Chapter 2

2074 Words
Natapos na ang oras ng pagtuturo niya at kasabay niyang muli si Enver sa pag-uwi. "Pare, may lakad pala tayo mamaya," sabi ni Enver sa kaniya habang nakasakay sila sa bus at nakatayo. "Saan naman?" tanong niya rito. Magsasalita sana si Enver para sagutin siya pero sobrang bilis magpatakbo ng driver sa sinasakyan nilang bus dahilan para mas lalo pa silang mapakapit sa hawakan at hindi magkarinigan. "Mamaya na lang," sabi ni Enver. "Crossing mga bababa diyan ng crossing abante na!" pasigaw na sabi ng kundoktor habang nakasabit sa pintuan ng bus. Umayos naman na ang ilan para sa pagbaba kabilang sila David at Enver. Nagtanong si David kay Enver pagkababa nila mula sa bus, "Ano'ng lakad pare?" "Birthday ko ngayon, 'di ba?" sagot naman ni Enver sa kaniya. "Ah, oo! Akala ko wala kang balak mag-celebrate." Naglalakad silang dalawa papunta sa tinutuluyan nila habang nag-uusap. "Nag-aya sila Vincent at Shaun, may discount daw ako tutal birthday ko naman, at doon sila nagtratrabaho," aniya. "Saan naman? Marami silang trabaho." Nakakunot ang noo na tanong ni David. "Sa Tondo marami raw tago ro'n na bar, at madalas din puntahan ng mga mayayaman dahil magaganda raw chicks do'n." Natutuwang sabi ni Enver kay David. Napailing na lamang si David kay Enver. "Nandiyan naman si Charlotte, dapat kayong dalawa ang magsama." Natatawang tugon ni David kay Enver. "Sinubukan ko nang ligawan 'yon kaso maarte ikaw daw ang gusto hahaha!" Nagtawanan silang dalawa hanggang sa makarating sila sa tapat ng kanilang tinutuluyan. Pumasok na sila sa loob at katulad ng nakasanayan ay kaniya-kaniya na naman ng dala ng mga babae ang kanilang kasama sa bahay. Wala pa kasi ang may-ari at balita nila ay nagbaskasyon ito ng tatlong araw kaya sinusulit nila ang bawat sandali na wala ito. Nagiging motel o bahay parausan ang boarding house nila dahil nababawasan ang binabayad nila sa pag-check-in sa hotel at mga babae na lamang ang kanilang binabayaran. "Sabi ni Vincent pumunta raw tayo ng alas singko do'n dahil 6:00 pm pa raw ang bukas ng bago nilang sideline, mahigit isang oras din naman ang biyahe kaya sasakto lang," sabi ni Enver nang makapasok sila sa kanilang kuwarto. "Kayo na lang pare, hindi ako mahilig pumunta sa mga ganiyang lugar," sabi ni David habang naghuhubad ng damit at naghanda na para sa pagligo. "Pare ang kill joy mo, minsan lang naman at saka hindi ka naman gagastos kahit sa pamasahe, tsk!" pangungumbinsi na sabi ni Enver sa kaniya. "Oo na, nga pala happy 29th birthday," pagbati ni David sa kaniya. Inirapan lang siya nito at saka naghanda na rin para sa pagligo. Tumatawa namang pumasok si David sa banyo habang tinatapunan niya ng tingin si Enver. Nag-asikaso na silang dalawa at gaya nang napag-usapan ay umalis sila sa boarding house nila at nagtungo na sa Tondo. Nakasuot ng pullover na navy blue si David at nakapants ito na pinarisan ng itim na rubber shoes; naka-hoodie color gray si Enver at nakapantalon din na pinarisan ng puting sapatos. Naglalakad silang dalawa papunta sa sakayan habang nag-uusap. "Mag-taxi na tayo para hindi tayo mahuli papunta ro'n," sabi ni Enver habang naglalakad silang dalawa. "Sige, ako na ang magbabayad tutal birthday mo naman," sabi ni David sa kaniya at nang makarating na sila sa sakayan ay nag-abang na sila ng taxi. "Teka! Hindi mo naman kailangan gumastos pre. Birthday ko naman kaya ako ang manlilibre," sabi ni Enver na tinatanggihan ang alok niya. "Okay lang sa akin, nakapagpadala naman na ako sa amin kanina, siningit ko sa oras ko." Pinara ni David ang taxi na dumaan matapos niyang sabihin 'yon at sumakay na sila sa loob. Si Enver na ang kumausap sa Driver at sinabi ang lugar kung saan sila pupunta. "Baka may mga estudyante tayo ro'n pre," nag-aalinlangan na sabi ni David. Ito ang unang pagkakataon na pupunta siya sa gano'ng lugar. "Bigyan mo uno para hindi ipagkalat haha!" tumatawa na sabi ni Enver. "S*raulo ka talaga, oo nga pala anong oras na tayo makakauwi nito?" tanong ni David kay Enver. "Hindi natin alam saka i-enjoy mo na lang, sabado naman bukas at walang pasok. Sige na, pagbigyan mo na ako palagi kang kontra, eh, parang hindi tayo magkaibigan," reklamong sabi ni Enver sa kaniya. "Tinatanong lang naman kita mabuti na ang malinaw kaysa malabo," sabi ni David at sumandal na lamang sa backseat. High school pa lamang ay naging magkaibigan na sila ni Enver. Sila ng dalawa ang palaging magkasama. Marami naman silang kaibigan pero ang iba ay maagang nagsipag-asawa at ang iba naman ay sa ibang lugar nagtratrabaho. "Dito na po ba 'yon?" pagtatanong ni Enver sa Driver habang tinitignan ang labas nang huminto ang sasakyan. "Opo, boss," tugon naman ng Driver habang nakaparada sa tapat ng bar. "Sige, salamat," sabi ni Enver at bumaba na siya. Nagbayad muna si David bago siya tuluyang lumabas. "Hindi naman mukhang cheap ang itsura kaya hindi maitatanggi na may mga mayayamang pumupunta," saad ni David habang naglalakad sila papasok. "Yes! Excited na ako at sa wakas makakapasok na ulit ako sa ganito!" Natutuwang sabi ni Enver. Nagtatakang tinignan siya ni David at saka tinanong. "Nakapunta ka na sa ganitong lugar?" tanong niya. "Oo, pero sa Bulacan no'ng high school tayo, tanda mo si Louise?" kuwento niya. "Oo? Ano'ng meron sa kaniya?" tanong ni David. "May mga kuwarto sa loob ng bar na napasukan namin, ako ang nakauna sa kaniya hahaha!" "G*go! Hindi ba crush 'yon ni Arthur?" tanong ni David sa kaniya at nakapasok na sila sa loob ng bar. Maingay ang tugtugin, maraming nagsasayawan at maaamoy ang iba't ibang uri ng alak at sigarilyo. "Hindi niya alam!" pasigaw na tugon ni Enver sa kaniya dahil sa lakas ng tugtog at hindi sila magkarinigan. Hindi naman na umimik pa si David dahil naiingayan siya sa mga tugtog. "Gamit muna ako banyo," paalam ni David kay Enver habang sumisingit sila sa gitna ng maraming tao. "Sige, hanapin ko lang sila Vincent, bartender 'yon dito at tagaluto naman ng sisig at iba pang pulutan si Shaun," sabi ni Enver at naghiwalay na silang dalawa. Lumilinga-linga sa paligid si David habang hinahanap ang sign ng banyo. Nahihirapan siyang hanapin ito dahil sa dami ng tao. 'Biyernes nga pala ngayon kaya maraming tao,' sabi ni David sa kaniyang isipan. Napaatras siya nang may humarang sa daraanan niya at sa hindi niya inaasahan ay may nakabanggaan siya mula sa kaniyang likuran. Napalingon kaagad siya rito at kaagad niyang nasalo ang dalaga sa kaniyang mga bisig. Tinayo niya ito ng matuwid at hinawi niya ang nagulong buhok na humarang sa mukha nito. Nagkatitigan silang dalawa at nakaramdam siya nang pagbilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Para siyang nahihipnotismo sa karisma ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Napatingin siya sa katawan ng babae at halos mapaatras siya nang makita niya ang suot nito. Tinanggal niya rin ang pagkakahawak sa dalaga bilang respeto rito. Nakasuot ito ng kumikinang na red spaghetti strap dress na sobrang ikli. Hapit na hapit din ang damit sa kaniyang makurbang katawan. Ang kaniyang dibdib ay parang gusto nang kumawala sa sobrang lulusog at ang kaniyang kutis ay nangingibabaw kahit sa dilim. Tinignan siya ng babae mula ulo hanggang paa, pakiramdam ng babae ay walang pera ang kaharap niya ngayon dahil sa suot nito at isa pa ay mukha itong manyak na tinitikman siya ng tingin. Pero hindi niya rin naman maitanggi sa kaniyang sarili na may hitsura ang nasa harap niya ngayon. Makisig at matipuno ang pangangatawan. "Sorry Miss, ayos ka lang ba?" nahihiyang tanong ni David sa kaniya na sa mata lang nakatingin. Napa-ismid ang babae kay David dahil hindi niya inaaaahan ang sasabihin nito. Akmang lalagpasan niya na sana ito upang hindi na pansinin pa pero bahagya siyang hinawakan ni David sa kaniyang kaliwang braso. Bahagya siyang nairita dahil may kliyente pa siya ngayong gabi pero mukhang mamanyankin muna siya ng iba. Hinarap niya ito para kunin ang braso niya ngunit hindi pa man ito nagagawa ay nagsalita na si David na nakapagpatigil sa kaniyang mamasasamang iniisip rito. "Hindi ka ba Miss nilalamig? Masiyadong maiksi ang iyong damit baka magkasakit ka," pangaral ni David at dahan-dahan nang binitiwan ang dalaga. "Ah, eh, ayos lang ako at saka mauna na ako sa 'yo." Iniwan na ng dalaga si David nang sabihin niya iyon. Ngayon niya lang naramdaman ang pagkahiya dahil ito ang unang beses na may nagsabi sa kaniya ng gano'n. Ang palagi niya kasing naririnig ay puro pambabastos at pag-aya sa kaniya ng isang gabi. Hahabulin sana siya ni David para tanungin kung nasaan ang banyo pero nakita niya naman na ang sign papunta roon kaya hinayaan niya na lamang ang dalaga at nagtungo na sa banyo. Nang matapos siya, hinanap na ng kaniyang mga mata si Enver o kaya sila Vincent at Shaun. "David!" pasigaw na sabi ni Enver sa hindi kalayuan. Sapat lang para marinig niya sa gitna nang malakas na tugtugan. Lumapit siya rito at nakita niya sila Enver, Vincent at Shaun na may kaniya-kaniyang mga babae habang nakaupo sila sa isang sofa at may kaharap na lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay nagkalat ang mga bote ng beer na may laman pa at pulutan na sisig at iba pa. "Saan ka ba galing? Ang tagal mo!" Naninigarilyo si Shaun nang sabihin niya 'yon pagkaupo ni David. "Hindi ko kasi mahanap ang banyo tapos may nakabanggaan ako," pagpapaliwanag naman ni David at sumandal sa likod ng sofa. "Mabuti na lang may kapalit kami ngayon kaya makakasama namin kayo," sabi pa ni Shaun na hinahaplos sa hita ang babaeng katabi niya. "Oh, ano pa ang hinihintay? Mag-celebrate na tayo dahil kaarawan ngayon ng ating kaibigan," sabi ni Vincent at kumuha ito ng isang beer. Kumuha naman sila Shaun at Enver kaya kumuha na rin si David para makisama sa kanila. "Cheers! Tumatanda na pero wala pa ring asawa at hindi pa rin mayaman," sabi ni Enver kaya nagtawanan sila at sabay-sabay na pinagtama ang mga bote ng alak bago ito tunggain. Naubos ng tatlo ang kani-kanilang inumin samantalang si David ay tinikman lang ito at nilapag na sa lamesa. Mayamaya ay may umupong babae sa kaniyang hita at hinawakan siya sa dibdib. Nagulat naman siya nang bahagya at halos manigas siya sa kaniyang inuupuan habang tinitignan ang babae na kaunting hatak lang ng string sa kaniyang damit ay mahuhubaran na ito. "500 pesos for kiss, 1,000 pesos for touch and 10,000 pesos for s*x," bulong ng babae sa kaniyang tainga. Tinignan niya sa mga mata ang babae at batid niyang nahihiya ito sa ginagawa pero kinakapalan lang nito ang kaniyang mukha para magkapera. "Kung hindi mo kaya, huwag mong gawin," sabi ni David at sinenyasan niya ang babae na umupo sa tabi niya ng maayos. Namumula naman ang babae at sinunod niya ang utos ni David. Umupo ito sa tabi niya sa bandang kanan habang hinahatak ang palda pababa para matakpan ang makinis nitong hita. "Kinuhaan ka na rin namin ng babae. 1,500 pesos for reservation, enjoy!" panunukso ni Vincent kay David at tumawa naman ang dalawa. Magsasalita sana si David pero nakita niya ang mga kasama niya na nag-e-enjoy sa kani-kanilang mga babae kaya hinayaan niya na lang ito at binalingan ng tingin ang babaeng katabi niya ngayon. Wala itong imik at nakayuko lang. Mayamaya ay sinitsitan siya ng babae ni Shaun at binalaan na huwag maging pabebe sa harap ng mga kliyente. Umayos naman ito ng upo at hinawakan ang kanang hita ni David at marahan itong hinaplos para gisingin ang natutulog na alaga nito. Sumandal siya sa dibdib ni David pero kaagad din siyang tinulak ni David nang bahagya at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniyang hita. "Ilan taon ka na?" tanong ni David at nag-usap sila sa mahinang tono. "20 years old po," sagot ng babae. "20? Ano'ng pangalan mo?" pag-uusisa pa ni David sa babae. Nag-angat naman ng tingin ang babae kay David at namula ito dahil sa pagkasilaw niya sa gwapong mukha ni David. "Lyka po," sagot niya. "Ah, ako si David." Ngumiti siya kay Lyka habang nagpapakilala at inabot nito ang kaniyang kamay para makipagkamay. Hindi naman alam ni Lyka ang gagawin pero tinanggap niya pa rin ang kamay nito at nagkamayan silang dalawa. Nang matapos ay kaagad din silang bumitiw lalo na si Lyka dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Wala siyang maramdaman na pagkamanyak kay David. Umpisa niya ngayong gabi bilang isang pr*stitute at kinakabahan talaga siya dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD