bc

The Arrogant Isaac Miguel Howard

book_age18+
11.2K
FOLLOW
56.8K
READ
billionaire
arrogant
dominant
badboy
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Isaac Miguel Howard 25 years old, isang seryoso at aroganteng bilyonaryo. Mailap s'ya sa mga babae at hindi basta-basta nagtitiwala sa mga ito.

Dahil sa isang aksidente na nangyari sa kaniyang kaibigan ay makikilala n'ya ang simpleng babae na lumaki sa hirap na si Tanya Morales, ang babaeng gagawin ang lahat dahil sa pagmamahal para sa kaniyang kaibigan na si Ryven James Vance.

Dahil sa isang pangyayari na muntik ng ikamatay ni Ryven ay tanging galit at pagkamuhi na lamang ang nararamdaman n'ya para kay Tanya.

Hanggang saan aabot ang galit ni Isaac sa babaeng minsan ng nagpatibok ng kaniyang puso?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Mabilis na tinakbo ng aming mga sasakyan ang papuntang Calatagan Batangas upang simulan ang pagkalap ng impormasyon sa tunay na nangyari kay Rye. Hindi namin pinapaniwalaan na ang ipinagluluksa nila ay ang kaibigan namin na labis na nagmamahal kay Raine. Alam naming hindi basta-basta mag-gigive up na lamang ng ganoon kabilis si Rye. Lumipas ang apat na buwan ng biglang lumitaw sa harapan namin si Rye upang ipabatid na buhay na buhay sya. Habang kinakausap nya ang matandang si Mang Ben ay may isang babaeng humahangos na tumatawag sa pangalang Carlo. Agad akong napatingin dito at sinipat-sipat ang kanyang kabuuan. Simpleng babae lamang ito ngunit may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag sa aking sarili. Mahaba at itim na itim n'yang unat na buhok na bumagay sa kanyang mukha. Kayumangging kulay, hindi katangusang ilong pero hindi rin naman pango, let's say na maliit lang ang ilong n'ya. May katangkaran din ito na hindi pahuhuli sa mga nagtataasang modelo at kahit kayumanggi ay tunay namang makinis ang balat nito at sa hubog ng katawan ay hindi pahuhuli. Kung baga ay kulang lang sa alaga pero kapag maaalagaan ito ay masasabi kong napaka ganda nyang babae. Napansin ko ang malungkot n'yang mga mata na nakatitig kay Rye, sa aking nakikita ay tila ba nahihinuha ko na kung sino ang babaeng ito sa buhay ni Rye. Habang nagtatagal at sa mga nakikita namin ay alam na namin na matindi ang pagmamahal nito kay Rye. Ngunit sa tingin namin ay kaibigan lamang ang nararamdaman ni Rye para dito at dahil wala syang naaalala at bago ang lahat para sa kanya ay nililito siya ng kanyang utak, pero nakakasiguro ako na ang puso nya ay iisang tao lamang ang nilalaman nito. Tanging si Raine lamang, kailangan n'ya lang muling maramdaman ang pag-ibig na natutulog sa kaniyang puso dahil sa kaniyang isip na nakalimot. Nagtatrabaho ngayon sa coffe shop ko si Tanya bilang isang waitress matapos syang palayasin ni Rye sa kanyang restaurant dahil sa kanyang ginawang pang aakit dito. Tinawagan ako ni Rye ng araw na iyon upang ipabatid sa akin na palalayasin na nya si Tanya. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Naghubad lang naman s'ya sa aking harapan upang akitin ako." May galit sa boses nyang sambit. Nakaramdam ako ng galit dahil sa tinuran ni Rye sa akin, kaya napamura ako sa sobrang pag-kainis na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. "Okay bro, ako ng bahala sa kanya, susunduin ko s'ya at sa Migz Cafe ko s'ya ipapasok kung talagang kailangan n'ya ng pera para sa kanyang ina." Sambit ko at agad ay tinapos ko na ang aming pag-uusap. Napasandal ako sa aking swivel chair at tumingala. Bakit naaapektuhan ako ng ganito ni Tanya samantalang hindi ko naman siya nakasama ng matagal, hindi rin naman kami nag-uusap ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman? Nuon ay hindi ako halos bumibisita sa aking Coffee shop, minsan lamang ako mapasyal sa Migz Cafe dahil sa dami rin ng mga inaasikaso kong mga business. Madalas nga ay ipinapasa ko na lamang ito sa nakatatanda kong kapatid na si kuya Julian. Kaya nga madalas ay napagtatalunan pa namin ang tungkol dito. Kinausap n'ya din ako nuon na kung hindi ko maaasikaso ang cafe ay ipasara ko na lamang ito o ipamahala sa mga pinsan namin ngunit ayoko namang bitawan ito kaya nga hanggang ngayon ay bukas pa ito. Simula ng araw na mapunta sa cafe ko si Tanya upang magtrabaho ay halos araw-araw ay napapadaan ako dito sa hindi ko malamang kadahilanan. Kahit ang aking mga tauhan ay nagugulat na bigla na lamang akong sumusulpot dito, at madalas pa nga ay maghapon ako dito kung hindi naman ako busy sa iba naming negosyo. "Good morning po sir." Bati sa akin ni Tanya habang nakayuko at hindi makatingin sa akin habang naglalakad ako papasok sa aking opisina. Napatitig ako saglit sa kanya at agad ding dumiretso sa aking paglalakad ngunit pagkalampas ko sa kanya ay may sumilay na ngiti sa aking labi na hindi ko naman maintindihan. Ano ba nangyayari sa akin? Nagmumukha na akong tanga sa aking ginagawa, alam ko namang ilag sa akin si Tanya dahil madalas ko s'yang ipahiya, ngunit ginagawa ko lamang yon upang makuha ang kanyang atensyon. But this is me, the arrogant boss at wala akong magagawa don at wala ng makapag papabago pa sa kung ano man ang ugali ko. Halos araw-araw ay dumadaan ako sa coffee shop na usually ay hindi ko ginagawa, dahil sa totoo lang ay naboboringan ako dito ngunit sa pagkakataong ito I found myself entering my coffee shop again ng may saya sa aking puso na hindi ko maintindihan. Pumapasok na ako ng Coffee shop ng makasalubong ko si Tanya na nag-seserve sa customer. Huminto ako sa kaniyang harapan at tinignan lamang s'ya habang siya naman ay tila ba nangangatog sa takot at hindi makatingin sa akin. "Tanya bring me a black coffee to my office." Maawtoridad kong utos sa kanya upang kuhanin ang kaniyang atensyon, napatingin siya sa akin at mabilis na tumugon. "Yes sir!" Wika n'ya at tinalikuran ko na s'ya at naglakad na ako papasok ng aking opisina. Ilang minuto lamang ang lumipas at katok sa pinto ang pumukaw sa akin habang kausap ko si Hanz sa telepono. "Come in!" I said as I looked straight at the door. Pagbukas ng pinto ay mukha ni Tanya na parang nalilito ang bumungad sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa aking table at ibinaba ang kape sa ibabaw nito. "Si-Sir coffee nyo po." Nauutal n'yang wika habang nakatungo lamang ang kanyang ulo at hindi tumitingin sa akin kaya nakaramdam ako ng matinding pagkainis sa kaniya. Tang-ina pangit ba ako at hindi n'ya ako magawang tignan? "Okay bro, thanks and magkita na lang tayo sa G.A.V bar mamaya, tatawagan ko na lang si Rye para sa lakad natin." Wika ko na kay Tanya pa rin ako nakatitig bago ko pinindot ang end call. Agad akong tumingin sa aking telepono at hinanap ko ang numero ni Rye upang tawagan ito. Ilang ring lamang ay agad din n'ya itong sinagot. Hello, napatawag ka bro?" Bati n'ya agad sa kabilang linya. "Nasaan ka?" Tanong ko sa nasa kabilang linya. "Driving, pauwi pa lang. Why?" Wika naman n'ya sa akin at kahit hindi ko s'ya nakikita ay batid kong nakataas na naman ang dalawang kilay n'ya. "Sige magkita na lang tayo sa bahay mo, may pag-uusapan tayo dyan." Turan ko sa kanya at tinapos ko na agad ang aming pag-uusap. Napalingon ako sa babaeng nakatayo pa rin sa aking harapan at nakatungo lamang na tila ba nakikinig sa aming pag-uusap kaya nakaramdam na naman ako ng pagkainis sa kaniya dahil hindi naman lingid sa aming magkakaibigan kung ano ang nararamdaman n'ya kay Rye at ngayon nga ay tila ba nakikinig ito sa aming pinag-uusapan. "Are you listening to my conversation with my friend?" I asked as my brows furrowed into one. "Hi-Hindi po sir, inaantay ko lang po na baka may ipag-uutos pa po kayo sa akin kaya hindi pa po ako umaalis dito." Wika n'ya na hindi pa rin tumitingin sa akin kaya napailing na lamang ako. Pagtingin ko sa kape ay kumunot ang aking noo at agad ay nakaramdam ako ng pagkairita sa kanya. "What the hell is this?" Asik ko sa kanya dahil napakasimple lang naman ng iniutos ko ay hindi n'ya pa ito nagawa ng tama. "S-Sir kape n'yo po." Nanginginig na boses n'yang wika na ngayon ay nakatingin na sa akin. "I said "black coffee," do you think this is what I meant? Miss Morales, how stupid can you be?" I yelled angrily. Sa inis ko ay tinabig ko ang mainit na kape na ikinatili n'ya. Hindi ko na inalintana kung nasaktan ba s'ya basta ang nararamdam ko lamang sa ngayon ay pagkainis. "Leave, you foolish woman!" Bulyaw ko sa kanya at agad na tumakbo s'yang papalabas na umiiyak, ngunit agad kong tinawag ang kanyang pangalan. "Tanya." Malakas kong sigaw sa kanyang pangalan. "Si-Sir?" Nanginginig n'yang ani at mabilis na lumapit sa akin. "Clean up this stupid mess!" Utos ko sa kanya habang nakatitig ako sa mukha n'yang punong-puno na ng luha. Sa sobrang inis ko ay padabog akong tumayo at iniwan s'ya habang nililinis n'ya ang tinabig kong cup of coffee. You can't follow a basic command, that is God damn aggravating. I muttered as I walked out of my office. "Guard kapag may naghanap sa akin dito sabihin n'yo don't bother me!" Galit kong sigaw at tuluyan na akong lumabas ng aking coffee shop. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit nagagalit ako kanina kay Tanya, nainis kasi ako na tila ba nakikinig s'ya habang kausap ko si Rye sa phone. Habang binabaybay ko ang papunta sa mansion ng mga Vance ay hindi mawala ang nararamdaman kong galit, hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganoon na lamang kung tratuhin ko si Tanya, kung tutuusin nga ay wala naman itong ginawang masama sa akin at ako pa mismo ang nagpasok sa kanya sa aking coffee shop. Hindi ko na talaga maintindihan pa ang aking sarili. Nakarating ako sa mansion ni Rye ngunit wala pa ito kaya't naghintay na lamang ako sa labas ng aking sasakyan. Ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating din ito at nakakunot ang noo niya akong nilapitan. "May problema ba?" May pag-aalala nyang tanong sa akin. "Aayain sana kitang uminom sa bar sa mamayang gabi," wika ko naman sa kanya ng nakangisi. "Babae?" Pangungulit nyang tanong ngunit binale wala ko lamang ito at napapailing lamang ako. "So babae nga?" Wika nyang parang nakakasigurado siya kaya tinawanan ko lamang sya ng pagak. "Tss kelan ko pa prinoblema ang mga babae?" Wika ko sa kanya na ikinatawa naman nya. Kelan nga ba? Last time I checked mga babae ang namomoblema sa akin. Wala nga akong panahong pag aksayahan sila ng oras, problemahin ko pa kaya. "Nakabuntis ka?" muli nyang tanong na ikinatawa ko na. Dàmn, minsan talaga itong kaibigan ko na ito eh comedy. "Tang-ina wala pa akong pupunlaan ng sìmilya ko, maglaway sila ngunit hinding-hindi nila ako mapapa amo. Ang buntisin pa kaya sila?" Seryoso kong ani sa kanya at napangisi naman siya. "So, ano ba talaga ang problema mo ha? Hindi ka naman basta-basta nag-aaya ng inuman kung wala kang problema. Kilalang-kilala kita Isaac kaya hindi mo ako maloloko." Pangungulit na naman nya. Gusto ko lang uminom problema na agad ang nasa utak nila? Kinagabihan ay nasa bar na kami at masaya kaming nag-iinuman, hindi na namin mabilang ang empty bottles na nasa aming lamesa. Halos bumagsak na ako sa aking pagkakaupo kaya agad na niyukyok ko na lamang ang aking ulo sa lamesa at hindi ko na napansin na sa sobrang kalasingan ay nakatulog na pala ako. Malakas na pagyugyug sa aking balikat ang gumising sa akin kaya napaangat ako ng aking ulo at pilit kong kinikilala ang taong pilit na gumigising sa akin. Nagulat ako ng makita kong si Raine ito at hinahanap si Rye ngunit kahit ako ay hindi ko alam kung nasaan siya, kaya agad na nilapitan ko ang bar tender upang tanungin ito at nabigla ako ng malaman ko na kumuha si Rye ng private room at may kasama itong babae. Hindi minsan man ginawa ni Rye ang magkama ng ibang babae mula ng maging sila ni Raine, masyado itong faithful kay Raine kaya gulat na gulat talaga ako ng marinig ko ang sinabi ng bar tender sa akin. Agad akong napatingin kay Raine ng may pag-aalala. Sinabihan ko siya na huwag ng sumunod ngunit matigas talaga ang kanyang ulo kaya hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na pala sya ng binuksan ko ang pintuan ng isa sa mga private room ng vip floor. Para akong itinulos na kandila ng pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang dalawang tao na kaylaman ay hindi ko akalaing makikita kong magkatabi. Nagngangalit ang aking bagang at nagkuyom ang aking mga kamao ng makita ko si Rye na natutulog at walang saplot habang nakayakap naman sa kanya ang wala ding saplot na si Tanya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng mga oras na yon. Para akong nagliliyab sa galit na ano mang oras ay maaaring sumabog na lamang. Sigurado akong may kinalaman dito si Tanya at alam kong hindi ito gagawin ni Rye kung nasa matino itong pag-iisip. Halos mawalan ng ulirat ang babaeng nasa aking tabi, matinding awa ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon para kay Raine, habang galit at pagkamuhi naman ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yon para kay Tanya. Dahil sa ginawa ni Tanya at sa pagkaka aksidente ni Rye na nauwi sa comatose ay halos mapatay ko na sa galit si Tanya ng makita ko sya sa aking coffee shop na nagtatrabaho na tila ba walang anumang nangyari kagabi. "TANYA!" Malakas kong sigaw na ikinalingon ng lahat sa akin. Mabibilis ang aking mga hakbang na nilapitan ko si Tanya na takot na takot ang anyo sa akin. "S-Sir?" Tangi nyang sambit at halos mautal pa dahil sa sobrang takot na alam kong nararamdaman nya. Napatingin siya sa kanyang paligid at batid kong nag-aalala siya sa maaaring mangyari at maririnig ng mga taong ngayon ay nakatunghay na sa amin. "Ang kapal din naman ng pagmumukha mong pumasok pa sa pag-aari ko Tanya? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Pagkatapos ng ginawa mo kay Rye ay may mukha ka pang ihaharap sa akin? Isa ka lamang mababang uri ng babae Tanya, at ang dapat sa iyo ay itinataboy, isinusuka at itinatapon." Galit na galit kong ani at pagkatapos ay isang malakas sampal ang ipinadapo ko sa kanyang mukha na halos ikatalsik na n'ya. Malalakas na sigawan ang mariring sa mga taong nasa loob ng cafe, matinding gulat at pagkalito ang mababanaag mo sa kanilang mga mata habang pinapanuod lamang ang mga nangyayari. May mga ilang nagtangkang tulungan si Tanya lalo na ang kaniyang kaibigan ngunit dahil na rin sa takot nila sa akin ay hindi nila magawang lapitan ito. "Si-Sir, magpapaliwanag po ako." Nanginginig nyang ani habang hawak-hawak nya ang pisnging sinampal ko at bakas sa kanyang mukha ang matinding takot. "What a w***e! I don't want to see your face again, so get the hell out of my building!" Malakas kong sigaw sa kanya at lahat ng tao maging mga empleyado at customers ay nakatingin na sa amin at nagbubulungan. "Sir parang-awa n'yo na po kailangan ko ang trabahong ito, may sakit po ang nanay ko maawa na po kayo sa akin." Umiiyak n'yang ani habang nakaluhod sa aking harapan at hawak-hawak ako sa aking mga binti. "You are a disgusting woman, take your filthy hands off of me! You caused Rye's accident, which left him in a coma!" Galit na galit kong bulyaw sa kanya at ipinisik ko pa ang aking mga paa upang mabitawan nya ako. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa babaeng ito kapag hindi pa sya umalis sa aking harapan. Gulat at takot ang nababanaag ko sa mga mata ni Tanya matapos kong sambitin ang nangyari kay Rye. Malalakas na pag singhap at bulungan ang maririnig sa loob ng coffee shop ko ngunit wala akong pakialam. "Sir tulungan nyo po ako, hihingi po ako ng tawad sa kanyang mga magulang at kay Raine, hindi ko po sinasadya, nagawa ko lamang po iyon sa sobrang pagmamahal ko kay Rye. Bigyan nyo po ako ng pagkakataong ituwid ang aking mga pagkakamali parang awa nyo na po. Mahal na mahal ko po sya at nabulag lamang po ako sa pagmamahal na 'yon at natakot na mawawala na sya sa akin ng tuluyan." Wika nya at dahil sa narinig ko ay agad ko syang hinablot patayo at kinaladkad ko s'ya papalabas ng aking building. "Get the hell out of my building! I don't want to see your face again. You don't deserve our forgiveness!" Galit na galit kong bulyaw at malakas ko syang itinulak palabas ng pinto ng aking building dahilan upang sumadsad s'ya sa sahig. "LEAVE!" I yelled furiously. Patalikod na lamang ako ng bigla akong huminto dahil nagsalita sya habang humahagulgol at nakayuko sa sahig kung saan ay nakasalampak sya. "Sir nakagawa man po ako ng kasalanan ngunit hindi po ako maruming babae, huwag nyo naman po akong husgahan na akala ninyo ay kilalang-kilala ninyo ang pagkatao ko. Nagkamali man po ako ay wala pa rin po kayong karapatang yurakan ang pagkatao ko. Nagmahal lamang po ako ng labis sa isang tao na iba ang itinitibok ng puso, ang pagkakamali ko lamang ay naging makasarili ako at nakagawa ng mali dahil na rin sa labis na pagmamahal. Hindi po ako slut tulad ng tinatawag n'yo sa akin, hindi po ako kaladkaring babae. Mahirap man kami ay hindi po ako mababang uri ng babae. Hindi po ako masamang tao. Nagkataon lang na nagmahal ako ng labis sa isang lalake na iba ang itinitibok ng puso kaya ko nagawa ang mga bagay na 'yon. Ngunit alam ng diyos na pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko." Humahagulgol nyang ani na para bang kami pa ang may kasalanan sa nangyari. "Ayoko ng makikita pa ang pagmumukha mo dito Tanya at baka kung ano pa ang ang magawa ko sa iyo." Galit na galit kong asik sa kaniya. Walang kapatawaran ang ginawa nya sa aking kaibigan. Sinira nya ang pamilya ni Rye na tahimik na namumuhay. Pagkatapos ngayon ay tila ba kami pa ang may kasalanan ng lahat? Tang-ina lang talaga. Muli ay hinakbang ko ang aking mga paa at mabilis na tinungo ang aking opisina at pabalagbag ko itong isinara. Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking opisina ay pinagbabato ko ang lahat ng aking mahawakan. Hindi ko alam ngayon sa aking sarili kung bakit ganitong galit ang aking nararamdaman. Bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako sa mga ginawa ko kay Tanya? Mali ito, ang katulad n'ya ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Wala s'yang kwentang babae, desperada s'ya at wala s'yang pakialam kahit na may mga bata s'yang masaktan makuha lamang ang kanyang kagustuhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook