Chapter One: Emptiness
Misha's POV
5 years later . . . . .
Malamig at mabagal na bumabagsak ang nyebe sa buong paligid habang nakatayo ako sa gitna ng garden namin.
For five years ay nanatili ako sa America.
Pinilit na manatili sa malayo at maging mapag-isa.
Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata at naramdaman ko ang malamig na yelo sa aking mukha.
Cold yan lang ang nararamdaman ko sa nakalipas na mga taon.
Hindi ko na rin alam kung gaano na ko katagal na nakatayo sa gitla ng nyebe, nagulat na lang ako ng may tumukhim sa aking likuran.
"Hey, kanina pa kita hinahanap andyan ka lang pala, pumasok ka na sa loob ng bahay, baka magkasakit ka pa nyan," si Andrei ang taong yun.
Tiningnan ko lang siya at hindi tuminag sa aking kinatatayuan.
Si Andrei lang ang masasabi kong nakakaintindi sa akin kahit papaano.
Lumapit siya sa akin at marahan nyang dinama ang kaliwa kong pisngi.
"I know, nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon pero hanggang kelan mo gagawin 'to sa sarili mo, Misha?"
"Until I have my revenge,"
"Isa lang ang may kasalanan, kailangan bang magbayad ang lahat para dun?"
"Yes,"
"How about Jacob? He's a shape shifter too, are you ready to hunt and kill him? What about your baby? Kung hindi mo ako pinilit noon siguro wala na rin sya. Hanggang kelan ka maghihigante? I miss the old Misha," malamlam ang matang sambit ni Andrei habang nakatingin sa aking mga mata.
Mas natahimik ako dahil sa sinabi nya.
Bigla na lang rumagasa sa isip ko ang tungkol kay Jacob at sa baby namin.
I feel the emptiness on me.
Hindi ko kinaya ang pagtitig nya at ako ang unang umiwas ng tingin.
"I don't know," yun na lang ang namutawi ko sa aking mga labi.
Jacob's POV
Nasa isang burol ako kung saan kita ko ang nagkikislapang ilaw ng syudad.
Nakatanaw lang ako pero malalim naman ang aking iniisip.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin siya.
Simula ng bigla na lang syang nawala.
Limang taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sumusuko sa paghahanap sa kanya.
Tumingin ako sa kalangitan at sumalubong sa akin ang bilog na buwan at mga bituin.
I can't stop to howl her name.
I feel empty without her.
Misha's POV
"Are you ready?" tanong ni Andrei sa akin bago nya binuksan ang pinto ng kotse.
"Yes," sagot ko bago ako sumakay ng passenger seat.
Sa wakas after five years pinauwi nya rin ako.
Pero alam kong gyera ang sasalubong sa akin pagbalik ko doon.
In a past year I'm on pains, regrets and madness.
Tumingin ako sa bintana ng kotse ng umusad na ang sinasakyan namin.
Isa-isang bumabalik sa isip ko ang nakaraan.
Si Jacob, my family secrets, mga werewolf hunters, shape shifters and my baby.
Kakayanin ko na bang harapin ang lahat?
Kakayanin ko bang maging matigas?