Kinakabahang pumasok si Lyka sa loob ng library at saka iginala ang paningin sa loob nito para hanapin si Paul. Nang makita niya si Paul na nagbabasa ng libro mag-isa ay kaagad siyang lumapit dito at naupo sa bakanteng upuan kaharap ito.
Nang maramdaman ni Paul ang presensiya ng dalaga ay dahan-dahan niyang binaba ang libro at nagtama ang mga paningin nila.
"Alam mo naman siguro kung bakit gusto kitang maka-usap," seryoso pa rin ang mukha ni Paul nang magsimula siyang magsalita.
"Bakit? I-blackmail mo ako? Ipagkakalat mo sa iba? Go on, hindi ako natatakot sa 'yo," matapang na sabi ni Lyka kay Paul. Napakunot ng noo ang binata bago nilapit ang sarili kay Lyka.
"It's not what you think. Hindi naman ako gano'n. Gusto ko lang alamin kung bakit ka nagtatrabaho roon. At ang suot mo… b-bakit g-gano'n?" Napaiwas ng tingin si Paul matapos niyang sabihin ang huling linya.
"Thank you, kung gano'n. Mabuti na lang pala at ikaw ang nakita ko. At ang rason ko? Huwag mo nang tanungin. It's my own business not yours. Mag-focus ka na lang sa pagbabasa ng mga libro," masungit na sabi ni Lyka bago tuluyang iniwan ang nakat@nga na si Paul. Ang ayaw niya sa lahat ay sinasayang ang oras niya at pinapakielamanan ang pribadong buhay niya. Gusto niyang mamuhay nang maayos at mabigay ang pangangailangan ng Nanay at kapatid niya.
*
"Pupunta na naman ba tayo ro'n, David? Hindi ka ba nagsasawa? Sana pala hindi na lang kita dinala ro'n, eh. Na-adik ka na sa bar," pagrereklamo ni Enver kay David.
"Puwede ba, Enver? Hindi naman kita inaya ngayon. Sinabi ko lang na pupunta ako ro'n," masungit naman na tugon ni David sa kaniya.
"Kahit na. Gano'n na rin 'yon," ganting sagot naman ni Enver sa kaniya.
Kasalukuyan silang nasa office ngayon at nag-aayos ng mga gamit bago umuwi. Laking pasasalamat din ni David nang hindi makita si Charlotte. Sigurado kasi itong guguluhin na naman siya nito at baka mabuking pa ang pagpunta niya sa bar. Samantala, si Enver naman ay nayayamot dahil hindi niya pa nakikita si Charlotte mula pa kaninang umaga. Palagi silang nagkakasalisihan. Late rin kasing pumasok si Charlotte kanina habang nag-start naman na ang klase niya.
"Paano kung tanggihan ka ulit ng batang iyon?" tanong ni Enver nang makasakay sila ng bus.
"Eh, 'di titigil na ako," maikling tugon naman ni David sa kaniya.
"Talaga ba? Eh, 'di mabuti. Hindi na ako maiistorbo," nakangising sabi ni Enver habang nakasakay sila sa bus. Sinamaan ni David ng tingin si Enver.
"Sabihin mo kung ayaw mo akong maging kaibigan. Liligawan ko na lang si Charlotte," pang-aasar ni David na ikina-pikon naman ni Enver.
"Walang tablahan, pre. Hindi ka naman mabiro, eh," nakasimangot na sabi ni Enver kaya tinawanan siya ni David.
"Hays, baliw na baliw ka talaga sa babaeng 'yon," sabi ni David. Nag-asaran at kuwentuhan pa silang dalawa bago makarating sa kanilang boarding house at nag-asikaso papunta sa bar.
*
Habang naglalakad sila papalapit sa bar ay may narinig silang umiiyak na babae mula sa likuran nito. Nagkatinginan silang dalawa bago nagpasyang puntahan ang likod ng bar. Nang makita nila ang nangyayari ay sinugod kaagad nila ang dalawang lalaki na minamanyak si Lyka at pilit itong sinasakay sa kotse.
"Lyka!" Pagtawag ni Paul sa dalaga habang sila David at Enver naman ay nakipag-suntukan sa dalawang lalaki.
"Aray! Put@ngina! Sino ba kayo?" Galit na sigaw ng isang lasing na lalaki.
"Lasing ka na pare. Nasa rules nila na puwede silang tumanggi," sabi ni David nang maalala ang sinabi ni Eve sa kaniya no'ng unang punta niya rito sa bar.
"Tara na nga! T@nginang mga pakielamero," galit din na sabi ng isa matapos siyang suntukin ni Enver para lang mabitawan nila si Lyka. Umalis ang dalawang lalaki at naiwan silang apat. Kasalukuyang nakayakap si Paul kay Lyka na gulat pa rin sa mga nangyari.
Napatingin sila Enver at David kay Paul at kinausap ito.
"Ikaw? Sino ka? Bitiwan mo siya!" sigaw ni David kay Paul bago hinila ni Enver si Lyka palapit sa kanila.
Lumabas naman si Eve at gulat na makita ang mga ito na nasa likuran ng bar.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" takhang tanong niya. Nagulat siya nang tumakbo palapit si Lyka sa kaniya habang umiiyak.
"Kakilala ko po siya. Kaklase ko. Binabastos po siya ng dalawang lasing na lalaki at pilit na pinapasama sa kanila. Pupuntahan ko na po sana pero nauna ang dalawang lalaking ito na magligtas sa kaniya," mahinahong paliwanag ni Paul kay Eve. Nakahinga naman nang maluwag sina David at Enver dahil hindi masamang tao si Paul.
"Pasensya ka na, pre," sabay na sabi ng dalawang magkaibigan kaya tumango lang si Paul at saka tiningnan si Lyka.
"Kung puwede po sana ay ako na lang ang maghatid sa kaniya pauwi," pagpapaalam ni Paul sa kanila.
"Paano ako makakasigurado na safe siya sa 'yo?" Masungit na sabi ni Eve sa kaniya. Hindi kasi ito nakukuha sa mga ganiyang linyahan ng mga lalaki. Tiningnan ng dalawang magkaibigan si Eve bago tingnan si Lyka at ibalik ang tingin kay Paul.
"Hayaan natin na si Lyka ang mag-decide," sabi ni David sa kanila.
"S-sasama n-na l-lang po a-ako k-kay Paul," humihikbi na sabi ni Lyka. Wala nang nagawa pa si Eve kung hindi ang bitiwan si Lyka kahit ayaw niya itong ipagkatiwala sa iba. Umalis na sila Paul at Lyka at naiwan naman silang tatlo na naroon.
"Bakit na naman kayo nandito?" Masungit habang naka-crossed arms na sabi ni Eve sa kanilang dalawa.
"Si Lyka ang pakay namin," sabi ni David sa kaniya habang nakangiti. Napairap naman si Eve dahil sa isipin na mga manyak ang kaharap niya ngayon.
"Ikaw? Wala ka bang sorry sa amin?" Nakapamulsa na sabi ni Enver sa kaniya.
"At bakit naman ako magso-sorry sa inyo? Deserve niyo ba 'yon? Hindi naman kayo mga babae para hingian ko ng tawad," inis na sabi ni Eve sa kanilang dalawa. Napangisi si Enver at saka lumapit kay Eve na kinagulat ng dalawa. Nang makatapat niya si Eve ay mabilis niya itong hinalikan sa kaliwang balikat bago lumayo sa gulat na dalaga. Inaasahan niya kasing sasaktan siya nito kaya lumayo kaagad siya sa dalaga. Nang makabawi si Eve sa ginawa ni Enver ay sinamaan niya ito ng tingin.
"Pervert! Mag-sorry ka sa ginawa mo sa akin kung wala kang pambayad!" pagsigaw ni Eve kay Enver na dahan-dahang naglalakad palayo.
"You don't deserve it, baby. At saka ganti 'yan sa pagsampal mo sa akin," sabi ni Enver at saka kumindat bago tuluyang nawala sa paningin ng dalawa.
"Ikaw? Wala ka bang balak na mag-sorry dahil sa ginawang panghahalik ng kaibigan mo sa akin?" Inis na binaling ni Eve ang atensiyon niya kay David na nakatayo lang sa gilid at pinapanuod sila.
"Bakit naman ako magso-sorry? Ako ba ang humalik sa 'yo?" nakataas ang mga kilay na tanong ni David sa kaniya. Namumula naman sa inis at sa pagkapahiya si Eve.
"Okay, fine. Mga manyak talaga ang lalaki sa mundo," galit na sabi ni Eve bago magsimulang maglakad. Hindi pa man nakakatatlong hakbang ang dalaga nang hilain siya ni David palapit sa kaniya at saka mabilis na binigyan ng halik sa kanang balikat ang dalaga.
"I'm sorry," nakangiting sabi ni David bago bitiwan at lumakad palayo sa dalaga. Hindi pa man siya nakakalayo ay nilingon niya muli si Eve at saka nagsalita.
"Your skin is soft," nakangiti pa rin na sabi nito at kahit madilim ay namumula pa rin ang pisngi ni Eve dahil sa ginawang iyon ni David.
Nang makalayo si David sa dalaga ay nakita niya si Enver na nakasilip sa kanila kaya sinamaan niya ito ng tingin at naunang maglakad mag-isa.
"Naks, may pa-kiss ka na rin, ah? Pero bakit gano'n. Sa akin nagreklamo pero sa 'yo hindi?" Pang-aasar ni Enver kay David habang naglalakad silang dalawa.
"Ikaw kasi pervert talaga. Eh, ako. Gentleman," nakangising sabi ni David kaya natawa na lang si Enver.
"Mukhang may panibago ka na namang dahilan para bumalik sa bar," ganting pang-aasar ni Enver kay David.
"Bakit naman?"
"Baka gusto mo rin baguhin ang babaeng iyon," sabi naman ni Enver. Napailing na lamang si David dahil hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Ano naman ang gagawin niya ro'n? Isa pa, sure na siya na aalis na si Lyka sa bar dahil sa pangyayaring iyon.