Jacob's POV
"Hello," pagsagot ko ng mag-ring ang phone ko.
[Hey, Jacob, asan ka na? Palabas na kami ng airport.]
"Nasa labas sa harapan ng airport hinihintay kayo," sagot ko.
[Okay, see you.]
"See you," pagkababa ko ng phone ay agad ko ng itinaas ang plate na may pangalan nilang dalawa.
In a minute ay nakita ko na silang dalawa.
Kumaway pa sila sa akin at nginitian ko naman sila ng nakalapit na silang dalawa sa akin.
"I miss you kuya," agad akong niyakap ni Jaymee ang nakababata kong kapatid.
Natatawa naman kaming dalawa ng mate nyang si Gerard.
Halos Limang taon ko na siyang hindi nakikita dahil dinala ni Gerard si Jaymee sa Switzerland dahil nandoon territory ng Black Dandelion Pack na pinamumunuan nito.
"I miss you too, lil'sis," natutuwang sambit ko habang ginugulo ko ang kanyang buhok.
Nagtanguan naman kami ni Gerard ng magtama ang aming mga mata bilang pagbati.
"Kuyaaa," napatiling sambit ni Jaymee.
"Hey, don't do that, you're like a duck," pang-aasar naman ni Gerard ng magpout si Jaymee.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na wala sa poder namin si Jaymee pero masaya ako para sa lil'sis ko.
"What?! You . . . . I hate you," naaasar na sambit ni Jaymee sabay talikod sa aming dalawa ni Gerard.
"But I love you," balik naman ni Gerard.
Natawa naman kaming dalawa ni Gerard ng humarap si Jaymee sa aming dalawa saka bumelat at nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang ngayon ay para pa ring bati si Jaymee.
Pero unti-unti ring nawala ang mga ngiti ko.
"What's the problem?" biglang tanong ni Gerard na hindi ko napansing pinagmamasdan na pala ako.
Napatingin naman ako sa kanya.
Sasagot na sana ako ng biglang may mahagip ang aking mga mata.
"Misha!" biglang sambit ko.
Hindi ko namalayang naglalakad na ko papunta sa direksyon kung naan ko siya nahagip ng tingin.
Hindi ako pwedeng magkamali si Misha yun.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan pero hindi ko na Makita ni anino nya.
I took a deep breathe.
I smell her scent.
Pero bigla iyong nawala.
"Hey, anong problema? Bakit bigla ka na lang tumakbo rito Jacob?" tanong ni Gerard ng maabutan nya ako doon.
"Namalik-mata lang siguro ako at kung saan-saan ko na siya nakikita, I guess I miss her scent too," wala sa sariling sambit ko.
Kunot noong tinitigan lang ako ni Gerard.
Misha's POV
Pagkababang pagkababa namin ni Andrei sa eroplano ay agad nya akong hinawakan sa isang kamay at hinila ako palabas ng airport.
Welcome back," nakangiting sambit ni Andrei habang naglalakad kami.
Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang dalawang salitang yon kay Andrei.
WELCOME BACK TO ME, well hindi naman siguro masama ang pagbabalik ko.
Pwera lang sa mahadera kong stepmother at stepsister.
Kaya ko na sigurong harapin ang lahat after all matagal ko na tong hinihintay.
I CAN DO THIS.
Uumpisahan ko ng maaga ang larong gusto kong simulan ulit.
IT'S SHOW TIME.
I smile coldly to Andrei.