Jacob's POV
My breath caught and my heart beating so fast.
Gusto ko siyang sunggaban, yakapin at halikan.
For five years hindi siya nagbago, mas matapang siyang tingnan na nakapagpadagdag sa kagandahang taglay nya ngayon.
"Misha!"
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang takot, pagkalito at galit.
"Don't come near me," matigas na sigaw nya.
Pero inignora ko lang ang sinabi nya at nagpatuloy lang sa paglapit sa kitatayuan nya.
"I said don't come near me or I'll shoot you," mariing sambit nya bago nya itinutok ang kanyang baril.
Misha's POV
Nakatutok pa rin kay Jacob ang baril na ginamit ko kanina sa mga hangal na werewolves na umatake sa akin.
Ang bilis bilis pa rin ng t***k ng puso ko habang nakatingin ako kay Jacob.
God, he's more handsome now yet look more dangerous than before.
Nag-staring contest kami hindi ko alam kung gaano na katagal at kung anong gagawin ko.
Nag-init ang buong katawan ko ng bumaba ang kanyang tingin sa kabuoan ko.
Feeling ko gusto nya akong kainin ng buhay.
I saw many emotions in his eyes desire, longing, passion, a little fear and fire.
Nang bumalik ang paningin nya sa mga mata ko ay parang nanlambot ang aking mga buto.
Napalunok ako ng wala sa oras.
You should Run. Dammit Misha. Run.
Tahimik kong sigaw sa aking isip.
Oo gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero parang napako ang mga paa ko sa lupa.
Humugot ako ng ilang malalalim na hininga para mahamig ang sarili ko.
Nang sa tingin ko ay okay na ko ay saka lang ako nagsalita.
"Give me a favor, wag na wag ka ng magpapakita sa akin, kalimutan mo na ko o kaya isipin mo na lang na patay na ko," pagkasabi ko nun ay sumakay ako ng motorsiklo ko at pinaharurot yun ng mabilis.
Iniwan ko si Jacob na nakatayo doon at parang binuhusan ng malamig na tubig.
Jacob's POV
Hindi ako makapaniwala na sasabihin nya sa akin yun.
Naikuyom ko ang aking mga kamay.
Biglang sumalakay ang galit sa aking dibdib.
Anong karapatan nyang sabihin na wag na wag na kong magpapakita sa kanya, kalimutan siya at isiping patay na siya kalokohan.
Masisiraan ako ng bait at magugunaw ang mundo pero hinding-hindi ko siya pakakawalan at lalong-lalo na ang isiping patay na siya kung alam ko naman na buhay na buhay siya.
Babaliktarin ko ang lahat Makita at makuha ko lang siyang muli.
Third Person
Agad na sumakay si Jacob sa kotse nya at hinabol si Misha.
Hindi siya makakapayag na iwanan siyang muli nito.
Nang mapansin ni Misha na may Itim nakotseng sumusunod sa kanya ay agad nyang naisip si Jacob.
Hindi nya inaasahan na susundan siya nito.
Mas binilisan nya ang takbo ng kanyang motorsiklo.
Binalak nyang iligaw ito pero hindi nya iyon magawa dahil sa bawat liko nya ay nakabuntot ito.
Hanggang sa ma-trap siya sa isang eskinita.
Napilitang ihinto ni Misha ang kanyang motorsiklo ng sa huling pagliko nya ay dead end na yun.
Pagtingin nya sa likuran nya ay nakaharang na sa daan ang kotse ni Jacob.
Bumaba si Jacob sa kotse habang masamang nakatingin kay Misha.
Bumunot ng baril si Misha at itinutok iyon kay Jacob.
"Stop! Gusto mo ba talagang mabaril?!" she shout.
"Go on! Shoot me." Yun lang ang sinabi ni Jacob at patuloy itong lumapit sa kanya.
Pinaputok ni Misha ang baril nyang hawak pero hindi tumama ang mga bala nya dahil alam nyang hindi nya kayang patamaan si Jacob kahit na anong mangyari.
Napaatras na lang siya ng halos isang dipa na lang ang layo nito sa kanya pero tumama lang ang kanyang likod sa pader.
Sinubukan ni Mishang atakihin si Jacob pero mas mabilis ang huli.
Naisandal lang siya nito sa pader habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa kanyang mga kamay sa magkabilang gilid.
Nang magtama ang mga mata nila ay parang nakalimutan na ni Misha ang mga iniisip nya.
Matinding galit ang nakikita nya sa mga mata ni Jacob pero meron pa siyang nababasang emotion na hindi nya mapangalanan.
"Akin ka, kung akala mo gagawin ko ang sinabi mo sa akin mag-isip ka, that's bullshit, Misha, babaliktarin ko ang mundo at mababaliw ako pero hinding-hindi kita pakakawalan," galit na sabi ni Jacob bago sya nito sinibasib ng halik.
Isang mapagparusang halik.
Pero isang singhap lang ang nagawa ni Misha ng mas palalimin pa ni Jacob ang paghalik sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin at gumanti sa marahas na pag-angkin nito sa mga labi nya.
Kinalimutan na nya ang lahat maliban kay Jacob at sa halik nito.