Chapter 5

1803 Words
"Bakit ba kayo nandito? At saka ano ang kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Lyka kaharap ang dalawa habang kasalukuyan silang nakaupo na tatlo. Bago sumagot si David. Hinubad niya muna ang kaniyang jacket at saka inabot kay Lyka. "Cover yourself first. Ayaw kong makita kang nakaganiyan sa harapan ko," sabi ni David habang diretso lang ang tingin sa mga mata ni Lyka. Namula naman sa hiya si Lyka bago tanggapin ang jacket at ibalot ang sarili niya roon. Si Enver naman ay nakikinig lang sa kanila habang napapangisi sa kaniyang kaibigan at napapailing. Hindi niya kasi alam kung ano ang pumasok sa isip ng kaibigan at bumalik pa rito sa bar para lang sa babaeng kaharap nila ngayon. May dinukot sa bulsa si David at nilabas ang isang maliit na papel na naglalaman ng requirements sa isang shop bago makapasok ng trabaho roon. Nilapag niya ito sa lamesa para mabasa ni Lyka. Gulat at hindi makapaniwala si Lyka dahil sa inasal ng binata. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung bakit pa rin ganito sa kaniya si David gayong 'di naman sila magkakilala o magkadugo. "Hinanapan kita ng trabaho. Sana makatulong," nakangiting sambit ni David kay Lyka na hanggang ngayon ay nasa state of shock pa. "Ah, eh. Sorry, pero… hindi ko alam kung matatanggap ko ang offer mo," sabi ni Lyka na hindi alam kung saan huhugot ng mga salitang sasabihin niya. Bukod sa nahihiya siya sa dalawang lalaking kaharap niya, eh, grabe rin ang karisma ng dalawa dahil kanina pa sila pinapapak ng tingin ng mga babaeng ka-trabaho niya. "Bakit hindi? Mas marangal ang trabahong ito at isa pa hinanap ko talaga ito para sa 'yo," sabi pa ni David sa kaniya. "Pero, bakit ako? Bakit hindi si Ate Dorothy ang puntahan mo?" "Bakit siya pa? Kung puwede naman na ikaw? At saka ikaw ang unang nakilala ko rito. Hindi siya, kaya please lang! Tanggapin mo na ang alok ko," sagot ni David sa kaniya. "Oo nga naman. Tanggapin mo na ang alok ng kaibigan ko bago pa siya mabaliw. Isa pa, hindi naman siya ang nagpapasahod kaya 'di mo makikita ang guwapo niyang mukha araw-araw." Hindi na natiis pa ni Enver na sumingit sa usapan ng dalawa habang nakasandal sa upuan niya. Tiningnan siya ng dalawa pero si David lang ang sinalubong niya ng tingin dahil sa masama ang pagkakatitig nito sa kaniya. "Hindi kita ilalakad kay Charlotte kung ganiyan ka," pagbabanta ni David kaya napaayos ng upo si Enver at saka itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko sa kaibigan. "Just kidding, pre. Sige na, mag-usap na kayo riyan. Isipin niyo na lang na hindi ako nag-e-exist," sabi ni Enver habang pinipilit na hindi matawa dahil sa asal ng kaibigan. "Sorry, David. Pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Isa pa malaki ang kita ko rito at saka nag-aaral ako sa umaga," sabi ni Lyka kasabay nang kaniyang pagtayo. Napatayo rin si David kasunod ni Enver bago nakakunot ang kaniyang noo na nagsalita sa dalaga. "Bakit naman? Hindi mo naman gusto ang trabaho mo rito, 'di ba?" sabi ni David na hindi sang-ayon sa sagot ng dalaga. "Sorry, pero nagiging praktikal lang ako. Sa papasukin kong trabaho na gusto mo ay mas triple ang sasahurin ko rito. Gusto ko man o hindi pero 'yon lang ang solusyon na magpapagaan sa pagpapagamot ni Nanay. "Hindi ko rin naman ginusto na maging ganito ako pero ano pa ang magagawa ko kung nandito na ako?" Mahabang litanya ng dalaga sa kaniya. Hindi na nakapagsalita pa si David kaya sinauli na ni Lyka ang jacket nito sa kaniya bago nagpasyang iwan ang dalawa at naglakad palayo papalapit sa mga lalaking bagong dating. "Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at bumalik ka pa rito para mag-alok ng trabaho sa babaeng iyan? Bayarin is bayarin pre. Hindi mo na sila mababago pa," sabi ni Enver sa bigong kaibigan. "Siguro nga tama ka. Hindi ko rin kasi inaasahan na gano'n ang magiging sagot niya. Pero… hindi tayo sure kung hanggang kailan sila magiging bayarin. Just try and try until we suceed," sabi ni David sa kaibigan bago maunang maglakad. Sumunod naman si Enver na nakakunot ang noo. "What do you mean, pre?" Paghabol na tanong ni Enver sa kaniya habang naglalakad sila palabas ng bar. "Hindi ako titigil kay Lyka. Ayaw kong magbulag-bulagan. She needs our help. Nabubulag lang siya sa problema niya ngayon pero kung nakapag-isip siya nang maayos ay sure ako na tatanggapin niya rin ang alok ko," sabi ni David na tiwalang-tiwala sa mga hakbang na kaniyang gagawin. "Hays, ewan ko sa 'yo pare. Kaya tama lang na sa akin si Charlotte, eh," sabi ni Enver na wala nang masabi pa sa kaniyang kaibigan. Knowing David ay hindi ito magpapatalo kung alam niyang mas tama siya kumpara sa iba. * Habang nasa locker room ang mga kababaihan ay pumasok sa loob si Lyka kaya mabilis nilang dinumog ito at pinaulanan ng maraming tanong. "Girl, ang guwapo ng mga kliyente mo ngayon. Tell me, paano mo sila na-hook? Ano'ng bait ang ginamit mo?" Tanong ni Janice na kulot ang buhok at kulay kayumanggi ang balat. "Naku, magsi-tigil nga kayo diyan. Hindi ko naman sila kliyente. May kailangan lang sila sa akin. Iyon lang," sabi ni Lyka sa kanila habang kumukuha ng damit pamalit sa kaniyang locker. Tapos na ang trabaho nila kung kaya nag-aayos na sila ng mga sarili para maka-uwi sa kani-kanilang mga tahanan. "Oh? Sana ako rin pinupuntahan ng mga guwapong papa na 'yon!" Kinikilig na sabi ni Heaven sa kanila. Tatlong taon ang tanda nito kay Lyka. Sexy rin at maputi. Lahat naman sila ay magaganda at sexy. "Ano ba ang pangalan nila? Ilakad mo naman kami sa kanila dahil mukhang wala ka namang interes sa kanila, eh," sabi naman ni Joyce na mas matanda sa kanilang lahat at mas maraming karanasan pero kahit gano'n ay hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. "Hindi ko kilala ang isa, eh. Si David lang ang kilala ko. 'Yong naka-jacket," sabi ni Lyka habang nagbibihis sa harap nila. "David? Ang pogi naman ng pangalan niya. I wanna know him. Sige na i-set mo kami ng date," pagsingit naman ni Nica. "Tumigil nga kayo sa mga imahinasyon niyo. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki dahil gagamitin lang kayo at siyempre babayaran dahil 'yon ang trato nila sa inyo." Nagsitigil ang lahat nang pumasok si Eve sa loob ng locker room at walang sabi-sabi na naghubad at nagbihis sa harap nila. Hindi naman na bago iyon dahil bukod sa pare-parehas silang babae, eh, wala na rin silang hiya sa iba dahil marami naman na ang nakakita ng hubad nilanf katawan. "Ito na naman si sungit. Oh, siya. May punto naman siya kaya magsibihis na kayo at baka abutin na kayo ng sikat ng araw kung 'di pa kayo kikilos," sagot naman ni Melisa na tahimik lang sa tabi. Agad na nagsipag-kilos ang lahat pati na rin si Lyka na kakatapos lang magbihis. "Lyka, can we talk?" pag-uumpisa ni Eve ng usapan sa pagitan nilang dalawa. Mahinang sinara ni Lyka ang kaniyang locker at saka tumingin kay Eve at binigyan ito ng isang ngiti. "Tungkol ba kay David?" May halong panunukso na tanong nito sa kaniya. Napairap sa hangin si Eve bago siya sagutin. "Bakit ka nila ginugulo? Ano'ng kailangan nila sa 'yo? Sorry, kung nanghihimasok ako sa buhay mo pero--" "Alam kong nag-aalala ka sa akin dahil kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ako kikita rito ng malaki," nakangiting pagputol ni Lyka sa kaniyang sasabihin. Napabuntonghininga si Eve bago magpasyang magpaalam ang mga babaeng kasamahan nila na kakatapos lang mag-ayos ng mga sarili. "See you ulit mamayang gabi," nakangiting paalam ng mga ito sa kanila kaya nginitian din nila ito pabalik. "See you." Ganito lagi ang takbo ng bawat buhay ng isang pokp0k kung tawagin ng ilan. Tulog at nagpapahinga sa umaga habang isinasakripisyo naman ang dangal sa gabi. Lahat sila ay hindi ginusto ang trabahong pinuntahan nila pero dahil sa madilim nilang nakaraan ay ito ang naghatak sa kanila papasok rito. Sabay palagi umuwi sila Eve at Lyka tuwing matatapos ang kanilang trabaho. Magkalapit lang naman ang apartment at boarding house nila sa isa't isa. Habang naglalakad ay curious na curious pa rin si Eve kung ano ang kailangan ni David kay Lyka. Kung ibang tao lang si Lyka ay wala siyang pakielam kahit guluhin pa siya ng lalaking iyon pero dahil sa hawak at obligasyon niya si Lyka ay hindi niya hahayaan iyon na mangyari. Sa lahat kasi ng babaeng naroon sa bar ay si Lyka lang ang b!rhen pa. Pinaki-usapan niya kasi ang kanilang manager na huwag payagan ang mga kliyente na makipag-s3x kay Lyka dahil bukod sa hindi siya karapat-dapat sa trabahong iyon, eh, bata pa siya para ibigay at sayangin ang sarili niya sa iba. Bata rin naman si Eve nang masayang ang buhay niya pero para sa kaniya ay may mas magandang kinabukasan pa rin ang naghihintay para kay Lyka. Gabi-gabi tuwing matatapos ang kanilang trabaho ay humihiling siya na sana hindi na lang siya nakilala ni Lyka para hindi na pumasok ito sa bar. "Inaaya lang ako na lumabas," pagsisinungaling ni Lyka. Hindi niya gugustuhing aminin at sabihin ang totoo kay Eve dahil alam niyang mas papaboran nito amg desisyon ni David para sa kaniya. Samantala, labis ang galit at pagka-init ng ulo ni Eve sa narinig. "Bakit ba ang kulit ng lalaking iyon? Ang yabang niya no'ng una tapos katulad din pala ng iba. Sabi ko sa 'yo, eh. May masamang intensiyon iyan sa 'yo kaya kunwari mabait," gigil na sabi ni Eve sa kaniya habang naglalakad sila. Napakagat sa labi si Lyka dahil nakokonsensiya siya sa pagsisinungaling at paninirang puri kay David kahit na ang totoo ay nagmamalasakit lang ito sa kaniya. "Hindi naman siguro siya katulad ng iba..." Hindi matuloy na sasabihin ni Lyka kaya sinamaan siya ng tingin ni David. "Huwag kang pa-inosente, Lyka. Alam natin pareho na manggagamit lang ang mga lalaki. Narinig mo naman ang kuwento ng iba nating mga ka-trabaho 'di ba? Lahat sila niloko at ginamit kaya huwag kang umasa na makakahanap ka pa ng prince charming," mahabang litanya ni Eve sa kaniya. Wala nang nagawa pa si Lyka kung hindi ang manahimik na lamang. Gusto niya man bawiin ang pagsisinungaling pero yaw niya na lang magsalita at mas piniling manahimik na lamang. Hindi naman na siguro siya guguluhin pa ni David dahil ni-reject niya na ito. Ano pa nga ba ang hahabulin nito sa kaniya? Kahit na b!rhen pa siya, eh, wala rin naman iyon pinagka-iba sa mga tinatawag na pokp0k. Hinahawak-hawakan siya at hinahalik-halikan at siyempre binabayaran. Isa pa, may punto rin naman si Eve dahil ang mga lalaki ay mukhang anghel sa simula pero may tinatago rin palang sungay kapag tumagal na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD