Episode 7

2108 Words
Habang kumakain ng hapunan si Isaac kasama ang kaniyang mga magulang at kapatid ay tahimik lamang ito kaya naman napapatingin sa kaniya ang kaniyang ama at maging ang kaniyang nakatatandang kapatid. "Bakit ba kanina pa ninyo ako tinititigan ha?" Naiinis na ani nito at sumandal pa sa kaniyang upuan habang salubong ang mga kilay nitong tinitingnan ang mga kaharap niya sa hapag-kainan. "Hindi ka namin tinititigan Isaac." Ani ng kaniyang kapatid at natawa naman ng pagak si Isaac sa isinagot nito sa kaniya. "May bumabagabag ba sa iyo anak?" Napatingin si Isaac sa kaniyang ama at napakamot ito sa kaniyang noo dahil pakiramdam niya ay nasa interrogation room siya. "Wala po!" Tumayo agad ito pag-kasagot niya sa mga ito. "Aakyat na muna po ako sa aking silid dahil pagod ako sa mahabang araw na pagtatrabaho ko." Ani niya sabay talikod na sa mga ito. Sinusundan lamang siya ng tingin ng kaniyang mga magulang hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanilang paningin. "May problema ba ang kapatid mo ha Juliano?" Nagtataka ang kanilang ina sa nagiging kilos ni Isaac. "Mom it's Julian!" Madiin at naiinis na sagot nito na ikinatawa naman ng kaniyang ama. "Fine! May problema ba ang kapatid mo ha Julian?" Pag-uulit na ani ng kaniyang ina at ipinagdiinan pa nito ang kaniyang pangalan na ikinailing niya ng ulo. "I don't know mom, kanina pa iyan ganiyan mula ng umuwi siya kanina." Ani naman nito sa ina n'ya. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ng ina nito at pagkatapos ay tumayo na rin. "Baka in-love na 'yang kapatid mo." Dag-dag niya pang ani bago ito tuluyang lumakad papuntang silid-tanggapan. "Si Isaac mai-in-love? Mom, sa lahat ng sinabi mo ay iyan ang imposible." Natatawa naman si Julian sa isiping maaaring ma-in love si Isaac sa kung sinong babae dahil kilala niya ang kaniyang kapatid na ang lahat para dito ay isang laro lamang. Pagkatapos nilang kumain ay sumunod naman si Julian sa kaniyang ina na nagtungo ng salas at pagkatapos ay pabagsak itong naupo sa malapad na sofa. "Hindi ako sanay makita ang kapatid mo ng ganiyan Julian." Ani nito habang nagbubuklat ito ng magazine. "Isaac is Isaac mom, ngayon may toyo, bukas okay na 'yan." Kinuha ni Julian ang remote ng tv at pagkatapos ay itinaas na nito ang kaniyang paa at binuksan ang tv. Habang nanunuod sila ay siya namang lapit ni Isaac sa mga ito na may dalang laptop kaya mabilis na napalingon ang mga ito dito. "Akala ko ba ay magpapahinga ka na hijo?" Ani ng ina nila. "May tatapusin lang po ako, kailangan ko lang ipakita kay kuya para mabigyan niya ako ng magandang suggestion sa bago kong proyekto." Pagkawika niya ay tumabi na agad ito sa kaniyang kapatid. "Ano ba 'yan? Nagtatakang tanong nito at kinuha na ang laptop na iniabot sa kaniya ni Isaac at tahimik lamang ito na binabasa at pinag-aaralan ang mga ipinakita sa kaniya ng kaniyang kapatid. Pagkatapos nilang pag-usapan ang proyekto ni Isaac ay kani-kaniya na silang nag-akyatan sa kanilang silid at naiwan naman si Isaac na may kausap sa kaniyang telepono. "You talked to Mister. Hemming?" ani nito sa kaniyang kausap. "No. I haven't heard back yet. I don't know what time in Denver Colorado." Ani naman ng kausap nito kaya malakas na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Isaac. "Why didn't you ask me?" Naiinis na ani nito sa kaniyang kausap. "I tried to call you, but you didn't answer my call. I went to your office today, but you weren't there. What am I supposed to do?" Paliwanag naman ng kausap niya kaya naman napasabunot si Isaac sa kaniyang buhok sa sobrang inis. Pagkatapos ng mahaba nilang pag-uusap ay umakyat na rin si Isaac sa kaniyang silid upang magpahinga. Paghiga niya ay siya namang tunog muli ng kaniyang telepono kaya napatingin ito dito. "Napatawag ka bro?" Ani nito sa kabilang linya. "Ano yung galit mo kanina ha?" Ani naman ng kausap niya kaya napakunot naman ito ng kaniyang noo. "What are you talking about?" Isaac said with annoyance. "Bakit ba ganoon na lang ang galit mo sa Tanya na 'yon ha? May pinanggagalingan ba ang galit mo na 'yan?" Ani ng kausap nito na si Gabriel. "I am mad at her for what she had done to Ryven; it almost cost him his life," Isaac answered frustratedly. "You're still not forgiving her?" Gabriel asked with disbelief. "Hell no! She showed no signs of sadness or remorse for the steps she had taken before. No forgiveness!" Isaac said as he shook his head. "Pagod ako bro, bukas na lang tayo mag-usap." Ani ni Isaac at pinatayan na agad nito ng telepono ang kaniyang kaibigan at pagkatapos ay umayos na ito ng pagkakahiga. ❅───✧❅✦❅✧───❅ -Kinabukasan- Tanya's POV Maaga akong nagising kaya napatingin naman ako sa orasan na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa gilid ng aking kama. Mag-aalas singko na ng umaga kaya naman pupungas-pungas ako na bumangon at tinungo ko ang banyo upang gawin ang aking daily routine. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita kong namamaga ang aking mga mata marahil ay sa sobrang pag-iyak ko kagabi na nakatulugan ko na. Pagkatapos kong maligo ay nagpahid ako ng kaunting make-up upang maitago ang mugto kong mga mata at pagkatapos ay tinungo ko naman ang kusina. Binuklat ko agad ang refrigeartor at naglabas ako ng mga iluluto kong agahan para sa amin. Tamang-tama na may tira kaming kanin kagabi kaya naman pwede ko itong isangag ngayon tapos magprito na lang ako ng itlog at tuyo. Pagkatapos kong magluto ay ginising ko naman ang aking kapatid dahil may pasok pa ito at ang aking ina na kailangan ding kumain para makainom naman ng kaniyang gamot. "Ate naman eh! Ang aga-aga pa nang-iistorbo ka na." Naiinis na ani ng aking kapatid habang padabog itong nauupo sa kama at tila ba gusto muling humiga. "Boyet tumayo ka na sinabi o kukuhanin ko ang binigay kong phone sa'yo." Pananakot ko dito ng bigla na lamang ito bumangon at sinibangutan ako at kakamot-kamot ang kaniyang ulo na naglakad papalabas ng kaniyang silid. "Madali ka naman palang kausap." Nakangisi kong ani habang ang kapatid ko naman ay nakanguso na naglalakad. "Maligo ka na at kakain na tayo ng agahan. Bilisan mo!" Dag-dag kong ani dito at padabog naman itong nagtungo ng banyo. Habang nasa harapan kami ng lamesa ni nanay at hinihintay si Boyet ay tinanong ako ng aking ina. "May problema ka ba kagabi anak?" Ani nito sa akin kaya naman napatingin ako dito. "Po?!" Tangi kong sagot. "Nabibingi ka na ba anak? Malinaw naman ang tanong ko sa iyo, may problema ka ba kagabi?" Ani nito sa akin at umiling naman ako. "Wala po, masyado lang po ako napagod kagabi sa trabaho kaya hindi na ako nakapag-hapunan nanay, pasensiya na po." Magalang kong tugon sa aking ina na pinaniwalaan naman nito. Ayokong malaman nila ang tungkol kay Isaac dahil alam kong maaapektuhan ito at baka lumala pa ang kondisyon ng kaniyang puso kaya sasarilinin ko na lamang ang problema ko tungkol kay Isaac. Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay na naming pinagsaluhan ang masarap na agahan at dahil paborito ko ang niluto ko ay naparami ang kinain ko. Umakyat ako sa itaas pagkatapos kong linisin ang lahat ng pinagkainan namin at pagkatapos ay naghanda naman ako sa aking pagpasok sa opisina. "Aalis na po ako nanay at kapag may problema po tawag lang kayo sa akin ha." Bilin ko sa aking ina na tinanguan naman nito at pagkatapos ay nagpunta na ako sa sakayang ng jeepney. Sa harapan na mismo ng Hotel na pag-aari ng mga Wilson ako bumaba at pagkatapos ay nagmamadali akong pumasok sa loob at ayokong tumingin sa bandang kanan dahil ayokong makita si Isaac. Baka kasi mamaya ay nasa restaurant ito ng kapatid niya at makita na naman niya ako. Masyado na akong napapahiya sa mga tao kaya naman pinipilit kong umiwas sa mga ito. "Good morning, Miss. Morales!" Ani sa akin ng nakangiting guard kaya naman nginitian ko din ito at nagmamadali na akong pumapasok sa loob. "Mukha yatang nagmamadali ka?" Ani pa ng guard sa akin kaya naman ngumiti lamang ako dito at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag na hindi kami nagkita ngayon ni Isaac. Hindi ko nga maintindihan kung bakit lagi na lamang nagtatagpo ang aming landas kahit anong pilit na pag-iwas ang gawin ko dito ay lagi pa rin kaming nagkikita. Pakiramdam ko tuloy ay pinaglalaruan na ako ng tadhana dahil sa mga nagawa kong kasalanan. Pagbukas ng elevator ay tinungo ko na agad ang aking cubicle at naupo na agad ako dito. Isang puting rosas ang dinatnan ko na nakapatong sa ibabaw ng aking lamesa kaya naman napatingin ako sa aking paligid ngunit wala namang tao dito. "Kanino ito galing?" Bulong ko sa aking sarili. "Did you like it?" Isang baritonong boses sa aking likuran kaya naman napalingon ako dito. "Jacob, yes I like it pero para saan ito?" Nagtataka kong ani dito. "Isang puting rosas para sa isang babaeng may busilak na puso at malinis na pagkatao." Ani niya kaya naman hindi ko napigilan na mapaluha na agad ko namang pinunasan, ngunit dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilan ang pag-daloy ng aking mga luha. "Oh, bakit ka umiiyak? Hindi ko iyan ibinigay sa'yo para paiyakin ka." Nag-aalalang ani sa akin ni Jacob kaya naman isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Thank you. Masaya lang ako dahil kahit papaano ay may taong naniniwala na malinis akong babae." Nakangiti kong tugon dito kaya naman isang yakap ang ibinigay niya sa akin. "Malinis kang babae Tanya, mabuti ang kalooban mo at busilak ang puso mo, kung nakagawa ka man ng isang pagkakamali ay hindi ito nangangahulugan na isa ka ng masamang babae, may mga tao lang talaga na makikitid ang pag-iisip at tanging galit lamang ang pinapairal katulad ng Isaac na 'yan." Napatingin ako sa mukha ni Jacob dahil sa mga sinabi niya at matamis na ngiti ang iginanti ko dito. "Salamat Jacob, salamat sa inyo na nagtitiwala sa akin, salamat sa kabutihang ipinapakita ninyo sa akin. Balang araw ay makakaganti din ako ng utang na loob sa inyong pamilya." Nakangiti kong ani dito na inikutan lamang ng mata ni Jacob kaya naman nginusuan ko ito. "Sus! Drama mo talaga, kalimutan mo na ang mga pang-iinsulto sa iyo ng ibang tao, basta't alam mo sa sarili mo na mabuti kang tao ay taas noo mo silang harapin. Hayaan mo lang sila dahil isang araw ay naniniwala ako na makakarma din ang mga taong walang alam gawin kung hindi ang saktan ang damdamin ng ibang tao. Huwag mo na silang isipin at baka pumangit ka pa diyan." Napaisip ako sa kaniyang sinabi, tama siya na isang araw ay may karmang darating dahil nangyayari ito ngayon sa akin. Magsasalita pa sana akong muli ng biglang magsalita si Jacob kaya hindi ko na sinundan ang sinabi niya. "Tama na nga iyan, nasaan na ang ipinangako mo sa aking agahan ha?" Ani nito kaya naman inilabas ko na ang paper bag na dala ko at iniabot ko ito sa kaniya ng may ngiti sa aking labi. "Sinamahan ko na rin 'yan ng kamatis na may siling labuyo katulad ng request mo tapos may longganisang bawang din 'yan." Masaya kong ani dito at namilog agad ang kaniyang mga mata at masaya naman niyang kinuha ang iniabot kong paper bag sa kaniya na naglalaman ng pagkain. "Ayos! Sinadya ko talagang hindi kumain sa bahay dahil nangako ka na dadalhan mo ako ng masarap na agahan. Ang sarap nito!" Masaya n'yang ani at pinasalamatan ako at mabilis na itong pumasok ng kaniyang opisina na tuwang-tuwa. Umupo ako sa aking upuan at inamoy-amoy ko ang mabangong puting rosas at pagkatapos ay tumungo ako ng comfort room at nilagyan ko ng tubig ang isang maliit na plastic cup na kinuha ko sa aking table upang paglagyan ko ng bulaklak. Masaya ako dahil kahit papaano ay may naniniwalang malinis akong babae, masaya ako dahil nakilala ko ang mga taong may pagmamalasakit sa akin. Sana isang araw ay marinig ko rin ang mga salitang 'yan na mangagaling kay Isaac, gusto kong isang araw ay mabago ang pagtingin niya sa akin, kung sa paanong paraan ay hindi ko alam. Napapangiti ako habang inaamoy-amoy ko ang bulaklak, sana isang araw ay makatanggap din ako nito na galing naman kay Isaac. Bigla akong napatigil sa pag-iisip ng mapagtanto ko kung ano ang pumapasok sa aking isipan kaya naman mabilis kong ipinilig ang aking ulo at binitawan ang plastic cup na hawak ko na may lamang bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD