"Pupunta na naman tayo ro'n, pare?" tanong ni Enver kay David habang naglalakad sila papunta sa faculty.
"Oo, kaya bilisan mo mag-asikao," mahinang bulong ni David sa kaniya dahil baka may makarinig na pupunta sila ng bar. Napailing na lamang si Enver pero kaagad din na sumunod sa kaibigan.
"Sige, para sa ikatatahimik ng buhay mo," sabi niya pa sa kaniyang kaibigan bago sila pumasok sa loob.
"Hi, David," pagbati ni Charlotte sa kakapasok pa lang na si David. May hawak itong cup of coffee na nilalaro niya sa kaniyang kamay habang may pang-aakit na tinitingnan si David.
"Ako ba, Charlotte, hindi mo babatiin?" Nakangiting sabi ni Enver sa masungit na dalaga. As usual ay sinamaan siya nito ng tingin bago ilapag ang hawak na kape sa kaniyang table at lumapit sa puwesto ni David.
"Do you have any plans tonight?" tanong ni Charlotte kay David na tahimik lang na nag-aayos ng mga gamit. Hanggat maaari kasi ay ayaw niyang pansinin ang dalaga para hindi na ito umasa pa. Pero sadyang makulit talaga si Charlotte at ayaw siyang tigilan nito.
"I'm busy," maikling tugon ni David.
"Ako, I'm free," nakangiting sabi ni Enver kay Charlotte na halatang inaasar niya para sa kaniya mabaling any atensiyon ng dalaga.
"Well, I'm busy," mataray na sabi ni Charlotte bago lumingkis sa braso ni David na parang sawa.
"Kapag kay David, free. Pero kapag sa akin, busy. Napaka-unfair mo!" nakangusong sabi ni Enver habang naiinis na pinagmamasdan ang mga kamay ng dalaga na nakakapit kay David.
"Coz you're not important. Sino ka ba naman sa buhay ko para ayain ka?" masungit pa rin na sabi ni Charlotte. Habang tumatagal ay mas lalong mapanakit na ang mga salitang binibitiwan ni Charlotte kay Enver. Pero kahit gano'n ay nasanay na lang si Enver sa kaniya. Dahil kahit ano'ng pagsusungit ang gawin nito ay maganda pa rin si Charlotte sa paningin ni Enver.
"Sabagay sino nga ba naman ako? Sino ka rin ba sa buhay ni David? Atlis ako palagi niyang kasama, kinakausap, magkasama ng boarding house, kasabay kumain. Eh, ikaw? Palagi ka na lang naghahabol sa taong tinatalikuran ka," pagganti ni Enver sa sinabi sa kaniya ni Charlotte. Napabitiw si Charlotte kay David at napipikon na sinalubong ang mapang-asar na tingin at ngiti ni Enver sa kaniya. Samantala, si David ay napangisi lang sa dalawa kaya nilingon siya ni Charlotte na nakanguso bago mag-walk out at iwan ang dalawa.
"Hahaha! Nice, bro. You nailed it," pagbibiro ni David sa kaibigan kaya natawa rin si Enver sa kaniya.
"Tandaan mo, pre. Mapapasa'kin din 'yan si Charlotte," ngiting tagumpay na sabi ni Enver.
"Sana nga, pre. Nakakainis kasi palaging nakabuntot," sabi ni David at saka lumabas na silang dalawa ng faculty.
Umuwi muna ang dalawa sa kanilang boarding house para magpalit bago magtungo sa bar.
*
Pagkapasok palang nila ng bar ay marami na kaagad ang pares ng mga mata ng babae ang sumalubong sa kanila. Mga halos kaunting pitik lang sa damit ay mahuhubaran na. Ang iba ay kulang na lang ay maghubad sa harapan ng dalawa para lang maakit ang mga ito. Pero kahit ano pa ang gawin ng mga babaeng nandoon ay wala pa rin pakielam ang dalawa. Isa lang naman ang pakay nila rito at iyon ang babaeng kakalabas palang ng locker room.
Kaagad na lumapit sina David at Enver sa babae habang gulat naman si Lyka na makita ang mga ito na nasa harapan niya.
"Hi, Lyka," pagbati ni Enver sa dalaga habang nakangiti.
"Good evening, can we talk?" Nakangiti rin na sabi ni David sa kaniya. Halos hindi na makagalaw si Lyka dahil sa gulat. Hindi niya rin maibuka ang kaniyang bibig dahil wala siyang mahanap na mga salita na sasabihin sa dalawa.
Alam ni David na nagulat ang dalaga kaya mabilis niyang hinubad ang jacket na suot at saka binalot ito sa dalaga bago magsalita.
"Can we talk?" Pag-uulit niya sa kaniyang sinabi kanina. Doon ay natauhan si Lyka. Yumuko ito ng ilang sandali bago salubungin muli ang mga titig ni David. Masiyadong nakakasilaw ang kagwapuhan nito para sa kaniya. Mas nakakasilaw pa yata ang mga lalaking ito kumpara sa mga pa-ilaw sa loob ng bar.
"Ah, eh. Oras kasi ng trabaho ko. Baka puwedeng huwag na kayong bumalik at huwag niyo na akong guluhin pa?" sabi ni Lyka na nag-iisip ng kaniyang sasabihin. Lumilingon din ito sa paligid dahil baka makita siya ni Eve at sugurin ang dalawang ito. Kinakabahan din siya dahil nagsinungaling pa man siya dito.
"Sige na, saglit lang naman, eh," sabi ni David habang napapahawak sa kaniyang batok. Nang makita ni Lyka si Eve na sa ibang direksiyon papunta ay kaagad niyang hinatak ang dalawa papasok sa locker room. Mahirap na at baka makita ni Eve ang dalawa.
Gulat naman na tumingin sa paligid ang dalawa at nakita ang mga nakakalat na underwear at nakasampay sa kung saan-saan. Hiyang-hiya habang namumula ang mukha ni Lyka na hinarap ang dalawa. Hindi niya sana ito gagawin kung umalis lang kaagad ang dalawa. Sana nga lang at walang nakakita sa kanila dahil labag sa rules ang ginawa niya. Ang magpapasok ng mga lalaki sa loob ng locker room.
"Sige, sabihin mo na. In five minutes. Bilisan niyo, ah? Pagkatapos umalis na kayo," nagmamadali na sabi ni Lyka sa dalawa.
"Sige, ano kasi--" Hindi pa mab nakakapagsimula si David ay bumukas na ang pinto ng locker room at niluwa nito ang babaeng iniiwasan ni Lyka na makita. Si Dorothy Eve. Naka-pula na naman ito na dress na sobrang ikli. Dahil sa damit niyang iyon ay bakat na bakat ang kurbada ng kaniyang katawan. Mapula rin ang mga labi nito na para bang mansanas at masarap kagatin para sa mga lalaking nakakakita sa kaniya. Ang maalon niyang buhok na bumagay rin sa kaniyang mukha. Lahat iyon ay kinababaliwan ng mga kalalakihan. Gulat ang lahat nang magkita-kita sila sa loob ng locker room. Si Lyka ay kinakabahan. Ang dalawang lalaki ay nabibighani sa ganda niya, habang si Eve naman ay nagtatakha.
Nang makabawi sa gulat ang lahat ay mabilis na lumapit si Eve kay David at saka sinampal ito sa kaliwang pisngi. Nagulat silang lahat maliban kay Eve. Pero hindi pa pala iyon natatapos dahil binigyan din ni Eve si Enver ng isang sampal sa kanang pisngi gamit ang isa niyang kamay.
"Why did you slap me?" Galit na sabi ni David. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng dalaga sa kaniya. Ito ang kauna-unahang beses na makatikim siya ng sampal mula sa babae. Kahit Nanay niya at mga kapatid na babae ay hindi siya sinasampal.
"For forcing her to go out with you," masungit na sabi ni Eve habang masama pa rin ang pagkakatitig kay David.
"Ako rin? Bakit mo ako sinampal?" takhang tanong ni Enver na hindi man lamang nasaktan. Sanay na kasi itong masampal ng mga babae kaya hindi na bago iyon sa kaniya. Ang bago sa kaniya ay ang paliwanag kung bakit siya sinampal.
"Dahil palagi kang kasama ng animal na ito. Why don't you just leave her alone? Kung ayaw sa inyo, eh, 'di 'wag! Hindi 'yong pipilitin niyo siya na sumama a inyo para lumabas.
"Ano'ng balak niyong gawin sa kaniya? Kunwari pa kayong mababait sa simula pero may balak din palang masama sa mga babae," galit na sabi Eve habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Napanganga ang dalawang lalaki dahil sa sinabi ni Eve kaya sabay silang napatingin kay Lyka na may pagtatanong sa mga mata.
Hindi naman alam ni Lyka ang kaniyang sasabihin dahil nabuking na ang kaniyang pagsisinungaling.
"Ikaw? Ano pa ang tinatahimik mo diyan? Stop being silent and kick their fvcking @ss!" mataray na sabi ni Eve kay Lyka na walang imik sa tabi.
"Tell her the truth kung bakit kami nandito," pagsingit ni Enver sa kanila kaya napatingin ang lahat dito.
"Tell me, what? Kung magsilayas na lang kayo--"
"Ate Dorothy. I'm sorry. Nagsinungaling ako. Alam ko kasing papaboran mo ang gusto nilang mangyari sa akin, eh." Sa wakas ay nagsalita na rin si Lyka habang nahihiyang iniiwasan ang tingin ng tatlo.
"Bakit ko naman sila papaboran? I told you. Magagaling lang ang mga iyan sa umpisa pero kapag tumagal na nagiging demonyo na," sabi ni Eve na walang pakielam sa sinabi ni Lyka.
Magsasalita pa sana si Lyka pero pumagitna si David sa kanila ng dalawa at saka inabot ang envelope na naglalaman ng mga shop na naghahanap ng trabaho pati na rin ang mga requirements na kailangan nila.
"Open it, when you got home, have a good night, ladies," magalang pa rin na sabi ni David bago hatakin si Enver palabas ng locker room at bar.
"Oh, gosh. Grabe ang kulo ng dugo sa 'yo ng babaeng 'yon, ano? Palagi na lang siyang pumapagitna at sinisira ang mga plano mo," sabi ni Enver na akala mo babae dahil nakapamaywang pa ito habang nagtatatalak sa kaibigan.
"Hayaan mo na. Bitter lang siya masiyado sa buhay niya," sabi ni David at saka pilit na ngumiti. Hindi niya alam kung bakit at ano ang nararamdaman niya nang makita niya ulit ang babaeng iyon. Hindi niya maipaliwanag dahil naguguluhan siya at the same time ay nagiging concern din para sa babaeng iyon.
'Dorothy, hmmm,' sambit niya sa pangalan ng babae sa kaniyang isipan habang walang pakielam kay Enver na hindi pa rin maka-move on sa nangyari.