulit ni Sylver ang bote at hindi pinansin ang galit na ekspresyon ng pinsan niya. Tinapik ni Harel si RM na katabi niya lang. "Hayaan mo na. Alam mo naman ang puti na yan." Unti unting huminto ang inikot ni Sylver na bote at itinuro si Jame Brancen na nakatutok sa screen ng phone niya. Nang mapansin niya ito ay ibinulsa niya ang phone niya at nagsalin ng wine saka uminom. "Dare. Ayoko ng truth. Baka ano pa yang itanong mo sakin." Nili