Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang dumating ako dito sa America. Parati lang akong nagmumukmok sa kwarto ko dahil wala si Sky sa bahay minsan. Kung hindi may birthday na pupuntahan ay may lakad siya kasama ang mga kababata niya. Hindi niya ako niyayaya dahil alam niya naman na hindi rin ako sasama.
I want to avoid them as much as possible, most probably that Delafuente.
"Julie, mag-impake ka."
Napaangat ako ng tingin kay Sky na kakagising lang ata dahil sa suot niyang pangtulog nang pumasok siya ng kusina kung saan ako kumakain ng breakfast.
"Pinapalayas mo ba ako?" sabi ko sa isang blangkong ekspresyon. Sinundan ko siya ng tingin na naglalabas ng freshmilk sa ref at umupo sa harapan ko.
"May deadline ang paglayas mo dito sa bahay at malayo pa naman ang pasukan. We're going to the beach. Ang init dito sa bahay." reklamo niya. Binuksan niya ang takip ng freshmilk at nilagok ito.
Sumubo ako ng pagkain. Nag-iinarte na naman ang babaeng 'to.
"May swimming pool naman kayo ah. Doon nalang tayo maligo." sabi ko nang malunok ko ang minumuya kong pagkain.
Isa lang ang naiisip kong dahilan na pwede niyang ibulalas. Maglalayas talaga ako kung hindi iyon ang idadahilan niya.
"Mas gusto ko sa beach. Maibabandera ko ang ganda ko doon lalo na't summer ngayon kaya maraming nagbabalak maligo ngayon na kasing edad natin."
I knew it. Ang hilig talaga ng atensyon ng babaeng 'to.
Pagkatapos naming magbreakfast ay sinamahan niya ako sa kwarto ko para mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Parehas kaming nakashort at fit tshirt. Nakaponytail ang buhok niya habang ibinraid niya naman yung akin.
Palabas na kami ng bahay at may sari-sariling suot na backpack nang makasalubong namin si Tito Rafael sa sala.
"Good morning Tito."
"Good morning dad."
Isa isa naming hinalikan ito sa pisngi. Nakatuxido ito na mukhang may ilalaban na naman na kaso.
"Good morning girls. San ang punta niyo?" tanonng ni Tito sa isang baritonong boses.
Inilabas niya ang wallet sa bulsa niya at may dinukot na pera sa loob. Sandaling napako ang atensyon namin doon ni Sky.
"We're going to the beach dad." mungkahi ni Sky.
Inilahad sa amin ni Tito ang ilang bilang ng isanglibo kaya kinuha namin iyon ni Sky. Tito is a busy person and very generous.
"Thanks Tito."
"Thanks dad."
Nakangiti naming sabi ni Sky. Tumango ito sa amin ni Sky at tumalikod. Pahakbang na kami palabas nang tumikhim si Tito kaya nilingon ulit namin ito.
"Wag niyong tatakasan ang bodyguards niyo."
Nagkatinginan kami ni Sky at sabay na napabuntong ng hininga. Perks of having a lawyer tito s***h dad huh.
Sumakay kami sa kotse ni Sky kung saan nakasakay ang dalawang bodyguard namin. Nasa backseat kami habang nasa front seat at driver's seat naman sila.
Nakahinga kami ng maluwag nang tuluyang makababa sa kotse at pumasok sa isang resort na madalas puntahan ng mga kaedad namin dito sa America.
Iginala ko ang paningin ko sa napakagandang lugar at agad natanaw ang kumikinang na kulay asul na dagat sa di kalayuan. Nilingon ko si Sky sa tabi ko na nakatuon ang atensyon ko screen ng phone niya. Hindi ko alam kung ba't bigla akong kinutuban ng kakaiba.
"Sabihin mo nga sakin. May kasama ba tayo?" Bakas sa boses ko ang hinala.
"Tayong dalawa lang." sabi niya na hindi parin inaalis ang tingin sa phone niya dahil sa katext nito. May lovelife na ba ang babaeng 'to? Hindi kaya nagkabalikan na sila ng ex niya? O baka naman may boyfriend na siya sa mga kababata niya.2
"Sky!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Sa isang iglap biglang nagkagulo ang loob ko. Mabilis kong tinapunan ng masamang tingin ang pinsan ko.
"Akala ko ba tayong dalawa lang?" I growled. Tiningnan niya ako at nginitian. Curse that smile.
"Yun na nga. Tayong dalawa lang kasama sila."
Kailan ko ba makakausap ng matino ang babaeng 'to? Nang dahil sa kanya nagiging kriminal ako sa utak ko. Ang sarap niyang kaladkarin pauwi.
"f**k you Sky. f**k you." I snarled. Huli na para maglakad ako palabas dahil nasa harap na namin silang lahat.
"Buti naman at napapayag mo ang pinsan mong sumama."
Natuon ang atensyon ko kay Ellie habang nakaakbay naman sa kanya ang boyfriend niya at ibinulsa ang isang kamay.
Sikat silang couple sa BTSU o Unibersidad de San Bartolomew kung saan pagmamay-ari ng mga kababata ni Sky lalo na sa paaralang pinapasukan ko. Bukod doon kilala ko na sila dahil pareho silang malapit sa pinsan ko but we're not that really close though. Nakalaro ko sila noong elementary pa ako pero hindi ko na matandaan ang mga bagay na iyon. Ibinaon ko na sa limot lahat kahit sariwa parin sa alaala ko ang pakikaglaro ko sa Delafuente na iyon.
Naging ex ni V Tayden ang kaklase ko noon na si EkkinJade na patay na ngayon at kakambal ni CheyenneJade na nandito rin ngayon kasama ang mga kababata ni Sky at isa pang lalaki na naging schoolmate ko rin nung first year. I dont know his name though.
"I tricked her." sagot ni Sky kay Ellie.
I rolled my eyes heavenwards. Hindi ako makapaniwalang naisahan ako ng babaeng 'to. Kahit kailan hindi rin naman ako mananalo sa kanya.
Ramdam ko ang titig nila sakin kaya pasimple kong itinuon ang atensyon ko para walang makasalubong na tingin lalo na sa isang Delafuente. That Delafuente I always avoid for almost 4 years.
"Lets go. May nireserved na kaming tatlong rooms. Separated yung mga babae sa lalaki." sabi ni Jiro. That Delafuente was his brother.
"Ibig sabihin mag-isa ako sa room? Babae naman ako ah. Natrap lang talaga ako sa lalaking katawan na 'to." nakasimangot na sabi nung--What the hell! He's gay?! Sa gwapo at tindig niyang yan bakla siya?! What a cruel world.
"Sa kwarto ka ng mga babae. Kay Tayden, RM at Brancen ang kwarto na iyon." sabi ni Harel.
Sa pagkakaalam ko malaki ang kwarto at kasya ang pito sa loob. Ba't nila hinihiwalay ang tatlo nilang pinsan sa kanila?
Bakas sa mukha ng tatlo ang pagkagulat sa naging mungkahi ng pinsan nila.
"Girlfriend ko ba ang dalawang ungas na yan para sila ang makasama ko sa kwarto? 'Tsaka hindi ako makakatulog pag yang dalawa ang kasama ko." reklamo ni V.
Sinamaan siya ng tingin ng dalawa niyang pinsan.
"Mas lalong hindi kami makakatulog pag ikaw ang kasama namin sa kwarto ungas!" galit na sabi ni RM.
"'Tsaka bugbog sarado pa kami pag nagkataon." dagdag ni Brancen.
Anong meron kay V Tayden?
Nakatuon lahat ng atensyon namin sa tatlong nagsusukatan ng tingin. Paano kaya napagtitiisan ni Sky ang mga 'to pag kasama niya ang mga kababata niya? Sabagay, baka nga ang mga kababata niya pa ang pinagtitiisan siya.
"Bahala kayong tatlong mapuyat basta wag lang kayo sa kwarto namin." sabi ni Sylver.
Naagaw agad ng kulay niya ang atensyon ko. Sa sobrang kaputian niya ay mas lalo siyang lumiliwanag dahil sa gawa ng araw na tumatama sa kanya. Siya ata ang pinakamaputi sa aming lahat.1
"Magch-check in nalang ako sa isang kwarto kasama ang girlfriend ko." Nilingon ni Tayden si Ellie at nginitian ito ng may bahid na pang-aakit. Mabilis na dumapo ang palad ni Ellie sa braso ng boyfriend niya.
"Anong sabi mo V?"
Napalingon kaming lahat kay CheyenneJade na nakataas ang kilay at nakatingin ng matalim kay V Tayden. Mabilis na naglaho ang ngiti ni V sa labi.
"Ang sabi ko pagtitiisan ko nalang ang hilik ng dalawang yan." sabi ni V habang nakabusangot ang mukha. Takot ba siya kay CheyenneJade?1
"Akala mo ba ikaw lang ang magtitiis ungas?" hagalpak ni RM.
Nagsimula kaming maglakad para puntahan ang kwarto na pinareserve nila at naghiwahiwalay rin. Kasama kong pumasok lahat ng mga babae pati yung bakla sa malaking room.
Isang presidential suit ang kwarto namin kaya nakakasiguro kaming magkakasya kaming lima sa kama 'tsaka may malaking couch naman kaya pwede yung bakla ang matulog doon. Sinimulan naming ilatag ang mga gamit namin.
"Ilang araw ba tayo dito?" tanong ko habang hinahalungkat ang loob ng bag ko para magpahid ng sunblock.
"1 week."
Natigil ako sa paghahanap sa sunblock ko at napaawang ang bibig. Fudge!
"1 week?! Kaya ba ang rami mong ipinasok na mga damit sa bag ko?!" I shrieked.
Nagkibit lang ng balikat ang pinsan ko sa akin habang nakuha ko naman ang atensyon ng iba na nagsisimula nang magpahid ng sunblock sa mga katawan nila.
"Ayaw mo ba sa beach? Ang saya kaya nito lalo na't kasama natin ang mga Delafuente." Kinikilig na sabi nung bakla.
Bumusangot ang mukha ko. This is a nightmare.
"Ayaw mo bang sumaya?" nagtatakang tanong ulit nung bakla sakin.
Umupo si Sky sa gilid ng kama at hinagisan ako ng sunblock na hindi ko naman nasalo kaya tumama sa noo ko. Walanghiya talaga ang babaeng 'to.
"Ayaw niya sa huli mong sinabi. Allergic ang pinsan ko sa mga Delafuente lalo na kay JK."
Napapitlag ako at mabilis na binato ng soft pillow si Sky na nagpapahid ng sunblock sa buo niyang katawan.
"Shut the hell up Sky!" I hissed in anger.
Binalewala niya ang tumamang unan sa kanya at patuloy parin sa pinaggagawa niya.
"See? I told you she's allergic."
Goddamn it! Mas lalo nilang mamimisunderstand ang kinikilos ko. Binato ko siya hindi dahil allergic ako sa pangalan na iyon kundi paa ipatikom yang bibig niya. Baka kung ano pang isipin nila sakin. 'Tsaka kumukulo talaga ang dugo ko pag naririnig ko ang two letter na yan. Inis ang tawag doon hindi allergic! Tss
"May gusto ka ba kay JK?" tanong ng bakla sakin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nalalagyan nila ng kahulugan ang kinikilos ko. Maraming salamat sa maganda kong pinsan. Tss
"Of course not. I dont like that Delafuente." I'm done with that thing. Liking that Delafuente was a big mistake.
Kinuha ko ang sunblock na ibinato sakin kanina ni Sky at pinagkaabalahang pahiran ang braso ko.
"Ellie, magkaugali kayo. Ganitong ganito ka rin noon. Indenial." sabi nung bakla kay Ellie na nakaupo sa couch at hindi parin natatapos sa paglalagay ng sunblock.
"Shut up Tyrone." sabi ni Ellie sa isang blangkong ekspresyon.
"Magkaugali nga kayo ng pinsan ko." mungkahi ni Sky.
Binalewala ko nalang ang mga pinagsasabi nila dahil magmumukha lang akong guilty kung patuloy akong nagrereact sa mga paratang nila sakin.
Nagpalit kami ng komportableng damit at lumabas na ng kwarto. Gustuhin ko mang itali ang sarili ko sa kwarto na 'to pero kailangan kong magpakita sa kanila baka isipin pa nilang may pinagtataguan akong isa sa kanila.
Nakaspaghetti strap at short shorts kaming tatlo maliban kay CheyenneJade na naka sandobra at may suot na seethrough. She's so pretty though.
Pumunta kami sa kinaroroonan ng mga Delafuente. Just f*****g great. Pasimple kong sinamaan ng tingin si Sky na nagkibit lang ng balikat sakin at isinuot ang nakasabit na wayfarer sa may dibdib niya.
Napalingon sa amin ang mga Delafuente kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa ibang direksyon para walang makasalubong na tingin nila. Lumapit sa amin si V at agad inakbayan ang girlfriend niya. Ang sweet naman ng dalawang 'to.
Nanatili kaming mga babae sa dalampasigan para mag sunbathing habang bumalik naman si V sa dagat para makipagkulitan sa mga pinsan niya. Nakahiga kami sa upuan at pinagmasdan ang magpipinsang naliligo na.
Ilang sandali lang ay umahon si V at naglakad patungo sa amin. Para siyang isang model na rumarampa sa runway at mas nagmukha siyang kaakit akit dahil narin sa umaagos na tubig pababa sa kanyang topless na katawan.5
"Ang swerte mo Ellie." mungkahi nung bakla na Tyrone ata ang pangalan.
"I know." nakangiting sabi ni Ellie
Nang tuluyang makalapit si V sa girlfriend niya ay napatili si Ellie dahil sa biglang pagbuhat ni V sa kanya. Tumatawang tumalikod si V sa amin habang nagpupumiglas naman si Ellie dahil ayaw pa nitong maligo.
"Hindi ako marunong lumangoy nakalimutan mo na ba?!"
"Kaya nga tuturuan kita."
"Wag tayong pumunta sa malalim! Waaah! Ayokong malunod!"
"Walang shark dito ano ka ba!"
"Kinain mo na?"
Err. Ano bang pinag-uusapan ng dalawang 'to?
Pinagmasdan namin ang likod ni V na unti unting sumusulong sa dagat habang nakalingkis naman ng mahigpit si Ellie sa leeg niya.
Nagkasalubong ang mga kilay namin habang pinapanood ang dalawa na unti unti nang pumupunta sa malalim at nagtitili naman si Ellie.
"Malunod sana ang dalawang yan. Tama bang maglandian sila sa harap natin?" reklamo ni Sky.
Napagpasyahan naming maligo narin. Sinikap kong lumayo sa ibang Delafuente pag napapalapit ako sa kanila.
Sila lang ata ang nag-eenjoy sa mga oras na 'to. Nauna akong umahon sa kanila at nagpasyang magbihis.
Bwesit na Sky na 'to. Dinamay pa talaga ako. Ako lang ang nagmumukhang killjoy dito dahil lahat sila napakasayang tingnan maliban sa mukha kong nakabusangot. Kainis.