Chapter 3

2105 Words
"Ito ba talaga ang trabaho mo?" tanong ni David kay Lyka. "Opo--" "Drop the formalities just call me David," nakangiting sabi niya. "Nahihiya ako, eh," pag-amin ni Lyka sa kaniya kaya napakamot si David sa kaniyang ulo. "Oo nga pala, hindi ka ba nag-aaral?" tanong na naman ni David. "Nag-aaral ako sa isang unibersidad na mura ang matrikula, wala kasi akong mahanap na ibang trabaho bukod dito at isa pa ay nagkasakit ang Nanay ko, walang wala kami ngayon," sabi ni Lyka na naiiyak na at hindi alam ang gagawin. Muli na naman siyang tinanong ni David. "Imposibleng wala kang mahanap na disenteng trabaho, alam ba 'yan ng Nanay mo?" "Hindi niya alam ang tungkol dito at isa pa nasa Caloocan ito at malayo sa akin. Ang sampung taong gulang kong kapatid na babae ang nagbabantay sa kaniya ngayon." "Nasaan ang Tatay mo?" "Wala, patay na siya," tugon naman ni Lyka sa kaniya. Tinignan ni David ang kaniyang suot na damit at muli na naman siyang pinangaralan. "Ang suot mo, masiyadong maikli at halos lantad na ang hubad mong katawan, wala ka bang balabal o damit na pamalit?" tanong sa kaniya ni David. Umiling si Lyka sa kaniya at saka nagsalita. "Nasa oras ako ng trabaho, bawal kaming maging maarte dahil wala kaming kikitain," sabi ni Lyka sa kaniya. "Yung mga presyo ba na binanggit mo kanina ay 'yon ang presyo mo?" diretsang tanong ni David sa kaniya. Namula naman si Lyka dahil sa hiya. "Ah, opo hehe, kapag baguhan gano'n daw po ang presyo 'yon ang rules dito," sagot ni Lyka at pinaglaruan niya ang kaniyang mga daliri. "Maghanap ka ng ibang trabaho," pangaral ni David sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin at nagtama ang paningin nilang dalawa. "Ha?" "Sabi ko maghanap ka ng ibang trabaho, yung marangal," sabi ni David sa kaniya. "Haha! Mahirap po 'yan, ngayong gabi nga wala akong kikitain dahil sa 'yo," pag-amin ng dalaga sa kaniya. Natawa naman si David sa sinabi ni Lyka at kaagad ding nawala ang kaniyang mga ngiti nang makita niya ang babaeng nakabungguan niya kanina. Nakatingin ito sa kaniya at para bang gusto siya nitong katayin dahil sa matatalim nitong titig. "Pre, kanina pa nakatingin sa 'yo ang magandang babae na 'yon, type ka yata hahahaha!" panunukso ni Vincent sa kaniya kaya nilingon niya ito at nagtawanan sila. Ibinalik niya naman ang tingin niya sa babae pero hindi na ito nakatingin sa kaniya. Napatingin naman siya sa lalaking katabi nito na bahagya siyang hinahawakan sa gilid ng dibdib at pinipisil pisil ito. Tinignan niya ang reaksiyon ng babae pero mukhang sanay na sanay na ito na gano'n ang ginagawa sa kaniya. Nag-init ang ulo ni David dahil sa nakikita niya. Hindi niya kasi nagugustuhan ang ginagawang pambabastos ng mga lalaki sa mga babae kahit pa bayad nila ito. Hindi dapat ginagawang bayaran ang mga babae at gawing parausan. "Ayos ka lang ba? titig na titig ka kay Ate Dorothy," pagpuna ni Lyka kay David. "Dorothy?" nakakunot ang noo na sabi ni David habang hindi pa rin niya winawala ang paningin sa pinakilalang si Dorothy. "Opo, siya po si Ate Dorothy," sagot naman ni Lyka sa kaniya. "Lahat ba kayo pare-parehas ng trabaho?" tanong ni David at nilingon niya na si Lyka na nakatingin sa kaniya. "Opo, sa sahod lang naiba dahil sa tip," sabi niya. "Ang mga damit niyo? Bakit naiiba ang kaniya?" tanong ni David dahil lahat ng babae na nasa table nila ay mga naka-bra at palda habang si Dorothy naman ay naka-dress at mukhang mamahalin ang damit. "Matagal na po 'yan si Ate rito saka siya kasi ang pinaka-star sa amin dahil sa sobrang ganda niya at marami ng karanasan," sagot muli ni Lyka sa tanong niya. "Matagal na? Karanasan? You mean…" Hindi matuloy ni David ang kaniyang sasabihin kaya si Lyka na ang nagpatuloy. "Marami na ang naging kliyente niya, at kung sinu-sino na rin ang nakagalaw sa kaniya at lahat 'yon ay puro mayayaman at kasing guwapo mo rin pero mas may hitsura ka at respeto sa mga babae," mahabang paliwanag ni Lyka sa kaniya. "F*ck!" napamura bigla si David at napaiwas siya nang tingin nang biglang lumingon si Dorothy sa gawi niya. "Bakit pre?" tanong ni Shaun sa kaniya kaya napatingin ang lahat ng kasama nila sa table kay David. "Ah, wala nagulat lang ako," sabi ni David sa kanila kaya bumalik na ulit sila sa pagsasaya. "Salamat po sa inyo," sabi ni Lyka na nasa tabi niya pa. Nilingon ito ni David at saka sumagot. "Para saan?" tanong ni David sa kaniya. "Wala, naisip ko lang na mapalad ang babaeng mapapangasawa niyo," nakangiti ang pagkakasabi ni Lyka sa kaniya. Ngumiti rin sa kaniya si David at napatingin na naman kay Dorothy na ngayon ay hinahalikan na sa leeg ng lalaki. 'F*ck!' Napamura na naman siya ngunit sa kaniyang isip lamang dahil baka magtanong na naman ang mga kasamahan niya. "I-excuse ko sana ang sarili ko na magbabanyo lang," paalam ni Lyka kay David. "Sige," sabi niya na tumango pa. Tumayo na si Lyka at napaiwas ng tingin si David dahil sa suot nito. Lumakad na ito palayo sa kaniya. Hindi pa man nakakalayo ang babae nang may humarang sa kaniya na lasing at hinawakan ito sa kaniyang baywang palapit sa kaniya. Natakot bigla si Lyka dahil hindi niya ito inaasahan. Kung kanina ay nawala ang kaba niya nang makausap niya si David pero ngayon ay muli na naman itong bumalik. Nakita ni David ang pangyayari at alam niyang hindi ito gusto ng dalaga kaya tumayo siya para saklolohan ito. Lumapit siya sa dalawa at hinatak palapit si Lyka patabi sa kaniya. "Ano'ng problema mo?" Lasing na ang lalaki na kinakausap siya. "Lasing ka na, at ako ang kliyente ng babaeng ito," sabi ni David na ibinaling ang ulo kay Lyka na nakayuko at tahimik sa kaniyang tabi. "Ang yabang mo naman, eh, lahat naman ng babae rito ay bayaran," inis na sabi ng lalaki. Nag-init ang ulo ni David sa narinig pero kaagad niya ring ikinalma ang sarili. "Oo! Kaya nga binayaran ko ang babaeng 'to dahil sa akin siya ngayong gabi," sabi niya sa lalaki. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong ng lalaki sa kaniya. "Maghanap ka ng sa 'yo," sabi ni David at hinila na nang bahagya si Lyka palayo sa lasing na lalaki. Napunta sila malapit sa entrance at doon ay kinausap niya si Lyka. "Tutulungan kitang makahanap ng trabaho, huwag mo nang ipilit ang sarili mo rito kung hindi mo naman kaya," pangaral sa kaniya ni David. Tumango si Lyka sa kaniya at niyakap ang kaniyang sarili dahil sa lamig. "See? Hindi ka komportable sa suot mo," sabi ni David at luminga-linga sa paligid. "Halika ihatid na kita sa inyo," sabi ni David at bahagya niyang hinawakan si Lyka sa braso. Nahiya naman si Lyka kaya kaagad niyang tinanggal ang pagkakahawak nito. "Hindi na po, nakakahiya sa inyo," sabi niya. Magsasalita pa sana si David pero natigilan sila nang lumapit sa gawi nila si Dorothy. "Kung ayaw sa 'yo huwag mong pilitin, nasa rules namin 'yan," masungit na sabi ni Dorothy sa kaniya. Ang akala ni Dorothy ay binabastos ni David si Lyka kaya hindi niya na natiis pa at iniwan sandali ang kliyente at pinuntahan ang dalawa. "Hindi ko siya pinipilit, inaaya ko lang siya," tugon naman ni David sa kaniya at nagtitigan silang dalawa. "Ayaw 'di ba? Umalis ka na!" mataray pa rin na sabi ni Dorothy sa kaniya. Papagitna sana si Lyka sa kanila pero nagsalita na si David. "Hindi ako aalis hanggat hindi ko siya kasama," sabi ni David na binaling ang tingin kay Lyka. Nag-init bigla ang ulo ni Dorothy dahil sa isipin na mapilit at manyak ang lalaking kaharap niya ngayon. Gusto lang naman ni David na ilayo na rito si Lyka dahil baka marami pa ang mambastos sa dito. "Magkano nga ulit ang hawak?" tanong ni David na kinakausap si Lyka at hindi pinapansin si Dorothy. "P-po? Ah, 1,000 pesos po pero--" Hindi na natapos pa ni Lyka ang kaniyang sasabihin nang mabilis na inilabas ni David ang kaniyang wallet at humugot ng isang libo para sa kaniya. "Ito, binayaran naman na ng mga kasama ko ang reservation fee mo. Ngayon, puwede na ba kitang i-sama?" sabi ni David nang matapos niyang i-abot kay Lyka ang pera. Napatingin si Lyka kay Dorothy na masama ang titig kay David kaya nahihiya niyang binalingan ng tingin si David na ngayon ay hinihintay siyang magdesisyon. "Salamat, pero okay na po ako," magalang na sabi niya kay David. "Sige kung 'yan ang gusto mo, salamat sa gabi," nakangiting tugon sa kaniya ni David. Nagawi naman ang tingin nito kay Dorothy at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Masiyadong malamig, balutin mo ang sarili mo at isa pa, hindi ka nababagay sa lugar na 'to," sabi sa kaniya ni David. Napakunot naman ng noo si Dorothy dahil hindi niya maintindihan ang lalaking nasa harapan niya. "Wow! Makapagsabi ka parang hindi ka rin katulad ng iba na binabayaran ang mga babae," sabi ni Dorothy sa kaniya na tinutukoy ang perang hawak ni Lyka ngayon. "Ate, tama na po, pasensya na po salamat na rin," sabi ni Lyka kay David at hinawakan na si Dorothy para umalis na sana pero tinanggal lang ni Dorothy ang pagkakahawak nito sa kaniya at saka nagsalitang muli. "Tss! Ano'ng tama na? Makapagpuna kasi itong lalaking ito akala mo ay matino, eh, pare-pareho lang naman ang lahat ng lalaki," sabi ni Dorothy sa kaniya pero kay David lang nakatingin. "Pre, andiyan ka lang pala, tara na uwi na tayo," pag-aya ni Enver kay David nang makita niya ito. Natigilan naman si Enver nang makita si Dorothy na nakatingin kay David. "Ay! Hi, Miss. Mukhang type mo yata ang kaibigan ko sayang nga lang at pihikan ito," sabi ni Enver at inakbayan pa si David. "Pihikan? Oh, hanap lang ay mga fresh na babae tutal 'yon naman palagi ang dayo ng mga lalaki rito," mataray na sabi ni Dorothy at inismiran muna ang dalawa bago niya tuluyang hinila si Lyka paalis doon. "Hanep pre, mukhang nang-aakit pa rin ang babae kahit nagsusungit, sinabi mo ba sa kaniya na wala kang pera kaya gano'n?" panunukso sa kaniya ni Enver. "Tss, hindi sa gano'n, oo nga pala nasaan ang dalawa?" tanong ni David kay Enver. "May trabaho pa raw sila mauna na raw tayong umuwi," sabi ni Enver at umalis na sila sa lugar na 'yon. Samantala, hawak-hawak ni Dorothy sa kamay si Lyka at nagpunta sila sa locker room at doon kinausap ang dalaga. "Dapat hindi na lang ako pumayag na pumasok ka rito, eh, mapapahamak ka pa tuloy nang dahil sa akin," inis na sabi ni Dorothy sa kaniya. "Ate, hindi mo dapat ginawa 'yon," tugon naman sa kaniya ni Lyka kaya nag-init na naman ang ulo niya. "Alam ko Lyka dahil kliyente mo siya, pero magkaiba tayo. Ako ito na talaga ang kapalaran ko pero ikaw hindi ka nababagay dito," sabi ni Dorothy sa kaniya pero umiling siya bilang tugon at saka nagsalita. "Iba si David sa lahat ng lalaki na naririto, malinis ang intensiyon niya at hindi niya ako kayang bastusin dahil marunong siyang rumespeto ng babae," mahinahong paliwanag sa kaniya ni Lyka. "David? Wala akong pakielam sa kaniya, sa una lang sila magaling pero kapag nakuha na nila ang loob mo gagawin na nila ang gusto nila kaya huwag kang nagtitiwala sa mga lalaki basta-basta," sagot sa kaniya ni Dorothy na hindi sang-ayon sa kaniyang sinabi. Napayuko si Lyka dahil sa narinig. Naguguluhan siya pero may punto naman si Dorothy pero hindi niya pa rin mawala sa kaniyang isipan si David. "Kung may respeto siya dapat hindi niya pina-mukha sa 'yo na isa kang bayarang babae," dagdag pa ni Dorothy na tinutukoy ang perang hawak pa rin ni Lyka ngayon. "Ate, hindi niya pina-mukha sa akin 'yon at isa pa ipinagtanggol niya ako sa manyak na lalaki kanina at saka kaya niya lang naman ako binayaran dahil hinawakan ko siya," sabi ni Lyka at nahiya pa siya sa huling linya na sinabi niya. Hindi naman na nakasagot pa si Dorothy sa kaniya dahil mukhang siya ang mali sa paningin ni Lyka. "Sige na, mauna na ako at may kliyente pa ako." Umalis na si Dorothy sa locker room at iniwan na si Lyka do'n. Buong gabi niyang inisip si David at ang mga sinabi ni Lyka sa kaniya. 'Kung gano'n ay ako pa ang mali?' inis na sabi niya sa kaniyang sarili habang nakahiga siya sa kama at nagpapahinga. Napailing na lamang siya at tinulog na lamang ang bumabagabag sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD