Chapter 4

1501 Words
"Mukhang type ka ng magandang dilag kagabi, ah?" sabi ni Enver kay David na nagbabasa ng libro sa kaniyang tabi. Napatigil si Charlotte sa kaniyang ginagawa at saka nakinig sa usapan ng dalawa. Nasa loob sila ng office kung kaya may makakarinig sa pag-uusap ng dalawa. Mabuti na lamang at tatlo lang silang nandoon dahil oras ng pagtuturo ng iba nilang kasamahan na mga guro. "Tss, ano'ng type? Inis na inis nga sa akin. Wala naman akong ginagawa," sabi ni David kay Enver habang nagbabasa pa rin. "Maganda sana siya kaso bayarin," sabi ni Enver na narinig din ni Charlotte kaya sumingit ito sa pag-uusap ng dalawa. "What do you mean, Enver?" tanong nito kaya napatingin sa kaniya si Enver maliban kay David dahil abala ito sa pagbabasa at walang pakielam sa dalawa. "Nagpunta kasi kami sa bar kagabi. Maraming nagkakagusto kay David. Type niya nga ang isa do'n, eh, kaya pina-reserve namin sa kaniya," pang-aasar ni Enver kay Charlotte. Nainis naman ang dalaga sa kaniya kaya nilingon nito si David. "Totoo ba 'yon, David? Nagpupunta ka na sa mga bar ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa nananahimik na David. Inis na sinara ni David ang kaniyang libro dahil sa ingay na dalawa at saka sinamaan ng tingin si Enver na nagkukunwaring walang sinabi. "Ang usapan, wala kang ipagsasabi pero wala talagang preno ang bibig mo," sabi ni David sa kaniya. Nag-peace sign ito pero sinamaan lang siya ng tingin ni David at binaling naman ang atensiyon kay Charlotte na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. "Ikaw naman. Hindi mo kailangang sumali sa usapan," masungit na sabi ni David sabay tayo. Napatayo rin si Charlotte at saka hinawakan si David sa braso bago magsalita. "Nagkakagusto ka sa isang bayarang babae?" tanong ni Charlotte sa kaniya. Napakunot ang noo ni David bago iwaksi ang kamay ni Charlotte na nakahawak sa kaniya. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mo," sabi niya bago tuluyang umalis at iwan ang dalawa na nakat@nga sa loob ng opisina. "Hahaha, kawawa ka naman. Walang-wala ka pala sa mga bayaran," pang-aasar ni Enver sa bigong dalaga. Sinamaan siya ng tingin ni Charlotte bago sipain ang paa nito. "Atlis ako birhen pa at never been touch. Kung gusto niya ng bayaran. Nandito naman ako para ibigay ang sarili ko ng libre," sagot ni Charlotte na hindi nagustuhan ni Enver. Matagal na kasi itong may gusto sa dalaga pero sadyang matigas ang puso nito para sa kaniya dahil mas gusto ni Charlotte si David. "Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo sa kaniya? Can't you see? He's not into you!" Mariin na pagkakasabi ni Enver sa desperadang si Charlotte. "Ano naman sa 'yo, Enver? Bakit? Ikaw ang huwag humarang-harang sa dinaraanan ko dahil peste ka at walang kuwenta. Imbis na tulungan mo ako sa kaibigan mo, eh, pati ako ginugulo mo!" Galit na sabi ni Charlotte bago lumabas ng opisina. Naiwan namang nakatulala lang si Enver. Hindi niya inaasahan na gano'n ang sasabihin sa kaniya ni Charlotte. Kilala niyang masungit at maldita ito pero ngayon niya lang narinig na pagsalitaan siya ng gano'n. Ang plano niya ay asarin lang ito pero siya pa ang napikon. * Habang nagtuturo si David ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang babae nitong nakaraang gabi. Iniisip niya pa rin kung bakit ito nagagalit sa kaniya gayong wala naman siyang ginagawang masama. Pumasok din sa isipan niya si Lyka na bata pa lang, eh, nagbebenta nang katawan. Nang matapos ang kaniyang trabaho ay nagpasya itong magpunta sa Divisoria kung saan marami ang nakapaskil na naghahanap ng trabaho. 'Hindi ko maisip kung bakit mas pinipili nila ang gano'ng trabaho samantalang marami naman puwedeng pasukan dito,' sabi ni David sa kaniyang isipan. Humingi siya sa isang shop ng isang flyer kung saan nakasulat ang requirements na kailangan bago matanggap sa trabaho. Kinagabihan, kasalukuyan siyang nagbibihis nang punain siya ni Enver. "Mukhang may lakad ka, ah?" tanong ni Enver kay David habang nakahiga ito sa kaniyang kama. "Ano'ng ako? Tayo ang may lakad kaya bilisan mo diyan at mag-asikaso ka na!" sagot naman ni David habang nagsisinturon ng pantalon. Takhang bumangon si Enver at pinagmasdan si David bago magsalita. "Saan naman ang lakad natin?" "Pupunta tayo sa bar na pinuntahan natin no'ng nakaraan," sabi ni David na ikinagulat niya. Hindi niya inaasahan na mag-aaya si David ng gano'n. "Sure ka ba diyan? Ikaw ba 'yan, pre?" Hindi makapaniwalang tanong ni Enver kaya sinamaan siya ng tingin ni David. " Saka ka na magtanong kapag nakabihis ka na. Bilisan mo diyan!" sabi ni David sa kaniya. Nagmadaling mag-asikaso si Enver habang hinihintay siya ni David na nakaupo sa kaniyang kama. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo at inaaya mo ako ngyaon na mag-bar," sabi ni Enver nang matapos itong mag-asikaso. "Tara na!" pag-aya ni David sa kaniya na hindi pinansin ang sinabi niya kanina. Wala na siyang nagawa kundi ang samahan si David. "Hindi naman kita naistorbo, ano?" sabi ni David habang nakasakay sila sa bus. "Mga 100% lang naman. Tsk!" reklamo ni Enver. "Haha, thanks sa pagsama." "Ano ba kasi ang gagawin natin do'n? Don't tell me na inlove ka na doon sa magandang babae na palaging star of the night?" pangungulit na tanong ni Enver sa kaniya. "Huwag ka nang maraming tanong. Samahan mo na lang ako," sagot ni David sa kaniya na walang balak sabihin ang pakay niya. "Hays, bahala ka nga!" pagsuko ni Enver at hinayaan na lamang na panuorin ang kaniyang kaibigan. Nang makarating sila sa bar ay kaagad nakuha ng mga kababaihan ang atensiyon nilang dalawa. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa dalawang guwapong nilalang na bigla-bigla na lang papasok sa entrance. Marami man ang lalaki na naroon ay iba pa rin ang dating ng dalawa. "Good evening, sir," mapang-akit at sabay-sabay na sabi ng mga babaeng halos anumang oras ay mahuhubaran na sila dahil sa kanilang pananamit. Imbis na ngitian o kausapin man lang sila ni David ay hindi sila nito in-imik-an o tiningnan at luminga-linga ito sa paligid. Napansin iyon ni Enver kaya nginitian niya ang mga babae bago magsalita. "Nandito ba--" Hindi pa man niya natatapos ang kaniyang sasabihin nang may dumating na babae at sigurado siyang ito ang hinahanap ni David. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" Mataray na sabi ni Eve, o mas kilalang Dorothy sa bar. Nanahimik ang mga kababaihan nang magsimulang magsalita si Enver. "Hinahanap ka kasi nitong kaibigan ko, eh," sabi ni Enver habang nakangiti nang pagkatamis-tamis sa dalaga samantalang inirapan lang siya nito bago ibaling ang atensiyon kay David na nakatingin lang nang diretso. Mayamaya ay naglakad si David papalapit sa kaniya kung kaya napahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabilaan niyang baywang at saka tiningnan nang masama si David. "Kung ano man ang kailangan mo sa akin, puwes umalis ka na dahil wala akong oras para sa 'yo," masungit na sabi niya pero nagulat sila ni Enver pati ng iba pang mga kababaihan na naroon nanunuod sa kanila nang lagpasan lang siya ni David at saka lumapit kay Lyka na papalapit sana sa kumpulan nila. "Can we talk?" nakangiting sabi ni David kay Lyka. Maging si Lyka ay nagulat din dahil sa inasta ni David habang sila Enver naman at ang mga babae ay nakanganga dahil sa hindi makapaniwala. Si Eve naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa pagkapahiya niya kanina. "A-ako?" nauutal na sabi ni Lyka habang tinuturo ang sarili. Tumango si David at saka nagsalita. "Kahit five minutes lang?" nakangiting sabi pa nito. Napatingin si Lyka sa kaniyang mga kasama lalo na kay Eve bago sagutin ang naghihintay na si David. "Sorry, trabaho ko ngayon, eh," pagtanggi niya sa binata. "I'm your client. Tatanggihan mo pa rin ba ako?" pagpupumilit pa rin ni David sa kaniya. Ayaw magpapigil ni David sa kaniyang pakay ngayong gabi dahil bukod sa sayang sa pamasaheat effort ay nandito na rin naman siya. Sisingit sana si Eve sa usapan nila pero may lalaking dumating at hinawakan si Eve sa baywang at saka hinatak palapit sa kaniya. "Kanina pa kita hinahanap, beautiful," sabi ng lalaking manyakis bago hilahin palayo si Eve sa puwesto nila David. Wala nang nagawa pa si Eve kahit lingon manlang dahil nakalimutan niyang may kliyente nga palang naghihintay sa kaniya. Iniwan niya lang kasi ito saglit nang makita sila David. Hindi naman napigilan ni David na hindi lingunin si Eve habang tangay-tangay siya ng lalaking manyakis. Naging malungkot at may bahid ng galit ang kaniyang mukha habang naikuyom pa ang kaniyang kamao na pinagmamasdan ang papalayong dalaga. Napansin iyon nina Enver, Lyka at ang iba pang mga babaeng naroon ang reaksiyon ni David. Nagsi-alisan na ang mga babae at hinayaan na lamang ang tatlo roon bago pa sila makita ng kanilang manager na nakatunganga. "Sige, sumunod kayo sa akin," pagpayag ni Lyka kasabay ng kaniyang pagbuntonghininga. Napatingin si David sa kaniya na akala mo ay wala sa sarili kaya si Enver na ang lumapit sa kanila at kumausap kay Lyka bago akbayan ang kaibigan at sumunod sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD