Chapter 24

2030 Words

Abala si David sa paghahanda niya para sa exam ng mga estudyante at para na rin sa paparating na event. Malapit nang matapos ang buwan ng Oktubre. Matatapos na ang first semester. At magkakaroon na ng bakasyon ang mga estudyante. Iyon nga lang. Kahit bakasyon ng mga estudyante ay busy pa rin silang mga guro. Matapos ang kaniyang trabaho ay dumiretso na siya ng uwi. Balak niyang pumunta muli sa bar para makita si Eve. "Mukhang ayaw mo talagang mag-give up para sa babaeng iyon, ah?" pagpuna sa kaniya ni Enver habang gumagamit ito ng cellphone at hindi nakatingin sa kaniya. "Ewan ko ba. Nabaliw na yata ako sa kaniya," seryoso habang kunot ang noo na sagot ni David sa kaniya. "Hahaha. Samahan kita," sabi ni Enver sabay tayo. Tiningnan siya ni David habang nakataas ang dalawang kilay nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD