Jacob's POV
My breath caught and my heart beating so fast.
Gusto ko siyang sunggaban, yakapin at halikan.
For five years hindi siya nagbago, mas matapang siyang tingnan na nakapagpadagdag sa kagandahang taglay nya ngayon.
Third Person
Tahimik na nakikinig si Misha sa mga nag-uusap sa loob ng study room ng kanyang papa.
Pinag-aaralan ang mga ibinibigay na impormasyon ng mga informants na naroon.
"Marami na kaming nakalap na ebidensya na naroon sila, kung magpaplano na tayo at mabilis na gagamawa ng action ay sigurado akong masusupil natin ang mga hayop na yon," pigil ang galit na sabi ng isang hunters sa may bandang dulo sa kanyang kaliwa.
Pero imbes na magsalita si Misha ay nanahimik lang siya.
Deep inside gumagawa na siya ng sarili nyang plan.
Sinisiguro nya na hindi na siya magiging padalos dalos tulad ng unang beses na nang-hunting siya kasama ang ibang hunters.
Muntik na siyang mapahamak ng dahil doon kaya siya ipinadala ng papa nya sa America.
Pero ngayon isang laro na lang ang turing nya sa pangha-hunting sa mga werewolf.
Nagkakagulo na ang lahat ng bigla na lang tumayo si Misha at walang salitang naglakad papunta sa may pinto.
Pero napahinto rin sya ng bigla siyang tawagin ng kanyang papa.
"Misha!? What do you think where you going?"
Tumingin ng diretso si Misha sa mga mata ang kanyang ama.
"You care? Hhhmmnn, maybe somewhere around, don't worry papa, hindi ko na gagawin yung ginawa ko noon kaya wag ka ng mag-alala," malamig na sambit ni Misha at binuksan na nito ang pinto at lumabas na.
Misha's POV
Paglabas ko ng study room ay agad akong nangpunta sa garahe diretso sa motorsiklo ko.
Agad akong sumakay doon at pinaharurot palabas ng gate.
Dumeretso ako sa isang bar.
Medyo malalim na rin ang gabi.
Pagpasok ko sa bar ay parang ngayon pa lang ata nagkakabuhay ang lugar na'to.
Nagwawala na ang lahat sa dancefloor.
Napailing na lang ako naaalala ko ang dating ako sa kanila.
Rebelde, pasaway at walang pakielam.
Pumuwesto ako sa pinaka dulo ng bar counter at halos ay hindi pansin ng tao sa sobrang sulok.
Sinanenyasan ko ang bartender.
"Whisky,"
Mabilis naman nyang ibinigay ang order ko.
Agad ko namang ininom ang whisky; bottoms up.
At umorder pa ng isa.
Marami-rami na rin akong naiinom ng mapagpasyahan kong umuwi na.
Pagkabigay ko ng bayad sa bills ko ay naglakad na ko palayo sa bar counter kahit na medyo hindi na steady ang aking paglalakad.
Pero hindi pa ko masyadong nakakaloyo ay bigla na lang may pumigil sa kamay ko.
Napakunot noo ako.
De ja vu, halos kapareho ng nangyari noon.
Pero ngayon kaya ko na ang aking sarili.
"Hi miss beautiful, pwede bang makipagkilala?" maangas at halos ang nambabastos na sabi ng pumigil sa akin.
"Bitiwan mo ko," patag lang na sabi ko.
"Huh?,"
"I said get off your filthy hand on me,"
"Mataray ka ha!" bigla nya akong hinaltak pero dahil sanay na ko sa mga ganoong galaw ay agad na gumalaw ang katawan ko para dipensahan ang aking sarili.
Sa isang iglap lang ay nasa sahig ang luko-lukong nambabastos sa akin.
"Sa susunod pipiliin mo kung sinong babastusin mo," pagkasabi ko nun ay naglakad na ko palayo sa lugar na yun.
Jacob's POV
"What's happening there?" biglang tanong ni Edward sa bartender pagkaturo sa isang bahagi ng bar.
May isang kumpon kasi ng mga tao sa isang bahagi ng bar na pinagdalan sa akin nina Edward at Skye.
"May isang babae lang po na nagpatumba ng isang laseng," sagot naman ng bartender na nagse-service sa amin.
"Really?" curious na sambit naman ni Edward.
"Oo, sir kung nakita nyo lang kanina mapapanganga ka na lang sa ginawa nya, ang astig nga nung babaeng yun, maganda pa, ako nga po ang nagserve sa kanya kanina eh," sabi naman ng bartender.
"Hhhmmnn, interesting," excited na sambit ni Edward.
"Cool!" sambit naman ni Skye habang umiinom ng beer.
"Kaso sir, nakaalis na yung babae," biglang sabi naman nung bartender.
"Sayang naman, hindi man lang namin siya nakilala," nanghihinayang na sambit ni Edward.
Nakinig lang ako sa pag-uusap nila.
"Guys, magpapahangin lang ako," maya-maya ay sabi ko sabay tayo.
Nag-umpisa na kong maglakad at hindi ko na sila hinintay na sumagot.
Dirediretso ako palabas ng bar.
Papunta na sana ako sa sasakyan ko ng mapansin kong may apat na lalaking nagkukumpulan sa di kalayuan.
Hindi ko na sana papansinin ang mga yun ng bigla na lang napaatras ang isa sa kanila at nakita ko ang isang babae na nakatayo sa tabi ng isang motorsiklo.
Nanigas ang mga kalamnan ko ng Makita ko ang mukha ng babae.
And my world stopped.
Third Person
Pasakay na si Misha sa kanyang motorsiklo ng may humarang sa harap nya.
Apat na kalalakihan ang nasa harapan nya.
Napakunot ang kanyang noo ng mapansin nyang kakaiba ang mga mata ng mga humarang sa kanya.
Nagging alerto siya ng marinig nyang umangil ang isa sa mga ito.
Wolves.
"Gggrrrrr, Hunter!" garalgal na sambit ng isa.
In a second sumugod ang isa sa mga ito.
Sinipa nya sa dibdib ang lalaking sumugod sa kanya.
Napaatras ito ng ilang dipa.
"Back off, wala ako sa mood makipaglaro sa inyo ngayon, mabuti pa kung mahal nyo pa ang mga buhay nyo umalis na kayo," mahinahong sambit ni Misha pero alerto pa rin siya.
Pero imbes na makinig ang mga ito sa kanya ay isa-isa siyang sinugod ng mga ito.
"Wrong move," kahit na tipsy ay magaan lang nyang naiiwasan at naaatake ang mga lalaking alam nyang hindi mga normal na tao.
Hinatak nya mula sa kanyang tagiliran ang isang baril.
Agad nyang pinaputok ang kanyang baril.
Ang apat ay agad na bumagsak ng tamaan ni Misha ang mga vital points sa katawan ng mga ito.
Wala pang sampung segudo ay napatamaan nya na ang bawat isa ng tig-iisa ng kanyang silver bullets.
"I need some practice, hhmmnn bumabagal na ko," naibulong nya sa kanyang sarili habang malalim na humihinga ng malalim.
Pasakay na sana si Misha sa kanyang motorsiklo ng may magsalita sa kanyang likuran.
"Misha,"
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng marinig nya ang pamilyar na boses na yun.
Her world stop and her heart beating furiously, that could give her an heart attack she think.
Alam nya na kahit hindi siya tumingin ay kilala nya ito.
JACOB.
Sambit nya sa kanyang isip ng marahan siyang humarap ditto at hindi nga siya nagkamali.
"Misha!"
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang takot, pagkalito at galit.
"Don't come near me," matigas na sigaw nya.
Pero inignora ko lang ang sinabi nya at nagpatuloy lang sa paglapit sa kitatayuan nya.
"I said don't come near me or I'll shoot you," mariing sambit nya bago nya itinutok ang kanyang baril.
Misha's POV
Nakatutok pa rin kay Jacob ang baril na ginamit ko kanina sa mga hangal na werewolves na umatake sa akin.
Ang bilis bilis pa rin ng t***k ng puso ko habang nakatingin ako kay Jacob.
God, he's more handsome now yet look more dangerous than before.
Nag-staring contest kami hindi ko alam kung gaano na katagal at kung anong gagawin ko.
Nag-init ang buong katawan ko ng bumaba ang kanyang tingin sa kabuoan ko.
Feeling ko gusto nya akong kainin ng buhay.
I saw many emotions in his eyes desire, longing, passion, a little fear and fire.
Nang bumalik ang paningin nya sa mga mata ko ay parang nanlambot ang aking mga buto.
Napalunok ako ng wala sa oras.
You should Run. Dammit Misha. Run.
Tahimik kong sigaw sa aking isip.
Oo gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero parang napako ang mga paa ko sa lupa.
Humugot ako ng ilang malalalim na hininga para mahamig ang sarili ko.
Nang sa tingin ko ay okay na ko ay saka lang ako nagsalita.
"Give me a favor, wag na wag ka ng magpapakita sa akin, kalimutan mo na ko o kaya isipin mo na lang na patay na ko," pagkasabi ko nun ay sumakay ako ng motorsiklo ko at pinaharurot yun ng mabilis.
Iniwan ko si Jacob na nakatayo doon at parang binuhusan ng malamig na tubig.
Jacob's POV
Hindi ako makapaniwala na sasabihin nya sa akin yun.
Naikuyom ko ang aking mga kamay.
Biglang sumalakay ang galit sa aking dibdib.
Anong karapatan nyang sabihin na wag na wag na kong magpapakita sa kanya, kalimutan siya at isiping patay na siya kalokohan.
Masisiraan ako ng bait at magugunaw ang mundo pero hinding-hindi ko siya pakakawalan at lalong-lalo na ang isiping patay na siya kung alam ko naman na buhay na buhay siya.
Babaliktarin ko ang lahat Makita at makuha ko lang siyang muli.
Third Person
Agad na sumakay si Jacob sa kotse nya at hinabol si Misha.
Hindi siya makakapayag na iwanan siyang muli nito.
Nang mapansin ni Misha na may Itim nakotseng sumusunod sa kanya ay agad nyang naisip si Jacob.
Hindi nya inaasahan na susundan siya nito.
Mas binilisan nya ang takbo ng kanyang motorsiklo.
Binalak nyang iligaw ito pero hindi nya iyon magawa dahil sa bawat liko nya ay nakabuntot ito.
Hanggang sa ma-trap siya sa isang eskinita.
Napilitang ihinto ni Misha ang kanyang motorsiklo ng sa huling pagliko nya ay dead end na yun.
Pagtingin nya sa likuran nya ay nakaharang na sa daan ang kotse ni Jacob.
Bumaba si Jacob sa kotse habang masamang nakatingin kay Misha.
Bumunot ng baril si Misha at itinutok iyon kay Jacob.
"Stop! Gusto mo ba talagang mabaril?!" she shout.
"Go on! Shoot me." Yun lang ang sinabi ni Jacob at patuloy itong lumapit sa kanya.
Pinaputok ni Misha ang baril nyang hawak pero hindi tumama ang mga bala nya dahil alam nyang hindi nya kayang patamaan si Jacob kahit na anong mangyari.
Napaatras na lang siya ng halos isang dipa na lang ang layo nito sa kanya pero tumama lang ang kanyang likod sa pader.
Sinubukan ni Mishang atakihin si Jacob pero mas mabilis ang huli.
Naisandal lang siya nito sa pader habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa kanyang mga kamay sa magkabilang gilid.
Nang magtama ang mga mata nila ay parang nakalimutan na ni Misha ang mga iniisip nya.
Matinding galit ang nakikita nya sa mga mata ni Jacob pero meron pa siyang nababasang emotion na hindi nya mapangalanan.
"Akin ka, kung akala mo gagawin ko ang sinabi mo sa akin mag-isip ka, that's bullshit, Misha, babaliktarin ko ang mundo at mababaliw ako pero hinding-hindi kita pakakawalan," galit na sabi ni Jacob bago sya nito sinibasib ng halik.
Isang mapagparusang halik.
Pero isang singhap lang ang nagawa ni Misha ng mas palalimin pa ni Jacob ang paghalik sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin at gumanti sa marahas na pag-angkin nito sa mga labi nya.
Kinalimutan na nya ang lahat maliban kay Jacob at sa halik nito.