Akala yata ni Tanya ay hindi ko siya nakita kanina na nagmamadali sa pagpasok sa loob ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Nagpunta kasi ako sa restaurant ni Kuya Julian dahil may kailangan siyang pirmahang papeles kaya ako na ang nagdala sa restaurant niya dahil hindi ito makakapunta sa aking opisina.
Nasa loob pa ako ng sasakyan ko ng makita ko siyang bumababa ng jeepney, kaya naman hindi na lamang muna ako bumaba ng aking sasakyan at pinagmasdan ko lamang ang halos patakbo na niyang lakad na pumapasok sa loob ng hotel kanina.
Palibhasa ay may kasalanan at guilty kaya ganoon na lamang ang takot niya na makita ko siya.
Are you still with me, Isaac? My brother asked, his brows forming a single crease.
Lately, she has been on my mind a lot, and now that I am at my brother's restaurant and we need to talk about something, I find it difficult to concentrate. Tanya occupies a constant space in my thoughts.
"Yeah! Sorry may naalala lang ako." Ani ko dito kaya naman ipinagpatuloy ni Kuya Julian ang mga sinasabi niya sa akin, ngunit ewan ko ba kung bakit parang hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya sa akin kaya agad akong tumayo na ikinagulat naman niya.
"I have to go kuya, mamaya na lang tayo mag-usap." Agad akong tumayo at mabilis na akong umalis ng kaniyang opisina na ikinagulat ng aking kapatid.
"Isaac, come back here!" Tawag niya sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa at tuloy-tuloy na akong umalis, hindi ko rin naman naiintindihan ang lahat ng mga sinasabi niya dahil okupado ang isip ko ng ibang bagay, kaya walang dahilan para magpanggap akong naiintindihan ko ang mga sinasabi niya at baka lalo lamang siyang mainis sa akin.
Pagkalulan ko sa aking sasakyan ay nakatitig lamang ako sa hotel na pinasukan kanina ni Tanya. Ewan ko kung bakit parang may hinihintay akong lumabas dito kaya naiinis ako sa aking sarili na sinabunutan ang aking buhok.
Ipinilig ko ang aking ulo at natawa na lamang ako ng pagak sa aking sarili at pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking sasakyan, nasisiraan na yata ako ng ulo kaya ako nagkakaganito.
Dinala ako ng sarili ko sa mansion nila Rye kaya naman maging si Rye ay nagulat ng makita niya ako dito ng ganitong oras lalo pa at alam niya na sobrang busy ko ngayon pero heto at nasa bahay nila ako.
"Anong ginagawa mo dito bro? Hindi ba at napakarami mong trabaho ngayon sa opisina mo?" Nagtataka niyang ani sa akin ngunit nagkibit-balikat lamang ako at natawa dahil hindi ko rin alam bakit ako nandirito, sa totoo lang ay hindi ko na talaga naiintindihan pa ang aking sarili, bakit ba naman kasi muling nagpakita pa ang Tanya na 'yan.
"May problema ka ba bro? Alam mong nandirito lang kami para makinig sa iyo." Dagdag na ani pa nito sa akin at umiling naman ako. Iginiya niya ako sa kanilang garden at naupo kami sa loob ng gazebo at mataman niya akong pinagmasdan.
"May gumugulo sa utak mo bro kaya ka nagkakaganyan." Ani niya sa akin ngunit hindi ako kumibo dito at bumuntong-hininga lamang ako at sumandal ako sa mahabang upuan.
"Babae noh?" Tanong niya ng may panunukso kaya naman napatingin ako sa kaniya at kinunutan ko ito agad ng aking noo.
"Kapag may problema babae ba talaga agad ang iniisip mo?" Ani ko dito na ikinatawa naman niya.
"Hindi pa naging lutang ang isang Isaac Howard, unless na lang kung may isa ng babae ang nagpapatibok ng puso mo." Mapanukso nitong ani kaya naman napapailing na lamang ako sa aking kaibigan.
"Baliw ka na talaga bro, kung ano-ano na 'yang mga pinag-sasasabi mo. Wala pang babae ang makakabihag ng puso ko tandaan mo yan." Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan niya na ikinainis ko.
"Asshole!" Naiinis kong ani sa kaniya habang patuloy lamang itong tumatawa, mali yata ang pag-punta ko sa gung-gong na ito. "Masyado ka namang pikon hahaha. Pero seryoso bro, ano ba talaga ang problema mo ha?" Tumatawa niyang ani sa akin habang salubong na ang kilay ko dahil sa inis ko sa kaniya.
"Hindi babae ang problema ko." Asik ko dito pero nakikita ko sa kaniyang mga mata na hindi ito naniniwala sa akin. Kilala nila ako kaya batid kong alam niyang may matindi akong iniisip ngayon.
"Kung hindi babae, e ano?" Tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.
Natatawa na lamang ako sa kaibigan kong ito dahil pinipilit pa rin niya na babae ang problema ko, kahit kailan ay hindi ko magiging problema ang mga babae.
Sila ang naghahabol sa akin at sila ang namomoblema kung paano nila ako mapapaamo.
"Sa office, sa trabaho ang problema ko hindi ang mga babaeng 'yan. Sumasakit na kasi ang ulo ko kay Mister Hemming, kapag ako nainis ay may kalalagyan siya." Ani ko dito.
"Hanggang ngayon ba ay hindi nyo pa rin siya nakakausap ng maayos?" Gulat na ani nito kaya naman napabuntong hininga na ako. "Kapag hindi pa siya nagparamdam this week, iteterminate ko ang kontrata nila." Inis kong ani at tinapik naman niya ako sa balikat ng aking kaibigan.
"You have all the power to do that bro." Nginitian niya ako at napapailing lamang ako, si Mister. Hemming ba talaga ang ipinunta ko dito?
Habang seryoso kaming nag-uusap ay lumapit naman sa amin si Raine at nginitian ako nito.
"Nakahain na sa loob, dito ka na kumain Isaac and I don't take NO for an answer!" Nakataas na kilay na ani sa akin ni Raine kaya naman natawa na ako dahil napaka suplada talaga ng babaeng ito.
"Buti natatagalan mo tong Amazona mong asawa ha Rye? Hindi ba sumasakit ang ulo mo sa asawa mo?" Panunukso ko dito at tumingin naman ako kay Raine na nakasibangot na sa akin kaya natawa akong muli.
"Umayos ka ng isasagot mo diyan sa kaibigan mo kung ayaw mong matulog dito sa gazebo." Agad na ani ni Raine na ikinatawa ko ng malakas.
"Isaac tumahimik ka na nga! Pati ako nadadamay sa iyo sira-ulo ka talaga." Naiinis na ani ni Rye at kitang-kita ko ang pagkapikon niya kaya malakas na tawa lamang ang isinagot ko dito.
Sumunod na ako sa kanila sa loob ng kanilang komedor at masaya na naming pinagsasaluhan ang masaganang tanghalian na nakahain sa mahabang lamesa nila.
"Ikaw ba lahat ang nagluto nito Raine?" Mangha kong ani ko dito.
"Nagustuhan mo ba? Marami pa diyan at kung gusto mo ay ipagbabalot pa kita para may maiuwi ka." Ani naman niya sa akin.
Napakaswerte naman ni Rye at nakatagpo ng babaeng napakasarap magluto at mapagmahal, kung sabagay, kaya nga sila nagkatagpo ay dahil marunong magluto si Raine kaya pumasok ito sa kaniyang restaurant nuon.
"Mag-asawa ka na kasi para naman may taga-luto ka na ng pagkain mo, hindi ka ba nasasawa sa kakakain sa labas o kaya order dito order duon?" Pang-aasar sa akin ni Rye.
"Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatibok nito." Wika ko naman sabay turo ng puso ko, hindi pa nga ba? Ipinilig ko ang aking ulo ng bahagya dahil sa kung ano-anong pumapasok na tanong ng sarili kong isipan.
"Baka naman pare tulak ng bibig kabig ng dibdib 'yang mga sinasabi mo na 'yan ha." Ani ni Rye na ikinataas naman ng aking kilay. Ano ba pinag-sasasabi ng sira ulo kong kaibigan na ito. Nagka-asawa lang akala mo ay marami ng alam.
"Bro, hindi ko pag-aaksayan ng oras alamin kung kanino titibok ang puso ko dahil para sa akin sapat na ang isang gabi sa piling nila at pagkatapos ay iba naman sa susunod na araw. Mas masarap at mas masaya na iba-iba ang katabi sa kama kesa mag-stay ako sa iisang putahe." Pagkasabi ko ng aking mga sinambit ay isang kutsara ang tumama sa dibdib ko kaya naman napatingin ako sa bumato nito sa akin.
"Bro, itali mo nga iyang asawa mo sa basement ninyo at masyadong Amazona ang pag-uugali." Ani ko at malakas na tawa naman ang isinagot sa akin ni Rye.
"Hoy Isaac! Respetuhin mo kaming mga babae, kapag nahanap mo na ang babaeng katapat mo, baka umiyak ka ng bato kapag hindi niya sinuklian ang pagmamahal mo at iwanan ka lang. Karma is a b***h tandaan mo 'yan!" Naiinis na ani sa akin ni Raine kaya napakamot na ako ng aking ulo.
Tumawa ako ng mahina at napapailing na lamang dahil napikon ko ang asawa ni Rye.
Buti na lamang at tulog ang mga anak nila at nasa silid lang ang mga ito kaya hindi nila maririnig ang ina nila na nagsasalita ng bad words.
"Walang babae ang magpapaiyak sa isang Isaac Howard, wala akong balak magpakatali sa iisang babae at lalong wala sa bokabularyo ko ang salitang kasal kaya imposible 'yang mga sinasabi mo, lalo na ang umiyak ako dahil lamang sa isang babae. Huh!" Ani ko dito at inungusan nya lamang ako ng kaniyang nguso at pagkatapos ay inirapan naman ako.
"Tama na nga yan! Baka mamaya ay magkapikunan pa kayong dalawa at mauwi pa kayo niyan sa away." Awat sa amin ni Rye.
Hindi naman kasi ako nakikipagtalo kay Raine, masyado lang siyang defensive dahil babae siya.
Pero natatawa lang ako, walang sino mang babae ang pwedeng magpaiyak sa akin.
Itinaas ko ang dalawa kong kamay upang iparating sa kanila na surrender na ako at hindi na ako makikipagtalo pa sa asawa niya at mukha namang hindi ako mananalo dito. Tawa lamang ang sinagot sa akin ni Rye at pagkatapos ay ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain sa masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa.
Ang swerte talaga ni Rye na nakatagpo siya ng mapagmahal na asawa at higit sa lahat ay masarap magluto. Si Tanya kaya masarap ding magluto? Bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata sa isiping iyon.
"What the hell?" Ani ko na ikinagulat ng mag-asawa na nasa aking harapan.
"What is it bro?" Gulat na ani sa akin ni Rye habang titig na titig sa aking mukha.
"Wa-Wala." I stuttered and looked away.
"Ah babae!" Ani naman ni Raine kaya napakunot ang noo ko.
"May naalala lang ako!" Ani ko na hindi tumitingin sa kanila at pinagpatuloy ko na ang pagsubo ng pagkain. Bakit ko ba naisip bigla ang babaeng 'yon?
Hindi dapat binibigyan ng panahon ang mga babaeng katulad niya.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami ni Rye sa gazebo na nasa hardin nila at umiinom naman kami ng wine.
"Kailangan kong pumunta ng opisina ngayon para kuhanin ang dokumento na kailangan pa ni kuya." Ani ko dito at sinaid ko na ang natitira pang alak sa hawak kong kopita.
"Ako din kailangan kong pumunta ng opisina dahil darating 'yung ka meeting ko ng alas tres." Ani naman nito kaya naman inubos na din niya ang laman ng kopita at pagkatapos ay nagpaalam na din ako sa kanilang mag-asawa, natuwa naman ako dahil ipinagbalot nga ako ni Raine ng mga pagkaing niluto niya kahit na naiinis ito sa akin kanina.
Agad din akong umalis ng kanilang mansion at tumuloy muna ako sa aking condo upang iuwi ang mga pagkaing ibinigay sa akin ni Raine.
Hindi rin nagtagal ay tinatalunton ko na ang daan patungo ng aking building ng may pagmamadali at baka kapag na-late pa ako ay sugurin na ako ng aking kapatid.
Pagkapasok ko sa loob ng aking opisina ay inabutan ko naman na nakaupo sa sofa si Hanz.
"Anong ginagawa mo dito?" Ani ko dito na may pagtataka sa aking mukha.
"Kanina pa ako pabalik-balik dito sa opisina mo. Saan ka ba galing?" Wika naman niya sa akin kaya naman naupo ako sa kaniyang tabi at nakakunot-noo ko siyang tinignan.
"Bro, kailangan ko 'yung mga dokumentong binigay ko sa iyo nuong isang araw." Wika nito saka ko pa lamang naalala na kailangan ko nga pa lang pirmahan ang mga iyon at hindi pa ako tapos na basahin ang lahat ng dokumento.
"s**t!" Malakas kong ani at agad akong tumayo at umupo sa aking swivel chair at si Hanz naman ay napapailing naman.
Nagiging pabaya yata ako nitong mga nagdaang mga araw, ano ba talaga nangyayari sa akin at maging ang trabaho ko ay mukhang naaapektuhan na.